~ Chapter 3 ~

"Tell me you're kidding" Habol ko kay Benji pagkatapos ng unang klase namin MCBC. "Ano nga ang ginagawa mo rito?" I asked in exasperation.

"Nag-aaral?" He answered sarcastically. Tuluy-tuloy pa rin siya sa paglalakad na parang nagmamadali.

"Bakit dito?" Nanlalaki ang mga mata ko habang hinahabol siya.

"Bakit? Masama? Wala ba akong karapatan?" Napahinto naman ito bigla sa paglalakad at humarap sa akin.

Napatigil din ako sa paglalakad at itinaas ang dalawang kamay. Muntik na kaming magkabungguan. "It's not that. I mean, 'di ba dapat sa La salle Academy ka? Bakit lumipat ka dito?".

"I got bored."

"Yon lang? You got bored?"

"You keep on asking me, pero 'di ka naman naniniwala sa sagot ko," asar na sagot nito. Tinalikuran ako at naglakad na ulit papunta sa COET Building.

Aba, ang yabang naman. Akala mo kung sino Palibhasa mayaman at... oh well, matalino. But who cares? He's still an asshole! Nagkibit-balikat na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad.

Nasa may tapat na ako ng pinto ng classroom para sa next class ko nang may biglang tumawag sa pangalan ko.

"Alexa! Hoyyy!" kumakaway pa na bati nito. Napangiti ako. "Oyy! Bryan, kamusta?"

Bryan smiled. "Okay naman. Ikaw ba? Two months din tayong hindi nagkita. Lalo kang gumanda, ah," tatawa tawang sinabi nito.

"Oo nga, e. At ikaw naman, lalong naging bolero."Nagtawanan kami at saglit na nag-usap bago nagpaalam si Bryan dahil may klase pa raw siya.

Pagpasok ko naman ng classroom ay laking gulat ko nang mamataan ko si Benji na nakaupo sa hulihan. Don't tell me he's my classmate again in this class?

As if the situation couldn't get any more awkward, wala nang ibang upuan na bakante kundi 'yong sa tabi ni Benji.

Taas-kilay na naupo ako sa tabi ni Benji. I pretended to busy myself fixing my things.

"Sino 'yon?" Tanong ni Benji.

Muntik na akong mapasigaw sa pagkabigla."What? Who?" I asked.

"Yong kausap mo sa labas kanina. Boyfriend mo?" His forehead creased.

"Pakialam mo ba?" Sabay irap ako sa kanya.

Sakto namang dumating ang aming sir kaya hindi na ulit ito nakapagtanong pa.

Wala kaming imikan hanggang matapos ang klase.

Pagkatapos kaming iwanan ng mga babasahin ay maaga na kaming pinaalis ng sir namin. Dali-dali ko namang inayos ang mga gamit ko at nagmadaling lumabas ng classroom. Ayoko na kasing makasabay pa ang bwisit na lalaking 'to.

"Hey!" sigaw ni Benji. "Hindi mo pa rin sinasagot tanong ko. Sinabayan ako nito sa paglalakad.

Mabilis pa rin ang lakad ko at kunwari ay 'di ko siya nakita o naririnig.

Sa inis niya ay hinawakan niya ang kanang braso para pigilan ako sa paglalakad.

Tila kuryenteng napaso naman ako sa hawak ni Benji. "Don't touch me!" Bumilis lalo ang tibok ng puso ko. Ano ba itong nangyayari sa akin? Hindi makapaniwalang napailing naman ako. "Ano ba'ng paki mo kung boyfriend ko siya o hindi?"

Natigilan si Benji at napailing. Iniwas nito ang tingin sa akin at iginala ang paningin sa mga estudyanteng nagmamadali sa paglalakad.

Bago pa ulit ako makapagsalita ay may tumawag sa pangalan ko.

"Alexa!"

Sabay kaming lumingon ni Benji.

Muntik na akong mapatalon sa tuwa sa nakita ko. Right on time. Dumating na ang dalawang best friends ko, sina Hana at Crystal. Pare-parehas kami ng course na kinukuha, at kaklase ko sila sa halos lahat ng subjects.

"Hey!" Tumakbo ako palapit kina Crystal at Hana sabay kaladkad sa kanila. "Bilisan niyo."

Hana and Crystal were confused, but they still followed me."Kailangan kong makatakas dito. Ayokong makasama ang mayabang na 'yon. Ka-bwisit," bulong ko sa dalawa.

"Ha?" They asked in unison. 1 ignored them. Dali-dali kong hinila sina Hana papunta sa cafeteria.

"Bahala kang Benjamin III ka. Hanapin mo ang cafeteria mag-isa mo," I murmured.

"Sino siya? Ang gwapo, ha," Hana commented.

"Oy, boyfriend mo noh?" Crystal teased.

Napangiwi ako at tila nandiring tiningnan sila. "No way! Hindi ako pumapatol sa mga lalaking kagaya niya!"

"Hey, hey! 'Wag masyadong defensive," sabi ni Hana, sabay tawa nilang dalawa ni Crystal.Napailing na lang ako at hindi na nakipagtalo.

Matatalino ang mga kaibigan ko. Consistent university scholars din sila. Puro aral at bahay din sila gaya ko. We also share the same interest in watching movies, kaya magkasundo kaming tatlo.

Pumasok na kami sa cafeteria at nag-order. Nang makahanap ng bakanteng mesa ay naupo na kami at ipinagpatuloy ang kwentuhan.

Tumingin ako sa tinola at kanin na nasa harapan ko. "Gosh! Gutum na gutom ako." Pero sa gitna ng pagkain at kwentuhan ay bigla akong napahinto.

Bakit gano'n? Parang... parang nagi-guilty ako?

Episodes

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play