Here goes! Sana mag-comment kayo, hahaha!
READ AND ENJOY GUYS! :*
--
Chapter 2:
"Can I court you?"
Natapos ang usapang yun ng hindi ako nakasagot kaagad kay Matthew. Tama siya eh, hindi niya dapat ako tinanong nun dahil hinid ko rin alam ang dapat kong isagot.
Mabilis masyado ang flow ng oras para sa kaniya at ganun rin ng feelings niya. Paano ako maniniwala kung kakakilala lang namin tapos bigla niya akong tatanungin non diba?
Bakit kasi nakikinig siya kay Seth eh.
Natapos kaming kumain at nagkaroon pa ng konting introduction nang biglang dumating ang kapatid kong si Liam galing sa laro nilang mga seniors this school year. Hindi na nanlaki o nagulat pa siya nang makita niya si Seth na nandito sa bahay.
Edi sila na dota buddies diba?
Medyo na-curious lang siya kung sino si Matthew kaya naman pakiramdam ko kinabahan siya nang malaman niyang may nakakatanda akong kapatid at kung mamalasin nga naman siya, isa pang kuya.
Hahahaha, saya.
Please carefully note the sarcasm thank you.
Natapos ang gabing yun na ang usapan lang nila ay dota. Na out of place kaya naman umakyat ako sa kwarto ko pero yung tatlong lalake may ibang balak nun kaya naman naistorbo ako ng mga one hour mahigit rin bago tumawag ang mommy ni Matthew sa cellphone niya para pauwiin siya.
Kaya ang nangyaring pagbaba-bye?
"Ana! We're going h-...oops! Sorry. Nagbibihis ka pala."
"Damn you, Seth!"
I'll let you guys imagine the rest how that ended.
Di ko maiwasang hindi humugot ng hangin ng sobrang lalim.
"Hey, Ave! Ang lalim niyan ha." Bati sakin ni Karen nang makita niya ako sa waiting area. Naghihintay ako ngayon dito dahil hindi pa open yung assigned classroom para saming mga sophomores. Ewan, siguro tinanghali rin yung adviser namin ngayon. Lol
"Hey, good morning." Pa-boring kong bati sa kaniya at tinitigan niya ako. Humarap pa siya mismo sa muka ko tapos nagpa-cute na aakalain ko e naging kamuka ko na yung crush niyang classmate ng kuya ko. Gosh.
"Karen, stop that." Tahimik kong puna sa kaniya pero lalo pa siyang nag-twinkle ng mga mata niya halos maumay ako. Okay, she's a beautiful girl pero naman I don't swing that way! Di ko maappreciate ang ginagawa niyang yan!
Si Seth baka pwede pa!
"So, inadd mo ba ako kagabe?"
'Yeah, dude. Thanks! Akala ko snobbish ka pero hindi naman."
Speak of the devil pero kasama niya rin si Matthew, ugh gosh. What a great timing.
Hinawakan ko ang braso ni Karen sabay hatak sa kaniya paupo sabay turo ko sa direksyon nung dalawnag gwapo. "Ayan, dun ka sa kanila magpa-cute. Lalake hanap ko kaya walang effect sakin yang ginagawa mo." Bulong ko sa kaniya at naramdaman ko ang pagkurot niya sa binti ko.
"Lokaret ka! Hindi ko kaya yun no, gosh!" sabi mo lang yan pero kahapon wagas ka kung magpa-cute kay Seth.
Napabuntong hininga ako sa sagot niya at lalo akong namoblema nang dumating si Cherry na naghawi-hawi naman ng buhok niya sa harap namin. Nakita kogn bumusangot si Karen. "Oh, now you know what I feel earlier huh." Sambit ko at tumango siya sakin sabay hila kay Cherry na feel na feel ang paghawi ng mahaba daw niyang buhok.
Though, it's just extensions.
"What in the..."
"Sa kanila ka magpa-cute. Lalake hanap namin ni Ava."
Nagtawanan kaming dalawa nang makita namin ang muka ni Cherry na mukang naging determinado sabay lakad na parang model dun sa dalawang sobrang busy sa pag-uusap na mukang tungkol nanaman sa dota at hindi kami napansin dito.
Nagulat pa sila ng hawakin ni Cherry ang mga balikat nila. Nanlaki ang mga mata ni Matthew nang gawin niya ang ginagawa nito sa harap namin kanina pero si Seth hindi maipinta ang muka.
"Wow, what a way to ruin my morning." Rinig naming sabi ni Seth kay Cherry na sinabunutan ang perfectly kempt na buhok ni Seth. Oh no, code red.
Natulala si Seth sandali nang gawin ito ni Cherry sa precious hair niya at sabay kaway niya samin. Dahil na rin siguro sa hindi namin napigilan ni Karen ang pagtawa ng sobrang lakas dahil sa epic expression sa muka ni Seth.
"Let's go!!!" natatarantang sabi ni Cherry samin at tumayo naman kami ni Karen sabay takbo. Nalagpasan namin yung dalawang lalake. Nagkatinginan pa nga kami ni Matthew at ang nakakatawa ay para kaming nasa teleserye.
Slow motion tapos may music. Weird pero na-imagine ko yun kahit na nag-aapoy yung aura ni Seth na humahabol sa likod namin.
Tumakbo ang oras at malapit na lunch time ngayon. Medyo chill parin ang classes kaya wala kaming ginagawa pa.
Mukang naka-get over na si Seth sa kalokohan na ginawa ni Cherry sa kaniya kanina dahil kasalukuyan niyang pinapakilig yung dalawa. NAkisali pa si Ren at Bryan sa kanila kaya ang ending kami ni Matthew ang others.
I'm not really sure kung paanong nakisali sa mga trippings nila yung dalawa pa samantalang hindi naman sila flirt tulad nung bwisit na si Seth. Ugh.
Pakana niya to e kaya parang ang awkward tuloy ng aura namin ni Matthew. Kahit na hindi kami kasama sa usapan nilang apat, nakikitawa naman kaming dalawa. Sa totoo lang, pakiramdam ko wala ni isa saming dalawa ang gustong mag-open sa kung ano man usapan ang nangyari kagabi,
Parehas kaming hindi ready.
"Woah! Karen, anong ginagawa mo? Kayo ba ni Seth?" Tanong ni Ren kay Karen na may kasamang magulong expression. "No! No dude! There's no us!" Galit na sabi ni Seth bago pa man makapagsalita si Karen. Sabay kalas niya sa hawak ni Karen sa braso niya at lumayo.
Hindi ko alam kung tatawa ako o hindi.
Syempre! Naawa ako sa feelings ni Karen. I mean, todo pagpapapansin niya kay Seth tapos hindi naman siya pinapansin nito. Si Seth naman, nakakaproud! Alam na niyang iwasan ang taong minsan na siyang sinaktan.
Naalala ko itsura niya tuloy nung tinawag siyang panget ni Karen nung nasa freshman year kami, Pfft!
Oo, ginawa yun ni Karen. Nung mga panahon kasi na yun e hindi pa nasampal, nasuntok at nasipa si Seth ng tinatawag nating puberty. Oh yes, isa nga siya sa mga lalaking natamaan ng maaga.
Bigla siyang...BAM! Boom! Gumwapo! Yumabang!
"What the heck." Rinig naming bulong ni Karen sabay sabunot sa precious hair ulit ni Seth na may kasama pang sampal sa pisngi at nag-walk out.
"Argh! Ano bang meron sa buhok ko ngayon at trip na trip niyo?! F*ck, sh*t." pag-rereact naman nung isa na may kasamang tingin na masama sa babaeng hinahangad niya noon. Gosh, hindi ko alam kung kanino ako sa kanila makakaramdam ng ouch feelings eh.
Buti nalang walang mga teachers at maingay sa loob ng room. Walang ibang nakarinig ng pagmumura ni Seth kundi detention abot niya.
Hinawakan siya ni Matthew at umiling na para bang sinasabi na 'Wag mo ng sundan dude.'
Telepathy nanaman sila. Telepathy na naiintindihan rin naman ng iba. *shakes head
Naintindihan ko eh, bakit ba.
"That f***ing b**ch! Kainis! Buti nalang hindi niya ko sinagot. Magsisi siya ngayon. Sinayang niya kagwapuhan ko! Hindi ko na siya babalikan mga pare. Mas marami ng humahabol sakin ngayon at hindi ko sila ipagpapalit sa amasonang yon!" Napahalakhak nalang kami sa sinabi ni Seth.
Okay, we're all guilty for laughing.
Kahit yung ilang estudyante napatingin sa kaniya. Para kasi siyang nag-speech laban sa rebellion ng bundok hakarugi.
Sinamaan niya kami isa isa ng tingin. "What's so funny guys?!" pagdudugtong niya sa mga sinasabi niya samin. Sinubukan niyang ayusin ang buhok niya at haplos naman sa pisngi. Tumingin siya sakin at mas sinamaan niya ako ng tingin dahilan para matawa ako lalo.
"Haha! Seth, don't look at me like that." Sabi ko sa kaniya at nag-pout siya! Juice ko po, si Seth nagpapout! Matindi! Kinilabutan ako dahil sa kissable lips niya na masarap naman talagang halikan.
Ewan ko. Parang gusto ko ngang gawin yun eh ang kaso nga lang, naisip kong ayoko na rin. Hahaha! Eww, Seth cooties!
"Then don't laugh at me, you miniature girl." Napatigil ako sa pagtawa at nagtinginan kami ng masama. Sa kidlat na namumuo samin ni Seth, biglang sumingit si Matt. "Guys, stop that." Natatawa niyang sabi.
At syempre ako, nahihiya parin ako sa kaniya kaya napatingin ako sa sahig at sinubukang magsalita pero walang lumabas sa bibig ko. Kaya bago pa ako mapahiya, nilayasan ko sila.
Bwisit kasi si Seth! Parang nagkakatuwaan lang eh. Asar talo ang wala. Hmph!
"Ava! Wait!" pagtawag sakin ni Matt pero hindi ko siya nilingon. Hindi ko kasi alam ang sasabihin ko sa kaniya.
Kung paano ko sasabihin na ayaw kong magpaligaw. Tignan niyo yan, iba tuloy naisip ko. Kanina lang si Seth naiisip ko dahil sa kabaliwan niya ngayon naman si Matt? Ugh.
Bago mag-lunch break, inayos na ng mga teachers ang pwesto naming mga highschool.
Pinaglayo nila kaming mga sophomores. Pero sa kasamaang palad, katabi ko si Seth. Hindi siguro napansin ng mga teacher na magkatabi kami na dalawang sophomores sa isang row ng mga upuan.
Si Matt naman nasa kabilang side. Ka-row niya si Cherry pero nasa gitna nila si Manuel, isang 1st year. Si Karen naman katabi niya si Gerald. Crush na crush niya ito. Siya ang dahilan kung bakit di niya pinapansin si Seth noon.
Kaklase siya ni Liam parehas sila ng features ng kapatid ko pinag-kaiba lang maputi si Gerald at mas matangkad ito kay Liam ng ilang inches. Mas mataba ng konti si Gerald pero type na type ito ni Karen. Kaya lang hindi niya ineentertain si Karen.
Si Shanaia ang type niya.
Simpleng ganda kasi si Shanaia eh. Hindi katulad ni Karen na panay make up.
Speaking of Shanaia, ang tagal pa nga umuwi nung babaing yun sa Pinas. Every summer kasi lagi silang umuuwi doon para samahan ang daddy nila at family get together narin.
Si Ren at Bryan naman, nasa magkabilaang dulo din. Nasa gitna nila si Joyce Villas. Nililigawan ni Liam at kapatid ng Amasonang si Karen. Kabaligtaran niya ito. Yun nga lang, sa tingin ko kaya siya nagustuhan ng kapatid ko e dahil sa kamuka niya ang ex girlfriend ni Liam na sobrang mahal na mahal ng kapatid ko.
Teka nga bakit ba napunta dun? Samatanlang seating arrangement ang usapan kanina. Hahaha!
Pagdating namin sa cafeteria, agad agad naman kaming umupo sa pwesto namin lagi. Ewan ko ba, parang naka-reserve na ito para saming apat nila Karen, Cherry at Shanaia. Ang kaso nga lang, tatlo lang kami ngayon.
Ang bilis ng oras ko ano? Ganyan talaga pag walang love life. Masaya at walang iniintindi.
Sabay sabay kaming girls na kumain. Maaga kaming natapos kaya tumambay muna kami sa table namin. Kulang nalang talaga, magkaroon ng mga pangalan namin ang table at chairs tong pwesto naming ito.
Asan ba pentel pen ko nang malagyan.
"Girls, nakakainis si Seth." Umpisa ni Karen. "Bakit? Anong ginawa nya?" Sagot ni Cherry. Nanahimik lang ako. Siguradong hindi nila ko maririnig pag nagsalita ako.
"Eh kasi niyakap ko siya. You know, as a greeting ng goodmorning. And I want him to chase me again. Lalo na't ang gwapo gwapo na niya ngayon. Oh and by the way, Ava hindi ako nagagalit sayo kung tinatawag ka niyang 'baby' or 'babe'. Alam ko naman ang mga tipo niyang girls e. Kaya hindi ko titignan na kakompitensya kita."
Tuloy tuloy niyang sabi samin at muntik na akong ngumanga dahil sa pinagsasabi niya sakin.
Tinignan niya rin ako mula ulo hanggang paa. Hindi naiwasang kumulo ng dugo ko sa sarili kong kaibigan.
Napapa-wow nalang talaga ako sa tuwing lumalabas yung ugaling to ni Karen eh. Minsan naisip ko na gusto kong i-press sa salamin yung muka niya dahil sobra ang pagiging narcissist niya.
Ang ganda nga niya e yung ugali naman niya kamusta? Isa pa, ang hirap niya rin kung minsan intindihin eh.
Buti nalang talaga hindi niya sinagot si Seth! Juice ko. Hindi ko kayang pakisamahan tong babaeng to araw araw kung magiging sila ng unggoy na yun. Nagkatinginan nalang kami ni Cherry. May telepathy din kami. Hahaha! Ito ang wala kami ni Karen. *shakes head
"Karen, kasalanan mo din naman kung baket di ka na pinapansin ni Seth e. Pinaasa mo yung tao tapos hindi mo din pala sasagutin. Dinahilan mo pa na ang panget panget niya dati. Na si Gerald gusto mo. Na mas type mo pa si Manuel. Ga** ka e." Paliwanag ni Cherry sa babaeng para na naming kapatid na minsan hindi namin malaman kung mabuti siyang tao o hindi.
Umirap siya sa kung sino saming dalawa ni Cherry sabay tingin sa baba. "Girl, nagpakatotoo lang ako nung mga panahon na iyon." Napabuntong hininga nalang ako sa sinabi niya.
Sa sobrang pagpapakatotoo niya, nakasakit siya ng tao. Oh wait, hindi pala siya nagpakatotoo talaga. Hindi niya kasi sinabi kay Seth noon na ayaw niya naman talaga magpaligaw sa kaniya.
Sa totoo lang, nakakaawa si Seth the Frenemy nung mga panahon na yun.
"Oo, Karen at dahil sa pagkakatotoo mo mas inentertain mo pa ngayon yung Manuel samantalang kakakilala mo lang sa kanya at pumayag ka ng magpaligaw tapos lalandi ka pa kay Seth ngayon? Ang Kati mo..." Binulong no Cherry yung huli niyang sinabi.
Nagkakwentuhan lang kami tungkol kay Manuel at Karen. Si Manuel na mas bata samin ng isang taon at na mas mukang type niya dahil sa tan-skinned siya dahil sa isa siyang magaling na player. Actually, oo totoo madalas nga siyang hiramin ng ibang sports club na meron sa school namin eh.
Oh wait, we only have 2 sports club. Lol
Nang mag-bell na. Pinauna ko na sila Cherry at Karen sa room. Naiihi na ako eh!
Agad agad naman akong dumeretso sa isang cubicle mahirap ng ma-late para sa after lunch lessons.
Pagkatapos kong mag-cr, nasalubong ko si Matt. Nanlaki mga mata ko at hindi ko alam kung bakit ko pinigilan ang paghinga ko. Nakayuko siya nung nakita ko siya pero nung mapa-angat ang tingin niya, bigla nalang tumakbo ang puso ko.
Oo tumakbo talaga, hindi ko na alam kung san siya nagpunta. Iniwan ako dito. Loko yun eh.
"Oh hi Ava." Pagbati niya sakin. Tinignan niya ako sa mata at ibinaling ko ang tingin ko sa sahig nang maisipan akong balikan ng senses ko na tumakbo kasama puso ko.
"Hi Matt." Sagot ko na walang halong kilig. Hindi po talaga ako kinikilig. Hanggang ngayon kasi, naiisip ko parin kung gaano kabilis ang magkaroon siya ng feelings sakin.
Tulad rin niya ba siya?
"Hinahanap kita kanina pa." napasalubong ang kilay ko sa sinabi niyang to at medyo inangat ko ang tingin ko sa kaniya.
Nag-ehem ehem pa ako bago magsalita. Baka pumiyok ako eh. Lol
"Oh. Is that so? Umm...may sasabihin ka ba?" tanong ko habang paikot ikot ang tingin ko sa paligid.
Napa-'ehem' lang muna siya sa tanong ko at tsaka nagsalita. "Umm... Ava. I want you to know that I'm serious about you. I really like you." Paumpisa niya.
Na-shock nanaman ako sa mga narinig ko. Hindi kaagad ako nakasagot. Mga ilang segundo muna lumipas bago ako makapag-isip ng sasabihin.
Hindi gumagana ng maayos ang utak ko kapag ganito ang usapan. Lalo na't sinabi niya pang seryoso daw siya sakin. Parang nakikita ko 'siya' kay Matt na sana magkaiba sila.
After 20 seconds...
Yes, binilang ko talaga. Bakit ba.
"Matt. I'm sorry." Bulong ko. Naglakas ako ng loob at tinignan ko siya sa mata. Nagtaas siya ng isang kilay niya at bumuntong hininga siya.
"Why are you saying sorry? You've done nothing wrong to me." Pagpapaliwanag niya. Huminga akong malalim dahil alam kong kailangan kong masabi ang rason kung bakit ko yun nasabi. Alam kong magtatanong lang rin siya lalo kapag hindi ako nagpaliwanag ng maayos.
Kinakabahan ako! Familiar ang feeling na ito! "Matt. You see, I'm not yet ready to trust in love...again." Sagot ko sa kaniya.
Nakita kong parang na-shock siya at alam kong nagsisimulang mabuo ang mga tanong sa utak niya. Sigurado akong sobrang curious na niya. "What do you mean 'again'?" Nagtataka na siya.
"Can we not talk about this now? I'm not in the mood to speak about 'him'. Not to you." Binulong ko yung huli kong sinabi dahil alam kong masakit ang mga salitang yun. Tumango tango siya sakin at bumuntong hininga ulit na para bang sobrang bigat ng dalahin niya.
"Okay. Whenever you're ready to talk to me. I'll gladly listen to your story. I'm always here for you." Hinalikan niya ko sa noo. Nagulat akong bigla kaya napalayo ako agad agad sa kaniya na may kasamang gulat na expression.
Gosh! Hindi pa tayo may pahalik-halik ka na sa noo!
Tumango na lang ako at nauna na ko sa room. Tumatambol ang puso ko sa ginawa niyang paghalik sa noo ko pero hindi ko masasabing kinikilig ako. Masasabi kong, kinabahan ako.
Teka, gawin narin nating present tense iyon.
'Kinakabahan' narin ako.
Baka kasi sa small gestures niyang ganun eh mapapayag niya akong manligaw siya sakin at mahulog sa kaniya. Na ayaw kong mangyari dahil hindi pa ako handing magmahal ulit. Nakakatakot.
Natapos na din sa wakas ang araw na ito. Araw na puno nanaman ng kaboringan. Nakakaantok lang. Kahit kausapin ako ng kausapin ni Seth, alam kong nainip rin siya sakin. Hindi ko siya sinasagot eh. Hahaah! Isa pa, wala nanaman kaming ginawa sa room. Nantrip lang yung mga teachers.
Binalak kong maglakad ulit pauwi at syempre inaasahan kong sasabayan ako ng frenemy ko pero hindi. Kaya nauna na ako. Ang kaso nga lang, sinabayan ako ni Matt. Heto nanaman ang awkward na aura samin. Pero ako lang siguro nakakramdam nun.
Ihahatid daw niya ko hanggang sa bahay naman. Si Seth? Ayon, dala dala niya motor ng kuya niya. May date daw siya. Hindi ko maalala yung pangalan na nabanggit niya pero parang sa letter 'M' ata nagsisimula yun eh.
Ah ewan. Di ko maalala.
Disappointed si Karen ng marinig niya yun kaya pinuntahan nalang niya si Manuel. Si Cherry, Bryan at Ren, nagtext sakin na hintayin namin sila sa Mini Stop at foodtrip daw kami. Nagka-detention kasi sila ngayon kasi nahuli at narinig silang tatlo na nagmumurahan.
Sa sobrang excite sa panunuod ng movie na sikat ngayon. Hindi ko naman sila masisisi kasi nung pinanuod ko rin yun at natapos sobrang dami ko ring feels eh. Yung tipong gusto kong ipagyabang sa mga tao na napanuod ko yun ng maaga at gusto ko sila ma-spoil.
I don't blame them.
Pero bine-blame ko sila ngayon kung bakit kaming dalawa lang ni Matthew ngayon ang magkasamang maglakad. Isama ko na rin si Seth na walang tigil sa mga bilnd dates niya. Ugh.
Isa pa, alam kong may tumatakbo sa isip ni Matthew lalo na't nakasalubong ang mga kilay niya na para bang ang lalim ng nasa isip. Alam kong tungkol ito sa binitawan kong mga salita kanina dun sa cr.
Idagdag pa na kinokonsensya ako ng sarili kong konsensya kung ano anong binubulong sakin na quotes. Nakakabaliw pero totoong may naririnig ako sa tenga ko. Nakakatakot pero pag nare-realize kong boses ko rin e pilit ko nalang na hindi pinapansin.
Kaso sa pagkakataong to, ang saya i-group message nung binubulong niya sakin eh. Pfft!
If you keep on looking at the past, you won't be able to see the present. Yep, I'll send it to everyone I know later. LOL
"Ava. What's wrong? Are you okay? Do you want to go home already?" Pag-aalalang tanong ni Matt. Nawala ang pakikipag-usap ko sa sarili ko nang magsalita siya na may tono pa ng pag-aalala.
"No. Matt. I'm perfectly fine. Just thinking some things. You know, 'the past'." Sabi ko. Bago ko pa marealize ang nasabi ko, nakasagot na siya kaagad. Napa-face palm nalang ako.
Bwisit. Paputol ko na kaya dila ko? -_-
Nag-lean siya sa table na nagsisilbing harang saming dalawa. "Ava. Please tell me what happened. I'm curious. I want to know everything about you." Sambit niya na may kasamang pag-aalala at determination sa mga mata niyang nag-gagandahang light brown.
"Matthew..."
"Please Ava. Please? I'll still love you with all my heart kahit ano pa yan." Nakaka-touch naman pero...love agad?! Ang bilis naman ng progress! Ano to teleserye?! Love at first sight lang ang peg, ganon?!
Napa-smirk ako sa loob loob ko dahil sobrang ridiculous ng dating kung totoo ngang ganun ang nasa isip ni Matthew. Hindi kasi ako naniniwala sa mga ganon eh pero kung tutuusin, may sariling utak ang bibig at dila ko.
"Fine I'll tell you since we're friends basta lang wag mo na ko kulitin." Sa sinabi kong ito, nag-ilaw ang mga mata niya at parang natuwa siya dahil makakalikot na niya ang buhay ko.
Kahit na pilit kong inemphasize ang salitang 'friend' pero mukang hindi yun yung focus niya eh. Masaya siya dahil babahagian ko siya ng first love ko.
"It may sound childish but...I fell in love when I was 13 and he's 14."
At nagsimula ang kwento ko tungkol sa first love ko.
--
End of 2.
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Comments