Naging magaan ky Clarizia ang lumipas na ilang linggo,hangang isang araw dumating ang pina ka aantay niya.Sasama siya sa isang location para sa gagawin na horror film .
"Wow talaga po?" natutuwang tanong niya sa manager nila.
"Yes sasama ka ikaw at si Aileen pero mag observe muna kayo at tolong tolong na din".
"Sige po thank you po pag bubutihan ko po".
Kinabukasan din yon maaga si Clarizia pumunta sa studio kung saan nag aantay ang Shuttle na sasakyan nila papunta sa location.
Medyo malayo ang location kaya naidlip siya sa byahe,nagising lang siya ng gisingin ng isang kasamahan.
Kabado siya dahil puro senior make up artist ang mga kasama nila ni Aileen.
"Cla medyo nakakatakot ang location no?"
Bungad sa kanya ni Aileen pagkalapit nito sa kanya na nag aayos ng mga gamit na gagamitin ng mga senior nila.
"Ganun talaga horror film ang gagawin eh,pero mukhang buo pa naman ang gusali"sagot niya dito.
"Cla narinig ko nga my iilang painting pa na iwan sa abandonadong gusali na yan,Ang sabi wag na wag daw gagalawin"
"Oh talaga? bakit naman daw?" tanong niya dito
"Iwan ko kung totoo ha,ang sabi my buhay daw sa likod ng mga painting na yon"
"Oh ganun?" taas ang kilay na tanong niya ulit dito.
Hindi kasi siya naniniwala sa mga sabi sabi.
"Ai bat parang di ka naniniwala?" naka nguso na tanong nito sa kanya.
"Hahaha hindi naman sa ganun ilang taon ka na ba at paniwalang paniwala ka pa sa mga ganyan?" natatawa na lang siya dito.
"Ah basta ako naniniwala" nakanguso pa din na sagot nito sa kanya bago siya nito tinalikuran.
"Hoy saan ka pupunta,madami pa tayong aayosin dito" tawag niya dito.
"Kukuha lang ako kape,pasabay ka ba?" balik sigaw nito sa kanya.
"Yes please,at more cream please less sugar". Sagot niya sa tanong nito
"Ok!"
"Tsk tsk tsk!bata ka pa nga Aileen" aniya sa sarili habang pa iling iling pa.
Ilang saglit lang bumalik na ito bitbit ang kanyang kape.At tuloy pa din ang pag aayos nila habang nag kakape.Ilang minuto na lang dadating na mga Artista na aayosan nila.
Pagkadating ng mga Artista na starstruck sila sa mga to.
"Psst! 1st time mo maka kita sa personal ng artista?" tanong sa kanya ng isang senior nila.
"Ah yes po" sagot naman niya dito.
"Pagbutihan mo lang ang trabaho makakakita ka lagi ng mga yan".
"Ah opo ma'am" aniya at tumango dito.
Ningitian siya nito at tinapik siya nito sa balikat.Ngumiti din siya dito.
Swerte niya mababait lahat mga ka trabaho nila,hindi siya nahirapan makisama sa mga to.
Ilang oras din ang pag mamake up para sa mga major na artista na gaganap.
Sila naman ni Aileen ang na assign para mag make up sa mga extra.
Pagkatapus ng make up diritcho sa shooting ang mga to.Pagka cut retouch kaagad sila sa mga to hangang natapus ang shooting.
"Thank you everyone! Let's call it a day" sabi ng director sa kanila.
"Hay salamat natapus din,nakakapagod".
Sabi ni Aileen at kanya kanya silang ligpit sa kanilang mga gamit,Tumolong din ang mga senior nila sa pagliligpit para mabilis matapus.Patapus na silang mag ligpit ng sinabihan sila ng pina ka senior nila pwede sila mag ikot2 sa location.
"Wag na po,madami pa po mga liligpitin" tangi niya sa alok nito pero ang totoo gusto niya mag ikot ikot.
"Ok lang! kami na lang ang tatapus dito" sagot ng isa pa.
"Pero oras pa po ng trabaho,mamaya na lang po pagkatapus nito" tangi pa din niya.
"Sige na,ganito talaga ang team namin sa mga baguhan.Kung anu ginawa ng mga senior namin dati ng kami ay bago pa lang ipaparanas din namin sa inyo" nakangiting paliwanang nito sa kanya.
"Marg samahan mo sila,nahihiya lang mga yan eh" udyok ng isa pa.
Sa sobrang udyok nga sa kanila ng mga senior nila,Nag ikot ikor sila ni Aileen kasama ang isang senior nila na si Margie.
Tudo kapit sa kanya ai Aileen na halatang takot.
Nag ikot sila sa buong gusali ng mapansin niya ang painting sa dulo ng hallway.Out of curiosity nilapitan niya ito.Nagpaalam naman siya sa mga to na saglit titingnan niya lang ang painting.
"Sige basta saglit ka lang medyo nag didilim na din uuwi pa tayo" sang ayon nito.
"Sama ka?" ta ing niya ky Aileen na hawak hawak pa din ang braso niya.
"Ha? ah hindu ako sasama sayo" sagot nito sa kanya at agad na bumitaw.
Mabilis ang mga hakbang nilapitan niya ang painting.Ng tumapat na siya sa painting nanlaki ang kanyang mga mata sa nakita................
................***to be continue.................
Abangan sa susunod kung anu ang nakita ni Clarizia***.
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Updated 61 Episodes
Comments
Little eve🧚♀️
Hala baka nakakatakot ito?
2021-01-25
5
●★Gu Xi²★●
Maganda din ang plot ng story na nito author.
2021-01-21
4