Sa unang araw ng klase.
Humihingal na dumating si Ada sa may gate. Nakita nyang madaming nag
kukumpulan na mga estudyanteng babae, sa harapan nito.
"Hay! Buti na lang hindi pa ako late. Ano kaya ang pinag kakaguluhan
nila dun?"
Unti-unting lumapit si Ada sa mga estudyante. Nakita niya ang magarang itim
na sasakyan na nakapark sa harap ng gate at dahandahan itong bumukas, at sabay
na lumabas ang napakagwapong estudyante!
Sabay-sabay na nagtilian ang mga estudyanteng nandun!
"Woooooow!!!"
"Hi Kent, ang gwapo mo talaga!"
"Hi Kent! Hi Kent! " wika ng iba.
Siya naman ay kinilatis ang lalaking estudyante na pinagkakaguluhan. Lumabas
ang lalake sa kotse. Mukhang mayaman ito, matangkad, malinis manamit at gwapo
nga! Pero sa isip isip ni Ada -
"Hmp, di naman masyadong gwapo!"
Ang ibang estudyante ay nagbibigay pa ng mga love letters at mga regalo kay
Kent, pero hindi ito pinansin ni Kent, tuloy-tuloy lang ito sa paglakad at
nakita niya si Alfred. Agad niya itong tinawag.
"Fred!" sigaw ni Kent.
"Uy, Pre!" magiliw na bati nito at sabay na silang naglakad at
pumasok sa room.
Si Ada naman ay patuloy na rin sa paglalakad at agad na hinanap ang kanyang
classroom at agad niya itong nakita.
Pumasok siya sa room, nabigla naman siya dahil napatingin sa kanya ang mga
kaklase nya, para bang inuusisa ang buong pagkatao niya. Tumingin-tingin siya
sa paligid para humanap ng mauupuan. Nakita niya ang isang bakanteng upuan na
malapit sa gilid ng bintana, agad siyang lumapit dito.
Napansin naman niyang nagbulungan ang mga kaklase niya ng makitang uupo na
siya sa upuan.
"Hala grabe sya!" sabi ng isang estudyante.
"Hay, hindi na nahiya!" sabi naman ng isa.
Nagtaka naman si Ada, sa narinig nito.
"Ano ba problema nila, bakit ganun sila makatingin?" bulong ni Ada
sa sarili.
Inilagay ni Ada ang bag niya sa kanyang upuan. Habang naghihintay ay kinuha
niya muna ang cellphone niya. Nabasa niya ang text ng kanyang Mama.
"Iha, magkita naman tayo kung meron kang oras, may importante akong
sasabihin sayo!"
Habang binabasa iyon ni Ada ay biglang -
"Miss, upuan ko yan!"
Tumungin si Ada sa lalakeng nagsalita na nakatayo sa kanyang harapan.
Nagulat siya nang makita kung sino ang nasa harapan niya. Siya yun lalakeng
pinag kakaguluhan kanina sa labas.
"Ha? Eh, nauna ako dito eh! " sagot naman ni Ada.
"Tsk!" sagot ng lalake at agad nitong kinuha ang bag ni Ada at
hinagis sa lapag.
Nagulat naman si Ada sa ginawa nito at agad siyang tumayo at kinuha ang bag.
Si Kent naman ay dahang-dahang umupo sa kanyang upuan. Naiinis na bumaling ulit
si Ada sa upuan at kimompronta ulit si Kent.
"Bakit mo hinagis yun bag ko?! Ako ang nauna dito!" galit na wika
ni Ada.
Subalit si Kent ay tinitigan lang siya mula ulo hanggang paa, simpleng babae
lang ito para sa kanya. Pagkatapos ay hindi na niya ito pinansin, tumingin lang
siya sa labas at hindi man lang siya inimik. Kasabay niyon ay dumating na ang
kanilang Teacher.
"Okay class, you may take a seat!" wika nito.
Pagkarinig ni Ada sa sinabi ng Teacher ay umupo nga siya...pero sa mga hita
ni Kent.
Nagulat ang buong klase at nagbulungan ang mga ito ng makitang nakakandong
siya kay Kent.
"Bakit siya kumandong kay Kent?"
"Ang kapal ng mukha talaga, kabago-bago eh! "
"Nakakahiya siya! tsk!"
Narinig iyon ni Ada at napatingin din siya sa Teacher niya na nakatingin sa
kanya. Narinig naman niyang, huminga ng malalim si Kent.
Narealized naman ni Ada, ang mga bulungan ng mga kaklase niya. Sa
pagkapahiya ni Ada, ay dahan-dahan siyang tumayo at humanap ng ibang upuan,
nakita niyang may bakanteng upuan sa likod ni Kent, kaya dali-dali siyang umupo
dito.
"Ano ba yan? Ano bang ginawa ko, nakakahiya." tanong ni Ada sa
sarili.
Nakahingang maluwag si Ada, nang matapos na ang klase. Nakita niyang nag
aayos na ng gamit si Kent, natakot siya na baka kumprontahin siya nito, kaya
agad siyang nagtakip ng notebook niya ng tumayo na si Kent.
"Hey, Miss anong ginawa mo kanina?" tanong ng kaklase niyang
babae.
Dahan-dahan naman niyang ibinaba ang notebook sa mukha, nakita niyang may
tatlong babae na nakatayo sa harapan niya at nakita niyang papalabas na si Kent
sa room.
"Ha?!" tanong ni Ada sa mga ito.
"Hindi mo ba alam yun ginawa mo? Sa Kent ko!" wika ng babaeng
kaharap niya na makapal ang make up nito.
"K-Kent mo?" panigurado ni Ada.
"Oo, Kent ko! Dahil bago ka pa lang dito, sa uulitin 'wag na 'wag mo ng
lalapitan si Kent o kakausapin! Dahil kapag inulit mo pa ang panlalanding
ginawa mo, ako ang makakalaban mo!" wika ni Charmy.
Biglang tumayo naman si Ada.
"Teka! Hindi ko siya nilandi noh!" sabi ni Ada.
"Eh ano tawag mo dun? May pakandong-kandong ka pa?" wika ni Jenny.
"Eh, kami nga matagal nang may crush kay Kent, ni dulo ng daliri niya
hindi pa namin nahawakan! Tapos ikaw? Tsk!" wika ni Lyka.
"Siguro may gusto ka kay Kent?" wika ni Jenny.
"Ha?! Wala akong gusto dun noh? Kung gusto nyo, inyong-inyo na ang Kent
nyo! Hmp!" pagkawika ni Ada ay agad niyang dinampot ang bag niya sabay
umalis na.
Pumunta siya sa canteen para bumili ng pagkaen, napansin niyang
pinagtitinginan siya at pinagbubulungan. Hindi lang niya ito pinansin, inilapag
niya ang kanyang tray na may pagkaen sa may bakanteng lamesa at umupo dto.
Habang kumakaen ay naiinis na napahinto si Ada, habang bumubulong sa
sarili.
"Bakit ba, adik na adik sila sa Kent na yun? Maputi lang yun at
matangkad eh! Hmp!”
Maya-maya pa ay nakita niyang papasok si Kent at isa pang kasama nitong
lalake sa canteen. Agad naman na nagtama ang kanilang mga mata. Sabay silang
nagulat. Agad namang nagbawi ng paningin si Kent, at tumungin sa mga pagkaen na
oorderin nila.
"Shocks! Speaking of the Devil!" wika ni Ada.
Agad nang tinapos ni Ada ang kanyang pagkaen at umalis na sa canteen.
Napansin naman ito ni Kent at sinundan siya ng tingin.
"Hey! Titig na titig ka ah! Yun, ba yung babaeng kumandong sayo
kanina?" pang aasar ni Alfred.
"Ngayon lang may babaeng sinungitan ako!" sagot ni Kent.
"Hahaha, so ibig sabihin my isang babaeng hindi tumalab ang Magic
Karisma mo!" wika ni Alfred.
"Tsk! Magic Karisma ka dyan! Kumaen na nga lang tayo!" yaya ni
Kent.
"Sa wakas ay uwian na." wika ni Ada sa sarili.
Napatingin ulit siya kay Kent na tumayo, tinitigan naman siya nito ng masama
at dumiretso na sa paglalakad papalabas.
"Hmp! Kala mo kung sino!" wika ni Ada.
Inaayos na ni Ada ang mga gamit niya na my kaklase siyang lumapit sa kanya.
"Hi! Ada right?" tanong nito.
Nakangiting wika nito, simple lang ito at nakasuot ng salamin.
"Oo." sagot niya.
"I'm Joice." nakingiti ito at nakipagkamay sa kanya.
"Pauwi ka na rin ba? Tara sabay na tayo." yaya nito sa kanya.
"Sige." nakangiting sagot ni Ada at sabay na silang naglakad papauwi.
"So, transfery ka pala? Bakit ka nag transfer dito?" tanong ni
Joice sa kanya.
"Eh, kasi lumipat na kami ng bahay." sagot ni Ada.
"Ah ganun ba? Pero kilala mo talaga si Kent?" usisa ulit nito.
"Ha? Hindi, hindi ko siya kilala." wika ni Ada.
"Ganun ba? Alam mo ba halos lahat ng babae at mga bakla dito may crush
sa kanya." nakangiting wika ni Joice.
"So, ibigsabihin pati ikaw may crush sa kanya?" tanong ni Ada.
Tumango si Joice habang nakangiti.
"Oo, alam mo simula ng first year high, crush ko na si Kent. Halos
lahat ng babae nagkakandarapa sakanya! Tingin niya pa lang, parang hihimatayin
ka na! Nagbigay din ako sa kanya ng love letter dati sa locker niya, kaso
binasura lang nya. Kaya nga nakakalungkot, kasi gragraduate na tayo, hindi ko
na makikita si Kent." malungkot na sabi nito.
"Hayaan mo na yun si Kent, marami naman iba dyan noh! Sigurado, may
makikita ka pang mas gwapo kay Kent!" sagot ni Ada.
"Hindi, hindi ko kayang kalimutan si Ken! " umaarteng iiyak ito.
"Hay naku, sige na mauna na ako, parating na yun bus eh." paalam
ni Ada.
"Ok sige bye! Ingat ka! " wika ni Joice.
"Ok, ikaw din!" wika ni Ada.
At sumakay na nga ng bus si Ada.
Nang makauwi sa inuupahang maliit na kwarto ay agad siyang nagpalit ng damit
pamasok sa kanyang part time job, sa isang coffee shop. Sa 'di kalayuan lamang
ang kanyang pinapasukan, kaya nilalakad lamang niya ito. Masigla siyang
bumabati sa mga customers na pumapasok sa coffee shop. Ilang buwan pa lang
siyang nagtratrabaho dito at napansin niyang mga mayayaman o mapera ang
kanilang mga customers dahil sa mamahalin ng kanilang kape at mga cakes.
Pagkatapos niya dito magtrabaho ay tska pa lang siya kakaen ng hapunan.
Minsan ay nakakalimutan na din niya kumaen dahil sa sobrang pagod. Pag uwi niya
ng bahay tumawag ang kanyang Mama.
"Hello" sagot ni Ada.
"Hello, Iha bakit di ka sumagot sa tnext ko sayo kaninang umaga?"
tanong kaagad nito sa kanya.
"Ah, eh nakalimutan ko po eh, pasensya na po." wika ni Ada.
"Okay! Anyway, yun sinabi ko nga sayo na kailangan nating mag-usap.
Kailangan mo nang makipagkita kala Don Manuel, importanteng makausap kanya
anak! At…" putol na wika ng kanyang Mama.
"Pero Ma, ilang beses ko ba sasabihin sa inyo, ayoko makipagkita."
wika ni Ada.
"Iha, para sa iyo din yan! Kailangan mo ng magpakita kay Don Manuel!
Nabalitaan ko na medyo lumalala na ang sakit niya." Sabi ng Mama niya.
"Pero Ma..." tutol ni Ada.
"Wala ng pero-pero! Pinayagan kitang magsolo dyan, kahit ayaw namin ng
Papa mo, kaya ngayon, ako naman ang sundin mo. Ngayong darating na Sabado,
sasabihin kong pupunta ka!" wika ng Mama niya.
"Ha? Ngayong Sabado na? Pero hindi pa ako handa Ma! Teka!" agad na
wika ni Ada.
"Ah basta! Pumunta ka! Kung hindi, lagot ka sa akin!" pagkatapos
ay ibinababa na nito ang telepono.
"Pero Ma... " habol na wika ni Ada.
Napahiga na lamang si Ada sa kanyang kama at nag maktol.
"Si Mama naman... " wika ni Ada.
Matagal nang iniiwasan ni Ada na makipagkita kay Don Manuel dahil sa napag
kasunduan ng kanyang mga magulang na ipakasal siya sa apo nito. Ito rin ang
dahilan kaya siya umalis ng bahay at bumukod dahil naiirita na siya sa
kakakulit ng mga magulang niya sa kanya. Simpleng buhay lang ang gusto ni Ada,
ayaw niyang maging mayaman at kontrolin ng ibang tao ang buhay niya. Kaya
naman, hindi niya tuloy alam ang gagawin sa Sabado. Mapipilitan siyang pumunta
dito.
Kinabukasan ay maagang pumasok si Ada sa room nila. Nanibago siya dahil
hindi na siya pinagtinginan ngayon, kanya-kanyang chikahan ang kanyang mga
kaklase. Habang inaayos ni Ada ang kanyang bag ay tska naman ang pagdating ni
Kent.
Parang slow motion ang eksena, na dahan-dahang naglalakad si Kent, habang
bitbit nito ang kanyang bag na ipinatong sa kanyang balikat. Ang matipunong
pangangatawan nito at makinis na kaputian na parang nagningning kapag
nasisilayan ng araw. Parang lalo pa siyang gwumapo sa araw na ito, sa isip-isip
ni Ada. Papalapit ng papalapit si Kent sa upuan nito.
Napatingin naman si Kent sa kanya.
"Anong tinitingin-tingin mo?" wika ni Kent, habang nakakunot ang nuo.
Tska lang natauhan si Ada.
Umiling siya, "Ah, wala." maikling sagot ni Ada.
At bumaling na siya sa bintana at doon sa labas tumingin.
"Huh! Ano ba yun?" tanong ni Ada sa kanyang sarili habang
naguguluhan habang naisip yun.
"Hindi ko naman siya crush at hindi ako magkakagusto sa kanya!
Hmp!" wika ni Ada sa kanyang sarili habang tinititigan ang likod ni Kent.
Maya-maya pa ay nag simula na ang kanilang klase.
May pinagawang project ang kanilang teacher sa kanila. Pinaghati-hati sila
sa tag 5 na grupo. Nagkataon naman na naging kagrupo niya si Joice, Jenny,
Charm at si Kent. Napalunok na lamang si Ada, dahil kagrupo niya si Kent, sila
Charm at Jenny na sumita sa kanya kahapon. Tuwang-tuwa naman ang mga ito nang
malamang si Kent ang kanilang kagrupo, at siya lang ang hindi masaya.
Pagkatapos ng kanilang klase ay napagkasunduan nila na mag meeting muna sa
classroom bago umuwi.
"Oh, sino gagawin nating Leader, si Kent ba?" malambing na
pagkasabi ni Charm sa pangalan ni Kent.
"Hay, ang arte!" sa loob-loob ni Ada.
"Oo, si Kent na lang!" wika din ni Jenny at Joice.
Napatingin naman sa kanya si Kent.
"Ikaw, gusto mo ba maging Leader?" tanong ni Kent sa kanya.
"Ha, ako? Ah hindi, ayoko - ikaw na lang." wika ni Ada.
"Ok, sige ako na lang! Pero kung ako ang magiging Leader, gusto ko
gawin ninyo ang lahat ng iuutos ko!" wika ni Kent.
"Oo, payag kami!" sabay-sabay na wika ng tatlo.
"Teka, teka anong ibig mong sabihin na lahat ng iuutos mo?" tanong
ni Ada kay Kent.
"I mean, lahat ng gusto ko dapat gawin nyo, ng walang reklamo!"
wika ni Kent.
"Ah sige, basta tungkol sa Project!" wika ni Ada.
Pero ngumiti lang si Kent na parang nang aasar. Kaya naman parang napaisip
si Ada na parang may kakaiba sa sinasabi ni Kent.
Pagkatapos ay bigla ng tumayo si Kent.
"Sige, bukas na lang, mag handa kayo ng mga proposal nyo tungkol sa
project natin bukas." pagkatapos ay lumabas na ng room si Kent.
Napansin naman niyang kilig na kilig parin ang tatlo kay Kent. Bumulong siya
kay Joice.
"Joice, ano ba ibig sabihin ni Kent, na dapat nating gawin?"
tanong ni Ada.
"Hay, ano pa ba? Kung ano sabihin niya gagawin natin. Halimbawa,
sabihin niya, gusto niya ng drinks, or sandwich ganun." wika ni Joice.
"Ha? Eh, hindi naman tungkol sa project yun eh." wika ni Ada.
"Ah, basta! Madali lang yun. Sundin na lang natin, para gumanda ang
project natin. Matalino si Kent, kaya panis yang project natin! Wag mo lang
siya gagalitin, kasi baka mag walk out yun, mahirap na!" wika ni Joice.
"Ah, ganun ba?" wika ni Ada.
Sabagay, wala naman din si Ada magagawa kundi sumunod na lang kay Kent,
kapag mag utos na ito.
"Oh, tara na, uwi na tayo" yaya ni Joice.
Pagkatapos ay sabay na silang umuwi.
Kinabukasan nga ay nagmeeting ulit sila tungkol sa kanilang project
pagkatapos ng kanilang klase. Nagpasa sila lahat ng kanya-kanyang proposal para
sa kanilang project na gagawin. Isa-isang binasa iyon ni Kent.
"Kent, ito oh, nag dala akong juice and sandwich, baka magutom ka
eh." wika ni Charm.
"Thanks!" maikling wika ni Kent.
Ngunit hindi man lang ito tumingin kay Charm, patuloy parin ito na
nagbabasa.
"Miss, pakibili mo ko ng water!" wika ni Kent.
"Ha, ako?" maang na tanong ni Ada kay Kent.
"Oo, ikaw!" matalim na tingin ni Kent sa kanya.
Kumunot ang nuo ni Ada, "Pero may juice ka na ah?" sagot naman ni
Ada.
"Sige na girl, bumili ka na, go!" wika ni Jenny.
At napilitan na lamang na tumayo si Ada at sumunod. Pagkabalik niya ay
nakita niyang seryosong nagsasalita si Kent, habang nagpapaliwanag tungkol sa project
nila. Inilagay naman ni Ada ang dala niyang tubig sa lamesa. Habang
nagpapaliwanag si Kent, ay isinusulat nila ang mga gagawin ng bawat isa.
Pagkatapos ay isa-isa na silang tumayo.
"Wait!" wika ni Kent habang nakatingin kay Ada.
Natigilan naman silang dalawa ni Joice.
"Ha, bakit?" tanong ni Ada.
"Maiwan ka, dahil late ka. Joice, you can go!" wika ni Kent.
"Teka, bumili ako ng water mo di ba?" sagot ni Ada.
"Kaya nga, maiwan ka." wika ni Kent.
Umupo ulit si Ada sa upuan. Nang makitang umalis na si Joice ay tska lamang
nagsalita ulit si Kent.
"Pwede ba tayong gumawa ng project sa bahay nyo?" tanong ni Kent.
"Ha, ah ano kasi..." nag-aalangan na wika ni Ada.
"Ano?" tanong ni Kent.
"Hindi kasi pwede sa bahay." sagot ni Ada
"Bakit hindi pwede?" tanong ni Kent.
"Ano kasi, eh malayo." wika ni Ada.
"Malayo? So, gaano kalayo?" tanong ulit nito.
Napakamot naman sa ulo si Ada, bakit ba pinagpipilitan nito.
"Actually, sa kabilang City pa yun bahay namin. Ako, nagrerent lang ng
kwarto dito." paliwanag ni Ada.
"Ah so, mag isa ka lang?" wika ni Kent.
"Uuhm..." tango ni Ada.
"Ah, wala ka na bang ibang sasabihin, may pupuntahan pa kasi ako
eh." wika ulit ni Ada.
"May pupuntahan ka? Hmm, may date ka?" tanong ni Kent.
"Ah hindi! May work kasi ako." sagot ni Ada.
"Saan?" tanong ni Kent.
"Malapit lang sa tinitirhan ko. Sige ah, mauna na ko." Tumayo na
si Ada at nagmadaling umalis.
Wala namang nagawa si Kent, dahil nagmamadali na si Ada na maglakad
papalayo. Nang pagtayo ni Kent ay nakita niya ang notebook ni Ada na naiwan.
Agad niyang hinabol si Ada, subalit hindi na niya ito nakita. Itinago na lamang
niya sa kanyang bag ang naiwang notebook ni Ada at umuwi na rin.
Sa bahay nila Kent...
Habang nag aaral si Kent ay napansin niya ang notebook ni Ada. Kinuha niya
ito at binuksan ang mga pahina. Nakita niya ang mga ibat-ibang drawing ni Ada
na nakakamangha.
"Hmm, magaling pala magdrawing ang babaeng yun. Interesting." wika
ni Kent.
Sabandang hulihan ay nakita niya ang kakaibang drawing nito. Isang malungkot
na babae na nakaupo sa gilid ng bato ng bangin at ang ilalim nito ay dagat.
Pinunit ito ni Kent at pinagmasdang mabuti at naisipan niya na idikit ito sa
pader. Pagkatapos ay nagpatuloy na ulit sya sa kanyang pag-aaral.
Kinabukasan ay nagmamadali si Ada sa pagpasok, dahil malapit na siyang
malate.
Samantala, habang naglalakad naman si Kent sa koridor ay nakasalubong nito
si Charm.
"Kent, Kent!" sigaw nito kay Kent.
At huminto naman si Kent.
"Kent oh, dinalhan kita ng kape." malambing wika ni Charm.
"Hindi ako nagkakape!" wika ni Kent.
"Teka Kent..." hindi pa natatapos ang sasabihin ni Charm ay
biglang may tumulak sa likod niya, at nabuhos ang kape nahawak-hawak niya sa
uniform ni Kent.
"Ayyy!!!" sabay-sabay na nagsigawan ang mga estudyanteng nandun!
Galit naman na titig ang ibinato ni Kent kay Charm.
"Kent, I'm... I'm..." hindi alam ni Charm kung paano magsosorry
kay Kent. Biglang tumingin si Charm sa likod niya at nakita niya si Ada na
gulat na gulat at kinakabahan.
"Ikaw! Dahil sayo, nabuhusan ko tuloy si Kent!" sigaw ni Charm kay
Ada.
"Ha, a-ako?" wika ni Ada.
Bumaling naman ng tingin si Kent kay Ada.
"Oo ikaw! Ikaw yun tumulak sakin! Kung hindi mo ko tinulak, hindi ko
sana nabuhusan si..." putol na wika ni Charm.
"Enough!" sigaw ni Kent.
Lumapit si Kent kay Ada at..
"Ikaw, sumunod ka sakin!" sabi nito kay Ada.
"Teka Kent, Sorry! I'm so sorry..." habol na wika ni Charm.
Napakamot na lang sa ulo si Ada, habang sumusunod kay Kent. Sumunod lang
siya ng sumunod kay Kent, hanggang sa nakarating sila sa locker room. Huminto
si Kent sa paglalakad.
"Come here!" utos ni Kent.
Agad namang lumapit si Ada. Ibinigay ni Kent ang bag niya kay Ada at
sinusian ang kanyang locker at binuksan ito.
"S-sorry Kent, di ko sinasadya." mahinang wika ni Ada.
Habang nagsasalita si Ada ay naghuhubad naman si Kent ng nabasang uniform.
Bigla namang natigilan si Ada sa pagsasalita ng biglang lumapit si Kent at
isinangga ang dalawang kamay niya kay Ada. Napalunok si Ada sa posisyon nilang
iyon, halos magkalapit sila ng mukha at katawan. Napagmasdan din niya ang
magandang katawan nito at abs.
"Talaga lang ah! Di mo sinasadya?" matalim na titig ni Kent kay
Ada.
Halos hindi naman makasagot si Ada, dahil sa posisyon nilang iyon, napasandal
siya sa locker at ngayon lang din sya naka kita ng lalakeng naka topless. At
super lapit pa ng mukha ni Kent sa kanya na tila ba siya hahalikan nito.
"Hindi ko naman talaga sinasadya yun. Nagmamadali kasi ako kaya-"
putol na wika ni Ada.
"Kaya di ka tumitingin sa dinadaanan mo?" wika ni Kent.
"Sorry na." wika ni Ada.
"Sorry? Sorry lang? Alam mo bang ngayon lang ako napahiya? Ah wait,
pangalawa na pala ito! Yun una, ay bigla mo kong inupuan! Tsk!" galit na
wika ni Kent.
"I'm sorry, ano bang gusto mong gawin ko?" tanong ni Ada.
"Labhan mo tong damit ko!" utos ni Kent sa kanya.
"Ah okey! Sige ako na maglalaba nito." wika ni Ada. Inayos ni Ada
ang damit ni Kent na nabasa at inilagay sa loob ng bag niya. Habang si Kent ay
nagbibihis ng bagong uniform. Nang makita ni Ada na nakabihis na si Kent, ay
iniabot na niya ang bag nito. At tumalikod na siya para umalis, subalit mabilis
siyang hinila ni Kent sa braso at bigla na lamang siya nitong hinalikan!
Gulat na gulat naman si Ada, sa ginawa ni Kent. Marahan ang paghalik na iyon
ni Kent, subalit nung sinusubukan na niyang itulak si Kent ay rumahas ang mga
halik na iyon. Mapagparusa at halos kapusin na ng hininga si Ada. Kaya naman,
pinapalo na niya si Kent sa dibdib nito, subalit pahigpit pa ng pahigpit ang yakap
nito sa kanyang katawan.
Narinig niyang parang may taong paparating, tska lamang siya biglang
binitiwan ni Kent, habang nakangisi ito sa kanya.
"How dare you!" wika ni Ada at sabay sampal kay Kent.
Nagulat naman si Kent sa ganting sampal na iyon ni Ada, namula ang pisngi
niya dahil dito.
"Ikaw!!!" galit na wika ni Kent, at susubukan na halikan siya muli
ngunit...
"Kent...!" tawag ni Alfred kay Kent.
Napahinto naman si Kent sa gagawin sana.
"Tara na! Malalate na tayo!" yaya nito.
"Hindi pa tayo tapos!" pagbabanta niya kay Ada, habang naka titig
ito ng masama sa kanya.
Pagkatapos ay dumiretso na sila sa room, si Ada naman ay naiwang mag-isa.
Hindi niya alam kung ano ang dapat maramdaman. Napabuntong hininga na lamang
siya at nagmamadaling pumasok sa room.
Halos hindi pumapasok sa utak ni Ada ang tinuturo ng Teacher nila, dahil
naalala parin niya ang ginawa sa kanya ni Kent. Parang gusto niyang tusukin si
Kent ng ballpen habang pinagmamasdan niya ang likod nito.
Naisip niyang...
"First kiss ko yun! First kiss ko! Tapos ikaw?Grrr! Kakagigil ka!"
wika ni Ada sa sarili.
At pinunas niya ng pinunas ang mga labi niya ng panyo habang naiinis.
Pagkatapos ng klase ay lumapit si Charm kay Kent.
"Kent, may meeting ba tayo mamaya?" tanong ni Charm.
"Wala!" matipid na sagot nito at umalis na kaagad.
Aalis na rin sana si Ada, subalit hinarang siya ni Charm.
"Hey, ano pinagawa sayo ni Kent kanina?" tanong nito.
"Ah, wala lang, pinabitbit lang niya sa akin yun bag niya, habang
nagpalit sya!" wika ni Ada.
"Tapos?" wika ni Charm.
Naisip ni Ada ang halik ni Kent kanina, pero pinili nyang wag sabihin ang
totoo dito.
"Yun lang!" wika ni Ada.
"Ah ok." wika ni Charm.
"Sige, mauna nako." paalam ni Ada.
Pagkaalis ni Ada, ay nagbulungan ang mga ito.
"Sabi ko sayo eh, hindi yan papatusin ni Kent." wika ni Jenny.
"Oo nga! Hindi sila bagay ni Kent noh?" wika naman ni Lyka.
"Sana nga! Pero iba kasi ang kutob ko sa kanya eh!" wika naman ni
Charm.
"If ever naman, wala namang binatbat sayo yan si Ada! Rich ka na,
maganda pa! Ano pa ang hahanapin sayo ni Kent di ba?" wika ni Jenny.
"Sabagay, korek ka dyan!" ngiting sabi ni Charm.
"Tama! Mukhang poor naman yan si Ada. Kaya wag na nating pag-aksayahan
ng panahon yan!" wika ni Lyka.
Pagkatapos magkwentuhan ay sabay-sabay din silang umuwi.
Download NovelToon APP on App Store and Google Play