02

...AGNEYASTRA...

What does he mean? Police ba siya na naka suot ng school uniform? Oh baka naman nagyayabang lang siya.

"Don't look at me like that, miss. Hindi ako nagsisinungaling, wala sa vocalbulary ko yun." Nawala ang kanyang matamis na ngiti at napalitan ito ng pagkaseryoso.

Naramdaman kong may humawak sa balikat ko, "Tayo na, kamahalan. Pabayaan nalang natin sila." Rinig kong sabi ni Kai.

"I also want to find out who killed the girl." Sabi ko.

Nagbubulungan naman ang mga estudyante. Bulong-bulong pa naririnig ko naman.

"Nababaliw ba siya?"

"Sino siya?"

"Transferee siya dito diba?"

"Ang yabang naman niya, paano kung mali ang accusations niya? Hindi niya ba alam na pwede siyang ma kulong dahil dun."

But, i ignored them, pake ko sa opinion nila? Siniko ako ni Kai kaya tinignan ko siya. Naka taas ang kilay niya sakin at parang sinasabing 'Kulang ka ba sa gamot?' But i ignored her at binalik ang atensyon ko sa mayabang na lalaki sa harap ko. I give him a deadly look as he smiled widely again.

"Chill ka nga, girl." Sabi niya at nilapitan ang katawan habang tumatawa. Nilapitan niya ang lalaking humawak ng balikat ko kanina na inoobserbahan ang katawan. "Any ideas kung paano siya pinatay?" Tanong nito sa lalaki.

"Sa tingin ko patay na siya bago pa siya nilagay dito ng killer niya." Sabi ng lalake.

Lumapit din ako sa katawan at tinignan ito. "Sa tingin ko naman ay dito siya pinatay."

Tumawa sila na parang wala nang bukas at yung mayabang na lalaki naman ay nakahawak pa sa tyan niya habang tumatawa. Anong nakakatawa sa sinabi ko? Nang mahimasmasan na sila ay tinignan ako ng isa pang lalake na may mask. "Paano mo namang nasabi na dito siya pinatay eh ang dami ng tao rito kanina." Pigil tawa niyang sabi.

"Dahil sa mga natuyong dugo sa damuhan at naka saksak pa rin sa kanya ang murder weapon. Kung pinatay siya bago siya nilagay dito ay dapat wala na ang kutsilyo sa ulo niya dahil pwede itong kunin ng culprit para hindi makita sa autopsy ang fingerprint niya." paliwanag ko.

Pumalakpak ng isang beses ang lalaking naka glasses. "Tama! Autopsy! Pwede nating idetect ang murder weapon dahil may fingerprints ito ng biktima!" He exclaimed.

"Paano ka namang nakakasiguro na nandyan nga ang fingerprints niya? May matino bang killer na mag iiwan ng murder weapon na may fingerprints niya?" i said.

Mukhang natigilan naman siya sa sinabi ko dahil sandali siyang nanahimik. "We still need to be sure. Our antagonist likes puzzles." Then he smiled at me.

Ilang sandali pa ay dumating ang mga pulis at sinimulang kausapin ang dalawa ang is naman ay nilagay sa isang plastic ang murder weapon. "Babalitaan ko kaagad kayo sa oras na matapos namin ang pag examine sa biktima." Sabi ng isang pulis. Bakit niya naman gagawin yun?

Tumango si four eyes at ngumiti sa kanya. "Salamat po, Inspector."

Unbelievable, how does this guy do that? He looked at me and give me a smile, "Don't worry, i'll tell it to you too once they report it to me."

He turn his back and went back to the area where the victim got killed. I was about to go there too but Kai held my left arm.

"Sigurado ka ba sa iyong gagawin kamahalan? Wala kang alam sa gawain ng mga pulis." Aniya.

"Don't worry, Kai. I just want to help them finding the killer." I assure her.

She sigh before letting my arm go.

...KAIDA...

Hindi naman sa tutol ako sa Princesa, no. Natatakot lang talaga ako na baka mali ang hula niya at ma kulong siya. Responsibilidad ko bilang kaibigan niya ang ilayo siya sa maling desisyon. But, anong magagawa ko? Sa tigas ng ulo niyang ni Agne?

Tinitignan ko lang siya mula rito sa unuupuan kong bench.

Naramdaman kong may umupo sa katabi ko kaya tinignan ko ito. Teka, siya yung muntik ko nang mabato ng sapatos kanina dahil hinawakan niya ang batok ni Agne. Tigas ng mukha nito para umupo sa tabi ko! Tinignan niya ako nang nakataas ng kilay, syempre hindi ako magpapatalo kaya tinaasan ko rin siya ng kilay.

"Ba't tinataas mo yang kilay mo, miss? May problema ka ba sakin?" Mataray na sabi nito.

I flipped my hair and said, "Wala naman, ikaw, may problema ka ba sakin?" Mataray ko ring sabi. Ano? Siya lang yung may karapatang mag taray?

"Wala rin," sabi niya at nanahimik siya sandali bago magsalita ulit. "Kaibigan mo ba yung babaeng yun?" tanong niya.

"Si Agne ba ang tinutukoy mo? Kung siya, oo, kaibigan ko siya... bakit?" sagot ko.

Umiling siya. "Wala naman, ang talino niya, balak ko siyang imbitahang sumali sa amin ni Zeru."

"Isasali niyo siya sa grupo niyong cinacareer ang trabho ng pulis?" Sarcastic kong sagot.

Nanlaki naman ang mga mata niya at napahawak pa siya sa dibdib niya nang sabihin ko yun. para siyang bakla. "Grabe ka naman, te! Tulungan mo kaya kaming mag imbistiga."

Sira ba ang ulo nito? "Sa tingin mo ba kaya kong mag isip katulad ni Agne?" Irap ko sa kanya.

"Ang nega mo naman, feel ko kasi may ibubuga ka." Sabi niya, at yuck bakit siya ngumingiti?!

"Hoy tanga wag ka ngang mag isip ng ganyan hindi kita type, no, baklesh akez." hinila niya ako papunta kina Agne pagkatapos niyang sabihin yun.

"Oh Kai! tutulong ka din?" Nangyari kay Agne bakit naging masigla to?

Nilapitan ko siya at kinalabit. "Probleman mo, Kamahalan? Ganda ng mood mo, ah?" sarcastic kong tanong sa kanya.

"That four eyes invited me to their team something. But I didn't say yes yet, gusto ko kasing kasama kita dun." she giggled that made my brow arched. "What? Help us here, my dear." she also winked at me.

Maya-maya ay dumating na ang mga pulis dala ang murder weapon. "Wala kaming nakitang trace ng fingerprints." naghihinayang nitong sabi.

"Kung ganon, ay hindi na kataka-takang gumamit ng gloves ang suspect sa pag patay sa biktima." sabi ko.

"See? Kai also have the brains!" proud na sabi ni Agne sa nakaglasses na lalaki. Ano ngang pangalan neto? Juan? Basta parang number yun.

Anyways, back to the case. siguro nagmamadali ang killer kaya gumamit siya ng gloves sa pag patay, ni hindi na nga niya na hablot pabalik ang kutsilyo, e. kung ganon nga, bakit siya nag mamadali?

"I think pareho tayo ng iniisip." sabi ni Juan.

"Kung ganon, bakit nga nag mamadali ang suspect?" tanong ni Agne.

"Siguro ay may tumawag sa kanya bago niya gawin ang krimen." kinuha ni bakla ang isang maduming facemask.

"Ang gumawa nito ay marahil isa sa mga nag tratrabaho sa clinic." ani ni four eyes.

Biglang may tumulak sa aking lalaki at nilibot nito ang tingin sa paligid. "Ireneeeeeee!! bakit mo'ko iniwan!" sigaw nito.

Tinaas ko naman ang kilay ko at nilapitan siya. "Hoy, kuya. May iniimbestigahan kaming kaso dito." pagtataray ko sa kanya.

"Oh, Mr. Alonzo, bakit ngayon ka lang? Sinalang na sa autopsy ang katawan ni Ms. Santos. Nakakatang ngayon ka lang dumating." sabi ni Juan.

Nandilim naman ang tingin ng tinawag niyang Alonzo at gigil na nilapitan si Juan, ito naman isa ay chill lang sa kinatatayuan niya. "Pinagbibintangan mo ba akong pumatay sa sarili kong girlfriend?! busy akong naglilinis kanina sa clinic!" gigil nitong sabi.

Ano ba ang nilinis niya at hindi nia nalaman agad na pinatay ang pinakamamahal niyang girlfriend?

"Hindi kita pinagbibintangan Mr. Alonzo, pero pasok ka sa primary suspect namin." nakangiting sabi ni Juan.

"Tch, pambihira." reklamo nito.

"May kakilala ka bang may galit sa biktima?" tanong ni Agne.

"Meron akong kakilalang dalawa. Una, si Zoe San Jose, kaibigan niyang binabackstab siya dahil siya raw ang gusto ng nagugustuhan nito. Ikalawa, si Dominic Gomez, hindi sila mag kaaway, pero napansin kong laging nakasunod sa kanya ang gunggong na yun." he stated.

Tumango naman kami at pinatawag ang mga taong binanggit niya.

Maya maya pa ay dumating ang mga ito. Nakayuko ang lalaki at nakataas naman ang kilay ng babae. Tumaas din tuloy ang kilay ko. Pinagtabi namin silang tatlo at kina-usap naman namin ang dalawa pang primary suspect.

"What's your connection to the victim?" Tanong ni Agne.

"She's my friend na pabida at nakakairita kung gumalaw. Kung pinaghihinalaan niyo akong pumatay sa kanya, weel, hindi ako yung gumawa nun. Hindi nga ako makalapit sa kanya, patayin pa siya?" Ani ng mataray na babaeng nag ngangalang Zoe.

"Classmate niya akong matagal nang may gusto sa kanya, kaso, may boyfriend na siya kaya sinusundan ko nalang siya palagi para masigurong ligtas siya. Yan ang isang rason kung bakit hindi ko siya kayang patayin." sabi naman nung Domenic.

Lalapitan sana siya ni Alonzo pero pinigilan siya nina Juan. "Don't you dare talk to her!" sigaw niya sa lalaki.

"Like duh, hindi niya naman na sila magkakausap dahil deads na yung girlfriend mo!" sagot ni Zoe.

"Tch! Pasalamat ka babae ka, Zoe!" sigaw niya dito.

"Tumigil na nga kayo!" sigaw ni Agne kaya tumahimik din sila. "Ngayon, sino sa inyo ang may rason na patayin ang biktima?"

"Katulad ng sinabi ko, wala ako---"

"Wala nga ba Aiden? Diba nag break kayo ni Irene dahil sinasaktan mo siya?" Putol ni Zoe sa sinasabi ni Aiden.

"Alam mo, ang ganda mong babae pero chismosa ka! Baka itong si Dominic yung pumatay sa kanya. Siya lang naman ang kahinahinala rito, e" Turo niya sa kapwa lalaki.

"Anong ako? Baka si Zoe, akala mo ba malilimutan ko ang sinabi mo sa kanyang 'Hindi kana sisikatan ng araw, Zoe.' Dahil may gusto ka kay Aiden?" sabi ni Dominic.

"Pft! Uto-uto! Hindi ko naman paninindigan yun tanga!" At tumawa pa ito na parang baliw. "Oh, baka naman si Aiden talaga ang pumatay sa kanya! Diba diba may natagpuan ang mga feeling detective na ito ng gloves sa damuhan? Malamang sa kanya yun dahil siya lang naman ang posibleng magkaroon nun!" turo niya lit kay Aiden.

"Great deduction! Ang because of that nalaman namin kung sino yung salarin." then Juan let out a triuphant smile.

Nakangiti rin ang bipolar na si Agne at ako naman binalikan ang nakatayo lang dahil hindi ko gets bakit sila ngumingisi.

"Our suspect for this case is Miss Zoe San Jose." Lumapad ang ngisi ni Juan pagkatapos niyang sabihin yun.

"P-pano mo naman nasabing ako yun?!" aangal pa itong si ate girl halata naman guilty siya.

"Well, gusto mong ibaling kay Mr. Alonzo ang kasalanang ginawa mo kaya 2 times mo siyang tinuro, then, paano mo nalamang may gloves kaming nakita sa damuhan gayung wala naman kaming nabanggit na kahit anong bagay." sanaysay ni Agne

Pero ang sabi ni Zoe ay hindi niya malapitlapitan si Irene, so paano niya mapapatay ito? Tumpak sa kanya yung deductions nina Agne at Juan, kaso parang may kulang talaga. Then a conclusion pop in my head.

"At hindi lang ikaw ang pumatay sa kanya diba? May kasabwat ka na hindi paghihinalaan ng biktima kaya ayos lang kung lumapit ito sa kanya at saksakin siya bigla."

"We don't have the same suspects in mind, Kai?" Sabi ni Juan, teka paano niya ako na kilala?

"Ano ang ibig mong sabihin?" tanong ni bakla.

"Na hindi si Zoe ang pumatay kay Ms. Santos, dahil si Dominic ang pumatay sa kanya. Siya lang naman ang hindi pag hihinalaan ni Irene, e. kaya pwede niya itong saksakin sa ano mang oras. At kung pano nalaman ni Zoe na may nakita kayong gloves ay dahil nakita niya kung paano ginawa ni Dominic ang krimen. At dahil nga galit siya sa biktima at marahil kay Aiden ay kinuha niya ang gloves na marahil ay tinapon ni Dominic sa basuharan at nilagay malapit sa katawan ng biktima at para maturo niya kay Aiden ang krimeng ginawa ni Dominic.... at katulad nga ng sinabi ni dominic kanina na sinusundan niya ang biktima para masigurong ligtas ito ay kataka takang wala siya dito before and after ng krimen." humihingal pa ako patapos kong sabihin yun.

Natulala naman silang lahat sakin. Pambihira, ayoko pa namang tinitignan ako ng matagal.

"If Kai's deductions are correct, can you explain why did you do that, Mr. Dominic?" tanong ni Agne.

Sandaling natahimik si Dominic at humalakhak ito ng napakalakas lakas. "HAAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA! Akala ko hindi niyo na malalaman na ako talaga ang pumatay sa pinakamamahal kong si Irene! Pinatay ko siya dahil mahal ko siya! Mahal ko si Irene kaya sinaksak ko siya! HAHAHAHAHAAHA" Halakhak niya.

Napa-atras ako sa takot sa baliw na to! Dinampot siya ng pulis hindi para ikulong, kundi para madala siya sa isang mental hospital.

"And as for you, Zoe. Anong rason mo? Don't worry hindi ka namin ipakukulong." mahinahong sabi ng bakla na hanggang ngayon hindi ko parin alam ang pangalan.

Maluha luha itong bumaba ng tingin. "Ex ko kasi si Dominic, private lang ang relation ship namin at kaming dalawa lang ang nakakaalam. Kaso bugla niya nalang akong iniwan sa ere at nalaman ko nalang bigla na sila na pala ni Irene.. si Irene na bestfriend ko mula pa nung elementary ako." at hindi niya na napigilang humagulgol.

Tinapik ko naman siya, hindi ko alam kung gagaan ba ang loob nito pero ginawa ko nalang.

Natapos ang kasong iyon ng luch break time. "Nakakainis! Hindi man lang tayo nakapag attend ng klase kanina! First day pa naman." sabi ko habang naglalakad kaming dalawa ni Agne papunta sa Cafeteria.

"Sus, kunwari kapa. Gutom ka lang eh" sabi siya kaya nag tawanan kaming dalawa.

Ako na ang nag kusang pumila para bumili ng aming pagkain. As if namang sasamahan ko dito ng Mahal na Princessa. So habang pumipila ako ay may lalaking humarang sa pila at nginitian ako ng malapad. Ayon ay walang iba kundi si Juan and The baklesh.

Tinaasan ko sila ng kilay at sinabing, "Nauna ako rito, pumila kayo dun sa likod." pagtataray ko sa kanila.

Nakita ko rin ang pagtaas ng kilay ng baklang sobra sa ligo. "Nakapagdisesyon ka na ba kayo kung sasali kayo sa grupo namin?" sabi niya.

"Hindi pa, tanungin niyo nalang yung kamahalan doon sa lamesa sa pinakadulo ng cafeteria." sabi ko.

Umalis naman sila sa harapan ko at pinuntahan si Agne. Nabuti nalang at ako na ang kasunod na bibili kaya binili kona lahat ng gusto ng Princessa at umalis na sa pila. Pagkabalik ko sa table namin ay nagtatawanan silang tatlo.

"Oh, nandito na pala siya." sabi ni Agne at tinuro ako.

"Welcome to the group, Kai." Sabi ni Juan at nakangiting nilahad ang kamay saakin.

Episodes
Episodes

Updated 3 Episodes

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play