POSER
Oh! I'm JAMMY OCAMPO, anyway!
d^_^b
Gumawa ako ng Facebook Account ni Angel, since friends kami---for me, I'm her NUMBER ONE FAN!
Updated ako sa LAHAT ng nangyayari sa buhay niya kaya naisip kong gumawa ng Account under her name na ako lang ang gumagamit. Of course, may pahintulot niya. Balewala naman sa'kin ang ginagawa ko dahil hindi lang naman ako ang gumagawa nito sa mundo ng Facebook.
Medyo nagulat pa ako dahil sa hindi inaasahan ay MARAMI agad ang nagsend ng Friend Requests sa Facebook Account na ginawa ko.
Angel Gonzales
Official Profile
Public Figure
d^_^b
~BEEP!~
One Message Received
From: Angel
Hey Jammy!
May guesting ako mamaya sa
Siete Noontime Show, manood ka ah!
Miss you! :)
Ganiyan talaga siya ka-sweet. Kahit pa sikat siya ay HINDI talaga niya ako kinalilimutan.
12:00 noon, pinanood ko ang TV guesting niya. Sumayaw siya at kumanta.
Create Message:
Wow naman talaga,
the talent of yours makes me
inggit a lot! Hahaha!
Galingan mo pa, ha? I'll be praying
for your career parati! I miss you too! :))
Message Sent!
3:00pm. I opened the Facebook Account I created under Angel's name.
BOOM!
Surprisingly, it has 918 friend requests!
I patiently accepted all of the requests and posted:
"Hello everyone! Thank you for adding me up! Please keep on SUPPORTING me! Have a good day and God bless us all! \=)"
And in just a few minutes, that status I just posted gained 500+ LIKES and LESS than a HUNDRED COMMENTS!
dO__Ob
*LUNOK!*
'Wow..'
Months passed and Angel received more projects and TV guestings. She became known by her beauty and talents.
Meaning, mas dumami ang friend requests!
After several months of MANAGING the account, it became an ADDICTION to me, unconsciously.
It's as if ako na sya!
I am the one who answers fans' questions, replying to their messages and comments and I can't stop it!
Until one day, there was this guy named Brix Torres who kept on messaging me.
Brix Torres: Hi Angel! \=) July 6, 2011
Brix Torres: Hi Angel! \=) July 7, 2011
Brix Torres: Hi Angel! \=) July 8, 2011
Brix Torres: Hi Angel! \=) July 9, 2011
Sadya'ng hindi ko sinasagot ang mga messages niya. Bakit?
'Kasi.. AYOKO! Wala akong time!'
d--,b
Until one day, I got really really BORED! And his chatbox popped-up!
Brix Torres: Hi Angel! \=) July 10, 2011
Angel Gonzales : Hello! \=) July 10, 2011
Brix Torres: Yun! Hello! \=) July 10, 2011
'Bakit kaya ang kulit ng isang 'to? Hmm..'
Hindi ko na siya sinagot.
Instead, I checked his Profile Picture!
'Hindi siya super gwapo pero.. malakas na rin ang dating!'
Pero hindi ko pa rin 'to pinansin. I closed his profile and logged out my Angel's Facebook Profile. I opened my personal Facebook Account at nagbasa ng kung anu-ano'ng posts, status, comments ng mga personal friends, classmates at relatives ko.
After a few minutes..
'Wala na akong magawa sa harap ng internet!'
dTT__TTb
Until may pumasok sa na IDEA sa isip ko at agad kong ginawa 'to.
I opened Angel's REAL Facebook Profile.
Nagbasa ako ng UPDATES tungkol kay Angel at as I go on with her account ay nakita kong she posted a lot of pictures yesterday and today, I checked them all and... SAVED them all!
d--,b
"Ipo-post ko rin 'to syempre 'don sa account niya na ginawa ko para super updated!" nakangiting bulong ko pa sa sarili.
Pero pagka-ONLINE na pagka-ONLINE ko pa lang may nagpop-up na.
Brix Torres: Hi again Angel! \=) July 10, 2011
Angel Gonzales : Hello! \=) July 10, 2011
Brix Torres: Nawala ka kanina? July 10, 2011
Angel Gonzales : Yup, may ginawa lang. July 10, 2011
Brix Torres: Kumusta?? \=P July 10, 2011
Angel Gonzales : Okay naman. July 10, 2011
Then hindi na siya nagreply pa, deadma na naman ako.
I got busy posting Angel's LATEST PICTURES and as expected, thousands of people liked it at sabog ang notifications ko!
'Wow talaga!'
Days passed at paulit-ulit lang ang ginagawa ko.
UPDATE dito.
UPDATE doon.
POST dito.
POST doon.
Mas sumikat pa si Angel at wala na rin siyang time para magtext sa'kin which is naiintindihan ko naman.
Still, I'm texting her para malaman ko kung saan at kung anu-ano ang mga SCHEDULES ng projects niya para ma-UPDATE ko rin 'yung Account niya na ginawa at ginagamit ko.
PERO HINDI SIYA NAGREREPLY.
So tulad ng dati, 'yung Real Account nita na lang niya ang chine-check ko para ma-update ko 'yung Account na ginawa ko.
Then there na-notice ko na mas marami pa ang nagla-LIKE sa Account na ginawa ko compared sa tunay na Account niya. Mas marami ang FRIENDS ko kumpara sa kaniya. Mas marami rin ang PHOTOS ko kesa sa kaniya dahil pati 'yung mga pictures namin together na ako lang ang may copy ay pinost ko rin doon sa Account na ginawa ko na wala naman sa Account niya.
KUNG TITIGNAN MO AY MUKHANG MAS "ORIGINAL" PA AKO KAYSA SA KANIYA.
September 2011
Pagkagising ko pa lang nag-ONLINE na ako. I checked Angel's Original Account, and medyo na-shock ako, her status was.
"I want somebody who will love me as ME."
dO__Ob
'Ano naman kayang problema ng babaeng 'to?'
Nag-alala ako at the same time ay curious, kaya naman kinuha ko ang cellphone ko then I texted her.
Created Message
To: Angel
Psst! Miss Celebrity!
Bakit ganon ang status mo!?
Anong drama 'yan!? Hahaha!
Post ko rin 'yan don sa wall ko, ah!?
I miss you! Text me kapag free ka! Be safe!
Message Sent!
At ganon nga ang ginawa ko, I posted the same status and as expected, a lot of people reacted and I don't know how to answer them back dahil hindi naman nagreply si Angel sa text ko.
Maya maya lang..
Brix Torres: Are you okay?
Angel Gonzales: Ha?
Brix Torres: Lol! I'm asking if you're okay?
Angel Gonzales: Of course I am.
Brix Torres: What's with the status then?
Angel Gonzales: Ahh.. Don't mind it..
Brix Torres: 0917*****18 here's my number, text me if you need someone to talk to. \=)
Then he logged off.
dO__Ob??
Hindi ko naman pinansin 'yung huling message niya. Tulad ng dati paulit-ulit lang ang ginagawa ko. Sembreak kasi kaya naman ganito lang ang buhay ko.
Not until one day, I got really really BORED! Super bored to death! Feeling ko ay ito na ang pinaka-BORED na araw sa buhay ko!
I opened my own account at wala'ng BAGO! Only a few SENSELESS notifications na para sa GAMES! Walang Inbox Messages at walang interesting sa News Feeds! Ang karamihang ONLINE naman sa Chatbox ay relatives kong halos araw-araw ko rin namang nakikita.
'Alangan namang i-Chat ko pa?!'
Again I checked out Angel's original profile pero walang updates.
"Hindi siguro siya nag-o-online recently.." napapabuntong-hiningang sambit ko pa sa harap ng laptop ko.
So as usual, in-open ko ang Account ni Angel na ginawa ko. At ilang segundo lang ay may nagpop-up na naman!
Brix Torres: I was waiting for your text message. \=(
Angel Gonzales: Ha?
Brix Torres: Okay, meaning you didn't saved my number.
Angel Gonzales: Ahh that.. Sorry, but I don't give out my number.
Brix Torres: It's okay! \=) Nagbabakasakali lang hahaha!
Angel Gonzales: Lol. \=)
Brix Torres: O sige na, out na ako. Ingat ka, ah? Pakakasalan pa kita.. \=)
Then he logged off.
dO___ob
Natigilan ako at napatitig sa last message niya.
'What the heck!?'
dO__Ob
"Ingat ka, ah? Pakakasalan pa kita.." wala sa sariling usal ko pa nung muli kong basahin 'to.
d>>_<
And I don't get it!
KINIKILIG AKO! Seriously!
'Waaaaaa! Hindi 'to pwede!'
At dahil sa kakaiba'ng pakiramdam na 'yon ay in-open ko ang Profile ng Brix na 'to. He posted two new photos at tiningnan ko naman 'to. Nagulat pa ako at nagtaka dahil ang CUTE CUTE niya sa dalawang pictures na 'yon. SUPER!
At katititig ko 'don sa dalawang latest pictures niya ay na-engganyo akong tingnan ang iba pa niyang pictures at albums. Iilan lang naman ang album niya kaya inisa-isa ko ang mga 'to.
While browsing each album, doon ko narealized na mas nagiging CUTE siya sa paningin ko at ending..
"A-Ang GWAPO niya.. pala!" wala sa sariling usal ko pa.
One word! H-A-N-D-S-O-M-E!
Nung una ay hindi ko talaga napansin ang itsura niya, dahil hindi talaga ako interesado!
'Ang WEIRD kaya nung default picture niya! Planking?! Tss!'
Then there I found myself waiting for him to go online.. AGAIN!
And after several HOURS of waiting..
"Hindi siya nag-online.." nakasimangot at sumisinghot pa kunwaring bulong ko sa sarili.
I turned off my laptop and went to bed.
'Tss! Bakit ba kasi hindi ko siya pinansin nung una!'
Naiimagine ko pa rin 'yung mukha niya hanggang sa makatulog ako!
Kinabukasan.
Ang DAILY ROUTINE ko ay MALIGO pagkagising.
Pero ngayon.. mag-ONLINE pagkagising!
d--,b
I opened my laptop at hindi tulad ng parati kong ginagawa ay mas inuna kong i-open ang Angel Account ko, tiningnan ko agad kung may message ba si Brix pero---WALA!
'Wala siyang message.. Haaays..'
Napasandal ako sa swivel chair ko at parang walang ganang tiningnan ko na lang 'yung wall ng Angel Account ko dahil bigla akong tinamad isa-isahin ang mga notifications dahil THOUSANDS ang mga 'to.
~BEEP!~
One Message Received
From: Angel
Hey how are you? Sorry I've been very busy! Hope you're okay! Anyway, si Mommy ang i-text mo regarding my schedule, alam niya lahat. Para informed ka at updated. Birthday nga pala ni Kuya Angelo next next month! I want you to be there, I miss you so much na! Take care always and God bless, Jammy! *hugs*
Create Message:
Of course I'll be there! Okay, I will text Tita na lang, please inform her that I will be texting her and ask for your scheds, ha? I'm so touched naman na talagang nag-effort ka pa'ng i-text ako, super happy na ako sa ganiyan! I miss you so much too! Galingan mo pa, ha? I'll be always here to support you!. I'll be praying for you always and sana mas mag-bloom pa ang career mo Angel-baby! Be safe and God bless you too! More power! *hugs and kisses*
Message Sent!
Nakangiting inilapag ko ang cellphone ko sa tabi ng laptop ko at saka muling tumingin sa monitor ng biglang matigilan ako..
dO__Ob
"Binigay niya nga pala sa'kin 'yung number niya!" malakas pang usal ko at saka nagmadaling i-open 'yung chatbox namin.
Excited pa akong ni-save ang number nito sa cellphone ko.
Naligo lang ako at nagtext agad ako sa kaniya.
Create Message:
To: Brix Torres
Hey, hi! Angel here! \=)
Message Sent!
After a few minutes..
~Brix Torres Calling. . . ~
dO__Ob
"Hala! Damn!" sigaw ko na napahawak pa sa bibig ko dala ng pagkagulat.
Kabadong napaisip ako kung sasagotin ko ba ang tawag nito dahil nakaramdam ako ng takot.
'Baka maghinala siya sa boses ko..'
Ending, HINDI KO SINAGOT.
One Message Received
Brix Torres
Angel! I was so surprised that finally you texted me! Busy ka yata kaya hindi mo sinagot ang tawag ko. \=)
Agad akong nag-isip ng pwedeng idahilan.
Create Message
Hindi naman super busy pero hindi kasi ako pwedeng makipag-usap ngayon dahil may mga kasama ako dito, text lang ang pwede.
Message Sent
Nagtuloy ang pakikipagtext ko sa kaniya and within that day ay andami ko'ng nalaman tungkol sa kaniya.
'He's Brix Torres from Makati, 20 years old taking up Political Science in UP Diliman for his Pre-Law.'Days again passed.
Morning to midnight ay magkatext kami ni Brix.
Yes! Text lang!
Most of the time ay tungkol sa mga kalokohan nila ng mga friends niya ang topic namin, of course I'm in favor to that dahil iwas tanong siya sa'kin!
d--,b
Bumuo ako ng RULES at pumayag naman siya.
"Number one, BAWAL magtanong tungkol sa'kin unless ako ang magkukwento." usal ko pa habang tina-type ang mga ito. "Number two, you're not allowed to post on my Facebook Wall para iwas issue, CHAT lang ang allowed." nakangiting dagdag ko pa.
Lahat ng sinasabi kong information sa kaniya ay info's talaga ni Angel.
'Angel Gonzales from Alabang, 18 years of age and never pang nakatungtong ng College dahil inuna ang Showbiz Career.'
d-.-b
NOW I AM A "CERTIFIED POSER"!
One sunny morning.
"Jammy! Jaaaammmy! Jaaaaaammy!" dinig kong malakas na sigaw ni Mom.
Nagising ang diwa ko sa tawag niyang paulit-ulit. Mabilis akong lumabas ng room ko at pumunta sa hallway ng second floor at dumungaw sa ground floor, nakaupo si Mommy sa single sofa.
"Ano ba 'yon?!" inis na tanong ko.
"Aba! Anong ano ba 'yun!? Tanghalian na---nakaratay ka pa rin d'yan sa kama mo! Bumangon ka na riya't tulungan mo 'tong Ate mo magluto ng pananghalian!" sigaw ni Mom at napairap naman ako.
"Eh, hindi naman ako marunong magluto!" pagmamaktol ko pa.
"Edi maghiwa ka ng rekados! Bumangon ka na riyan at anong oras na!"
"Nag-uusap na nga tayo, 'di ba?! Malamang nakabangon na ako!"
"Puro ka kasi puyat! Wala kang ibang ginawa kung hindi magpuyat kaka-internet!"
"Ngayon ko lang naman 'to nagagawa dahil sembreak ko!"
"Huwag ka ng maraming kuda riyan! Bumaba ka na!" tumayo siya at pumunta sa kusina.
Bumalik ako sa room ko.
'Badtrip!'
Hindi ko na tiningnan pa ang phone ko at dumeretso na ako sa washroom para mabilis na maligo.
Ganoon talaga kami mag-usap ni Mom, hindi kami nagtuturingan ng Mom and Daughter. Gusto niya kasi ay para lang kaming TROPA. Maaaring sabihin ninyong BASTOS ako pero I make sure naman na 'yung TONE ng voice ko ay may RESPECT.
Pagkaligo ko ay doon ko pa lang binasa ang mga texts.
Brix Torres
Good morning, my Angel! \=) Papasok na ako sa school, text mo ako pagkagising mo, ah? Na-miss yata kita e! \=*)
Create Message
Gising na po ako. Aral mabuti! \=)
Napapangiti pa ako habang nagtetext.
Bumaba ako at tinulungan ang Ate ko, kaunti na lang ang ginawa ko dahil halos tapos niya na ang lahat.
"Ipapaputol daw ni Mom ang internet." maya maya pa ay utas ni Ate, gulat akong nilingon siya.
"Ha?! Bakit!?" inis na tanong ko.
"Ang laki kasi ng kuryente natin at 3 months ng hindi nababayaran 'yung internet. Kaya malalaki ang mga bills na babayaran niya ngayon."
"Nakakainis naman!"
"Aba! Wala ka namang ginagawa sa internet kung hindi i-update ng i-update iyang profile ng kaibigan mong artista! Nagbibigay ba siya sa'yo ng pangbayad ng kuryente!?" biglang sumingit si Mom sa usapan, kapapasok niya lang mula sa labas.
"Hindi---pero suporta ko 'yun sa kanya bilang kaibigan at the same time bilang fan! Hindi naman ako humihingi ng kapalit sa kanya, no! Okay na ako sa tinetext niya ako paminsan minsan!"
"Oh, eh, ano naman ang napapala mo sa ginagawa mong pagsuporta sa kaniya!? Wala! Ang nangyayari ay tumataas lamang ang kuryente natin at siya naman ay patuloy ang pagsikat! Siya ang kumikita at hindi ikaw! Kung bibigyan ka n'yan ng pambyad ng kuryente ay hindi kita papakialaman kung anong gawin mo riyan magdamag! Enrollment na naman sa susunod na buwan! Hindi ko pa alam kung saan ko hahagilapin iyang pangtuition mo! Ipapaputol ko na muna iyang internet na iyan!"
"Nakakainis naman! Ilang linggo na lang ang bakasyon ko, eh, 'wag mo na muna ipaputol, Mom! Kapag nagstart na lang ang klase! Please?!" pakiusap ko pa.
"Hindi na, Jammy! Ano ka ba!? Kaunting pang-intindi naman, anak! Wala na talaga akong ibabayad! Kung hindi ko pa ipapaputol ngayon, sa susunod na buwan ay mas malaki ang babayaran ko! Bakit naman kasi 'yang ganiyang internet pa ang kinuha mo! Mayroon naman 'yung tig-iisang libo buwanan! Bakit 'yang tigagatlong libo pa naman ang kinuha mo! Ang sabi ng Kuya mo ay para lang daw 'yan sa mga naglalaro! Panay naman lamang ang Facebook mo!"
"Edi ipaputol niyo 'yan at magpakabit tayo ng SmartBro!" nakangiting suhestiyon ko.
"Bahala na, kung magkapera! Dalian niyo na riyan at nagugutom na ako. Darating na rin ang Kuya ninyo."
'Nakakainis! Nakakainis talaga! 'Yung internet na nga lang nakakapagpasaya sa'kin dahil dito sa bahay lahat sila ay parating wala!'
May Mini Mart kasi kami at si Mom ang bantay roon. Si Ate ay trimester kaya may pasok kahit bakasyon dahil wala silang sembreak. Si Kuya naman ay nagtratrabaho sa Call Center kaya t'wing umaga lang rin nandito at tulog pa.
Medyo short kami ngayon dahil kamamatay lang ni Daddy, two months ago.
Matapos mag-lunch ay itinuloy ko na ang pakikipagtext kay Brix. Naupo ako sa sala habang nanonood rin ng TV.
Create Message
I just ate lunch, don't skip lunch ha?! \=)
Message Sent
One Message Received
Ang sweet naman ng Angel ko. Lol. Opo, maglalunch na rin ako. Nagdrive lang ako papuntang mall, dito ako magla-lunch at may bibilhin din sa bookstore. How was your sleep last night? Nakatulog kasi ako ng ayos kaya kinukumusta ko ang iyo. Haha! \=)
Next chapter
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Comments