“Hardwork beats talent when talent doesn’t work hard.” – Tim Notke
"Aia, pinatatawag ka ni Ma'am Angel sa opisina niya. ASAP." Wika ng katrabaho niya na si Nica, ang Executive Secretary ng kanilang Presidente at Chairman of the Board na si Dr. Angelica Sy. Isa siyang Marketing and Research Analyst sa isang kilalang supplier ng mga Medical Equipments and Instruments sa mga kilalang ospital sa Pilipinas.
"Sige Nica, salamat."
Inayos muna ni Aia ang mga papeles na nakasalansan sa kanyang table bago nagtungo sa opisina ng kanilang President.
“Ano na naman kaya ang sadya sa akin ni Madam?” kinakabahang nawika nito sa sarili habang patungo sa opisina ng kanyang bisor.
---
"Ma'am, good morning po. Pinatatawag daw po ninyo ako?" Magalang na wika ni Aia.
"Yeah, I just finished reading your positioning statement regarding sa Products natin on Operating Room Tables and Lights, and I must say na maganda ang pagkakasulat mo. I want you to prepare for your demonstration on Monday regarding on this matter. You will also join Mr. Sy on product presentation at SLMC for the next month since fully-loaded ang mga Sales Rep natin kaya kailangan din na magpresent na ang mga Analyst. Might as well prepare the draft and the PowerPoint. I need to see that by next week, understood?"
"Yes po, Ma'am."
"Good. You may go. By the way, I also need the report for our clients regardng to the equipments, as well as their feedbacks before 3pm."
"Okay po, Ma'am."
---
"Beh, anong sabi sa iyo ni Madam? Nagisa ka na naman ba?" Tanong ng katrabaho at kaibigan niyang si Nathan. Sa unang araw pa lamang niya sa trabaho ay nakagaanan na niya ito ng loob, at ito rin ang nakasaksi kung paano siya pagalitan ng kanilang boss nang dahil sa ipinasa niyang trabaho sa unang araw pa lamang. Likas rin na palabiro at palangiti ito kaya naman ay nakagaanan na niya ito ng loob, idagdag pa na parehas silang lalaki ang hinahanap. Iyon nga lang ay hindi nila ito lataran na ipinakikita sa kanilang mga kasamahan sa opisina.
Bilang isang Marketing and Research Analyst, isa si Aia sa mga nagsasakliksik at gumagawa ng “report at fingdings” patungkol sa “trend” sa medical equipments and instruments, as well as sa mga updates, history, maski report ng sales at feedback ay sa kanila din pinagagawa. Kapagka wala ang mga Sales Representatives o malalaking kliyente na nila ang kailangan nilang makausap, isa din siya sa mga humaharap sa mga meeting para magpresent patungkol sa producto at serbisyo ng kumpanyang pinapasukan.
"Beh, kinakabahan ako! Magdedemo daw ako sa Monday, tapos kasama ko pa by next month si Sir Derek sa board presentation at SLMC! Nalintikan na ako!" Tugon niya sa tanong ng kaibigan. Alam niyang naiintindihan nito ang kanyang nararamdaman sapagkat parehas sila ng trabaho. Ang pinagkaiba lamang nila ay nauna ito sa kanya ng anim na buwan kung kaya ay mas gamay na nito ang trabaho sa kanilang opisina.
"Kaya mo iyan Beh. Isipin mo na lang si Sir Derek habang nagprepresent ka, tignan natin kung hindi mo ayusin yang pagpre-present mo."
Ang tinutukoy naman ng kaibigan ay ang kanilang Division Head na si Derek Sy. Kamag-anak ito ng may-ari ng pinapasukang kumpanya. Ang Raja Medical Equipment Incorporated ay isang family-owned business na isa sa pinaka-established ng supplier ng Medical Equipments and Instruments sa bansa. Kilala ang nasabing superior bilang istrikto at suplado na tao, idagdag pa ang magaspang na pag-uugali nito sa lahat
"Gaga! Di lalo akong kinabahan! Bruha ka! Makita ko lang iyong pagmumukha nun ay tumatayo na ang mga balahibo ko sa batok! Paano pa kaya na kasama ko siya sa iisang room habang nagpre-present ako?! Paano kung magkamali ako? Or mautal? Mapahiya? Di nahatak ko pa pababa yung pangalan ng kumpanya natin! Worst is ako ang sisisihin kapagka hindi natin nakuha ang SLMC!”
"Paanong tayo ng buhok sa batok, girl? Kapagka nahahawakan k aba, ganun? Joke!” Biro ng kaibigan. “Saka grabe ka friend, papable naman si Sir Derek eh. Nakakatakot nga lang. Aura pa lang, creepy na. Para siyang si Draco Malfoy ng Harry Pooter, gwapo kaso creepy! Or si Severus Snape na totally creepy! Sayang talaga, gwapo pa naman si Sir Derek! Ayos lang naman sa akin na may pagtingin ka friend. Understanding ako.” Turan nito. “O sige, kunwari na lang iyong ex mo yung nanonood, para makapagpresent ka nang maayos sa mga member ng board." Dagdag pa nito sa kanya.
“Taragis ka friend! Talagang siya pa ang nabangit mo ha?! Hindi ka naman nakatulong eh!"
"Sus friend! as if naman makikita mo yung papable mo doon. Haler? Ospital ang pupuntahan natin. Wala siya dun. Saka girl, wala dito ang the one that got away mo. Choserang 'to!"
"Anong the one that got away ka diyan? Asa! Saka anong Severus Snape?! Mabuti pa nga yun eh, one-woman man lang. Napakapure niya magmahal. Si Lily lang, siya lang. Potek kung may ganun lang na lalaki, kahit di kagwapuhan, push! Attitude nga lang. Saka gwapo si Snape dun sa portrayal niya nung bata at kabataan niya ha?!"
"Hahaha! Grabe ka friend, kalma lang. Peace na friend. ginagawa ko lang naman na magaan ang sitwasyon mo. Kung ako sa iyo, magreview ka na ngayon pa lang, o di kaya aralin mo na iyong powerpoint sa PC mo, iyong latest na sinend ni Sir Ryan sa Outlook. Updated iyon. Saka isa pa, hindi naman siguro ibibigay sa iyo yan ni Ma’am Sy kung alam niya na hindi mo kaya eh. Ikaw pa ba? Brainy ka sa lahat ng aspeto, sablay nga lang sa love. Saka isa pa, it’s a matter of mindset lang din friend. Positive Chi ang kailangan natin, beh! Iwas-iwas tayo sa lahat ng uri ng negativities sa katawan at paligid, okay?"
"Easier said than done, bakla!"
"Hay naku girl! Sasabunutan talaga kita! Baka kaya hindi ka na din makahanap ng papa kasi napaka-nega at seryoso mo sa buhay, nagmamanifest na sa peyslalu mo kahit na maganda ka! Abante din kasi! Wag tirahan yung mga ganyang ganap sa buhay. Tambay-tambay lang! Baka nahahawa na din ako ng negative chi, girl!” Mahabang litanya ng kanyang kaibigan habang pinapahid ang kamay nito sa sariling katawan, matapos ay pinahiran naman siya ng panyo sa noo.
“Anong tawag na naman diyan sa ginagawa mo, beh? Saka anong abante? Okay na ako bakla ha?!”
“Gaga, di ritual! Para mawala ang negative energy sa katawan ko na nakuha ko mula sa iyo nang dahil sa ka-negahan mo! Baka di na ako makahanap ng papa neto! Saka anong okay? Eh bakit parang ampalaya ka pa rin?!”
“Tigilan mo nga ‘yang bakla ka!” wika nito sabay hampas sa kaibigan.
“Grabe ka sa akin friendship” habang hinihimas nito ang napalong kamay. “Ang hard ha? Sana sa ibang bagay mo dinadala yang pagiging hard mo... halimbawa, sa kama, hindi sa akin. Baka magka-love life ka pa kapagka ganyan. Nakakalola ka!”
"Anong kama ka diyan?! Saka lovelife talaga? Bakla naman kasi, ano ako? Santo? Pinapahiran ng panyo?"
"Palibhasa, wala na ngang love life, hindi pa nadidiligan. Kaloka ka girl!" Sabay pagpag ng kamay nito na wari'y nandidiri.
"Hoy anong dilig ka diyan? Maghunos-dili ka nga Bruha ka! Nasa opisina tayo, baka marinig ka dito!"
“Sige friend, kung ayaw mo, ako na lang ang magprepresent. Sabihin mo kay Ma’am Sy, dali! At nang maka-score naman ako kay papa Derek! Baka sakaling malasahan ko ang langit dito sa lupa. Kahit tikim lang. Or sulyap. Ang ilap nung boss natin na ‘yun eh!”
“Bruha ka, mamaya marinig ka nun, bagsakan ka ng trabaho! Anyway, Salamat beh ha? Mabuti na lang at nandito ka para pagaangin yung kalooban ko.” May kadamdaming wika ni Aia sa kaibigan at katrabaho.
“Sus, wala yun! Sino pa ba ang magtutulungan dito, kundi tayo lang, kahit minsan ayaw na ayaw ko ang ka-nega-han mo. Nakakasira ng vibes! Kagandang babae naman pero ampalaya! Wag palaging ganun!” Turan nito sa kanya. “pero friend, di ko betsung yung babagsakan ako ng trabaho ha? Erase yun, erase!” Dagdag pa nito.
"Hahaha! Oo na, oo na!"
At nagpatuloy na sila sa kani-kanilang mga trabaho sa opisina.
---
"Friend! Saan tayo ngayon? Sahod na, may datung na tayiz!" Bungad sa kanya ng kaibigan si Nathan.
"Sira! Anong saan tayo ngayon? Eh alas-nuwebe na ng gabi, may magagalaan pa ba tayo diyan?!" Tugon ni Aia sa kaibigan. Hindi na iba sa kanila ang ganitong klase ng pag-uusap.
"Oo nga pala, si Madam naman kasi pinapagod tayo nang sobra. Ang Peyslak ko, nagiging dry na! Ang Foundation at BB Cream ko, baka hulas na! Okay lang sanang mapagod ako kung sa kama ako papagurin, tapos si papa Derek ang mangpapagod sa akin! Iyon ang pagod na refeshing pagkatapos!"
"Tigilan mo ako Jonathan, sasakalin kita diyan! Bibig mo huy!" Tapos ka na ba? At nang makauwi na tayo!"
"Ay madam, kanina pa! Ikaw na lang ang hinihintay! Sina Jane nasa labas na, tayo na lang ang hinihintay! Nakakaloka kang babae ka! Halos wala ka nang tanghalian at meryenda kakatrabaho diyan! Mamaya ay magkapalit na kayo ng mukha ng PC, lugi siya!" Pang-aalaska sa kanya ng kaibigan.
"Anong sabi mo bakla ka?!" Pagalit kunong turan nito sa kaibigan. Kahit papaano ay nababawasan ang kanyang pagkapagal at pangungulila sa mga magulang sa tulong ng kanyang mga kaibigan.
"Sabi ko friend, maganda ka. Sa sobrang ganda mo nga, kulang na lang sambahin ka na ng ibang kaopisina natin eh."
"Tse!"
Sa kasalukuyan ay naninirahan siya dito sa Maynila. Tubong Batangas si Aia Andrea Austin, o mas kilala sa tawag na Aia ng kanyang mga katrabaho. Nang makapagtapos mula sa kursong Office Administration sa Pamantasang Utak ang Puhunan o mas kilala sa PUP, ay nakapagtabaho siya bilang Analyst sa isang BPO Company subalit hindi siya pinalad na magtagal dahil na din sa pabago-bago ang araw at oras ng kanyang pasok, lalo na at kadalasan sa shift niya ay panggabi. Sa kasalukuyan ay nagtratrabaho siya bilang Marketing and Research Analyst sa Raja Medical Equipment Incorporated, isang Importer, Exporter and Manufacturer ng kagamitan sa ospital. Mag-a-aapat na taon na din siya sa nasabing kumpanya. Bagamat hindi kalakihan ang sahod kumpara sa nauna niyang trabaho, nagawa naman niyang magtagal dito dahil na din sa mga kasamahan niyang kung ituring siya ay parang pamilya.
"Tara na beh! Tapos na ako! Baka mamaya ay magpakita pa sa atin ang kaluluwa ni Sir Juan! Matanda na yun, okay lang sana kung bata at gwapo, magpapagahasa pa ako!"
"Bruha ka talaga, puro kamunduhan ang lumalabas sa bibig mo!"
"Maganda naman!"
"Di ikaw na ang maganda!"
"Mana sa iyo, beshie."
At sabay ngang lumabas ang magkaibigan habang hindi sila magkamayaw sa alaskahan.
Author’s Random Thoughts:
Work and play at the same time if you can, without compromising the quality of your output. Sometimes, all we need is a short break from all the things that stressed us out.
“Don’t be afraid to give your best to what seemingly are small jobs. Every time you conquer one, it makes you that much stronger. If you do the little jobs well, the big ones will tend to take care of themselves.”
- William Patten
"Mali! Mali itong panimula ko! Hay naman, ang hirap maghanap ng reliable na information tungkol sa pinagmulan ng Operating Room Tables at Chairs ha? Bakit kasi kasama pa ito sa presentation, eh ang kailangan lang naman nila ay yung product descriptions and specifications naming?! Hindi bale sana kung kasaysayan ni Haring Herodotus at Nero 'to. O di kaya ay Kasaysayan ng Goguryeo, tch! Or kahit yung Octalogy na lang ng Harry Potter!" Pagrereklamo ni Aia habang nakaharap sa computer nito. Pilit niyang isinisingit sa kanyang trabaho ang paggawa ng Powerpoint Presentation habang ginagawa ang mga trabahong nakaatang sa kanya. Hangga't kaya niyang maisingit ang mga ad-hoc tasks na ibinibigay sa kanya ay pinipilit niya itong tapusin sa opisina. Hangga't maaari kasi'y ayaw niyang may trabahong nakabinbin, lalo na ang mag-uwi ng trabaho sa kaniyang tinutuluyan. Kahit ayaw man niya ng multi-tasking, wala naman siyang magawa maliban sa gawin ang lahat nang sabay-sabay, nang hindi nagkakaproblema.
"Beh, labas tayo. Saglit lang. Bili tayong coffee. Inaantok na ako, tapos ikaw naman nagsasalita na nang mag-isa, mahirap iyan. Mental Hospital ang kinababagsakan ng mga ganyan. Sige ka, ikaw din." Lapit sa kanya ng kaibigan na si Jonathan. Palibhasa’y end of year na, halos lahat sila sa opisina ay hindi magkandamayaw sa pagtapos ng mga kanya-kanyang tasks.
"Kasi naman beh, ang hirap ng pinahahanap sa akin! Hindi bale sana kung si hubby Hyung Sik or papa Cholo ang pinahahanap sa akin! Sasakalin ko na talaga iyong si Jared eh!" Ang tinutukoy ni Aia ay ang isa sa mga katrabaho niya na gagawa sana ng documentation nila Jonathan subalit lumiban ito nang isang linggo nang hindi man lang tinapos ang dapat sana’y trabaho nito.
"Shet ako nga, puro papeles ang kaharap ko! Sa sobrang dami, hindi ko na matanaw ang pagpasok ni Sir Derek! Ang alam ko, hindi ko trabaho yung sa Budget eh! Bakit sa akin pinagawa?! Kapagka nasira ang ganda ko, hindi na ako makakahanap ng Mr. Right nito, malamig na naman ang pasko ko! Pang-semana santa na naman ang peg ko!" Paghihimutok pa nito.
"Beh, 28 taon nang malamig ang pasko mo, hindi ka pa nasanay!" Pang-aalaska ni Aia sa kanyang kaibigan.
"Iyon nga ang masakit eh, malapit na akong mawala sa Kalendaryo ng Pebrero, alone pa rin ako! Never been kissed, never been touched. Hay, lumabas na tayo dito, at nang makabili na tayo ng maiinom! Baka nasa labas lang din ang Mr. Right ko."
"Sino dun? Yung pulubi ba sa gilid ng 7/11?" Pang-aalaska ni Aia sa kaibigan.
"Sira! Hindi siyempre. May asawa na yun. Di mo ba nakita?"
"Nakikita, syempre."
"Buti pa siya ano? Nakakadilig. Tayo hindi nadidiligan."
"Ayan ka na naman bakla ka! Filter dito sa opisina ha?"
"Ikaw kasi besh, tagal mo eh! Tara na kasi! Nahihilo na ako!" Pang-aapura nito sa kanya.
"Mabuti pa nga, at nahihilo na din ako sa dami ng trabaho!"
---
"Beh, at 3 o'clock, may papable. Iyong nakasuot ng Puting Polo." Sabi ng kaibigan sabay nguso.
"Bakla, kape ang ipinunta natin dito sa convenience store, hindi lalake. Wala ako sa mood. Zero percent ang radar ko ngayon, na-drain na nang dahil sa trabaho," Tugon ni Aia sabay kuha ng coffee sa refrigerator.
"Ano ka ba beh? Form of relaxation ko ang paghahanap ng lalaki. Ikaw naman, parang hindi ginawa ang mag-sight seeing ng papa nung high school at kolehiyo? Saka need mo ng battery, di’ba? Malay mo mga papables na ang sagot diyan sa pananamlay mo? Sa pagiging tigang ng puso mo, at sa pagiging tuyo ng katawan mo?"
"beh, wala ako sa mood maghanap ngayon, baka next week meron na... o di kaya kapagka natapos ko na iyong Powerpoint na pinagagawa sa akin. Saka hindi ako tigang ang puso ko, May Severus Snape ako at Harry Potter. Marami din akong asawa at kasintahan." Tugon ng dalaga nang hindi nililingon ang kaibigan, ni ang lalaki na itinuro nito sa kanya.
"Besh, ayan ka na naman sa imaginary husbands and boyfriends mo. Ayan ang napapala mo kababasa ng novel books at kapapanuod ng k-drama, anime at movies. Maghanap ka na lang kasi ng totoong lalaki, at nang may iba ka naming mapaglaanan ng oras mo maliban sa laptop at books mo kapagka day off natin." Untag pa ng kaibigan.
"Bakla, ang pagmamahal, hindi hinahanap yan. Kusang dumarating yan. Kung para sa iyo, para sa iyo. Kung hindi, kahit anong laban mo pa, walang mangyayari. Kahit gaano mo pa kamahal at kabusilak ang hangarin mo sa kanya at sa inyo, kung hindi naman siya tutugon, walang mangyayari. Nada. The end." Mahaba-habang litanya ni Aia sa kaibigan.
"Ay bakla! ilang sentence lang ang sinabi ko, binalikan mo ako ng halos isang paragraph!"
"Stress ako bakla, hahaha. Gusto ko ngang manakal eh O di kaya sabihin kay Jared na Avada Kedavra!" Biglang biro nito sa kasama.
"Ano ka, si Voldemort?! Witch ka, te?” Nakangiwing turan ng kasama. “Kidding aside, nakakainis naman kasi si Jared eh! Trabaho niya iyon tapos ipapasa sa iyo! Palibhasa kasi apo ni Madam Sy kaya nagawa ang gusto! Buti pa si Sir Derek, dedicated na boss, kahit kadugo ni Madam Sy, masipag, matalino, moreno, makisig, guwapo, at-
"At ubod ng strikto at sungit!" Akala mo'y wala na tayong ginawang tama, lalo na ako! Pakiramdam ko lahat ng ginagawa ko, pagdating sa kanya ay mali! Talo niya pa si Madam Sy!" Paghihimutok ni Aia habang kumukuha ng chocolates.
"Oo nga beh, grabe ang init ng dugo sa iyo nun! Kung anong bait ni madam, siyang sungit naman ni Sir Derek. Minsan nga naiisip ko na baka insekyurado sa iyo yun, kasi close ka kay Ma'am Cecil. Eh balita ko ay may pagtangi iyon dun eh. Palagi kaya silang sabay kumain nun, gayong magkaiba naman sila ng department. Saka sabay din silang umuuwi kapagka hindi dala ni Sir Derek ang kotse niya. Pansinin mo, sa tuwing mag-aaya noon si Sir sa kanya, nagkakataon na kasama ka ni Ma’am Cess sa pag-aaral ng presentation na gagawin ninyo? Or di kaya aayain kang bumili sa convenience store? Minsan nga naiisip ko na ginagawa ka nang scapegoat ni Madam kapagka ayaw niyang kausapin si Sir eh. Pero girl, datil ang yun ha? Tingin ko lang naman dati, hahaha."
"bahala siya! Basta magtratrabaho ako nang matino, tapos! Hindi ako pwedeng ma-stress nang sobra ngayon, baka makaapekto sa magiging demonstration ko sa Lunes! Saka isa pa, kung tama man yang hinala mo, wala na dapat siyang ikainis sa akin! Close na sila ngayon girl ano? Saka di ako pwedeng ma-destruct girl, one of the biggest client pa naman natin sa Makati iyong ospital na pupuntahan namin, nakakaloka!"
Patungo na sa counter ang magkaibigan nang may makita ang dalawa na pumukaw ng kanilang atensyon. Ang kanilang Head na si Dr. Derek Sy, kasama ang Sales Officer na si Cecil Salvador na naglalakad patungo sa fruits section ng convenience store.
"Beh! Sundan natin sina Madam, dali!" Wika ng kaibigan habang pinipigilan na tumili.
"Hindi, pipila na tayo! Walangya ka, may mga naiwan pa tayong gawain sa opisina! Kapagka tayo nakita niyan, masasabon na naman tayo, wala pang lunchbreak nasa labas na tayo!"
"KJ naman friend. Chance na eh. Dapat kapagka may opportunity na, sunggab na agad! Kaya ka loveless eh. Pero may point ka naman, kaya ikaw na lang ang pumila dito, susundan ko sina Sir Derek at Ma'am Cess para makasagap ako ng juicy info! Heto ang pera at bibilhin ko, pakidala na lang sa table ko beh ha? Share ko sa iyo mamaya yung chika ko! Bye-bye, beh!" At nilisan na siya ng kaibigan para sundan ang dalawa nilang katrabho na magkasama.
"Gaga kang bakla ka! Ipagpalit daw ba ako sa lalaki? Bumalik ka dito, hoy!" Pahabol niyang turan.
---
"Oh, anong napala mo sa pagmamanman mo kina Sir?" Pambungad na tanong ni Aia sa kadarating lamang na si Nathan. Mukha itong nalugi sa itsura pa lang ng mukha.
"Beh, wala eh. Chikahan lang sila. Hindi naman ako makalapit kasi wala akong mapagtataguan. Mamaya makita pa nila ako, masermunan pa ako. Sabihin ni Sir Derek wala akong ginagawa."
"Wala naman talaga beh eh."
"Meron, ang mahalin at paglingkuran siya nang palihim."
"Kilabutan ka ngang bakla ka! Mamaya marinig ka nun, bugahan na naman tayo ng apoy dito sa cube!"
"At least beh, kumilikos ako. Sumusugal. Walang what if's pagdating sa huli."
"Di ikaw na ang risk-taker be!" Angil nito sa kaibigan.
"Pero beh, may nasense ako kina Sir Derek at Ma'am Cess. Parang may something. Mukhang malungkot si Ma'am Cess habang nagkukuwento kay Sir Derek. parang may problema si Madam. Sad eh. Si Sir din medyo malungkot ang peyslalu. Akalain mo na bukod sa matigas na aura ni Sir, marunong din palang magpakita ng emosyon iyon?"
"Yeah, at mukhang exclusive lang iyon kay Ma'am Cess."
"Sinabi mo pa beh!"
"Sana tayo din, may exclusivity between kay Sir Derek."
"Gaga! Exclusivity nga eh. Exclusive. Meaning, dalawa lang kayo. Akala ko ba, you hate sharing?"
"Beh, pwede naman na exclusive ang body ni Sir sa akin, tapos kay Ma'am Cess naman yung heart. Sabi nga nila, sharing is caring."
"Gaga! Hindi yan exclusivity! Ano? **** Buddy kayo? Saka as if naman papatulan ka nun. Eh parang hindi din makabasag-pinggan si Sir. Saka isa pa nga, umayos ka ngang bakla ka! Sagwa ng ganun uy! Maghanap ka, yung seryoso. Saka yung ikaw lang. Hayaan mong ikaw ang hanapin o mahanap. Pusong babae ka, di'ba? Live with it."
"Joke nga lang kasi girl! Joke! Ikaw naman, napakaseryoso. Kaya wala pa rin talagang lovelife eh."
"Tse!"
---
Kasalukuyan na namimili sina Aia at Nathan sa DV ng mga kakailanganin para sa pagsasaayos ng Christmas Party nang madaanan nila ang katatayo lamang doon na mall.
Ang DV ay isa sa kilalang lugar sa kalakhang Maynila na kung saan ay makakabili ka ng mga mura ngunit maayos na damit at iba pang kagamitan.
"Tara beh, pasok tayo diyan! Baka may mga murang damit!"
"Tara!"
---
"Beh, anong bagay sa akin dito? Etong Charcoal Gray or Emerald Green na Tux?" Tanong ng kaibigan niyang si Nathan. Pagkatapos nilang mamili ng mga kakailanganin para sa mga gagamiting palamuti sa Christmas Party, napagpasyahan ng dalawa na mamili na din ng mga damit dito sa isang mall sa Divisoria. Gaya nga ng sinabi ng kaibigan, kailangan din nilang mamili ng mga “office attire” nang sa gayon ay kapagka makikiharap sila sa mga malalaking kliyente nila ay presentable silang haharap sa mga ito.
"Beh parehas bagay kasi maputi ka, kaso mas bet ko etong Green, kasi mas matino kang tignan."
"Gaga! Sige, iyong Green na lang ang kukunin ko. May tiwala naman ako sa taste mo kahit medyo prim ka. Di na keri ng budget ko ang dalawang mamahaling tux."
---
Matapos mamili ng magkaibigan ay napagpasyahan muna nilang kumain sa isang Fast Food Chain malapit sa sakayan ng mga dyip.
"Friend, wala halos akong makita na papable, mukhang hopeless na tayo ngayon!" Maktol ng kaibigan na si Nathan habang kumakain ng burger. "Mabuti pa ang manok, delicious! Samantalang ang mga lalaki dito sa mall, hideous!"
"Grabe beh ha? Makapanlait wagas! Saka hindi lalaki ang ipinunta natin dito sa Mall! Bawasan ang pang-ookray! Ganda ka, te?!”
“Eh kasi naman girl, sabi nila, try and try until you succeed. Ayan tinatry ko na lahat ng ways to find my the one. Malay mo naman nandito pala sa mall yung future husband ko? Sayang naman kung mapapalampas ko yun! Kaso nganga! Zero!” naghuhuramentadong tugon ng kanyang kaibigan.
“Hoy maghunos-dili ka nga siyan! Sabay kurot sa tagiliran ng kasama. “Mamaya may makarinig sa atin dito, tambangan tayo paglabas dito! Saka ka na mang-okray ng panget na papa beh." Wika naman ni Aia habang nilalaro ang Fries sa Cream ng Float.
"Sabagay. Saan ka nga ba makakakita ng decent man sa ganitong lugar?" untag ng kaibigan.
"Huy bakla, huwag ka nga. Minsan nga, makikita mo pa yung the one mo sa mga unexpected place. Saka grabe ka, minsan yung mga simpleng tao pa nga, sila yung wagas magmahal unlike yung may mga narating na. They're after their dreams, fame and fortune. Yung love, waste of time lang yan sa iba. Kaya nga uso sa iba especially sa rich people yung arranged wedding eh. Unlike kapagka simpleng tao, although may pangarap naman sila sa buhay, pero yung iba marunong magbalanse ng sa tingin nila ay mahalaga, at yung mga dapat ingatan at alagaan. Saka sa kanila, lalo na sa mga lalaki, kapagka marami kang pera, mas marami kang pambabae. With class pa ang makukuha nila kasi may pera silang panapal sa mga ito. Hindi ko man nilalahat, pero karamihan ganyan." Paglilitanya nito sa kasama.
"Hay naku friend, ayan ka na naman sa words of wisdom mo na medyo over kung minsan. Medyo bitter tayo. Pero friend kanina, may na-sight ako dito sa mall, wafu kaso may nakalingkis na girl kaya hindi ko na chinika sa iyo. Grupo yata sila eh. Mukhang Engineer si Fafa eh, nakasuot ng Construction Hat. Pero karamihan sa mga kasama niya ay so-so lang. Tama lang kumbaga."
"Kapagka may suot na construction hat, Engineer na kaagad? Hindi ba pwedeng Construction Worker muna beh?" Pang-ookray naman ni Aia sa kaibigan.
"Hindi beh, makinis at maputi eh. Halatang hindi bilad sa araw si Fafa. Kabog pa nga ako sa kinis ng face eh, saka nakadamit na pang-opisina beh. May construction worker ba na naka-business attire? Saka mukhang matalino." Depensa naman ng kanyang kaibigan.
"Baka naman bakla din na kagaya mo, beh? Saka kalian pa nakikita ang katalinuhan sa katawan?"
"Hindi beh, masasagap ng gay radar ko na bakla ang isang fafa sa unang titig ko pa lang. Hindi siya ka-federasyon, fafable siya. Yummy pa! Saka iba ang aura. Basta yun ang na-sense ko! Echosera ka na naman!"
"Ang kaso beh, may kasama kamo, di'ba? So wala na, hopia ka na!"
"Beh, ang asawa nga naagaw pa, jowa pa kaya?!"
"Paano mo naman nasabi na hindi pa niya asawa 'yung kasama niya? Saka ang panget mo mag-isip! Kaya ang daming nagiging kabit eh. Ganyan din yata sila mag-isip kagaya mo!"
"Bruha, joke yun! Saka wala akong nakitang wedding or engagement ring kay girlash. Ni couple ring nga, wala silang suot eh!"
"Ayan tayo eh, ang talas ng mga mata natin sa ganyan. Pero malay mo friend, tinanggal lang niya yung ring niya kasi ayaw niyang ipagsigawan na kasal na siya? May mga ganung lalaki, di’ba? Para makapangaliwa, magpapanggap na binata o wala pang pananagutan? Sabi mo, gwapo pa. Naku, ingat ka bakla."
"Naman! Ang dalagang kagaya ko ay nararapat lamang sa isang binata na wala pang pananagutan. Ayokong magkaproblema. dalagang Pilipina 'to, beh! At isa pa girl, lumalabas na naman ang iba mong katauhan… Aya the mapakla ka talaga ngayon?!"
"Nahiya ako sa pagiging dalagang Pilipina mo ha?! Makahanap ng papa wagas! Wag ako friend! Saka di ako bitter friend, realistic lang ako ngayon hahaha. Gaya nga ng sinabi ko, naka-off ang radar ko ngayon sa paghahanap ng papa. Kapagka tapos na siguro yung mga trabahong kailangan kong tapusin baka sakaling i-on ko na yun."
"At kailan pa kaya matatapos ang trabaho at stress sa opisina, aber??? Basta Friend, baka siya na ang hinahanap kong The One" Tugon nito na waring nangangarap nang gising ang kanyang kaibigan.
"Tch. gutom lang iyan! Hala, kumain ka na!" Sabay sungalngal ng fries sa kaibigan."
"Grawbwe Fwend-
"Hala, kain na! nang makauwi na tayo!"
---
Matapos kumain ng magkaibigan ay napagpasyahan na nilang umuwi sa kanilang tinutuluyan. Papalabas na sila ng mall nang may mahagip ng kanyang paningin si Aia.
Shit. No, it can't be. It can't be him.
Author’s Random Thoughts:
There’s no such thing as “coincidence” in this world. Whether it is by fate, choice or chance, it remains unknown, until the reason will revealed itself.
“Quality means doing it right when no one is looking.” – Henry Ford
"Are there no problems with the drainage system, the alarms and the light in the building?" Says Director Uy. Currently, he is the Operations and Maintenance Department Director in our company.
"With regards to the drainage and lightning system in the building, the team had undergone maintenance check-up last month to ensure the functionality of the bulding and its safety, Sir. When it comes to the alarms, most of them are functioning well except the fire alarm on the 3rd floor."
"Good. Have the Maintenance Team assigned to that floor fixed it?"
"Not yet, but they sent the status report yesterday. Mr Saavedra said that he already settled the matter. They'll do the repair on Wednesday."
"How about the establishment itself? Have the Utility Team ensures each floor during opening and beyond working hours?"
"Yes, Sir. I am asking them to send a daily and weekly report of the status of this establishment. Based on the reports last week, it went well."
"Good. I'll Inform Mr. Dy on this matter."
"Thank you, Director."
---
"Al, tara kain muna tayo! Puro trabaho na lang ang inaatupag mo eh! Kain kain din kapagka may time." Paghihimutok ni Yna, ang aking Executive Secretary slash partner-in-crime at self-proclaim na bunso kong kapatid. Katatapos lang namin na tignan ang kalagayan ng Mall dito sa Divisoria. Currently, I'm working as Senior Engineer sa isang Engineering Firm, and the owner of this Mall is one of our clients. Medyo nagsisisi ako na hi-nired ko ‘to as Executive Secretary dahil mahilig magpalibre, gaya niya… Kaso may taglay na angking talino at galing sa pagtratrabaho kaya tinanggap ko na din siya. Isa pa, hindi kami nagkakalayo ng pinanggalingang probinsya, lalo na’t sa iisang barangay lang din kami nakatira.
"Nah, marami pang trabaho ang kailangan nating tapusin, babalik tayo sa opisina as soon as we finished this. Marami tayong deadlines this week plus we must address issues na related sa mga clients natin. Magagalit si boss nito"
"Eh lagpas lunchtime na, hindi pa tayo kumakain! Mahirap magtrabaho nang gutom! Nasa mall na din tayo, might as well na kumain na din tayo. Heto namang si Sir, ang killjoy!"
"Oo nga, Sir! Kain muna tayo bago umalis!" Sulsol ng katrabaho kong si Jared.
"Isa ka pa! O siya, dahil natapos na natin ang inspection ngayon dito, kumain na muna tayo!"
"Yey!"
---
"Sir, salamat sa libre ha? Kahit sa fastfood mo lang kami dinala! Wika ng isa sa mga kasama ko sa team."
"Demanding ka pa ha? Hindi bale, huli na 'yan!" Angil ko. Kahit kailan talaga, ang Team ko, mahilig sa libre. Kapagka hindi ako nanlibre, kuripot ako. Kapag nanlibre naman ako, hindi nakukuntento, gusto sa mahal. Buti na lang sanay na ako sa mga 'to. Bukod sa hilig nila sa pagkain at libre, wala naman akong reklamo sa team ko. They are efficient when it comes to work. They are all professional kahit na ganito sila kung umasta. They are like my second family to me.
"Ang laki-laki kaya ng sahod mo, Sir! Wala pa sa one-day salary mo 'to eh!" Isa pa 'tong si Jesse, isa siya sa mga staff ko. Pasalamat talaga 'tong mga to at mabait ako! Naku.
"Hayaan mo na sila, Sir. Alam mo naman na miyembro ng Team Lamon iyang dalawa na iyan eh, kaya pagpasensyahan mo na. Libre mo na lang kami ng Black Tea mamayang short break." Okay na sana itong si Say, akala ko nakakaintindi na. Hay. Wala na yata akong matinong katrabaho, mahilig sa libre!
"May Lipton Green Tea sa pantry, magtimpla ka na lang mamaya."
"Sir naman eh!"
Bilisan na nga ninyo diyan, nang makaalis na tayo."
"Yes, Sir!" Tugon nilang lahat.
---
"Sir Al, may napapansin ako sa iyo eh. Kanina ka pa palinga-linga diyan gayong tapos na nating libutin ang kabuuan ng building. Nag-iba din yung aura mo. Naging medyo gloomy. May problema ka ba?" Tanong ng makulit kong sekretarya.
"Wala Yna, parang may nakita lang ako na kakilala."
"Babae ba iyan, kuya? Maganda? Ipakilala mo ako ha?!"
"Tss... maganda ka diyan? Hindi pa nga ako sigurado kung kakilala ko nga ba ang nakita ko eh."
"Ayy, sayang! Akala ko naman may nakita kang chicks eh! Pag may nagustuhan ka, ipakilala mo sa akin ha? Ako ang mangingilatis, mamaya itsura, katawan at pera mo lang ang habol niyan, kawawa ka! Kay???"
"Pera? Itsura? Tch. Asa ka pang bata ka, ikaw talaga! Wala sa isipan ko yan sa ngayon, pero sige, ipapakilala ko sa inyo, kung meron nang manahimik ka na. Ang kaso, wala. So ayun."
"Sayang naman! Akala ko, meron na eh! Kung di ko lang po talaga alam na lalaki ka, iisipin ko na bakla ka eh! Isusumbong ko sana kay tita na may bakla silang anak, hahaha!"
"Tss. Manahimik ka na lang diyan, mamaya may makarinig eh! Bakla ka diyan? Saka maniniwala ba sila nanay sa iyo? Nakakain ka naman na ah? Parang maluwag pa rin ang turnilyo mo?"
"Uso na kaya ang mga baklang macho ngayon, Sir. Yung akala mo pong macho, gwapo, makinis, at namumutok pa ang muscles at umbok sa katawan, tapos malalaman mo ka-uri pala namin at heart! Saka sabagay po, lalaking-lalaki ka nga po pala, Sir. Sa sobrang pride mo nga po, ikaw ang nagpapaiyak ng babae. Basta! Ipapakilala mo sa akin iyon ha?! Okay ba? Ha? Ha???"
"Oo na! Kulit! Bumitaw ka na, ang bigat ng kamay mo eh!" Angil ko sa kanya. Ang likot talaga nito, kahit kailan! Hindi mo aakalain na 20 anyos na ito kung kumilos. Kaya siguro magpahanggang sa kasalukuyan walang nanliligaw dito eh.
"Hmp. Dun na nga muna ako kina Jared. Magpapalibre ako ng Shake, Sir!" Mamaya libre mo kami ng meryenda ha?!"
"Tch. Mukha ka talagang libre!"
Siguro nga, hindi siya iyon. Maaaring namalik-mata lamang ako. Kung siya man iyon, sana mapatawad pa niya ako...
Author’s Random Thoughts:
Seeking for forgiveness and acceptance without doing anything to deserve it is futile and foolish.
Download MangaToon APP on App Store and Google Play