HIGHEST TEN
HIGHEST TEN
Written by: @AnDemonLivingInJupiter
Isang paaralan na kung saan mayayaman lang may alam. Kung saan bawal ang social media, gadgets are not allowed.
Isang ordinaryong paaralan pero may nakatagong lihim na kapahamakan.
Marka ang labanan upang maging makapangyarihan. Walang atrasan, walang lugar sa mga mahihina kaya kahit anong mangyare kailangan mong lumaban.
RULE IS A RULE!
"Trust no one" -Kerk
CHAPTER 1: Room 39
Kerk's Point of View
Napuno ng ingay ng mga studyante dito sa gymnasium sa paaralan na pinasukan ko. Halata naman na puro mayayaman lang nakakapagaral sa paaralan na 'to.
One Million para lang sa tuition. Ano bang meron sa paaralan na 'to at kailangan pang gumastos sila mama at papa dito. Alam kong wala lang samin 'yung One Million pero nakakapagtaka lang.
"Puwede bang tumabi?" tanong ng babae sa harapan ko kaya napatigil ako sa pinagiisip ko.
Tumango lang ako bilang sagot at hindi na siya pinansin. Tumabi naman siya sakin at maya-maya lang inabot niya kamay niya sa 'kin.
"Jody Eichinizen," nakangiting sabi niya.
"Ha?" naguguluhang saad ko.
"Pangalan ko Jody Eichinizen." Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay tinignan ko naman siya ng mabuti.
"Tinanong ko ba pangalan mo?" tanong ko naman sakan'ya at tinignan siya ng seryoso.
"Ang sungit," inis niya namang sabi.
Hindi ko na siya pinansin at tumingin na lang sa stage kung saan makikita mo mga teacher at mga head dito sa paaralan.
Maingay at halatang kanya-kanya sila na naghahanap ng mga bagong kaibigan dito. Pero nawala din 'yung pagiingay nila at kanya-kanya na silang umupo sa mga upuan dito at tumahimik.
"Good day everyone," sabi ng lalaking kinatahimikan nila. Kapag titignan mo siya ay para siya 'yung may-ari sa paaralang ito.
Nagtagpo naman 'yung mga tingin namin. Hindi ako umiwas kaya ngumiti na lang siya at tumingin na sa ibang direksyon.
"Hindi ko na papahabain to para makapag pahinga na kayo. Alam kong pagod kayo kaya didiretsohin ko na," nakangiting sabi niya. Ang saya niya ata lagi.
Seryoso lang ang lahat na nakikinig sakan'ya. Pati na ata mga teacher nakikinig ng maayos sakan'ya at parang sobrang halaga ng sasabihin niya.
"Alam ko na alam niyo kung bakit kayo andito. Kung bakit kayo nag-aaral dito. This school was hidden and only few know this school. Makakalabas lang kayo kapag tapos na lahat ng semester. Losers are not allowed in this school. Kaya alam ko kayong lahat ay mga matatalino at talentado," tumingin naman siya saking direksyon habang sinasabi ang mga katagang 'yon.
"Pero tandaan niyo na hindi kayo pareho ng mga isip. Kaya may aangat at may nasa ibaba. Pero hahayaan niyo lang ba na ganun? Alam kung hindi kaya maging mautak kayo sa lahat ng bagay." Tumingin siya sa lahat at ngumiti na parang wala ng bukas.
"Learn and survive," diin niya sa salitang 'yan.
Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay umalis na siya kasama ng mga body guard niya. At pumalit naman sa puwesto niya 'yung isang mataray na babae at kung titignan mo naman siya ay para siya 'yung dean sa paaralang ito.
"Nakinig naman siguro kayo ng mabuti diba? Kaya wala ng mga tanong para makapag pahinga na kayo. Bukas pa magsisimula ang totoong labanan kaya magpahinga kayo," mataray niyang sabi kaya wala ni isang gusto gumawa ng ingay.
"Handa na lahat ng mga silid niyo. Bawat silid may limang k'warto kaya aasahan niyo na lima kayo magkakasama sa isang silid."
Pagkasabi naman niya no'n ay nagtitinginan ang lahat at inaalam kung sino kaya magiging kasama nila.
"Kunin niyo ang card na naka dikit sa ilalim ng inuupuan niyo at may makikita kayong numero at 'yon ang silid niyo."
Kanya-kanya naman sila kumuha at tinignan iyon. May mga nagtitilian kasi magkasilid sila.
"Hindi mo pa ba titignan sayo?" tanong ng babaeng katabi ko at sa pagkakaalam ko Jody pangalan niya.
Hindi ko siya pinansin at tumingin lang ng diretso sa harap.
"By the way, I'm your dean and I am Madame Serene Fortunato," sabi ng babaeng nasa harapan namin at hindi nga ako nagkamali ng tingin sakan'ya.
"And nice having you all at this school," ngumiti naman siya na hindi mo inaasahang ngiti sa mataray niyang pagmumukha.
"You may now all proceed to your room and have some rest. Good luck," pagkatapos niyang sabihin 'yon ay umalis na siya at sumunod naman 'yung mga teachers.
Nagsisialisan naman 'yung mga studyante kaya medyo naging tahimik nadin.
"Sabay na tayo," sabi ni Jody sakin.
"Mauna kana," malamig kong sabi at hindi man lang siya binigyan ng tingin.
"Okay sige."
Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay umalis na siya. Nang ako na lang natira ay kinuha ko na 'yung card sa ilalim ng upuan ko.
"Room 39," mahinang sambit ko.
Umalis na ako at hinanap 'yung silid ko. Pero nakakahanga din ang paaralan na 'to. Ang ganda at ang lalaki ng mga building dito. Puro mamahalin lang ang makikita mo.
Gabi na kaya ang ganda sa pakiramdam na madilim at tahimik. 'Yung tipong malaya ka sa dilim at walang nakakakita sa mga ginagawa mo kaya gusto ko talaga ang kadiliman.
Mga ilang minuto ako naglalakad at naghahanap sa silid ko bago ko ito nahanap.
Ginamit ko 'yung card para makapasok kasi 'yon ang nagsisilbing susi namin.
"Ikaw!" sabay na sabi namin ng babaeng katabi ko kanina na si Jody no'ng pagpasok ko.
"Magkakilala na kayo?" tanong naman no'ng babaeng naka eye glasses.
"Hindi!" "Oo!" sabay ulit naming sabi.
Ngumiti naman 'yung ibang kasama namin.
"Saan kuwarto ko?" balewalang tanong ko sa mga ngiti nila.
Tinuro naman nila 'yung sa kanan na kulay green ang pintuan. Tinignan ko naman yung card at magkapareho ng kulay.
Papasok na sana ako ng magsalita 'yung babaeng naka eye glasses.
"Hindi ka ba kakain?" tanong niya sakin.
"Hindi." Pumasok na ako at humiga agad sa kama.
Tumunog naman cellphone ko at may text galing kay papa.
"Galingan mo at huwag na huwag mo akong bibiguin," basa ko sa text niya.
Natawa naman ako ng bahagya sa nabasa ko.
Have you ever asked yourself why you need to be a good son or daughter just to accept by your parents? Have you ever wonder why you need to do all the things they want for the sake of thier image but never cares about you.
My name is Kerk, and the real battle begins in this school.
---,
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Comments