Aia's Story

Aia's Story

Unang Kabanata

“Hardwork beats talent when talent doesn’t work hard.” – Tim Notke

"Aia, pinatatawag ka ni Ma'am Angel sa opisina niya. ASAP." Wika ng katrabaho niya na si Nica, ang Executive Secretary ng kanilang Presidente at Chairman of the Board na si Dr. Angelica Sy. Isa siyang Marketing and Research Analyst sa isang kilalang supplier ng mga Medical Equipments and Instruments sa mga kilalang ospital sa Pilipinas.

"Sige Nica, salamat."

Inayos muna ni Aia ang mga papeles na nakasalansan sa kanyang table bago nagtungo sa opisina ng kanilang President.

“Ano na naman kaya ang sadya sa akin ni Madam?” kinakabahang nawika nito sa sarili habang patungo sa opisina ng kanyang bisor.

---

"Ma'am, good morning po. Pinatatawag daw po ninyo ako?" Magalang na wika ni Aia.

"Yeah, I just finished reading your positioning statement regarding sa Products natin on Operating Room Tables and Lights, and I must say na maganda ang pagkakasulat mo. I want you to prepare for your demonstration on Monday regarding on this matter. You will also join Mr. Sy on product presentation at SLMC for the next month since fully-loaded ang mga Sales Rep natin kaya kailangan din na magpresent na ang mga Analyst. Might as well prepare the draft and the PowerPoint. I need to see that by next week, understood?"

"Yes po, Ma'am."

"Good. You may go. By the way, I also need the report for our clients regardng to the equipments, as well as their feedbacks before 3pm."

"Okay po, Ma'am."

---

"Beh, anong sabi sa iyo ni Madam? Nagisa ka na naman ba?" Tanong ng katrabaho at kaibigan niyang si Nathan. Sa unang araw pa lamang niya sa trabaho ay nakagaanan na niya ito ng loob, at ito rin ang nakasaksi kung paano siya pagalitan ng kanilang boss nang dahil sa ipinasa niyang trabaho sa unang araw pa lamang. Likas rin na palabiro at palangiti ito kaya naman ay nakagaanan na niya ito ng loob, idagdag pa na parehas silang lalaki ang hinahanap. Iyon nga lang ay hindi nila ito lataran na ipinakikita sa kanilang mga kasamahan sa opisina.

Bilang isang Marketing and Research Analyst, isa si Aia sa mga nagsasakliksik at gumagawa ng “report at fingdings” patungkol sa “trend” sa medical equipments and instruments, as well as sa mga updates, history, maski report ng sales at feedback ay sa kanila din pinagagawa. Kapagka wala ang mga Sales Representatives o malalaking kliyente na nila ang kailangan nilang makausap, isa din siya sa mga humaharap sa mga meeting para magpresent patungkol sa producto at serbisyo ng kumpanyang pinapasukan.

"Beh, kinakabahan ako! Magdedemo daw ako sa Monday, tapos kasama ko pa by next month si Sir Derek sa board presentation at SLMC! Nalintikan na ako!" Tugon niya sa tanong ng kaibigan. Alam niyang naiintindihan nito ang kanyang nararamdaman sapagkat parehas sila ng trabaho. Ang pinagkaiba lamang nila ay nauna ito sa kanya ng anim na buwan kung kaya ay mas gamay na nito ang trabaho sa kanilang opisina.

"Kaya mo iyan Beh. Isipin mo na lang si Sir Derek habang nagprepresent ka, tignan natin kung hindi mo ayusin yang pagpre-present mo."

Ang tinutukoy naman ng kaibigan ay ang kanilang Division Head na si Derek Sy. Kamag-anak ito ng may-ari ng pinapasukang kumpanya. Ang Raja Medical Equipment Incorporated ay isang family-owned business na isa sa pinaka-established ng supplier ng Medical Equipments and Instruments sa bansa. Kilala ang nasabing superior bilang istrikto at suplado na tao, idagdag pa ang magaspang na pag-uugali nito sa lahat

"Gaga! Di lalo akong kinabahan! Bruha ka! Makita ko lang iyong pagmumukha nun ay tumatayo na ang mga balahibo ko sa batok! Paano pa kaya na kasama ko siya sa iisang room habang nagpre-present ako?! Paano kung magkamali ako? Or mautal? Mapahiya? Di nahatak ko pa pababa yung pangalan ng kumpanya natin! Worst is ako ang sisisihin kapagka hindi natin nakuha ang SLMC!”

"Paanong tayo ng buhok sa batok, girl? Kapagka nahahawakan k aba, ganun? Joke!” Biro ng kaibigan. “Saka grabe ka friend, papable naman si Sir Derek eh. Nakakatakot nga lang. Aura pa lang, creepy na. Para siyang si Draco Malfoy ng Harry Pooter, gwapo kaso creepy! Or si Severus Snape na totally creepy! Sayang talaga, gwapo pa naman si Sir Derek! Ayos lang naman sa akin na may pagtingin ka friend. Understanding ako.” Turan nito. “O sige, kunwari na lang iyong ex mo yung nanonood, para makapagpresent ka nang maayos sa mga member ng board." Dagdag pa nito sa kanya.

“Taragis ka friend! Talagang siya pa ang nabangit mo ha?! Hindi ka naman nakatulong eh!"

"Sus friend! as if naman makikita mo yung papable mo doon. Haler? Ospital ang pupuntahan natin. Wala siya dun. Saka girl, wala dito ang the one that got away mo. Choserang 'to!"

"Anong the one that got away ka diyan? Asa! Saka anong Severus Snape?! Mabuti pa nga yun eh, one-woman man lang. Napakapure niya magmahal. Si Lily lang, siya lang. Potek kung may ganun lang na lalaki, kahit di kagwapuhan, push! Attitude nga lang. Saka gwapo si Snape dun sa portrayal niya nung bata at kabataan niya ha?!"

"Hahaha! Grabe ka friend, kalma lang. Peace na friend. ginagawa ko lang naman na magaan ang sitwasyon mo. Kung ako sa iyo, magreview ka na ngayon pa lang, o di kaya aralin mo na iyong powerpoint sa PC mo, iyong latest na sinend ni Sir Ryan sa Outlook. Updated iyon. Saka isa pa, hindi naman siguro ibibigay sa iyo yan ni Ma’am Sy kung alam niya na hindi mo kaya eh. Ikaw pa ba? Brainy ka sa lahat ng aspeto, sablay nga lang sa love. Saka isa pa, it’s a matter of mindset lang din friend. Positive Chi ang kailangan natin, beh! Iwas-iwas tayo sa lahat ng uri ng negativities sa katawan at paligid, okay?"

"Easier said than done, bakla!"

"Hay naku girl! Sasabunutan talaga kita! Baka kaya hindi ka na din makahanap ng papa kasi napaka-nega at seryoso mo sa buhay, nagmamanifest na sa peyslalu mo kahit na maganda ka! Abante din kasi! Wag tirahan yung mga ganyang ganap sa buhay. Tambay-tambay lang! Baka nahahawa na din ako ng negative chi, girl!” Mahabang litanya ng kanyang kaibigan habang pinapahid ang kamay nito sa sariling katawan, matapos ay pinahiran naman siya ng panyo sa noo.

“Anong tawag na naman diyan sa ginagawa mo, beh? Saka anong abante? Okay na ako bakla ha?!”

“Gaga, di ritual! Para mawala ang negative energy sa katawan ko na nakuha ko mula sa iyo nang dahil sa ka-negahan mo! Baka di na ako makahanap ng papa neto! Saka anong okay? Eh bakit parang ampalaya ka pa rin?!”

“Tigilan mo nga ‘yang bakla ka!” wika nito sabay hampas sa kaibigan.

“Grabe ka sa akin friendship” habang hinihimas nito ang napalong kamay. “Ang hard ha? Sana sa ibang bagay mo dinadala yang pagiging hard mo... halimbawa, sa kama, hindi sa akin. Baka magka-love life ka pa kapagka ganyan. Nakakalola ka!”

"Anong kama ka diyan?! Saka lovelife talaga? Bakla naman kasi, ano ako? Santo? Pinapahiran ng panyo?"

"Palibhasa, wala na ngang love life, hindi pa nadidiligan. Kaloka ka girl!" Sabay pagpag ng kamay nito na wari'y nandidiri.

"Hoy anong dilig ka diyan? Maghunos-dili ka nga Bruha ka! Nasa opisina tayo, baka marinig ka dito!"

“Sige friend, kung ayaw mo, ako na lang ang magprepresent. Sabihin mo kay Ma’am Sy, dali! At nang maka-score naman ako kay papa Derek! Baka sakaling malasahan ko ang langit dito sa lupa. Kahit tikim lang. Or sulyap. Ang ilap nung boss natin na ‘yun eh!”

“Bruha ka, mamaya marinig ka nun, bagsakan ka ng trabaho! Anyway, Salamat beh ha? Mabuti na lang at nandito ka para pagaangin yung kalooban ko.” May kadamdaming wika ni Aia sa kaibigan at katrabaho.

“Sus, wala yun! Sino pa ba ang magtutulungan dito, kundi tayo lang, kahit minsan ayaw na ayaw ko ang ka-nega-han mo. Nakakasira ng vibes! Kagandang babae naman pero ampalaya! Wag palaging ganun!” Turan nito sa kanya. “pero friend, di ko betsung yung babagsakan ako ng trabaho ha? Erase yun, erase!” Dagdag pa nito.

"Hahaha! Oo na, oo na!"

At nagpatuloy na sila sa kani-kanilang mga trabaho sa opisina.

---

"Friend! Saan tayo ngayon? Sahod na, may datung na tayiz!" Bungad sa kanya ng kaibigan si Nathan.

"Sira! Anong saan tayo ngayon? Eh alas-nuwebe na ng gabi, may magagalaan pa ba tayo diyan?!" Tugon ni Aia sa kaibigan. Hindi na iba sa kanila ang ganitong klase ng pag-uusap.

"Oo nga pala, si Madam naman kasi pinapagod tayo nang sobra. Ang Peyslak ko, nagiging dry na! Ang Foundation at BB Cream ko, baka hulas na! Okay lang sanang mapagod ako kung sa kama ako papagurin, tapos si papa Derek ang mangpapagod sa akin! Iyon ang pagod na refeshing pagkatapos!"

"Tigilan mo ako Jonathan, sasakalin kita diyan! Bibig mo huy!" Tapos ka na ba? At nang makauwi na tayo!"

"Ay madam, kanina pa! Ikaw na lang ang hinihintay! Sina Jane nasa labas na, tayo na lang ang hinihintay! Nakakaloka kang babae ka! Halos wala ka nang tanghalian at meryenda kakatrabaho diyan! Mamaya ay magkapalit na kayo ng mukha ng PC, lugi siya!" Pang-aalaska sa kanya ng kaibigan.

"Anong sabi mo bakla ka?!" Pagalit kunong turan nito sa kaibigan. Kahit papaano ay nababawasan ang kanyang pagkapagal at pangungulila sa mga magulang sa tulong ng kanyang mga kaibigan.

"Sabi ko friend, maganda ka. Sa sobrang ganda mo nga, kulang na lang sambahin ka na ng ibang kaopisina natin eh."

"Tse!"

Sa kasalukuyan ay naninirahan siya dito sa Maynila. Tubong Batangas si Aia Andrea Austin, o mas kilala sa tawag na Aia ng kanyang mga katrabaho. Nang makapagtapos mula sa kursong Office Administration sa Pamantasang Utak ang Puhunan o mas kilala sa PUP, ay nakapagtabaho siya bilang Analyst sa isang BPO Company subalit hindi siya pinalad na magtagal dahil na din sa pabago-bago ang araw at oras ng kanyang pasok, lalo na at kadalasan sa shift niya ay panggabi. Sa kasalukuyan ay nagtratrabaho siya bilang Marketing and Research Analyst sa Raja Medical Equipment Incorporated, isang Importer, Exporter and Manufacturer ng kagamitan sa ospital. Mag-a-aapat na taon na din siya sa nasabing kumpanya. Bagamat hindi kalakihan ang sahod kumpara sa nauna niyang trabaho, nagawa naman niyang magtagal dito dahil na din sa mga kasamahan niyang kung ituring siya ay parang pamilya.

"Tara na beh! Tapos na ako! Baka mamaya ay magpakita pa sa atin ang kaluluwa ni Sir Juan! Matanda na yun, okay lang sana kung bata at gwapo, magpapagahasa pa ako!"

"Bruha ka talaga, puro kamunduhan ang lumalabas sa bibig mo!"

"Maganda naman!"

"Di ikaw na ang maganda!"

"Mana sa iyo, beshie."

At sabay ngang lumabas ang magkaibigan habang hindi sila magkamayaw sa alaskahan.

Author’s Random Thoughts:

Work and play at the same time if you can, without compromising the quality of your output. Sometimes, all we need is a short break from all the things that stressed us out.

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download MangaToon APP on App Store and Google Play