...AGNEYASTRA...
"Hello kamahalan!"
Nagising ako dahil sa isang malakas na boses. "Kai! Don't you know how to knock?!"
She gave me a peace sign. "Sorpo exited lang sa ibabalita sayo today."
I arched a brow. "Balita? Ano bang ibabalita mo?"
"Ipapadala daw tayo ng mahal na hari sa maynila! Doon na daw muna tayo mag aaral." Then she sit beside me.
"Bakit daw?" Tanong ko.
"Hindi sinabi eh, wag na daw tayo mag tanong ang mag impake nalang dahil naka handa na ang flight natin para bukas."
Bakit parang ang bilis naman? Tapos hindi niya sinabi ang dahilan?
Tumayo ako mula sa pagkakaupo at nag lakad palabas ng kwarto.
"Teka lang, kamahalan! Saan ka pupunta? Sama ako, weyt!" Rinig kong sabi ni Kai.
Hinayaan ko lang siya sumunod sakin papunta sa opisina ng aking pinakamamahal na Ama.
Pumasok ako ng diretso sa pinto at hindi na kumatok. Naabutan ko ang ama kong umiinom ng tsaa habang naka-upo sa kanyang paboritong upuan. Binaling niya ang kanyangtingin samin at tinignan kami ng masama. "Agneyastra at Kaida! hindi ba kayo marunong kumatok?!" Inis na sabi niya sa amin.
Yumuko ako sa kanya. "Pasensya na, ama," sabi ko. "Nais lamang kitang tanungin kung bakit ipapadala mo kami ni Kai sa maynila?" tanong ko.
Matagal niya akong tinignan, siguro ay nagdadalawang isip pa siya kung sasabihin niya sakin o hindi. "Para naman ito sa ikabubuti niyo, at isa pa, pumayag na ang mga magulang ni Kaida na isama siya sa byahe niyo pamuntang maynila." aniya.
"Pero, ama, hindi mo naman po sinagot yung tinanong ko."
"Pasensya kana Agne, tapos na ang ating usapan. Ipapadala ko kayo sa maynila sa ayaw, at sa gusto ninyo." sabi niya. "Pwede na kayong umalis." aniya at tinalikuran kami.
Lumabas kami ng kanyang opisina at naglakad sa mahabang hallway.
"Sumunod nalang tayo sa gusto ng popshie mo, Agne. Katulad nga ng sinabi niya; 'Para naman ito sa ikabubti niyo'." she said, mimicking my father's voice.
I chuckled and continue walking towards my room. Binuksan ko ang pinto at naabutan ang mga kasambahay na nililigpit ang aking mga dadalhin bukas. I lay on my bed and decided to read my favorite book.
MINUTES later, i heard a knock on my door. I close the book and get up from my bed and open the door and let Kai to come in. "Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.
She place her hand on her chest and said dramatically. "Aray ko beh! bakit parang ayaw mong nandito ako?"
i arched my brow and looked at her bags.
"Dito ako matutulog now, utos ng Mahal na Hari, hindi ka ba exited? mag sisleep over tayo!" she said happily.
"Alam mo bang ito na ang huling gabi na makakasama mo ang mga magulang mo?" i asked.
She rolled her eyes and said, "Alam ko, hindi mo ba narinig yung sinabi ko kanina? Utos nga ng mahal na hari!"
I rolled my eyes and i help her with her bags.
"You're going to sleep on the sofa." I said.
Her eyes winded after i said those words, "ANO?! No, no, no, ako dyan kamahalan! Kailangan presko rin ang likod ko noh!"
"Ako ang princessa rito kaya ako ang masusunod."
"Well, mahal na princessa bisita mo ako kaya dapat AKO ang dapat mong pag silbihan." she said, immidating the word 'Ako'.
"Paano mo nasabing bisita kita eh, hindi naman kita inimbitahan dito?"
Nandilim ang kanyang paningin and we argued for a moment and i'am the one who gave up and let her sleep on my bed.
She jumped on my bed at tinignan ako ng may nakakalokong ngiti sa labi.
"Tabi diyan!" i said at sinunod naman niya.
Tumabi ako sa kanya at binaling ang tingin sa kisame.
"Exited kaba sa trip nati sa manila bukas, Agne?" tanong niya sakin.
I looked at her and she's looking at the cieling too. "I don't know. parang ayokong mawalay kina ama." Sabi ko at binalik ang aking tingin sa kisame.
"Same... May makakasama naman daw tayo bukas."
Binalik ko ang paningin ko sa kanya, "Talaga? Sino naman?" tanong ko.
"Ewan... Malalaman daw natin bukas." She said.
We decided to sleep after that conversation...
KINABUKASAN ay maaga kaming nagising dahil baka gabihin kami pag dating namin sa manila. Nakaupo kami ngayon sa sofa at hinihintay ang makakasama raw namin sa aming trip, umiidlip pa nga si Kai dahil hindi naka-tulog kagabi sa sobrang exited niya sa trip namin ngayon.
Ilang minuto pa ang lumipas bago dumating sina ama at ina kasama ang isang bagong butler at maid. Did they really hired a new maid and butler sa trip namin? Siniko ko si Kai para magising siya.
Pagkakita niya kina ama ay tumayo siya agad at binati ang mga ito. "Magandang umaga po, mahal na hari at inang reyna." aniya.
I don't have a mother, she died when she gave birth to me kaya ang lola ko nalang ang tinuturi kong nanay.
Binati naman siya pabalik ng aking mga magulang at pinakilala nila saamin ang mga kasama nila, "Okay kids, this is your kuya Ernesto and Ate Esmeralda. Sila ang makakasama niyo sa trip ninyo papuntang maynila." Mommy said.
Binati naman kami ng mga kasama nila at bumati naman kami pabalik. Hmm... Mukhang bata pa naman sila, pero... Bakit pang matanda ang pangalan nila? Anyway, dapat wala na akong pakealan dun.
"Judgemental mo naman, kamahalan."
"Shut up, Kaida!" Mind reader ba siya?
Naglakad na kami palabas papunta sa aming malapad na garahe. Magcocomute nalang daw kami sa eroplano, gagastos pa talaga sila. Habang naglalakad kami ay iniisip ko padin ang sinabi sakin ni Daddy kagabi. Para sa ikabubuti namin ni Kai? Ang pagkaka-alam ko hindi pa kami kailan man na sangkot sa gulo ni Kai, lalo na ako. Hindi naman ako kumakausap ng kung sino exept sa mga magulang ko, si Kai at ang mga magulang niya. Kaya anong ibig sabihin ni ama nung gabing yun?
Tinulungan kami ng butler na ipasok ang aming mga gamit sa compartment ng koste at pinag-buksan kami ng pinto. Nag pasalamat kami sa kanya--i mean, nag pasalamat si Kai sa kanya pagka upo namin.
Binuksan ni Kai ang bintana at simigaw ng, "BABAYE NANAY! BABAYE TATAY! SEE YOU AGAIN SOON PO!" Aniya.
Narinig ko naman ang pagsabi ng mga magulang niya ng, "Mag-ingat kayo doon."
Tango lamang ang sinagot ni Kai at isinara ang bintana at umayos ng upo. "Ikaw Kamahalan? Hindi kaba magpapa-alam sa mga magulang mo?" Tanong niya.
Tinignan ko ang mga magulang ko sa labas, but, "They're not even here to say goodbye to me." I said habang nakayuko.
"Agne, okay ka lang ba?" Tanong niya sakin.
"Oo naman."
She lay her head on my shoulder at hinaplos ang aking balikat. "It's going to be okay, Agne, sure akong mag eenjoy ka doon pagka-rating natin sa maynila." Aniya.
Sana nga. I lay my head on Kai's and decided to take a nap.
Nagising ako sa tapik ni Kai sa aking balikat. Minulat ko abg aking mga mata at bumangon mula sa pagkakahiga sa balikat niya.
"We're here at the airport, kamahalan!" Masiglang aniya.
Bumangon ako at lumabas ng kotse at hinila ko si Kai papunta sa entrance ng airport.
"KAMAHALAN! HINTAYIN MO HO KAMI!" Rinig kong tawag sakin ni Ate Emerald. Emerald ba talaga yun o Emara? O Emily?
Tumigil naman kami ni Kai sa pag takbo at hinintay silang makalapit saamin.
Yumuko ako sa kanila. "Patawad po sa aking hindi kaaya-ayang kilos." Magalang kong sabi.
"Ayos lang ho yun, kamahalan." Aniya.
Aba, dapat lang.
Sabay kaming apat na pumasok sa loob ng airport. Maraming bumati sa akin pero hindi ko sila pinapansin dahil tinatamad ako, at tsaka, nandyan naman si Kai para kumaway para sa akin.
Hindi na kami nag abalang nag hintay dahil nandyan na ang aming sasakyang eroplano. Ewan ko ba diyan kay Ama, bakit ayaw pang ipagamit samin yung helicopter niya.
Nang maka upo na kami sa kanyang kanya naming upuan ay naramdaman ko na agad na may mali. "Kaida, bakit wala tayo sa first class?!" Irita kong tanong kay Kai na nasa tabi ko.
"Kamahalan, relax nga! Eh ano naman kung wala tayo sa first class? Pareha--"
"WHAT?! Kaida, princesa ako! May karapatan akong umupo sa first class!" i ranted.
She roll her eyes and ignored me. HOW DARE HER!
Wala naman akong magawa kaya umupo nalang ako at tiniis ang upuang pang dukha. Wala akong magawa kaya nilibot ko nalang ang tingnin sa loob ng eroplano at jinujudge ang mga taong umoupo.
This is so boring! kung sa first class kami siguro umupo baka makapanood pa ako ng movies!
Minulat ko ang aking mga mata ng makaramdam ng tapik sa aking pisngi. "Kamahalan, gising na nandito na tayo." I heard a woman's voice, imposibleng kay Kai to dahil hindi ganito kalalim ang boses ng isang yun.
Minulat ko ang aking mata at bumungad sakin ang mukha ng maid na pinasama samin ni Ama. "Where's Kai?" i ask.
"Nuna na po siya sa kotse." WHAT?! How dare her! hindi niya manlang ako hinintay?!
Bumangon ako at dali daling pumasok sa kotse. I slammed the door so hard kaya nagising ang walang hiyang si Kaida Ichika.
Kinamot niya ang kanyang ulo. "Anong problema mo?" siya pa talaga ang may ganang mairita ha!
"Hindi mo manlang ako ginising para sabay tayong pumasok dito sa car!" Reklamo ko.
"Wag mo nga akong artehan, Agne." then she turn her back on me and continued her sleep.
Matapos ang isang oras na byahe ay nakarating na kami sa tutuluyan namin. Bumangon ako at hini na nag-abalang gisingin si Kai dahil masama parin yung loob ko na nauna siya sumakay sa sasakyan kanina. I opened the door at tinignan ang matutuluyan namin. And... Ano to? nilapitan ko si Esmeralda at tinapik ang kanyang balikat. "Hey, ate, what's this? dito niyo ako patitirahin?!" Inis kong tanong sa kanya.
Binaba niya naman ang kanyang tingin at sinabing, "Utos po ng mahal na Hari na itago ang estado mo." Aniya.
Natigilan ako sa kanyang sinabi. ANO?! Bakit naman gagawin niya yun? Is he crazy?! Paano kapag nagka rushes ako? Hindi ko siya mapapadalhan ng mensahe dahil 1 week pa o 1 month darating ang sulat sa kanya.
I guess wala akong choice kundi magtiis sa bahay na'to.
Pumasok ako sa loob and, not that bad naman pala, medyo madumi lang ang windows. Sana walang daga rito. "Where's my room?" I asked.
"Sasamahan ko po kayo sa taas, kamahalan." Sabi ng butler.
Sumunod naman ako sa kanya sa taas habang nililibot ang tingin sa paligid hanggang makarating kami sa taas. Pumasok kami sa pinto na kulang dilaw at nilagay ng butler ang mga bagahe namin sa sahig...TEKA, namin?! makakasama ko si Kai ulit sa iisang kwarto?! Hindi naman sa ayaw ko siyang kasama, malakas kasi siyang humilik kaya paano ako makaktulog nito?
"WHOOOOOO!! Ang presko!" Speaking of the devil na kasama si Esmeralda. Nilibot niya ang tingin sa buong kwarto at tinigil sa kama. "Uy, makakasama ko pala ang princesa sa kwarto na'to?"
"Duh, isn't obvious?" i sarcastically said.
But she just make a face and jump onto the bed. I also lay on the bed at tumabi sa kanya. "What do you think will happend to us here, Kai?" tanong ko sa kanya.
"Hindi ko alam. Mag bagong buhay nalang tayo rito sa maynila kamahalan," Umayos siya ng higa at niyakap ako. "Dito raw tayo mag aaral. ieenroll na nga tayo ngayon ni tiya esmeralda." sabi niya.
"Saan naman tayo mag-aaral dito?" tanong ko.
"Hindi ko alam, basta papasok na raw tayo sa lunes." aniya.
Tumayo naman ako mula sa pagkakahiga at lumbas ng kwarto para mag libot sa loon ng bahay. bumaba ako para at hinanap ang kitchen. Hindi naman ako nahirapan dahil nakita ako agad ito nakita dahil nasagilid lang ito ng hagdanan. Bakit nandito to? Paano kung malaglag ang isang step ng stairs at mahulog sa niluluto ng magluluto rito?
"Nandito ka pala, kamahalan," narinig kong sabi ni Esmeralda. "Kanina ko pa kayo hinahanap. akala ko ay lumabas kayo nang hindi nagpapaalam sa akin" Aniya.
"Wag kang mag alala, wala akong balak na lumabas dito." I smiled at her.
"Bakit ka nga pala nadito, Kamahalan? Nagugutom kaba?"
"Hindi, naglilibot lang ako dito."
KINABUKASAN ay maaga kaming ginising ni Esmeralda dahil may pasok pa daw kami. Saan naman kami papasok?
"Ano ba yan, Tiya. Akala ko ba sa lunes pa?" Reklamo ni Kai.
"Lunes ngayon, Iha. Wag kayong mag alala dahil naka handa na ang inyong mga gagamitin ngayong pasukan." Sabi niya.
Bumaba kami nang matapos kami sa pag aayos. Pumunta kami sa dining area at at nag simula nang kumain. Pero kami lang ni Kai ang ngumunguya dahil yumuyuko pa sa ilalim ng mesa ang dalawa pa namin kasama sa hapag.
"Anong ginagawa nila?" Tanong ni Kai, but i just shrug my shoulders gahil hindi ko din alam.
Nagtatakang tumingin samin ang dalawa, "Hindi ba kayo mag dadasal, kamahalan?" tanong ni Esmeralda.
Tumingin din samin si...ang butler pero hindi nag tagal yun dahil nag simula na siyang kumain kaya kumain naman na din kaming dalawa ni Kai. Pero si Esmeralda, eto pabalik balik ang tingin samin ni Kai. "Diyos ko. Hindi ba kayo marunong mag dasal, Kamahalan?" tanong niya.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Syempre alam ko kung paano mag dasal. Ang kapal naman ng mukha mo para sabihin niyan." i coldly said. SIniko naman ako ni Kai.
Yumuko naman siya at humingi ng patawad pakatapos nun ay nag simula narin siyang kumain. Pagkatapos naming kumain ay binigyan kami ni Esmeralda ng pera, baon daw namin. nang maka labas kami ay bunuksan agad ng butler ang pintuan ng aming sasakyan.
Ilang minuto ang byenahe namin mula sa bahay na tinutuluyan namin apuntang eskwelahan. Bumaba kami ng kotse at papasok na sana sa gate pero hinarangan kami ng matabang lalaki na may sunglasses sa kalbo niyang ulo.
"Saan ang mga i.d. niyo?" tanong niya.
Agad namang lumapit ang butler para kausapin siya. "Transferee ho sila, kuya." sabi niya dito.
Agad naman kaming pinapasok ng guard sa loob ng eskwelahan. Habang naglalakad kami ay maraming timutingin saming mga estudyante, nakaakilang. "What are they looking at?!" irita kong tanong kay, Kai.
"Wag mo nalang silang pansinin, Kamahalan. Hanapin nalang natin ang B12F1R," then she show me the card containing the weird something she just said. "Ito raw yung location ng classroom natin.
Lumapit siya sa isang babae at pinakita ang card sa kanya. "Excuse me, alam mo ba kung saan nakalocate yung location na to? Bago lang kasi kami dito ng pinsan ko eh" tanong niya dito.
Tumango naman ang babae at sinabing sasamahan niya kami papunta doon dahil doon din yung classroom niya.
Habang naglalakad kami ay laks maka feeling close ni kay sa kasama namin, ni hindi na nga niya siguro alam na nandito ako sa gilid niya kaya tinuon ko nalang ang paningin sa paligid. Ito pala ang itsura ng eskwelahan, mas maliit kumpara sa palasyo pero malaki kumpara sa tinitirhan naming bahay. Mukhang masaya at nag eenjoy ang mga tao sa paligid, may mga magkaibigang nagtatawanan, may ang sasayaw, magkumakanta, may mga nagsusuntukan din. Hindi ko alam kung naglalaro lang ba sila o literal na nag aaway sila.
Tumigil sa paglalakad ang dalawa kong kasma kaya tumigil na rin ako. Pumasok kami sa isang silid na may mga istudyante sa loob, nailang pa ako sa paraan ng pagtitig saamin ng mga magiging kaklase namin. Tumayo ang isa sa kanila at tinignan kami mula ulo hanggang paa. Ang kapal naman ng mukha nia para tignan ako ng ganyan. "Sino sila, Crysan?" tanong niya sa kasama namin kanina na Crysan pala ang pangalan.
"Uhmm.. Transferee sila, Queen. Sinama ko lang sila dahil dito rin yung classroom nila." She said, and the girl nodded.
Why is she calling her queen? reyna ba siya ng maynila? i don't know na may reyna pala sila akala ko president lang. Or Queen is her name. Yeah, maybe that. She look at us from head to toe..again, i hate her by just looking at her.
"Uhmm... Maghahanap na kami ng uupuan namin sa likod--"
"Sa likod?!" Inis kong sabi kay Kai. Like duh, princessa ako kaya dapat nasa harapan ako.
"Saan mo ba gustong umupo, Kamahalan." Tanong niya.
Nilibot ko ang tingin sa buong silid hanggang sa makita ko na gusto kong upuan. Tinuro ko ito at tinignan naman yun ni Kai. "Doon."
"Excuse me? That my seat." Mataray niyang sabi.
I arched my brow and said, "Eh, ano naman?"
Sasagot sana siya nang may marinig kaming isang malutong na sigaw at dalidali naman lumabas ang mga tao sa loob ng silid at tumingin sa terrace. "Hay! Ang aga naman wala pa ngang teacher!" reklamo ni Crysan.
"Bakit ano bang meron?" Tanong ni Kai.
"Patayan."
Bumaba ulit kami at nagtungo sa field para makita ang katawan ng isang babaeng naliligo sa sarili niyang dugo. Naka mulat pa ang mata nito at nakanganga. Panay naman ang bulungan ng mga estudyante imbis na tignan ang babae. Hindi na ako nag dalawang isip na lapitan ito at tignan. Wala na itong pulso pero mainit parin ang kanyang katawan ibig sabihin ay hindi pa ganon katagal bago siya nalagutan ng hininga. Hindi ko muna siya masyadong ginalaw dahil baka dumikit yung fingerprint ko sa katawan niya at sa kung ano mang bagay sa paligid niya.
Tatayo na sana ako nang may maramdaman akong kamay na humawak sa batok ko. "Dyan ka lang muna. Anong ginagawa mo sa bangkay na yan?" Rinig kong boses ng lalake.
"Tinignan ko lang kung huminginga pa siya, baka kasi pwede pa natin siyang dalhin sa hospital." Sabi ko habang naka talikod parin sa kanya.
"Pakawalan mo siya." Sabi ng isa pang boses ng lalake.
Nang maramdaman kong wala nang kamay sa batok ko ay hinarap ko ang dalawang lalaki. Nakangisi ang isang lalaking may hawak na mask at ang isa naman ay ang naka glasses na mukha pang masaya, which is nagpainit ng ulo ko kaya dinuro ko siya at sinabing, "How dare you smile like that! Can't you that there's a dead body lying here on the grass?!" Inis kong sabi.
He giggled like a child. "Easy, Lady. Hindi ako masayang namatay si Ms. Santos. Kumbaga, ako--i mean kami pa ang magtuturo kung sino ang pumatay sa kanya." Then he smiled widely.
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Comments