Lunes ngayon kaya umpisa nanaman ng pagtatrabaho ko bilang Executive sa isang pinaka sikat na Companya sa balat ni satanas, de biro lang. Maganda naman ang pagtatrabaho ko dito, marami akong kaibigan at talaga namang mababait sila sakin.
Pagkapasok ko palang ng office ay naririnig ko na ang bulungan ng mga kasamahan ko sa trabaho. Nagiging bubuyog nanaman sila. Hindi naman mukhang beehive yung office namin ha?
"Excited na akong makita uli si Mr. Montero," masayang sabi ng isang babaeng maiksi ang buhok.
"For sure POGI parin si fafa Montero!" Kinikilig na sabi nang isang kasama nila na kinulang sa tela.
"Excited na rin ako, pero sana nagbago na siya." Sabi naman ng isa na puno ng kolorete ang mukha; pero sa paraan ng pagkakasabi niya sa huling tinuran niya ay parang malungkot siya o takot?
AYST! Bakit ko ba sila pino-problema, at sino ba yang MR. MONTERO na yan? Parang ngayon ko palang narinig ang pangalan na yon. Hindi kaya siya ang may ari nitong Dillera Corp.? Pero imposible... Montero siya at Dillera ang pangalan nitong Corp. Oum imposib—
"ARE YOU DAMN BLIND?!" Napasapo naman ako sa noo ko ng tumama ako sa... saan nga ba ako tumama? Inangat ko naman ang ulo ko at isang lalaking magkasalubong ang kilay ang nakatayo sa harapan ko. Napa atras naman ako dahil nakakatakot ang mukha niya, I mean... hindi naman ganon nakakatakot, kasi gwapo naman siya, matangkad, malaki ang katawan dahil sa muscles niya, yung buhok niyang malinis na nakaintak sa likod ng ulo niya, at ang mata niyang kulay
D-DILAW?!
"You're not only blind, you are also a deaf." May mga tumawa naman sa likod niya, ngayon ko lang napansin na may mga kasama pala siya. Mga naka business attire din sila katulad ng lalaking nasa harapan ko ngayon, pero bakit mas magandang tignan sa kaniya?
"Wait a minute, you're the woman at the airport," Nakataas kilay nitong sabi, h-ha? Nagkita na ba kami? At kailan pa 'ko pumuntang airport aber?
"Excuse me Sir, but you seem to be mistaken, we haven't met yet." Sabi ko. Hindi naman siya nagpatalo.
"You are the woman who shouted 'MAHAL' while running towards me, hugged me and said we are in a dream and I am your imaginary boyfriend." Bumalik naman sa isipan ko ang eksenang yon sa airport. Napatingin ako sa lalaking kaharap ko at ngayon ko lang napagtanto na...
"IKAW?!" Hindi ko mapigilang mapasigaw dahil sa gulat. Agad ko namang tinakpan ang bunganga ko. S-siya yung lalaki sa airport. Naalala ko rin yung sinabi ni Maya sakin.
"Pero seryoso, pano kung magkita kayo uli nung lalaki na nilandi mo kanina tapos sabihin niyang kasal na pala siya tapos ipakulong ka nung asawa niya, HALA KAAA MABUBULOK KA SA BILANGGUAN!"
HINDIIIIII.
Umalis na ako kaagad sa harapan niya dahil naririnig ko na ang bubuyog sa paligid. Ayaw ko pa namang nagiging center of attraction. Buti nalang at wala na akong narinig na bulungan pag dating ko sa 11th floor kung saan ang office namin.
Sinalubong naman ako ng mga mapang-asar na ngiti ng mga kaibigan ko.
"Anong meron sa mga ngiting yan?" Lumapit naman sakin si Dan, isa sa mga co-workers ko at the same time kaibigan na rin.
"Well Meriiiii, alam mo namang BESTFRIENDS mo kamiiii, pero bakit naglilihim ka samin?" Mahinahon nitong sabi habang hinihimas yung buhok ko. A-ang creepyyyyyy. Tinabig ko naman ang kamay niya, alam ko naman kung anong gusto niyang malaman eh, I mean sila.
"Pwede ba tigilan niyo 'ko? Atsaka fake news yang mga naririnig niyo as if namang gagawin kong yakapin yung Mr. Montero na yun." Wala naman akong naririnig na ingay kaya dumilat ako, nakapikit kasi ako habang sinasabi yun sa kanila. Alam ko naman irereact nila kaso parang mali yata ako ng iniisip.
Nakanganga silang lahat habang nakatingin sakin. Yung iba natatawa, yung iba naman kinikilig? AY EWAN KO BA!
Nag umpisa naman ang bulong bulungan sa paligid, lahat sila ay nakatingin sa pinto ng elevator. Habang palapit ang isang lalaking magkasalubong ang mga kilay. Ba-BAKIT SIYA NANDITO?!
Lahat naman sila'y tumayo para I greet ang mga bagong dating na naka business attire. SIYA NANAMAN?! Inilibot naman niya ang tingin niya hanggang sa dumapo ito sakin. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, parang gusto ko nalang biglang magpakain sa lupa. Nakangisi ito na parang gusto akong kainin ng buhay.
Nag-iwas na lamang ako ng tingin. It means, magiging katrabaho ko siya dito sa floor namin. Araw araw ko na siyang makikita. A-ARAW ARAW?!
ARRRRGHHHHHHHH!
F A S T F O R W A R D...
Lunch time na kaya nag aayos na ako ng mga gamit ko. Buti nalang at hindi ako na i-storbo nung lalaking yun, pero SILANG LAHAT sila yung storbo sa pag ta-trabaho ko dahil sa bulong bulungan nila. Kesyo niyakap ko daw yung CEO namin, kesyo ang landi ko daw, kesyo kesyo kesyo ARGHHH! Kung hindi lang masama ang mang salvage ng tao, matagal ko ng sinako at tinapon sa basurahan ang mga ka co-workers ko maliban sa mga kaibigan ko dahil kahit isa sila sa mga nakiki bulong ay mahal ko parin sila PERO KAHIT NA PARA SILANG MGA BUBUYOG!
"MERI!" Tawag sakin ng isa sa mga kasamahan ko, "pinapabigay ni Mr. Montero." May iniabot naman siyang folder sakin. Inopen ko iyon at---
"WHAT?!" Nagulat naman silang lahat sa pagsigaw ko. Naiyukom ko ng wala sa oras ang kamay ko. Hindi maaari to.
Pumunta ako kaagad sa office nung Montero na yon, walang alinlangang sinipa ko ang pintuan ng office niya.
\*BAAAAGGG (tunog nung pinto)
Pagkapasok ko ay busy siya sa pakikipag landian sa secretary niya yata. Ito namang babaeng mukhang pugad ng ibon ay kung makakapit sa batok nitong Montero na to ay akala mo mahuhulog sa bangin. Wala akong pake kung CEO pa siya ng pinagtatrabahuhan ko, basta hindi ako papayag na gawin niya sakin to. Nang dahil ba sa nagawa ko sa airport? Napaka babaw naman ng dahilan niya. AY BASTA DI AKO PAPAYAG!
"Ms. Bautista, don't you even know how to knock before entering?" Naka busangot na sabi nito, yung babae naman ay natatawa. Anong nakakatawa sa sinabi ng Dinosaur na to? Sinamaan ko naman siya ng tingin, wala akong pakealam kung sinong nasa paligid namin. 'Di rin naman kasali yung mukhang pugad na to sa pag uusap namin kaya bakit hindi nalang niya paalisin?
Mukhang nakuha naman niya ang gusto ko, sinenyasan niya yung babae na lumabas. Masama naman ang loob nung babae, hindi sa kaniya kundi sakin dahil ansama ng tingin nito sakin. Syempre hindi ako nagpatalo sinamaan ko rin siya ng tingin. Psh.
Nang tuluyan ng nakalabas si pugad ay agad kong hinarap itong Dinosaur na naka upo sa swivel chair. Itinapon ko naman sa pagmumukha niya yung brown envelope na pinabigay niya.
"What's wrong with you woman?" Inis na sabi nito, serves you right.
"Ako dapat nagtatanong niyan sayo lalake, ANONG PROBLEMA MO SAKIN AT GUSTO MO AKONG TANGGALIN SA TRABAHO KO?!" HAAAAIST! NAKAKAGIGIL! Hindi naman ako nakakita ng kahit anong reaction sa mukha niya maliban sa... ngisi? AT NAGAWA PA TALAGA NIYANG NGUMISI?!
"Well Ms. Bautista, It's not my---" hindi na niya natapos ang sasabihin ng pigilan ko siya. Tinaasan naman niya ako ng kilay.
"For your information MR. WHO EVER YOU ARE—" naputol rin ang sasabihin ko ng sumingit siyang magsalita.
"Jin... Jin Russel Montero." Pagtatama nito sakin. ABA! At talagang may gana pa siyang magpakilala? Wala akong pake sa pangalan mo DINO!
"Hindi ko matatanggap yang ginawa mo, I will get a lawyer." Hindi naman maipinta ang itchura niya, parang natatawa siya na natatae.
"PFFT.. HAHAHAHAHAHAHAHAHA" Bumigay naman ang mga balikat ko. May nakakatawa ba sa sinabi ko?
"You're so funny Ms. Bautista." Nababaliw na ba siya? Hindi ako makapaniwalang sobrang babaw ng kaligayan ng isang tulad niya. AS IN?
Unti unti naman na siyang tumitigil sa pagtawa, siguro naman magseseryoso na siya ngayon? Umayos siya ng upo at talaga nga namang sumeryoso ang itchua niya.
"I don't want to see you again."
Napanganga ako sa sinabi nito. Masama ang tingin nito sakin. Ano bang ginawa ko sa kaniya para gawin niya sakin to? Do I even did something wrong to him? Sa pagkakatanda ko wala akong kasalanan sa Dinosaur na to.
"If it's about the airport scene, it's not even a big deal para gawin mo sakin to." Hindi naman niya ako pinakinggan. Dinampot niya lang ang papel na nasa lamesa niya at saka nag umpisa na itong pumirma.
Seriously? How stubborn. Sa tingin niya ba 11 years old palang siya? Eh parang nasa mid 30s na siya eh.
Tumayo lamang ako sa harapan niya, gusto kong malaman kung anong sasabihin niya sakin. Ayaw ko sa lahat yung ini-ignore ako.
"Get out Ms. Bautista dahil hindi na magbabago ang isip ko. It's either you leave on your own or--" tumigil naman siya saka ako tinignan ng nakakaloko.
"I will call a Security guard to drag you out from here." YAAAAAAAHHH! NANGGIGIGIL AKO! HINDI KO BA PWEDENG SIPAIN TO SA MUKHA?! APAKA...
APAKA YABANG!
Wala akong nagawa at umalis nalamang sa opisina niya. Ibinalibag ko ang pinto ng makalabas ako para alam niyang galit na galit ako sa kaniya.
I don't even deserve this.
Napatingin naman ako sa mga co-workers kong mukhang nag p-pyestahan sa mga ngiting iginagawad sakin. Anong nginingiti ngiti niyo dyan? Tanggalan ko kayo bibig eh.
Padabog akong bumalik sa upuan ko. Hindi ko nalamang sila pinansin. Pag usapan nila ako hanggat gusto nila, wala akong pakialam. Mahal ko ang trabaho ko pero nang dahil sa lalaking yon.
DUMATING LANG YUNG LALAKING YON! NAGING UNEMPLOYED NA AKO! MALAS!
Nag impake na ako ng mga gamit ko. Nalulungkot naman ang mga kaibigan ko ngunit nginitian ko nalang sila at sinabing magiging ayos lang ako. Nag boluntaryo pa nga silang kakausapin yung Dinosaur na yon pero pinigilan ko na sila.
Wala naman silang magagawa dahil BOSS nga namin yon at kung ano daw sinabi niya yun masusunod.
Bago pa man ako maka pasok ng elevator ay tinignan ko ang office ng magaling kong boss. Mag sisisi ka sa ginawa mo sakin. Sisiguraduhin kong pababagsakin kita.
Chor, di naman ako mafia queen. Isang ordinaryo lang ako na tao. Atsaka di ako marunong gumanti, wala rin sa vocabolaryo ko ang salitang revenge o maghiganti. Sobrang bait ko kaya, di ko lang alam bat kabaliktaran ng ugali ko yung ugali ng demonyong dino na yon. Tsk.
Mauntog sana siya at ng bumait bait naman siya. Yung mababagok talaga ulo niya. Yung magkaka crack yung bungo niya.
Ay bad bad. Tinapik tapik ko naman ang ulo ko. Masama yan Merimie, mababawasan puntos mo sa langit.
Pag pray nalang natin na sana matagal siyang mabubuhay pero sana hindi na rin siya nabuhay.
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Comments