Merimie
Nagising ako ng makarinig ako ng ingay, naalala ko namang nasa trabaho pala ako at dito ako natulog kagabi. Agad naman akong tumayo at patakbong pumunta sa banyo; may narinig pa akong nag comment:
"Eh? Bakit siya dito natulog?" Co-worker no.1
"Diba over time siya? Parusa yon ni Boss sa kaniya dahil sa ginawa niya." Co-worker no. 2
Huminto naman ako sa pagtakbo saka sila sinamaan ng tingin, nagulat naman sila kaya agad silang nag iwas ng tingin sakin, eh kung pag umpugin ko kaya mga ulo nila at nang maisip nilang kasalanan nilang nag oover time ako dahil hindi nila tinatapos yung trabaho nila.
Haist, mga immatured. Nakalimutan kong kumuha ng damit sa kotse kaya kailangan ko pang bumaba mula sa ground floor, pero maghihilamos muna ako dahil kakagising ko at may mga muta pa ako. Napansin kong pati dito sa hallway ay pinagtitinginan nila ako, ano bang meron sa mukha ko? Malamang kakagising ko kaya may dumi dumi pa mukha ko. Pero parang iba yung nakikita ko sa reaction nila, lahat sila tumatawa habang nakatingin sa... noo ko?
Agad naman akong pumasok sa ladies room, at nang tignan ko ang noo ko ay may L na nakasulat doon. HAAAAAAAA?! SINONG IMPAKTO ANG GAGAWA NITO?! Buti nalang at mabilis natanggal ang pentelpen, sisiguraduhin kong magbabayad ang gumawa nito sakin. Ngunit pano ko siya magagantihan kung hindi ko alam sinong gumawa nito sakin? Hindi kaya may nakakita? OO may witness yon. Kailangan kong magtanong sa mga kasamahan ko. Pero bago ako muling bumalik sa floor namin ay naligo muna ako.
Nang makabalik ako'y nakita ko ang mga kaibigan kong nakatayo sa tabi ng lamesa ko. Nilapitan ko naman sila kaagad.
"Hey, buti nalang at tapos kana."
"Ahh ehh oo, nga pala nakita niyo ba kung sinong nagsulat sa noo ko?" Hindi naman maipinta ang mga itchura nila, ramdam kong may alam sila sa mga nangyare kanina, alam nila kung sinong nagsulat sa noo ko.
"Ahhh ahmm, actually s-si... boss yung gumawa non." Kamot batok nitong sabi, wala na talagang magandang ginawa ang lalaking yun. MAGBABAYAD SIYA SAKIN!
Bago pa man ako maka alis ay pinigilan na ako ng mga kaibigan ko.
"OI BABAE WAG KA NANG GUMAWA PA NG GULO" Hamp, bakit hindi? Kailangan niyang pagbayaran to.
"Don't worry, hindi ako mag i-iskandalo," Kumatok muna ako sa office ng dinosaur na yon ngunit walang sumasagot mula sa loob kaya't pumasok na lamang ako. Pagpasok ko ay agad akong natigilan, wala itong saplot pang itaas habang naka higa sa sofa na nasa gilid ng office niya. Ba-ba...
Mabilis ko namang isinara yung pinto, a-anong ginagawa niya? Atsaka may aircon naman sa office niya ah? Bakit naka hubad siya? Shocckssss, parang naramdaman kong umiinit yung mukha ko. Nako panigurado pulang pula na ako. ARGHHHHH! PORKET NAKA KITA KA LANG NG ABS NABABALIW KANA?! AISSHH!
Hindi ko na siya ginulo dahil mukhang natutulog siya, psh. Swerte niya may natitira pa akong bait sa kaniya. Bumalik na ako sa pagta-trabaho, dahil paniguradong tambak nanaman ang mga papeles na ipapagawa sakin ng lalaking yun.
7 pm na nang gabi at talaga nga namang pagod na pagod na ako, nag sisi uwian naman na ang mga kasamahan ko. Aish, nakakainggit naman. Tinignan ko naman ang office ni dino, kanina pa siya hindi lumalabas ng office niya ah? Ano na kayang nangyare dun? Bilang secretarya niya, kailangang alam ko kung anong kalagayan ng ugok na yon. Kaya naman pinuntahan ko siya. Kumatok muna ako ngunit wala paring sumasagot, kaya inopen ko nalamang ang pinto at muling bumungad sakin ang hubad nitong katawan.
AHHHHHHHHH gusto ko siyang sigawan, ano bang problema niya? Sobrang lamig na dito ah? Gumalaw naman ito ngunit parang narinig ko siyang nasaktan. Ha? May sakit ba siya? Nilapitan ko naman siya, at sobrang pulang pula yung mukha niya. Hindi na ako nag alinlangang hawakan ang leeg niya. Sobrang init niya!
Tumawag naman ako ng kasama kong magbubuhat sa kaniya para maitakbo sa hospital. Ano bang ginawa ng lalaking to at ang taas ng lagnat niya? Buti nalang at mabilis siyang na ipunta sa hospital, inaasikaso na siya ng mga doctor ngayon. Ilang minuto ang nakalipas ng may doctor na lumabas mula sa ER.
"Mrs. Stable na ang lagay ng asawa mo, hindi naman ganon kalala ang sakit niya. May lagnat lamang siya ngunit kailangan niya paring manatili rito sa hospital para ma check namin ang kalagayan niya bawat oras." Parang nabingi naman ako sa unang sinabi ng doctor. Tama ba ang narinig ko? Mrs. Ang itinawag niya sakin at a-asawa ko raw si dino? NO WAY HALLWAY!
"Ahhh sorry Doc. Pero nagkakamali po kayo, hindi ko po asawa yung nasa loob, b-boss ko po siya." Mukha namang nahiya yung Doctor sa sinabi ko. Mukha na ba talaga akong may asawa?
"Oww, I'm sorry Ms.?"
"Merimie Bautista po," natawa naman siya, dahil ba sa pangalan ko o dahil sa pagkakamali niya? Ahh weird.
"Sorry Ms. Bautista, I thought he's your husband. Bagay kasi kayo." Siguro kamatis na ang mukha ko sa sobrang pula, bakit ba ganiyan ka Doc.?
"Wala pa bang pamilya si Mr. Na dumating?" Nilingon ko naman ang likod ko, ngunit wala namang nagkukumaripas na tumakbo papunta dito. Siguro nga wala.
"I think wala, so ikaw nalang ang kakausapin ko about sa mga gamot na kailangan niyang i take, follow me please." Sumunod naman ako kay Doctora. Psh, bakit ba pinoproblema ko pa tong lalaking to?
---
Kumatok muna ako bago pumasok sa silid ni Dino, nadatnan ko naman siyang gising na. Haist, buti naman at ng makapag paalam na akong uuwi. Nga pala wala akong uuwian. Napatingin naman ito sakin ng pumasok ako. Hindi ko alam kung anong iniisip niya dahil sinusundan lamang ako nito ng tingin.
Kinuha ko naman sa bulsa ko yung papel kung saan isinulat ni Doctora ang mga gamot na kailangan niyang inumin. Iniabot ko iyon sa kaniya, ngunit hindi niya iyon pinansin. Nakatingin parin ito sakin. Ano bang problema niya? Parang ngayon lang siya naka kita ng anghel ah? De jok.
"A-ahmm, wala ka nang po-problemahin sa bill, binayaran ko na lahat. Kailangan ko nalang siguro bumili ng gamot para maka inom kana. Lalabas lang muna ako para bumili ng makakain mo." Aalis na sana ako ng hawakan niya ang kamay ko.
"Ahmm... sa-salamat," Kailangan ko bang magulat? Pero hindi ako makapaniwalang bumait siya and worst NAGPASALAMAT PA SIYA! Jok, masyado akong harsh dun part. Pagkatapos niyang magpasalamat, binitawan na niya ang kamay ko saka muling humiga. Hindi ko mapigilang ngumiti, kahit pala mala dino siya sa labas, may bait parin pala siya sa loob. Okay, ang harsh ko nanaman.
\*After 3 days
Nang maayos na ang lagay niya, naghanda na kami sa paglabas niya ng hospital. Ako palagi ang nandito dahil kahit isa manlang sa pamilya niya ay walang dumalaw sa kaniya. Gusto ko siyang tanungin kung may pamilya pa ba siya ngunit wag nalang dahil baka mainis lang siya sakin.
This past few days na nagsama kami sa maliit na kwartong to. Bumait naman siya. Hindi ko nga alam anong good spirit yung pumasok sa katawan niya at naging mabait siya sakin. Pero hindi parin nawawala yung pagiging Dino niya dahil nang-aasar parin siya.
Busy ako sa pag aayos ng mga damit niya nang bumukas ang pinto ng cr. Nakapalit siya ng pang work attire. Sinamaan ko naman siya ng tingin at ganon din ang ginawa niya sakin. ABA! Naghirap akong alagaan siya ng tatlong araw, ka gagaling lang niya sa sakit, babalik agad siya sa trabaho?!
"Alam mo Dino—este Mr. Montero, wala namang masama sa pagtatrabaho. Ang masama yung ka gagaling mo lang, papasok ka na kaagad sa trabaho. Hindi ba pwedeng magpahinga ka nalang muna? Tutal ikaw naman yung CEO nang companya, wala naman siguro silang problema kung mag te-take ka ng leave dahil sa kailangan mong magpahinga para totally recovered ka na." Mahabang huwisyo ko. Hindi naman siya sumagot at dere deretsong lumabas ng silid. ABA! BASTUS YUN AH?!
Hinabol ko naman siya, akala ko pa naman bumait na siya pero DINOSAUR PARIN PALA UGALI NIYA! DI NAWALA! Khit naglalakad lang siya, tumatakbo ako dahil sa anlalaki ng step niya sa paglalakad, hindi lang pala Dino to, KAPRE DIN! Nang makalapit na ako sa kaniya'y hinila ko ang kamay niya. Natigil naman siya sa paglalakad saka ako nilingon.
"What's your problem Ms. Bautista? I need to go back to work."
Gusto ko siyang sampalin ngayon. Hindi ba pwedeng makinig nalang muna siya? FOR ONCE MAKINIG NAMAN SIYA SA SINASABI NG IBANG TAO?
"I will not allow you to go back to work, I want you to rest until you fully recovered and that's final." Bossy man pakinggan pero para rin naman sa kaniya yun. Hindi ako concern sa kalagayan niya—okay concern nga ako.
Tinabig naman niya ang kamay kong nakahawak sa wrist niya.
"Stop fooling around Ms. Bautista, you're not my wife nor family, so you don't have the rights to tell me what I'm going to do. And besides you are just my SECRETARY, you're nothing but a trush to me." Sabi nito saka tuluyang lumisan. Hindi ako makagalaw. Ni hindi ko maiproseso ng mabuti yung mga sinabi niya. HUH.
Hindi na ako pumasok nung araw na yon, ipina abot ko nalang sa guard yung bag niya saka ako umalis. San naman ako pupunta ngayon? Naalala ko yung river side na pinupuntahan ko, kung saan kami tumatambay ni—Haist nevermind.
Sobrang ganda parin dito. Malinis parin ang tubig. Umupo ako sa damuhan, dito kami palaging nakatambay, dito... dito niya ako dinadala kapag nag pi-picknic kami. Ang saya namin dito. Sobrang dami ng memorya namin; pero sa isang iglap, nagbago ang lahat.
F L A S H B A C K...
Sabado ngayon at namamalengke ako, gusto ko kasing kumain ng sinigang kaya busy ako ngayon sa kakahanap ng mga ingredients ng makita ko si—
"Babe gusto ko to," m-may kasama siyang babae; at b-babe yung tawag sa kaniya. Nilapitan ko naman siya, nagulat pa siya nung makita niya ako.
"Anong ginagawa mo dito?" Hindi niya makapaniwalang sabi, ngumiti lamang ako sa kaniya.
"Babe who is she?" Hindi niya pinansin yung babae, sakin lang ang tingin niya pero hindi ko makita sa mata o sa expresyon niyang masaya siyang makita ako.
Hinawakan naman niya yung kamay nung babae, saka sila umalis. Hindi ba dapat ako yung nasa pwesto nung babae? Hindi ba dapat sakin yung kamay na hinahawakan niya? Pinigilan kong tumulo yung mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
Tumakbo ako kaagad sa tambayan namin. Sa side river. Dun... dun na ako lumuha. Dun na ako humagulgol ng iyak. Bakit niya nagawang saktan ako? Bakit niya nagawang lokohin ako? May narinig naman akong mga yapak na palapit sa pwesto ko. Iniangat ko ang ulo ko at nakita ko siya. Gusto ko siyang saktan pero nanghihina ako.
"Iniisip mo bang minahal kita?" Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. "Kahit kailan hindi kita minahal at hinding hindi kita mamahalin." Nakatingin ito sakin na parang hindi niya ako kilala.
Hindi ako makapagsalita, naninikip ang dibdib ko. Tumalikod na siya ngunit bago pa siya umalis ay may sinabi pa siyang tuluyang nagpaguho ng mundo ko, "You're nothing but a trush to me." At tuluyan na niya akong iniwan. Simula noon hindi ko na siya nakita. Hindi ko rin alam kung ano nang nangyare sa kaniya. Wala na akong naging balita sa kaniya.
Pero nung sinabi ni Mr. Montero sakin yung mga katagang yun. Naalala ko siya. Sinabi niya rin kasi sakin yun. Yung huling katagang nagpadurog lalo sakin. Huling katagang nag-iwan sakin ng puot at sakit. Ganon na ba talaga tingin ng mga tao sakin? Isang basura lang? Isang bagay na pag hindi na kailangan, itatapon nalang?
Naalala ko rin ang mga magulang at kapatid ko, ganon rin ang tingin nila sakin dahil akala nila ay wala akong mararating sa buhay, kaya lumayas ako sa amin dahil hindi pamilya ang turing nila sakin kundi basura, kasambahay, patapon. Hindi ko mapigilang mapahagulgol nang iyak. Kahit ang kaisa isang bestfriend ko noo'y basura nalang din ang tingin sakin. Dahil ba yun sa issue? Sa isang issue na hindi naman totoo? Hindi ko alam kung bakit mas pinaniwalaan niya yun kaysa sakin na bestfriend niya. Kilala niya ako, hindi ako mahilig mag sinungaling pero hindi niya ako pinaniwalaan, mas pinaniwalaan niya yung pamilya ko at yung mga taong nagkalat ng maling balita tungkol sakin. AISH! BAKIT KO BA INAALALA LAHAT NG TOH! Kailangan ko pang magtrabaho para may ipangbubuhay ako sa sarili ko sa mga araw na magdadaan. Dahil wala naman akong ibang mapagkukuhanan nang lakas ng loob, sarili ko nalamang ang maaasahan ko.
Habang naglalakad ako ay may nakita akong sign sa bintana ng cafe, 'WANTED: HELPER' Hindi na ako nag alinlangan pa, pumasok ako sa cafe na yun. Nasa pintuan palang ako ay amoy ko na ang barakong tinitipla, sobrang bango. Kahit araw araw ko pang amuyin ito ay hindi ako magsasawa.
Lumapit naman ako sa babaeng nasa counter, mukhang mga nasa mid 20's ito.
"Goodafternoon ma'am, what can I get for you?" Sobrang maaliwalas naman ang ngiting ibinigay nito sakin. Tinuro ko naman ang sign na nakadikit sa bintana. "Oww Helper? Gusto mong mag apply?"
"Ah oo sana," may inabot naman siya mula sa baba ng counter. Isang papel at ballpen, "Mag fill-up ka dito and then mamaya kapag andito na si Boss, siya na ang mag i-interview sayo," kinuha ko naman ang papel saka umupo sa isang silya. Magsusulat na sana ako nang abutan ako ng juice nung babae kanina sa counter.
"Ito uminom ka muna, ako nga pala si Maetel," pinasalamatan ko naman siya, nagpakilala na rin ako sa kaniya. "Ang ganda naman ng pangalan mo, well nice to meet you Merimie, sige iwan na muna kita dyan. Lapitan mo nalang ako if sakaling tapos kana," sabi nito. Muli akong nagpasalamat bago siya maka alis. Finill-apan ko naman lahat ng nakalagay sa papel na ito. Well, pangalan, ilang taon, saan nakatira, kung anong kayang gawin o di kaya anong mga experience at kung ano ano pa. Nang matapos ko ang pag fifill-up ay ibinalik ko na kay Maetel ang papel.
"Sige maupo ka muna habang hinihintay si Boss na makara—" hindi na niya natapos ang sinasabi ng may isang lalaking ubod ng gwapo ang pumasok. Malaki ang katawan nito na halatang nag g-gym. Bagsak ang buhok at parang sobrang lambot pa nito kung hahawakan, may mapupulang labi, maputi at matangkad, yung way naman ng pananamit niya ay para siyang taga ibang bansa o koryano, basta ang haba ng jacket niya na pinaresan niya ng puting V-neck shirt, fitted black pants, at snickers na black and white. Para siyang artista.
"Goodafternoon Boss Kairo," bati rito ni Maetel, binati rin siya pabalik nitong si Kairo. Napatingin naman ito sa akin. "Ah oo nga pala Boss, Si Merimie nga po pala, interested po siya dun sa needed natin na HELPER, ito po yung form niya." Ibinigay naman ni Maetel yung papel kay Kairo, iniscan niya ito.
"Merimie Stanley Mores Ferrer Bautista?" Banggit nito sa buo kong pangalan, tumango naman ako, "Your name is quiet long, wala na ba itong idadagdag?" Pagbibiro nito.
"Wala na po Sir," tumango tango lamang siya. "Then Maetel, ayusin mo yung table sa 2nd floor, I'll interview Ms. Bautista," nakangiti naman ito habang sinasabi yun kay Maetel. Nag iwas nalamang ako ng tingin dahil sobrang awkward, bat kailangang sakin tumingin samantalang ibang tao naman kinakausap niya?
Nang matapos ni Maetel ang pag aayos ay pina akyat na niya kami ni Kairo, kahit dito sa taas ay maganda rin. Mukhang hotel itong 2nd floor dahil may mga kwarto. Hindi kaya may mini hotel tong cafe? Umupo naman kami sa table na nasa gitna nang hallway, ewan ko basta nasa gitna eh. Siguro wala nang ibang mapaglalagyan kaya dito nalang. Pero parang hindi naman siya sagabal kaya okay na rin.
"So sa isang sikat na companya ka pala nag ta-trabaho sa ngayon Miss Bautista?" Tanong nito. Medyo naiilang naman ako sa pagiging formal niya sakin. Pwede namang Merimie nalang Sir diba? Employee mo lang naman ako dito.
"Merimie nalang po o di kaya Merie, at opo sa Dillera Corp. Ako nagta-trabaho pero kailangan ko pa kasi nang extra money kaya nung makita ko yung sign niyo sa labas na needed iyo ng Helper hindi na ako nag alinlangan." Mukhang sang-ayon naman siya sa sinabi ko, sa panahon ngayon kailangan mo munang maghirap bago magpakasasa sa buhay. No Pain No Gain.
"You can cook, make different types of coffee, can do anything," pagbabasa nito sa sinulat ko sa form ko. Totoo naman yun, dati na rin kasi akong nagtrabaho sa cafe kaya marunong ako gumawa ng iba't ibang klase ng kape. Ibinaba naman nito ang papel na hawak, "Okay, you're hired."
Tuwang tuwa naman akong napatingin sa kaniya, buti nalang hindi ko siya nayakap dahil sa tuwa. Pero may isa pa akong problema, maghapon akong nasa office, sa gabi lang ang free time ko. Kaya magpapaalam ako kung pwedeng sa gabi lang ako magtatrabaho para hindi ko maabala ang pagtatrabaho sa kumpanya sa umaga,
"Ahmm Boss—"
"Call me Kairo and yes what is it?"
Hugumot naman ako ng lakas na loob para sabihin sa kaniya yon, sana payagan ako.
"Mag hapon po kasi ang trabaho ko sa office, baka pwede pong kunin ko ang night shift if okay lang?" Walang alinlangan naman itong pumayag sa gusto ko, kaya naman pinasalamatan ko siya saka umalis na roon. Sa wakas meron na akong side work kung sakaling mapapalayas nanaman ako sa companya. Nakalimutan ko na rin kahit papaano si Dino, pero syempre mamayang pagpasok ko makikita ko nanaman siya. HAIST! BUHAAAAYYYYYY!
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Comments