Chapter 4: I'm Not Jealous

Hi or hey mga dudes! This is chapter 4 ng He’s A Magnet.

Napag-alam alam ko sa diary ni Ana na may ganito palang pangyayari nung nasa second year high school sila. Hahaha!

Chismosa ko no? XD anyways..may permit ako. Pakita ko pa yung papel eh? Lol kidding. Wala namang ganun. Hahaha basta hindi labag sa loob niya na ibigay sakin ang luma niyang diary. *wink

Just enjoy their love story, okay?

Here we go.

--

Chapter 4:

Aviana’s pov

Ilang linggo na ang lumipas simula nung nagpasukan. Nagsimula na ang kalbaryo namin bilang mga estudyante ng isang international school sa pilipinas.

Kalbaryo talaga, oo. Lalo na kung hindi normal ang curriculum ang meron sa school na pinapasukan mo.

Kasalukuyan akong nagchecheck ng gawa ko. Nakatayo ako at nakatanga sa scoring station. Nabibwisit na ako sa subject na kasalukuyan kong pinagkakahirapan.

Geometry.

Argh! Bakit ba kasi na-discover ang geometry?! Edi sana hindi ako naghihirap ngayon! Hindi ko naman magagamit ito kapag nagkatrabaho ako no. Hindi naman ako mag-paplot ng kung ano ano sa papeles ng magiging boss ko. Kaloka.

“Hi..”

Napa-angat ako ng tingin ng marinig ko ang pamilyar na boses na bumati sakin. Bawal mag-usap habang nagchecheck pero dahil sa matigas ang ulo ng mga estudyante, go lang kami ng go sa pagkekwentuhan.

Kaya wala kaming madalas na natatapos na activites eh. Haha!

Napatitig ako sa mga light brown niyang mata at hindi ko maiwasang hindi mahiya. Wala lang! Nahiya bigla ako eh. XD

Hindi ko rin alam kung bakit.

Sa mga lumipas kasi na araw, sobrang naging close na kami ni Matt. Agad agad!

Pero kakaiba ang story ng closeness namin. Gusto niyo bang malaman? Hmm..sa tingin ko basahin niyo nalang ang chapter na ito dahil siguradong hindi mawawala ang ‘paraan-kung-paano-kami-naging-close’.

“Hi.” Sagot ko rin naman at ngumiti siya sakin pero hindi ko yun binalik sa kaniya. Tinignan ko lang ang chinecheckan ko at agad agad akong umalis para itama ang mali ko.

Bago ako makalayo, narinig ko siyang bumuntong hininga at naririnig ko rin ang pagkaluskos ng uniform ko dahil sa natutunaw na ito.

Hindi naman literal.

Pero kasi naramdaman kong nakatitig siya sakin habang pabalik ako ng pwesto ko.

Pwesto kung saan naghihintay ang isa pang pang-asar at bwiseth sa buhay ko.

“Oh welcome back.” Salubong niya sakin at napangiwi lang ako sa kaniya. Sa lahat ng pwede niyang ipangbati sakin e yun pa. Parang ininsulto niya pa ako.

Ang yabang kasi eh! Purket master na master niya lahat ng math sa mundo akala mo kung sinong magaling! Pwe!

Naupo na ako kaagad at sinimulan na burahin ang mga dapat na burahin. Naiinis na talaga ako sa geometry na ito. Sobrang nakakairita. Bakit ba hindi nalang ginawang algebra ang lahat ng lesson sa highschool?!

Nakakainis. Nakakainis. Nakakainis.

Nawala ako sa pagchachant ko ng salitang ito ng paulit ulit ng may bigla akong naramdaman na heat sa likod ko. Napahinga ako ng malalim at tinangka kong lumingon sa kaniya pero agad agad rin siyang nawala.

Pero may iniwan naman siyang papel sa table ko.

Nakatupi ito ng maayos at binuksan ko rin ito ng dahan dahan. Ewan ko ba kung bakit ganito ang nararamdaman ko sa kaniya. Parang may parte ng pagkatao ko na nagkakagusto na sa kaniya pero meron din naman sa loob ko na wag magtiwala sa mga gwapong tulad niya.

“Why you didn’t smile back at me? Galit ka ba?”

Una kong kita sa sulat na ito, alam ko na kung sino. Well, actually presensya niya palang alam kong siya na yung nasa likod ko kanina at ang nag-iwan ng papel na to.

I mean, binato sa office ko pala.

At isa pa, sa pagkaka-alala ko, siya palang ang taong ngumiti sakin sa araw na ito.

You see, I want my highschool life to be peaceful. Yung tipong iniiwasan ko ang spot light dahil sa totoo lang, mahirap ang lagi kang napag-uusapan sa school na ito.

Yung tipong sisikat ka? Nakita ko na kasi to sa kalagayan ni Seth.

Hindi ko na itatanggi, sikat si Seth sa school namin dahil na rin sa good looks niya at matalino siya. Lalo na sa math at sa babae. -_-

Pinagkakaguluhan siya araw araw at ayokong mangyari yun sakin kaya naman lagi akong umiiwas sa iba’t ibang activities na pwedeng makapagpalitaw sakin sa ilaw.

Actually, minsan na akong nalagay dun nung freshman kami dahil sa matataas kong grades at sumobra ang expectation ng mga teachers sakin pero ang mabuti nalang, mukang nakalimutan na nila ito kaagad.

Madalas kasing mapansin ng mga tao dito sa school e ang looks, at attitudes ng tao. Dun ka sisikat. Kaya ako? Wala akong pakialam kahit na kaunti lang ang taong kumakausap sakin dahil sa totoo lang, kapag mag-isa ka wala kang masasaktan.

Walang makakasakit sayo.

Yan ang motto ko simula nung nangyari ang firstlove ko. First heartbreak ko.

Nagsulat ako sa papel na yun. “J there I smiled back at you. Hindi ako galit.”

Sulat ko at kinapalan ko ang muka ko. Well, I mean, si Seth lang naman yan eh! Pwede ko naman siyang utus utusan. Pfft..

“Seth! Pakiabot naman sa bestfriend mo.” Bulong ko sa kaniya at agad naman siyang lumingon sakin at kinuha ang nakatuping papel sa kamay ko.

Nakita kong sumipa siya sa ilalim ng paulit ulit hanggang sa matamaan niya ang paa ni Matt na agad agad naman nag-react at sumilip rin sa ilalim.

Nagkatinginan kami bago siya tumingin at mag-glare sa bestfriend niyang sigurado ay inaasar siya.

Nag make faces kasi siya eh. Hahaha!

Nakita kong inabot ni Matt ang papel na pinaabot ko kay Seth. Umayos ng upo ang unggoy na ka-row ko at nagkatinginan nanaman kami ng bestfriend nito.

Sumenyas siya sakin na ‘wait lang’ at hindi ko nagets kung bakit gusto niya akong maghintay.

Para saan?

Nakita kong binuksan niya ang papel at binasa ang sinagot ko. Napatingin nanaman siya sakin at sumenyas nanaman na maghintay ako.

Well, kung iniisip niyang mag-iinarte ako sa tagal niyang sumagot, e wag siyang mag-alala. May pagkaka-abalahan pa akong ibang bagay maliban sa paghihintay sa kaniya.

Teka nga. Parang ang lallim ng pinanggalingan nung sinabi ko ah?

Napailing iling ako sa sarili ko dahil sa kung ano ano nanaman ang pumapasok dito.

Umayos ako ng upo at sinimulang magbura ulit sa activity pac ko.

Biglang may kumalabit sakin.

“Oh. Para sayo daw.” Naiinis na bulong ni Seth at halata sa kaniya na naiirita na siya samin ni Matt dahil nagsisilbi siyang tulay naming dalawa dahil sa pag-uusap namin sa papel.

Bumulong ako ng thank you sa kaniya pero hindi niya ako pinansin. Tumalikod lang siya sakin at yumuko. Siguro matutulog siya.

Binuksan ko ang papel at binasa ang sagot niya.

“Bakit hindi mo ko pinapansin? Ang sakit kaya kapag hindi ka pinapansin ng taong crush mo.”

Nabasa kong sagot niya.

Namula ako sa nakita kong sinagot niya at napatingin ako ulit sa kaniya at hanggang ngayon nakasilip parin siya dun sa ilalim at seryoso ang muka niya.

Sinamaan ko siya ng tingin pero alam kong hindi ko maitago ang kilig ko dahil ramdam ko ang init ng muka ko.

Ngumiti siya sakin at kinindatan niya ako.

Napa-ayos ako ng upo at nagsulat ulit sa papel.

“Hindi ko alam kung maniniwala ako sa sinasabi mo Matt. Masyado kang gwapo para sakin.”

Sulat ko. Tumingin ulit ako sa ilalim at nakita kong nakayuko parin siya dun at parang nag-aabang sa sagot ko. Sinenyasan ko siya na lumapit siya sa table ko dahil tulog si Seth.

Napailing iling naman siya at maya’t maya rin ang pagtayo niya sabay lapit sakin.

Biglang nataranta ang mga buto buto ko nang dumikit siya sakin at humapyaw ng kiss sa mga pisngi ko. Napatulala ako dahil hindi ko alam ang mga dapat kong gawin sa tuwing nanakawan ako ng halik ng lalaking nagsasabing crush niya ako.

Inisip ko nalang na baka kapag nilingon ko siya e magsanggi ang mga labi namin at mas lalo akong matataranta nun. Baka masampal ko pa siya.

“Matthew!” pagsinghal ko sa kaniya na pabulong. Ngumiti nanaman siya sakin ng may kasamang pagtaas ng kilay niya. Yumuko siya ulit at medyo naasaar ako ng sa table ko siya nagbuklat ng papel at binasa ang sagot ko.

Nagsalubong ang mga kilay niya at tinignan ako ng masama.

Ang sweet diba? -_-

Hindi siya nagsulat sa papel. Kungdi bumulong siya sakin.

“You’re beautiful. It’s a shame that you don’t realize it.”

Kinilabutan ako sa boses niya at narinig ko siyang tumawa ng mahina tsaka umayos ng tayo. Tinignan ko siya at pinilit kong mag-poker face pero alam kong nag-fail nanaman ako dahil sa pamumula ko lalo.

Kinurot ko siya at nag-react naman siya kaagad pero hindi siya nagsasalita. Nag-mouth lang siya sakin ng ‘Ouch!’.

Niliitan ko siya ng mata at lalo lang siyang ngumiti ng nakakaloko habang kumakawala sa kurot ko.

“Bumalik ka na sa table mo.” Sabi ko sa kaniya at ngumisi lang siya sakin sabay turo panguso sa kinukurot kong braso niya.

“Bitawan mo ko.”

Umiling ako at ngumiti sa kaniya ng mapang-asar. Tinaasan niya ako ng kilay at nagsalita. “Hahalikan kita diyan tamo.” Pagbabanta niya.

Sinamaan ko siya ng tingin pero nginitian ko rin naman siya kaagad.

“Subukan mo nga? Sigurado akong wala ka pang first kiss.” Mapang-asar kong sambit sa kaniya at ngumiti nanaman siya sakin sabay lean sa muka ko. Napasinghap ako ng hangin. “Are you sure?” bulong niya.

Napatingin ako sa labi niya at nakita kong nag-curve ito sa ngiti niya. Putek. Bakit ang gwapo niya?

“I’m not kidding. Hahalikan kita kung kinakailangan.” Pagbabanta niya ulit at napalunok ako. Hindi ko naiwasang hindi higpitan ang pagkakakurot ko sa kaniya at lalo siyang lumapit sakin.

Naramdaman kong bumibilis ang takbo ng heartbeat ko.

Nabigla ako sa sariling reaction ng puso ko kasi ngayon lang ulit to naging ganito. Ang pagkaka-alala ko e huling naging ganito ang takbo nito ay nung kay Danielle pa.

Shocks. Nakakatakot tong nararamdaman ko ah.

Tinulak ko si Matt mula sa pagkakasandal niya sakin. Hindi naman siya natumba o ano. Napalayo lang siya sakin at nakita kong na-shock siya sa naging reaction ko.

Napahinga ako ng ilang beses ng malalalim. Naaninag kong pati yung ibang ka-row namin ni Seth ay nakatingin kay Matt at sakin. Kahit si Seth na nakatulog e biglang nagising.

Hindi naman kami naka-istorbo ng may mga nahulog na kung ano, sadyang napansin lang nila ang nagdurugong braso ni Matt.

Oh shit.

“Matt. I’m sorry. Oh my god.” Bulong ko. Alam kong ako ang may gawa nun dahil yun yung parte ng braso niya na kinukurot ko kanina. Hindi ko akalain na magagawa kong paduguin ang kurot na yun. Makapag-gupit na nga ng kuko mamaya pag-uwi.

“What? Oh. Uh..it’s okay. Not your fault.” Sagot niya sakin at napatingin siya sa braso niya na parang kinalmot ng pusa. Nagbubulungan lang kami dahil baka mapansin kami ng supervisors.

“But..your bleeding.” Sambit ko na may kasamang pag-aalala. Hindi ko naman sinasadya na makalmot ko siya. Pambihira naman kasing adrenaline yan oh.

Kung ano ano paminsan minsan kong nagagawa dahil sa pagkakataranta eh.

“Dude, come on. I’ll take you to the school clinic.” Pagsingit naman ni Seth.

Sinamaan ko siya ng tingin at yung ilan na ka-row namin ay tumingin rin sa kaniya sabay iling ng mga ulo at nagpatuloy sila sa pag-gawa ng activities nila.

Na-gets kasi namin ang gustong gawin ni Seth eh. Hindi niya talaga intensyon na samahan lang basta ang bestfriend niya para lagyan at linisin ang kalmot nito. Gusto niya lang talagang magpuntang school clinic dahil may kama dun at pwedeng pwede siyang matulog.

“Seth, ako nalang sasama.” Pagpiprisinta ko pero tinignan lang ako ng masama nito. “No. Hindi ka na ba nahiya na kinalmot mo na nga bestfriend ko, ikaw pa sasama sa kaniya sa clinic? Tss. Ako na, Ana.”

Mas tinunaw ko si Seth nang tawagin niya ang pangalan na ayaw na ayaw ko. Tinaasan niya ako ng kilay at tsaka niya rin ako sinamaan ng tingin.

Narinig ko pa siyang nag-hmph at tsaka hinawakan ang siko ni Matt at hinatak niya ito papalayo.

Narinig kong may mga nagbubulungan at kung tanga ako mapagkakamalaman ko itong nagchichismisan pero hindi. May utak naman ako kahit papano.

Si Seth nagpaalam sa supervisor namin.

Napabuntong hininga nalang ako dahil ako nalang sana sumama kay Matt para gamutin yung sugat niya na ako ang may gawa.

Sa susunod talaga, hindi na ako magpapahaba ng kuko. O kaya naman e magdadala nalang ako palagi ng nail cutter para kahit saan ako magpunta e lagi kong dala sa tuwing may pangyayaring mangungurot ako.

Tinapos ko nalang ang mga dapat kong burahin sa geometry pack o at sinubukan itama ang mga mali ko.

Pambihira. Sa totoo lang, sa bawat galaw namin dito sa school na ito e parang may hashtag hugot.

Hindi ko na ipapaliwanag pang maigi dahil tinatamad akong magsalita atmagkwento  sa kung anong klaseng school ang international school na ito.

Pag may time ako, sige.

Pero sa ngayon kelangan ko muna itama ang mga pagkakamali ko sa pagsasagot ng mga problem na bwisit na ito.

Ilang oras rin akong nagsasagot sa geometry hanggang sa matapos ko na ang mga pages na naka-set sakin sa araw na ito na kelangan kong tapusin.

Ilang oras rin akong nagsagot sa iba pang mga subjects hanggang sa mag-uwian nanaman at magsimula ang paglilinis ng room ng highschool.

Nagtulong tulong kaming lahat dahil ito ang naka-assign sa araw na ito.

Hindi ko man lang napansin na nakabalik na pala si Seth at Matt. Hindi ko alam kung anong oras sila nakabalik.

Basta ang alam ko lang hindi nakatulog si Seth kanina sa school clinic. Pfft..

“Oh. Bakit ganyan itsura mo?” tanong ko sa kaniya habang nagliligpit siya ng gamit niya sa bag niya.

Humarap siya sakin at bumuntong hininga. Hindi naiwasang magtaas at magsalubong ng mga kilay ko dahil sa sobrang lalim ng hugot niya sa paghinga.

“Hindi ako nakatulog kanina sa clinic. Kainis.” Pagkekwento niya habang nakanguso at nagliligpit. Tinabihan ko siya sa table niya at binuklat ang mga activity pacs niya na mas mababa sakin.

Matalino si Seth, oo. Pero siya yung klase na matalinong tao pero tamad. Kaya kahit anong talino niya kesa sakin, nauunahan ko parin siya. Kaya naman mas mataas level ko kesa sa kaniya. Hohohoh

“Nako. Chance yun kanina. Haha!” nakangiti kong sabi sa kaniya at tumawa lang rin siya at sabay hablot ng mga activity pacs niya mula sa pagkakahawak ko. Hindi ko nalang pinansin ang pagiging rude niya.

Sumandal ako sa divider na meron sa table niya. “So..uh..how’s Matt?” mahinahon kong tanong. Nag-shrug lang siya sabay turo panguso sa bestfriend niya na nakikipag-kwentuhan sa isang first year na parang nung nakaraan lang e hinahabol habol si Seth.

If I know, her name is Chloe.

Parang ako lang siya. nag-transfer siya sa school na ito dahil highschool na siya. Ang alam ko sa pinanggalingan niyang school ay may highschool rin naman pero hindi ko malaman kung bakit pipiliin pa ng magulang niya na ilipat siya ng school.

Tinignan ko lang sila kung paanong paraan kung makipag-usap sa kaniya si Matt.

Hindi sa nagseselos ako o ano pa. Sadyang hindi ko lang feel yung babae.

Parang may something sa kaniya.

“Hey baby girl.” Napalingon naman ako sa boses na pinanggalingan nun at syempre si Cherry lang naman ang tumatawag sakin ng ganun kaya kahit hindi ko siya batiin, automatic na kaagad na pinansin ko siya sa paglingon ko palang.

Napatango nalang ako sa kaniya at muling tinignan si Matt at si Chloe.

Naaninag ko rin na nag-tanguan sila Seth, Ren at Bryan. Teka, asan si Karen?

“Anong tinitignan mo diyan?” tanong sakin ng kaibigan ko at sinundan niya ang tingin ko. Naramdaman kong hinaplos niya ang likod ko at napangiti ako sa ginawa niya. Halata kasing nang-aasar siya eh.

“Ava, malakas ang kalaban.” Sambit niyang bigla at napatingin ako kay Cherry. May ngiti siya sa muka niya pero halatang hindi niya rin gusto si Chloe.

Napataas ako ng kilay sa kaniya. “Alam ko. Maganda siya. Samantalang ako? Wala.” Sagot ko sa kaniya at naramdaman ko ang akbay ni Seth sakin.

Alam kong si Seth ang nang-akbay dahil kahit na kelan hindi ako inakbayan ni Ren at Bryan. As in never. Siya lang at si Matt.

“You’re beautiful, Ana.” Bulong niya sakin at napa-iling nalang ako sabay talikod sa view kung saan nag-uusap ng masaya si Chloe at Matt.

Hindi ko alam kung bakit parang bigla akong nakaramdam ng selos. Samantalang parang kanina lang e sabi ko hindi ako nakakaramdam nito.

Ewan ko.

Nasanay lang siguro ako na ako lang ang binibigyan ng pansin ni Matt simula’t simula ng pasukan. Hindi siya nakikipag-close sa mga babae kahit na kanino.

Sakin lang siya madikit. Kahit kila Cherry at Karen na kaklase namin at lagi naming nakakasama ay hindi niya rin masyadong pinapansin tulad ng atensyon na ibinibigay niya sakin pero ever since that Chloe popped out of nowhere, nahati ang atensyon niya sakin.

Siguro nga nagseselos ako lalo na’t nakita kong maganda ang kaagaw ko sa atensyon ng isa sa mga lalaking naging ka-close ko.

Para na kaming mag-bestfriend ni Matt sa totoo lang. ang problema nga lang crush niya daw ako.

May ‘daw’ talaga kasi hanggang ngayon nag-aalangan ako kung totoo ba ang sinasabi niya o hindi.

“Nagseselos ka ba?’ mahinahon na tanong sakin ni Cherry. Nag-shrug lang ako at kinuha ko ang bag ko sabay labas ng room namin. Hindi ako lumingin kung may sumunod sakin o wala. Basta ang alam ko, sumunod sakin si Cherry. Naamoy ko kasi pabango niya eh.

Nang makalabas kami ng campus, dun na ako lumingon sa likod ko.

Nandun si Cherry, si Ren at si Bryan.

Napatingala nalang ako dahil hindi ko akalain na hindi man susunod si Matt o ang frenemy kong si Seth. Hindi ko rin akalain na magtatangkang may bumagsak sa mga mata ko.

“Ava! Wait lang!” sigaw nila Ren at Bryan. Sabay nanaman silang nagsalita. Para silang kambal kahit na hindi naman sila magkadugo. Kung ano ang sasabihin ng isa, ganun rin ang sasabihin ng isa.

Weird pero para silang soul sisters. Pinagkaiba nga lang e hindi sila babae para maging ‘sisters’. ‘Brothers’ pwede pa. lols

Napalingon ulit ako sa kanila at nginitian ko sila. “Cherry, tara! Ihahatid kita sa inyo.” Sabi ko sa kaniya at bumusangot lang siya.

Ayaw niyang hinahatid siya. Gusto niyang magpagala gala muna bago umuwi ng bahay. Tinawanan ko lang siya. “Ayoko pa umuwi eh!” sagot niya sakin sabay takbo niya sa tabi ko.

Binabawi ko na ang pagiging soul sisters namin ni Karen. Siguro sisters parin kami pero hindi masasabing ganun kalalim na ang samahan namin.

“Iuuwi na kita. Magagalit nanaman papa mo sayo.” Pagsaway ko sa kaniya at inirapan niya lang ako na ikinatawa ko lang.

“Ihahatid naman ako nila Ren at Bryan mamaya eh. Gala na tayo please?” pagpupumilit niya at natawa nalang ako lalo nang mapatingin ako kila Ren at Bryan na nasa likod namin.

“No way! Nakakatakot papa mo!”  Ren

“Oo nga! Inakala niyang manliligaw mo kami.” – Bryan

Nanlaki mata ko sa mga sinabi nila at hindi ko naiwasang hindi matawa at maawa s naranasan nila. Masyado kasing protective ang parents ni Cherry sa kaniya lalo na ang tatay niya.

Parang may malaking galit si tito sa mga lalaki. Na hindi ko maintindihan dahil lalaki rin naman siya. >.< Weird.

Naglalakad kami habang nagtatawanan papunta sa direksyon kung saan ang subdivision nila Cherry. Walking distance mga bahay namin sa school kaya naman madali lang kaming magkita-kita.

Tulad ngayon, nakasalubong namin sila Seth at Matt nang umikot kami para sa paghatid namin kay Cherry.

Si Matt na natataranta ang expression at si Seth na parang badtrip na badtrip.

“Ava. Thank goodness! I thought you went home by yourself.” Bigla siyang lumapit sakin at napatingin ako kay Seth. Napasinghap ako ng hangin ulit at hindi naiwasang magbilog ng mga kamao ko nang mapansin ko ang isa pang tao na nasa likod ni Seth.

Sa laki ba naman nung lalaking yun e hindi ko kaagad napansin na may kasama silang babae. And guess what guys?

It’s Chloe.

Tinaas ko ang isa kong kamay at sinenyasan ko si Matt na wag siyang luampit sakin. Napatigil naman siya halatang may pagtataka sa muka niya.

Hinila ko si Cherry at kahit na alam kong gusto niya pang mag-gala, hindi na siya umangal pa sa paghila ko sa direksyon kung saan papunta ang subdivision nila.

Naramdaman ko rin na sumunod sila Ren at Bryan at hindi nila pinansin si Matt at Seth. Kahit si Chloe na narinig kong nag-‘hi’ sa kanilang dalawa.

Nagdere-deretso lang kami at sa tingin ko pinili nila Cherry na ngayon manahimik dahil alam nilang nabaddtrip ako.

Hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko kung bakit kelangan kong mag-react ng ganito.

“Ava! Wait!” narinig kong sigaw ni Matt pero hindi ko siya nilingon. Nakatawid kami ng kalsada at papasok na kami ng gate ng subdivision nila Cherry. Tsaka sila nagsalita.

“Hindi mo ba siya kakausapin?” tanong sakin ni Cherry na nasa likod ko. Umiling lang ako at nag-shrug.

“She’s not worth your jealousy, Ava.” Narinig kong sabi ni Ren at napatigil ako sa paglalakad ko at sabay harap sa dalawang bodyguard ni Cherry. “Why do you think that I’m jealous?” tanong ko sa kaniya habang naka-cross arms.

Nagsalubong ang mga kilay ni Ren. “Kasi halata sa muka mo. Sabi ko sayo, she’s not worth it.”

Niliitan ko siya ng mata at napalunok si Ren bigla. Isang matunog at malakas na paglunok. Young adam’s apple niya gumalaw rin. Hahaha

“Bakit Ren? May maibibigay ka bang assurance sakin na hindi ako dapat magselos sa Chloe na yun? Maganda siya. Makukuha niya ang mga lalaking matipuhan niya. Tulad ni Seth at Matt.” Pagpapaliwanag ko.

Medyo nagulat ako sa mga salitang lumabas sa bibig ko dahil para ko na ring inamin sa mga kaibigan ko na totoo ngang nagseselos ako sa Chloe na yun.

Bumuntong hininga si Ren at sabay kamot sa buhok niya.

“Alam mo, sa totoo lang, kilala ko si Chloe.” Sambit ni Ren. Umiling iling siya samin samantalang kaming tatlo ay natulala.

Si Ren na isang simpleng lalaki lang e may kilalang sing gandang babae ni Chloe? Wow! Taas pare. Lol

Joke lang. XD

“Paano?” tanong ni Cherry at parang mas siya pa ang na-curious kesa sakin. Heto nanaman at umiiral ang tenga ng chismosang kaibigan kong si Cherry. *clap clap

“Pwede bang maupo muna tayo sa tindahan na pinakamalapt dito? Nauuhaw na rin ako eh.” Pagyayaya naman ni Ren at nagsitanguan nalang kaming tatlo. Hindi ko alam kung bakit parang determinado si Cherry na may malaman sa kung sino si Chloe.

Hindi ko rin alam kung bakit parang sobrang curious niya sa babaeng yun. Hindi ko rin alam kung bakit parang ayaw na ayaw niya sa kaniya.

Siguro naramdaman niya rin ang kakaibang aura na meron ang babaeng yun.

Maganda siya at mukang hindi makabasag pinggan. Muka siyang anghel sa totoo lang.

Nang makarating kami sa isang tindahan, agad naman na bumili si Ren at Bryan ng softdrinks at kami naman ni Cherry ay naghati sa twinpopsicle.

“Simulan mo na, Ren. Masyado na akong na-curious sa bruhang yun.” Pa-excited na tanong ni Cherry sa kaibigan namin at medyo nanlaki mata ko ng sabihin niya ang salitang ‘bruha’. May nalalaman ba sila na hindi ko alam?

“Okay. Ganito kasi yan..”

Nagsimulang magkwento si Ren sa kung paano niya nakilala si Chloe.

Si Chloe pala na nakatira malapit kila Ren ay nag-aral sa isang Christian school na may elementary at highschool. Syempre, madalas kasi sa mga elementary eh ginagaya ang mga kilos ng highschool kaya naman hindi na kami nagtaka kung bakit parang ang mature niyang kumilos.

Nabanggit rin ni Ren na si Chloe ay isang pasaway na estudyante. Kaya naman pala siya nilipat dito ng magulang niya ay sa kadahilanang baka magtino siya.

“Paano mo naman nakilala yun?” tanong ko sa kaniya. “Ava. Sa liit ng subdivision na tinitirahan ko halos kilala ko na ang mga tao dun. Hindi ko naman akalain na sila pala yung bagong lipat na usapan noon.” Pagpapaliwanag niya.

Muling nagkwento si Ren at medyo nagugulat na kami ni Cherry sa mga naririnig namin si kaniya.

Si Chloe na sa bata niyang yun ay marunong mag-inom. Si Chloe na nakakilan ng boyfriend sa edad niyang yun. Si Chloe na madalas nagiging dahilan ng mga hiwalayan at away ng mga mag-boyfriend girlfriend.

In short si Chloe na isang malanding babae.

Yun na ang naging conclusion ko dahil hindi ko alam anng tamang salita na medyo mapapagaan ang tawag pero wala na talaga akong ibang maisip kundi ang salitang yun.

Hindi ko akalain na isa siyang tao na nakamaskara.

Napaka-angelic ng muka niya at hindi mo aakalain na ganun ang mga gawain niya sa tuwing nandun sila sa kanila. Malamang kakasabi nga lang ni Ren, maliit ang village nila kaya naman madaling kumalat ang mga usap usapan.

Hindi ko rin akalain na hindi niya makikilala si Ren.

Bigla ko nalang naisip si frenemy at si Matt.

Paano ko sila masasabihan na hindi magandang example si Chloe para sa kanila? Mga gwapo pa man din yung mag-bestfriend na yun at syempre mahilig silang parehas sa maganda.

Baka mag-away sila dahil sa malanding yun.

Napatingin naman ako bigla kay Cherry nang bigla siyang tumawa na para bang kontrabida sa isanng palabas. Lahat kaming tatlo nila Ren at Bryan napalingon sa kaniya.

“Buahahahahahaha! Huli ko na siya. hahaha!” bigla niyang sabi sa kung sino man samin. Nagkatinginan kaming tatlo at parehas na may mga tanong sa mga muka namun kung anong meron kay Cherry. Sabay sabay rin kaming sumagot ng ‘ewan ko’ sa isa’t isa.

“Ganun pala siyang klaseng babae ha. Kaya naman pala.” Bigla nanaman niyang sabi at napalunok na ako sa takot. Alam kong may pagka maldita si Cherry at sanay na kami dun.

Pero para masaksihan ang kakaibang ugali niyang ito? Woah ha! Iba to. Bago eh.

“Bakit?” tanong ko sa kaniya at umiling iling siya. “Ava, baby girl. Hindi mo baa lam kung bakit wala si Karen ngayon?” tanong niya sakin na may kasamang mala-malditang ngiti. Umiling iling rin ako at napasalubong nanaman ang kilay ko.

Oo nga no? Asan kaya yung babaeng yun?

Napatayo si Cherry at nagsimula nanaman siyang tumawa ng nakakatakot. Parang yung mga kontrabida sa buhay ng mga prinsesa sa mga Disney na palabas.

“Alam mo bang hindi itinuloy ni Manuel ang panliligaw sa kaniya?” sambit niyang ulit at ngayon nanlaki ang mga mata ko at alam kong ganun rin sila Ren at Bryan.

Wala naman kaming alam na ganun ang nangyari at parang nung kelan lang e magkasundo na magkasundo sila Karen at Manuel. “Paano?” tanong kpo at ngumiti nanaman siya ng nakakatakot.

“Kasi, nakwento sakin ni Karen na may isang babae dawn a sumingit sa love life nila ni Manuel at syempre hindi ko na sainyo ipapahula kung sino dahil kakakwento lang satin ni Ren.”

Bigla akong naguluhan dahil sa pagkaka-alala ko ay hindi pa sinasagot ni Karen si Manuel. Depende nalang kung sikreto ang relasyon nila.

“Hindi naman sila diba?” tanong ni Bryan at tumango si Cherry. “Hindi nga. Dahil iba ang girlfriend ni Manuel ngayon.”

Nagkatinginan kami nila Ren at Bryan. “Oh no. Poor Karen.” Bulong ni Ren at pati ako parang nawalan ng kaluluwa dahil sa lungkot na nararamdaman ko para kay Karen.

Shocks. Sigurado umiiyak ngayon yung kapatid kong yun. Bakit hindi niya man lang sinabi sakin?

--

End of 4.

VOTE COMMENT SHARE and ENJOY READING. ALWAYS. *wink!

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play