Lost Star
Sa unang araw ng klase.
Humihingal na dumating si Ada sa may gate. Nakita nyang madaming nag
kukumpulan na mga estudyanteng babae, sa harapan nito.
"Hay! Buti na lang hindi pa ako late. Ano kaya ang pinag kakaguluhan
nila dun?"
Unti-unting lumapit si Ada sa mga estudyante. Nakita niya ang magarang itim
na sasakyan na nakapark sa harap ng gate at dahandahan itong bumukas, at sabay
na lumabas ang napakagwapong estudyante!
Sabay-sabay na nagtilian ang mga estudyanteng nandun!
"Woooooow!!!"
"Hi Kent, ang gwapo mo talaga!"
"Hi Kent! Hi Kent! " wika ng iba.
Siya naman ay kinilatis ang lalaking estudyante na pinagkakaguluhan. Lumabas
ang lalake sa kotse. Mukhang mayaman ito, matangkad, malinis manamit at gwapo
nga! Pero sa isip isip ni Ada -
"Hmp, di naman masyadong gwapo!"
Ang ibang estudyante ay nagbibigay pa ng mga love letters at mga regalo kay
Kent, pero hindi ito pinansin ni Kent, tuloy-tuloy lang ito sa paglakad at
nakita niya si Alfred. Agad niya itong tinawag.
"Fred!" sigaw ni Kent.
"Uy, Pre!" magiliw na bati nito at sabay na silang naglakad at
pumasok sa room.
Si Ada naman ay patuloy na rin sa paglalakad at agad na hinanap ang kanyang
classroom at agad niya itong nakita.
Pumasok siya sa room, nabigla naman siya dahil napatingin sa kanya ang mga
kaklase nya, para bang inuusisa ang buong pagkatao niya. Tumingin-tingin siya
sa paligid para humanap ng mauupuan. Nakita niya ang isang bakanteng upuan na
malapit sa gilid ng bintana, agad siyang lumapit dito.
Napansin naman niyang nagbulungan ang mga kaklase niya ng makitang uupo na
siya sa upuan.
"Hala grabe sya!" sabi ng isang estudyante.
"Hay, hindi na nahiya!" sabi naman ng isa.
Nagtaka naman si Ada, sa narinig nito.
"Ano ba problema nila, bakit ganun sila makatingin?" bulong ni Ada
sa sarili.
Inilagay ni Ada ang bag niya sa kanyang upuan. Habang naghihintay ay kinuha
niya muna ang cellphone niya. Nabasa niya ang text ng kanyang Mama.
"Iha, magkita naman tayo kung meron kang oras, may importante akong
sasabihin sayo!"
Habang binabasa iyon ni Ada ay biglang -
"Miss, upuan ko yan!"
Tumungin si Ada sa lalakeng nagsalita na nakatayo sa kanyang harapan.
Nagulat siya nang makita kung sino ang nasa harapan niya. Siya yun lalakeng
pinag kakaguluhan kanina sa labas.
"Ha? Eh, nauna ako dito eh! " sagot naman ni Ada.
"Tsk!" sagot ng lalake at agad nitong kinuha ang bag ni Ada at
hinagis sa lapag.
Nagulat naman si Ada sa ginawa nito at agad siyang tumayo at kinuha ang bag.
Si Kent naman ay dahang-dahang umupo sa kanyang upuan. Naiinis na bumaling ulit
si Ada sa upuan at kimompronta ulit si Kent.
"Bakit mo hinagis yun bag ko?! Ako ang nauna dito!" galit na wika
ni Ada.
Subalit si Kent ay tinitigan lang siya mula ulo hanggang paa, simpleng babae
lang ito para sa kanya. Pagkatapos ay hindi na niya ito pinansin, tumingin lang
siya sa labas at hindi man lang siya inimik. Kasabay niyon ay dumating na ang
kanilang Teacher.
"Okay class, you may take a seat!" wika nito.
Pagkarinig ni Ada sa sinabi ng Teacher ay umupo nga siya...pero sa mga hita
ni Kent.
Nagulat ang buong klase at nagbulungan ang mga ito ng makitang nakakandong
siya kay Kent.
"Bakit siya kumandong kay Kent?"
"Ang kapal ng mukha talaga, kabago-bago eh! "
"Nakakahiya siya! tsk!"
Narinig iyon ni Ada at napatingin din siya sa Teacher niya na nakatingin sa
kanya. Narinig naman niyang, huminga ng malalim si Kent.
Narealized naman ni Ada, ang mga bulungan ng mga kaklase niya. Sa
pagkapahiya ni Ada, ay dahan-dahan siyang tumayo at humanap ng ibang upuan,
nakita niyang may bakanteng upuan sa likod ni Kent, kaya dali-dali siyang umupo
dito.
"Ano ba yan? Ano bang ginawa ko, nakakahiya." tanong ni Ada sa
sarili.
Nakahingang maluwag si Ada, nang matapos na ang klase. Nakita niyang nag
aayos na ng gamit si Kent, natakot siya na baka kumprontahin siya nito, kaya
agad siyang nagtakip ng notebook niya ng tumayo na si Kent.
"Hey, Miss anong ginawa mo kanina?" tanong ng kaklase niyang
babae.
Dahan-dahan naman niyang ibinaba ang notebook sa mukha, nakita niyang may
tatlong babae na nakatayo sa harapan niya at nakita niyang papalabas na si Kent
sa room.
"Ha?!" tanong ni Ada sa mga ito.
"Hindi mo ba alam yun ginawa mo? Sa Kent ko!" wika ng babaeng
kaharap niya na makapal ang make up nito.
"K-Kent mo?" panigurado ni Ada.
"Oo, Kent ko! Dahil bago ka pa lang dito, sa uulitin 'wag na 'wag mo ng
lalapitan si Kent o kakausapin! Dahil kapag inulit mo pa ang panlalanding
ginawa mo, ako ang makakalaban mo!" wika ni Charmy.
Biglang tumayo naman si Ada.
"Teka! Hindi ko siya nilandi noh!" sabi ni Ada.
"Eh ano tawag mo dun? May pakandong-kandong ka pa?" wika ni Jenny.
"Eh, kami nga matagal nang may crush kay Kent, ni dulo ng daliri niya
hindi pa namin nahawakan! Tapos ikaw? Tsk!" wika ni Lyka.
"Siguro may gusto ka kay Kent?" wika ni Jenny.
"Ha?! Wala akong gusto dun noh? Kung gusto nyo, inyong-inyo na ang Kent
nyo! Hmp!" pagkawika ni Ada ay agad niyang dinampot ang bag niya sabay
umalis na.
Pumunta siya sa canteen para bumili ng pagkaen, napansin niyang
pinagtitinginan siya at pinagbubulungan. Hindi lang niya ito pinansin, inilapag
niya ang kanyang tray na may pagkaen sa may bakanteng lamesa at umupo dto.
Habang kumakaen ay naiinis na napahinto si Ada, habang bumubulong sa
sarili.
"Bakit ba, adik na adik sila sa Kent na yun? Maputi lang yun at
matangkad eh! Hmp!”
Maya-maya pa ay nakita niyang papasok si Kent at isa pang kasama nitong
lalake sa canteen. Agad naman na nagtama ang kanilang mga mata. Sabay silang
nagulat. Agad namang nagbawi ng paningin si Kent, at tumungin sa mga pagkaen na
oorderin nila.
"Shocks! Speaking of the Devil!" wika ni Ada.
Agad nang tinapos ni Ada ang kanyang pagkaen at umalis na sa canteen.
Napansin naman ito ni Kent at sinundan siya ng tingin.
"Hey! Titig na titig ka ah! Yun, ba yung babaeng kumandong sayo
kanina?" pang aasar ni Alfred.
"Ngayon lang may babaeng sinungitan ako!" sagot ni Kent.
"Hahaha, so ibig sabihin my isang babaeng hindi tumalab ang Magic
Karisma mo!" wika ni Alfred.
"Tsk! Magic Karisma ka dyan! Kumaen na nga lang tayo!" yaya ni
Kent.
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Updated 65 Episodes
Comments