HIGHEST TEN
Written by: @AnDemonLivingInJupiter
Isang paaralan na kung saan mayayaman lang may alam. Kung saan bawal ang social media, gadgets are not allowed.
Isang ordinaryong paaralan pero may nakatagong lihim na kapahamakan.
Marka ang labanan upang maging makapangyarihan. Walang atrasan, walang lugar sa mga mahihina kaya kahit anong mangyare kailangan mong lumaban.
RULE IS A RULE!
"Trust no one" -Kerk
CHAPTER 1: Room 39
Kerk's Point of View
Napuno ng ingay ng mga studyante dito sa gymnasium sa paaralan na pinasukan ko. Halata naman na puro mayayaman lang nakakapagaral sa paaralan na 'to.
One Million para lang sa tuition. Ano bang meron sa paaralan na 'to at kailangan pang gumastos sila mama at papa dito. Alam kong wala lang samin 'yung One Million pero nakakapagtaka lang.
"Puwede bang tumabi?" tanong ng babae sa harapan ko kaya napatigil ako sa pinagiisip ko.
Tumango lang ako bilang sagot at hindi na siya pinansin. Tumabi naman siya sakin at maya-maya lang inabot niya kamay niya sa 'kin.
"Jody Eichinizen," nakangiting sabi niya.
"Ha?" naguguluhang saad ko.
"Pangalan ko Jody Eichinizen." Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay tinignan ko naman siya ng mabuti.
"Tinanong ko ba pangalan mo?" tanong ko naman sakan'ya at tinignan siya ng seryoso.
"Ang sungit," inis niya namang sabi.
Hindi ko na siya pinansin at tumingin na lang sa stage kung saan makikita mo mga teacher at mga head dito sa paaralan.
Maingay at halatang kanya-kanya sila na naghahanap ng mga bagong kaibigan dito. Pero nawala din 'yung pagiingay nila at kanya-kanya na silang umupo sa mga upuan dito at tumahimik.
"Good day everyone," sabi ng lalaking kinatahimikan nila. Kapag titignan mo siya ay para siya 'yung may-ari sa paaralang ito.
Nagtagpo naman 'yung mga tingin namin. Hindi ako umiwas kaya ngumiti na lang siya at tumingin na sa ibang direksyon.
"Hindi ko na papahabain to para makapag pahinga na kayo. Alam kong pagod kayo kaya didiretsohin ko na," nakangiting sabi niya. Ang saya niya ata lagi.
Seryoso lang ang lahat na nakikinig sakan'ya. Pati na ata mga teacher nakikinig ng maayos sakan'ya at parang sobrang halaga ng sasabihin niya.
"Alam ko na alam niyo kung bakit kayo andito. Kung bakit kayo nag-aaral dito. This school was hidden and only few know this school. Makakalabas lang kayo kapag tapos na lahat ng semester. Losers are not allowed in this school. Kaya alam ko kayong lahat ay mga matatalino at talentado," tumingin naman siya saking direksyon habang sinasabi ang mga katagang 'yon.
"Pero tandaan niyo na hindi kayo pareho ng mga isip. Kaya may aangat at may nasa ibaba. Pero hahayaan niyo lang ba na ganun? Alam kung hindi kaya maging mautak kayo sa lahat ng bagay." Tumingin siya sa lahat at ngumiti na parang wala ng bukas.
"Learn and survive," diin niya sa salitang 'yan.
Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay umalis na siya kasama ng mga body guard niya. At pumalit naman sa puwesto niya 'yung isang mataray na babae at kung titignan mo naman siya ay para siya 'yung dean sa paaralang ito.
"Nakinig naman siguro kayo ng mabuti diba? Kaya wala ng mga tanong para makapag pahinga na kayo. Bukas pa magsisimula ang totoong labanan kaya magpahinga kayo," mataray niyang sabi kaya wala ni isang gusto gumawa ng ingay.
"Handa na lahat ng mga silid niyo. Bawat silid may limang k'warto kaya aasahan niyo na lima kayo magkakasama sa isang silid."
Pagkasabi naman niya no'n ay nagtitinginan ang lahat at inaalam kung sino kaya magiging kasama nila.
"Kunin niyo ang card na naka dikit sa ilalim ng inuupuan niyo at may makikita kayong numero at 'yon ang silid niyo."
Kanya-kanya naman sila kumuha at tinignan iyon. May mga nagtitilian kasi magkasilid sila.
"Hindi mo pa ba titignan sayo?" tanong ng babaeng katabi ko at sa pagkakaalam ko Jody pangalan niya.
Hindi ko siya pinansin at tumingin lang ng diretso sa harap.
"By the way, I'm your dean and I am Madame Serene Fortunato," sabi ng babaeng nasa harapan namin at hindi nga ako nagkamali ng tingin sakan'ya.
"And nice having you all at this school," ngumiti naman siya na hindi mo inaasahang ngiti sa mataray niyang pagmumukha.
"You may now all proceed to your room and have some rest. Good luck," pagkatapos niyang sabihin 'yon ay umalis na siya at sumunod naman 'yung mga teachers.
Nagsisialisan naman 'yung mga studyante kaya medyo naging tahimik nadin.
"Sabay na tayo," sabi ni Jody sakin.
"Mauna kana," malamig kong sabi at hindi man lang siya binigyan ng tingin.
"Okay sige."
Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay umalis na siya. Nang ako na lang natira ay kinuha ko na 'yung card sa ilalim ng upuan ko.
"Room 39," mahinang sambit ko.
Umalis na ako at hinanap 'yung silid ko. Pero nakakahanga din ang paaralan na 'to. Ang ganda at ang lalaki ng mga building dito. Puro mamahalin lang ang makikita mo.
Gabi na kaya ang ganda sa pakiramdam na madilim at tahimik. 'Yung tipong malaya ka sa dilim at walang nakakakita sa mga ginagawa mo kaya gusto ko talaga ang kadiliman.
Mga ilang minuto ako naglalakad at naghahanap sa silid ko bago ko ito nahanap.
Ginamit ko 'yung card para makapasok kasi 'yon ang nagsisilbing susi namin.
"Ikaw!" sabay na sabi namin ng babaeng katabi ko kanina na si Jody no'ng pagpasok ko.
"Magkakilala na kayo?" tanong naman no'ng babaeng naka eye glasses.
"Hindi!" "Oo!" sabay ulit naming sabi.
Ngumiti naman 'yung ibang kasama namin.
"Saan kuwarto ko?" balewalang tanong ko sa mga ngiti nila.
Tinuro naman nila 'yung sa kanan na kulay green ang pintuan. Tinignan ko naman yung card at magkapareho ng kulay.
Papasok na sana ako ng magsalita 'yung babaeng naka eye glasses.
"Hindi ka ba kakain?" tanong niya sakin.
"Hindi." Pumasok na ako at humiga agad sa kama.
Tumunog naman cellphone ko at may text galing kay papa.
"Galingan mo at huwag na huwag mo akong bibiguin," basa ko sa text niya.
Natawa naman ako ng bahagya sa nabasa ko.
Have you ever asked yourself why you need to be a good son or daughter just to accept by your parents? Have you ever wonder why you need to do all the things they want for the sake of thier image but never cares about you.
My name is Kerk, and the real battle begins in this school.
---,
CHAPTER 2: Rules
Jody's Point of View
Nagising kami lahat sa ingay na dulot ng mga speaker sa pasilyo na pinapapunta kami sa gymnasium upang simulan ang unang pagsusulit.
Kaya lahat ng mga studyante dito ay halatang inaantok pa. Sa aga ba namang ito.
May mga nagkuwentohan at may mga puro hikab lang dahil sa antok pero isa lang ang hinahanap ko.
"Asan kaya si Kerk?" tanong ko kina Pollux at Kemelee na busy kakahanap ng mga guwapo dito.
"Ewan," sabay nilang sagot. Napairap na lang ako sakanila.
"Rose nakita mo ba si Kerk?" tanong ko kay Rose kasi siya lang ata mukhang seryoso sa tatlo.
Sila pala 'yung mga kasama ko sa silid. Si Pollux na kung titignan mo ay straight pero hanap din pala guwapo. Si Kemelee na minsan seryoso pero kasapi din pala ni Pollux. Si Rose na seryoso lagi at di mo maipinta kung ano ba talaga siya. At si Kerk na masungit at cold kaya kailangan mo talaga siguro ng jacket kapag kakausapin mo siya.
"Nasa pinakadulo umupo," sagot niya na hindi man lang tinignan kung saan.
Hinanap ko naman agad si Kerk at ayon nga siya.
'Bakit kaya hindi siya tumabi samin at don siya umupo mag-isa.'
"Good morning students," bati ni Madame Serene kaya seryoso na ang lahat na tumingin sakan'ya.
Bumati naman ang lahat pabalik sakan'ya.
"Ngayong araw ang unang pagsusulit niyo na kung saan magkakaroon na ng highest ten," seryoso niyang sabi samin.
"Bago mag simula ang pagsusulit ay sasabihin ko muna ano rules sa paaralan na ito at kung gaano kahalaga ang bawat pagsusulit at ang maging highest ten." Nagtitinginan naman ang lahat at inaalam kung ano nga ba talaga ang ibig sabihin ni Madame Serene.
"Rule No. 1, No social media- bawal ang gadgets kaya pagkatapos ng pagsusulit ay huling tawag niyo na sa mga magulang niyo at kung lalabas kana ay kailangan mong ibigay lahat ng gadgets mo sa mga nagbabantay sa pinto." Nagbubulungan naman lahat sa sinabi niya at halata sa mga mukha na ayaw nila ng ganong batas.
"Rule No. 2, The highest ten of this school will be the rules. Kung sino ang mga magiging highest ten ay kanya-kanya sila magbibigay ng batas na gusto nila ipatuwad dito," nakangiting sabi ni Madame Serene at tumingin sa likuran kaya tinignan ko din sino tinitignan niya at si Kerk 'yon na seryoso ding tinititigan si Madame Serene.
'Ano kaya meron sakanila?'
"Pero huwag kayo mag-alala kasi every end of the month ay may pagsusulit ulit kaya mapapalitan na naman ang mga highest ten. Pero kaya niyo nga ba palitan kung sa ngayon palang hindi niyo na kaya maging highest ten?" mapangasar niyang sabi pero para sa 'kin may gusto siyang sabihin na alam kung sekreto niya.
"Do everything not just your best, your best can be nothing if you can't do everything by the sake of your own good," mapanghulugan niyang sabi.
"Learn and survive. Let the battle of the brain begins." Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay umalis na siya at pumasok naman 'yung mga teacher dito at naglalagay ng mga test paper sa mga arm chair namin.
At nang matapos 'yon ay tumunog 'yung malaking orasan at nakalagay do'n ang time limit.
'One hour? Seriously? Damn!' Napamura ako sa aking isip ng tinignan 'yung time limit sa pagsusulit. Kakayanin ko kaya to.
Nagsimula ng sumagot lahat at halata sa kanilang mga mukha na seryoso silang sumasagot. Ni walang ingay kondi ang orasan lang na patuloy padin kakatakbo.
Sinimulan ko ng sumagot at para sa 'kin hindi naman masyadong mahirap. Parang sumasagot lang ako ng survey sa lagay na 'to.
One hundred questions at nasa fifty question na ako. Wala man lang ka hirap-hirap sa 'kin.
More on logic at cases ang exam at konti lang doon ang mga main subject. Gaya na lang ng english, filipino, math, science pero kahit ano pa 'yan ay wala lang yan sa 'kin.
"20 minutes left," sigaw ng isang teacher samin.
Tumingin naman lahat sa orasan at halatang nagmamadali nadin sila.
"Shit," napamura naman 'yung katabi ko at halatang pinagpapawisan na siya.
Hindi ko na siya pinansin at patuloy na lang sumagot.
Mga ilang minuto pa bago ko natapos ang pagsusulit at ganun nadin sila Kemelee, Pollux at Rose.
Lumingon naman ako sa likuran para tignan si Kerk at nakita ko siyang nakapikit habang naka earphone na parang nakikinig ng kanta.
Tumunog naman 'yung orasan na hudyat na tapos na ang pagsusulit.
"Hands up and ballpens down," sabi nong teacher na mukhang mataray at plastikada ang mukha.
Tinaas naman namin mga kamay namin at kinukuha na 'yung mga test paper namin.
Pumunta na naman si Madame Serene sa stage habang ngumiti na parang natutuwa sa nangyayare.
"Ang gagaling niyo," natutuwa niyang wika.
"Tama nga ang mga magulang niyo na kayo ang napiling paaralin sa paaralang ito. Lahat kayo mahuhusay kaya tignan na lang natin kung saan aabot ang galing niyo," seryosong sabi niya samin at 'yung iba parang hindi pa naka move on sa exam kasi nagbubulungan padin sila kung ano mga sinagot nila.
"One more hour before we announce the highest ten so take a break and have some rest or go socialize in social media before it's too late."
"And Good luck to all," pagkatapos niyang sabihin 'yon ay umalis na siya .
Ang bilis ng pangyayare, parang kahapon lang masaya akong nakikipag kwentohan sa sa pamilya ko.
Pero isa lang ang gusto ko mangyare, ang maging proud ang mga magulang ko.
---
CHAPTER 3: The Highest Ten
Kemelee's Point of View
Mga ilang oras na ang dumaan matapos ang exam at andito ulit kami at lahat kinakabahan kung sino ang mga magiging highest ten.
"Kapag ako magiging highest ten ay lulupitan ko talaga ang rule," rinig kong sabi ng lalaki sa usapan nila.
"Ako din," saad naman no'ng isang lalaki.
Hindi ko na lang sila pinansin at binaling na lang ang atensyon sa parating na si Madame Serene sa stage.
Umayos naman ng upo ang iba kaya lahat ng atensyon ay nasa sakan'ya na.
"Are you ready everyone?" masiglang sigaw niya.
Naghiyawan naman ang lahat na mukhang sabik na sabik na malaman kung sino ang mga highest ten.
"Alam kong lahat sainyo ay gustong mabilang sa highest ten kahit ako rin kung nasa kalagayan niyo ako ay sisikapin ko ding maging isang highest ten kasi sobrang halaga nito. Kaya kung hindi man kayo papalarin ngayon ay sikapin niyo na lang sa susunod," nakangiting sabi niya samin.
Napaisip naman ako sa sinabi niyang sobrang halaga na mabilang sa highest ten. Totoo naman siya na sobrang mahalaga sa'kin na mabilang kasi nakataya diyan ang pagiging anak at ang pagiging isang Cazadilla ko. Kasi kapag hindi ako mabilang ay itatakwil ako ng sarili kong ama.
Kaya hangga't sa makakaya ko ay gagawin ko ang lahat upang maging highest ten.
"Tatawagin ko na isa-isa ang mga mapapalad na nabilang sa highest ten." Naghiyawan naman lahat ng sinabi 'yon ni Madame Serene at kahit ako din sabik na sabik ng malaman.
"Are you ready!" sigaw ni Madame Serene.
"YEAHHHH!" sabik na sabik nilang sigaw pabalik.
"The Rank 10 will be Knoxx Alejo. Kaisa-isang anak ni Mr. and Mrs. Alejo na may-ari ng pinakasikat na Alejo hotel sa pilipinas," pagpakilala ni Madame Serene sa rank 10 na si Knoxx Alejo.
Pumunta naman si Knoxx sa stage at nakipag shake hands kay Madame Serene at sa iba pang teachers and heads.
"Okay let's move on. The rank 9 will be Avery Smith. Kaisa-isahang anak na babae ni Mr. and Mrs. Smith na isa sa mga sikat na mga business man and woman. May anim na sikat na restuarant ang Smith." Habang sinasabi 'yan ni Madame Serene ay kumakaway naman si Avery na pumunta sa stage at nakipag shake hands nadin at tumabi kay Knoxx.
"The rank 8 will be Cerenity Silversten. Daughter of Mr. and Mrs. Silversten na isa sa mga mayayaman dito sa Pilipinas." Gaya sa mga nauna ay nakipag shake hands din ito.
"The rank 7 will be Aurelia Soleil Meradith. Daughter of Dr. and Dra. Meradith who owns Meradith Hospital na isa sa sikat na Hospital dito sa Pilipinas."
Habang tinitignan ko siya papunta sa stage at iba pang mga highest ten ay hindi lang sila basta-basta. Hindi lang talaga basta-basta ang nag-aaral dito pero hindi din ako magpapatalo.
Nagpatuloy lang si Madame Serene kakaannounce sa mga highest ten at pakilala sakanila.
"The rank 6 will be Starry Mendes. One and only daugther of Mr. and Mrs. Mendes na isa sa mga mayayaman dito sa Pilipinas na pagmamay-ari sa isa sa mga mall na sikat."
Habang tinitignan ko siya ay parang nakita ko na siya. Siya 'yung isa sa kaaway ng mga kaibigan ko sa mall. Pero hindi naman ako sigurado kasi wala talaga akong pakialam sa lahat.
"The rank 5 will be Kirby Arguilles. Son of Mr. and Mrs. Arguilles na kung saan sila ang may-ari sa Arguilles Airport dito sa Pilipinas."
Tinignan ko naman ang lalaki na tumayo na malapit sa'kin at lumakad na papunta sa stage. Siya pala 'yung natitipuhan ni Pollux. Guwapo din naman talaga si Kirby kaya hindi ka talaga magtataka kung madaming nagkakagusto sakan'ya.
"The rank 4 will be Pollux Pérez. Son of Mr. and Mrs Pérez na may-ari ng pinakasikat na resort dito sa Pilipinas."
Nagtinginan naman kami ni Pollux at naghihiyawan sa tuwa.
"Pasok ka," natutuwang sabi ko sakan'ya.
"Makakatabi ko si Kirby myghad!" maarteng sabi niya kaya dahil do'n binatukan ko siya. Ang gaga kala ko natuwa siya kasi nasali siya 'yon pala dahil makakatabi niya si Kirby.
"Punta ka na nga do'n," pagtataboy ko sakan'ya at malandi naman siyang pumunta sa harap at kumakaway pa talaga sa'kin.
"The rank 3 will be Rose Derwett. Daugther of Mr. and Mrs. Derwett na may-ari ng sikat na university dito sa pilipinas."
Tumayo naman si Rose na seryoso lang ang mukha at pumunta na sa harapan. Tinignan ko naman siya ng mabuti, bakit kaya dito siya nag-aral kung anak pala siya sa isa sa sikat na unibersidad dito.
"The rank 2 will be Jody Eichinizen. Daugther of Mr. and Mrs. Eichinizen na isa sa mga mayayaman na companya dito sa pilipinas."
Tumayo naman si Jody at pumunta na sa harapan. Alam ko naman na makakapasok talaga siya kasi hindi lang din naman basta-basta ang talino ni Jody.
Kinakabahan na ako kasi isang slot na lang. Kasi pano kung hindi ako 'yan.
Tinignan ko naman si Kerk at nakaearphone lang siya at nakapikit na parang walang pake sa paligid niya.
"The rank 1 will be.." tila nag-sslowmo ang sinasabi ni Madame Serene dahil sa kaba na nararamdaman ko. Hindi pa ako handa marinig.
"Will be Kemelee Calzadilla." Hindi nag sink in sa utak ko ng marinig ko ang pangalan ko.
"Yeahhh!" sigaw pa ni Pollux na tuwang-tuwa sa narinig.
"Kemelee Calzadilla, the daughther of Mr. and Mrs. Calzadilla na kung saan pangatlo sila sa ranking dito sa pilipinas na mga mayayaman na companya." Habang binabanggit 'yon ni Madame Serene ay pumunta na ako do'n at nakipag shake hands sakanila.
May mga nagsasabi ng congratulation at may iba din na ningitian lang ako.
Tumabi na ako kay Jody at ang sarap sa pakiramdam na kaharap mo ang madaming studyante dito at isa-isa silang humahanga samin.
Habang may sinasabi pa si Madame Serene ay tinignan ko naman ang lalaking nasa dulo na tila'y walang pake sa nangyayare. Pero isa lang ang pinagtataka ko. Kung bakit hindi siya nasali sa highest ten kung siya ang unang natapos sa pagsusulit.
Hindi ba niya sinagutan o hindi lang talaga nakaabot marka niya? May kakaiba talaga sa lalaking 'yon.
'Kerk ano ba talaga meron sa'yo?'
---
Download MangaToon APP on App Store and Google Play