Tears

Tears

01

“Hoy senyorita gumising ka na diyan!” tamad akong bumangon at napakamot na lamang sa ulo dahil sa pagsigaw ni mama.

“Ma naman e inaantok pa ‘yung tao,” inangat ko ang tingin ko para makita si mama.

Nakita ko naman siyang pinandilatan ako ng mga mata. Nakakatakot talaga.

“Tignan mo ‘yang orasan mo,” tinungo ng paningin ko ang tinuro niyang orasan.

“Alas 10 na. Bakit anong meron?” taka kong hinarap muli si mama na ngayon ay hindi na maipinta ang mukha.

“Nagtatanong ka pa. Balak mo bang matulog buong araw?”

“Kung inyong papayagan,” umaksyon pa kong nagbibigay-galang sa reyna. Bigla akong napahawak sa ulo ko ng hampàsin niya ito.

“Aray naman ma.”

“Nakuha mo pa talagang magbiro.” hinagis niya sakin ang isang balde ng mga damit. Ano namang gagawin ko rito?

“Anong gagaw—”

“Malamang maglalaba ka.”

“Malamang maglalaba ka.”

“Malamang maglalaba ka,” parang nag-e-echo sa tenga ko ang sinabi niya.

“Ma naman e sa susunond na araw na lang.”

“Anong susunod na araw? Hindi mo ba nakikitang ang dami na niyan?”

“Hayst.” napahiga ako ulit sa kama. Kahit kagigising ko lang feel ko ang dami kong ginawa kanina. Pagod ako.

“Bilisan mo diyan,” huli niyang ani bago lumabas sa kwarto ko. Kung may trabaho sana ako edi sana hindi ko na kailangang maglaba araw-araw.

----

After three hours natapos ko ng labhan ang mga damit. It was exhausting to be honest. Mabuti na lang talaga at may motivation ako so I finished it within just that hours. Sino namang hindi mamo-motivate kung may nakaline-up kang kdramas na panonoorin, diba?

“Aba tapos ka na bang maglaba?” muntik nakong mahulog sa kinauupuan ko ng biglang sumulpot si mama.

Napahawak muna ako sa dibdib ko bago siya liningon. “Myghad ma, ginulat mo ‘ko.”

“Bakit ka nakahilata diyan? Ang gaan naman ng buhay mo. May nalalaman ka pang softdrinks at junkfoods.”

“Wait lang ma, chill ka lang. Tapos na po akong maglaba, okay? And about dito, syempre deserve kong magmeryenda after maglaba,” nakangiti kong sagot bago uminom ulit.

Tinaasan niya lang ako ng kilay. Ang suplàdà naman. Mabuti na lang talaga at hindi ako nagmana sa kaniya.

“Oh sya dahil tapos ka naman ikaw sumundo sa kapatid mo,” nanlaki ang mga mata ko sa narinig. What? As in what? Wala nakong energy, ok?

“Ma, pahingahin niyo muna ako. Nangangalay pa tong kamay ko, oh.” sabay pakita sa mga kamay ko.

“Basta sunduin mo kapatid mo.”

“Ikaw na lang ma.”

“Pag sinabi ko ‘yun na ‘yun,” grabe na talaga si mama hindi man lang naawa sa anak niya.

Tamad akong yumuko bilang sagot. Kawawa na katawan ko.

Nandito nako ngayon sa school na pinapasukan ng kapatid ko. Seeing the name carved on the gate, I suddenly reminisce the times that I was just an elementary kid. Naiisip ko na ang tagal na pala ng panahon.

Tinignan ko ang phone ko para alamin ang oras. Nabatukan pa ko ni mama kanina dahil ang tagal ko raw. Bakit pa kase ako ang inutusan niya e siya naman ang palaging sumusundo sa kapatid ko at isa pa alam niya namang madalang lang akong lumabas ng bahay. Don’t get me wrong ha, ayoko lang talaga ng matataong lugar.

“Miss dun ka na lang maghintay sa waiting shed para makaupo ka naman,” napakurap ako sa sinabi ni manong guard. Kanina pa pala ako nakatayo? Hindi ko man lang namalayan. Tumango na lamang ako bilang sagot sa kaniya.

Umupo ako sa isang upuan na may mesa. Marami-rami na rin ang mga tao rito. Malapit na kase ang uwian kaya siguro naghihintay din sila. Naisipan ko na lang na magcellphone habang hinihintay ang kapatid ko.

Episodes
Episodes

Updated 1 Episodes

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play