Lihim Na Pagtingin

Lihim Na Pagtingin

Chapter1: Pagtingin na hindi ko alam

Ngayong araw, pumunta ako sa school para sa aming practice. Pagdating ko, agad akong pumunta sa computer room para tumulong kay Jonah. Pagkatapos, bumili muna ako ng ulam at kumain sa room. Nang matapos na ako, hinintay ko si nica sa gate. Nang dumating siya, pumunta kami sa room para ilagay ang bag niya, at sumama siya sa akin pabalik sa computer room. Doon kami nagtambay sandali.

Makalipas ang isang minuto, dumaan si John at hinanap si Charlie. Tinuro ko naman siya na nasa loob ng room, kaya pumunta siya. Pagkalabas niya, nag-usap muna kami. Bigla, nakisturbo si Charlie dahil may pupuntahan sila. Pagkabalik nila, may hawak-hawak nang mga bulaklak si Charlie para gawing bouquet para kay Princess, kaya tinulungan namin siya.

Nakita ko si John na mag-isa, kaya pumunta ako at nakipag-usap sa kanya. Na-bored ako, kaya naisipan naming maglaro ng "bato-bato pick" para masaya. Palagi akong natatalo sa kanya, kaya nasanay na ako. Sunod naman ay "nanay-tatay", at pagkatapos ay "gabil". Dinaya ko rin siya, at sa mga sandaling iyon, naramdaman kong nagiging close kami.

Tumingin ako sa kanyang mga mata, at biglang tumibok ang puso ko ng malakas. Nang biglang dumating si Charlie para manuod sa amin na naglalaro at tinutukso pa kami, pati si Ma'am ay nagtanong sa amin kung mag-jowa ba kami. "Hindi po, Ma'am," sabay naming sagot.

Tumayo na ako at pumunta kay Nica para tumulong sa paggawa ng bouquet. Nang matapos na kami, pumunta ako sa stand fan para magpahangin, at naisipan kong maglaro ng Mobile Legends para malibang. Habang naglalaro ako, pumunta si John para manuod sa akin. Palagi akong namamatay kasi hindi ako makafocus, kaya pina-try ko siya kung paano ba maglaro.

Nang biglang may announcement na magsisimula na ang practice, agad kaming bumaba. Pumunta na si John sa kanilang section, at kami naman ay naglalakad na. May sinabi sa akin si Nica na may video siya ng paglalaro namin dalawa. Namula ako at natakot baka iba ang isipin nila sa amin, kaya nagpakiusap ako sa kanya na idelete niya iyon."

Sinabi ko kay Nica na idelete niya yung video, pero sa halip na sundin niya ako, ipinakita niya ito sa mga kaibigan namin. Nakita ko siya na ngumiti ng nakakaloko habang pinapalabas ang video sa phone niya. Hindi ako makapaniwala! Bakit niya ginawa ito?

Nakita ng mga kaibigan namin yung video at bigla silang kumilos. "Ang cute ninyo!" sabi nila. "May something ba sa inyong dalawa?" tanong pa nila. Naramdaman ko na naman ang pag-init ng mukha ko dahil sa kilig at kahihiyan.

Nung natapos na ang practice, kami ay pinapunta ni Ma'am Charmine sa mga tumulong kanina dahil meron silang hinandang merienda para sa amin. Nakita ko ang mga kaklase ko na excited na excited sa merienda. Ako naman ay nahihiya kaya hindi ako masyado makikipag-usap. Nakangiti lang ako at kumakain ng konti.

Pagkatapos ng merienda ay nakita ko yung mga kaibigan ko na naghihintay sa akin. "Sama na tayo," sabi nila. "Uwi na tayo." Ako naman ay sumama sa kanila at naglakad kami pauwi.

Pagkarating sa labas ng gate ay nagpaalam na kami kasi kami lang ni Nica ang maglalakad pauwi, yung iba naman ay sasakay ng tricycle. "Ingat kayo," sabi ng mga kaibigan ko bago sila umalis. Kami naman ni Nica ay naglakad na pauwi, nag-uusap-usap tungkol sa mga nangyari kanina.

"Hoy, ano ba ang nangyari sa inyo ni John kanina?" tanong ni Nica habang naglalakad kami pauwi. "Wala naman, naglalaro lang kami," sagot ko. Pero bigla siyang ngumiti ng nakakaloko. "Talaga lang? Nakita ko kayo na parang close kayo sa video," sabi niya.

Ako naman ay nahihiya na naman. "Nica, ano ba! Hindi ko alam kung bakit mo pinakita yung video sa mga kaibigan natin," sabi ko. "Basta, cute kayo," sagot niya, at saka tumawa lang. Ako naman ay napailing na lang.

Nang makarating kami sa tapat ng bahay ko, nagpaalam na ako kay Nica. "Salamat sa paghatid," sabi ko. At saka ako pumasok na sa bahay, iniwan si Nica na naglalakad pauwi mag-isa.

Nung gabi na ay iniisip ko yung nangyari sa amin, hindi ko alam kung bakit nag-ooverthink ako. Tapos nakita ko online si Princess, sinabi ko yung nangyari kanina "Baka may something talaga sa inyo ni John," sabi niya.

Hindi ko ito sinabi kay Princess, pero nararamdaman ko sa sarili ko na parang meron na akong pagtingin sa kanya. Hindi ko alam kung kailan ito nagsimula.

Nagpatuloy ang usapan namin ni Princess at sinasabi din nya ang mga posibilidad na mangyayari.

Episodes
Episodes

Updated 1 Episodes

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play