TWO

...โ†ญ ๐๐‹โˆž๐ƒ ๐Œ๐Ž๐๐’๐“๐„๐‘ โ†ญ...

...๐–„๐–Š๐–†๐–— ๐Ÿ๐Ÿ—๐Ÿ”๐Ÿ”...

...แ™ฉโทแ™ฌ...

...เผ...

...โ•”โ•โ•โ•โ•โ–โ€ขเณ‹ยฐโ•โ•โ•โ•ยฐเณ‹โ€ขโ–โ•โ•โ•โ•โ•—...

ย  ย  ย  ย  ย ย  ย  ย  ย ย  "๐•ทuirica!" Pabalik na sana siya sa kanilang sala dahil nakaramdam na siya ng gutom mula sa pagbabasa niya nang makita niya itong nakatayo kung saan naalala niyang may nakita siyang portal kanina.

"Ssshh.. Wag kang maingay Ms. Avinir." Bahagyang gumilid ito habang sinasabi iyon kaya naman nakita niya si Yuan kung saan nakapantulog pa ito sa harap mismo nung bilog na nasa may kabilang panig nila.

Grabe.. Ang gwapo pa rin Yuan kahit gulo-gulo ang buhok! ( โ‰งโ–ฝโ‰ฆ )

Halatang may binibigkas itong salita na 'di niya maintindihan matapos bahagyang umupo ito roon atsaka pinasadahan ng palad nito ang bilog na iyon na habang ginagawa nito iyon may hangin at usok ding lumalabas rito hanggang sa unti-unti na rin itong naglaho.

Ang galing! ยฐห–โœงโ—(โฐโ–ฟโฐ)โ—œโœงห–ยฐ Bilib na bilib na reaksyon niya rito, minsan lang kasi niya makita ang pagmamahika nitong iyon.

"Yuan, Anong nangyari? Bakit may ganu'n nun dito?" Tanong niya ng makalapit na siya rito.

"Nothing, mukhang may gustong lang bumisita sa akin." Sagot nito na gulo-gulo pa talaga ang buhok nito at mukhang nagising lang para roon. Bibihira lang talaga itong bumangon ng ganitong oras, kalimitan kasi ay hapon pa ang gising nito kaya naman nakita niya ito bilang isang magandang pagkakataon para yayain itong sabayan siya sa pagkain niya ngayon.

"Yuan sabaโ€”"

"I'm going back to sleep." Biglang sabi nito saka naglakad na lang paalis at mabilis na naglaho roon.

Hindi na siya agad nakapagreact pa dahil sa bilis ng pangyayaring 'yon.

"Ms. Avinir tara na.. Handa na ang tanghalian mo." Pagyayaya sa kanya ni Luirica na doon lamang siya natauhan bigla.

Sasabayan mo rin akong kumain Yuan! 'Di ako susuko! Akala mo ha.. Pursigido niyang turan dito.

Habang kumakain siya ay nananahi naman sa gilid niya si Luirica pero hindi niya pa rin mapigilang mapaisip kung ano nga ba 'yung nangyari kanina.

"Luirica, Ano ba 'yung ginawa ni Yuan kanina? Kasi alam mo kanina pagkatapos kong maligo nakita ko na iyon doon, may nakita pa nga kong bunbunan eh.." Patuloy lang siya sa pagkain niya habang nagkukwento siya rito.

"Naku Ms. Avinir gaya ng sabi ni Master may gusto lang bumisita sa kanya, Isa siguro sa mga kaibigan niya." Sagot naman nito.

"Kaibigan?! Talaga? Marami bang kaibigan si Yuan?" Namamanghang tanong niya.

Paano ba naman kasi wala pa siyang nakikita o nakikilalang kaibigan ni Yuan simula pagkabata niya, ni wala man nga lang dumadalaw dito kahit halos gabi-gabi naman na nasa labas ito.

"Hindi naman Ms. Avinir nabibilang lang sa daliri ang tunay na kaibigan ni Master pero maraming nakakakilala sa kanya at gustong makalapit sa kanya." Sa sinabi nitong iyon ay naimagine niyang maraming naghuhugis puso ang mata kapag lumalakad si Yuan.

Irr!! (>โ–‚<) Ayoko! Ako lang dapat 'yung nakakalapit ng husto kay Yuan. Hmmp!

"Pero bakit ayaw papuntahin ni Yuan dito 'yung mga kaibigan niya? Magkaaway ba sila?" Nagtatakang tanong niya.

"Hahhaha! Hindi naman sa ganu'n Ms. Avinir magugulo kasi masyado ang mga kaibigan ni Master. Isa pa ayaw niyang may makaaalam kung nasaan siya nakatira dahil paniguradong yayain lang siya ng mga ito pumunta sa malalayo."

"Ah ganu'n ba.. pero sana hayaan niya silang bumisita rito kahit minsan para kahit papano makapaghanda tayo ng party." Gustong-gusto niya kasi talagang magkaroon ng party dito sa mansyon gaya nung sa mga nababasa niya, 'yung hindi lang silang tatlo 'yong imbitado.

Tuwing nagpaparty kasi sila sa bahay tatlo lang sila at 'yun lang din 'yung araw kung saan nakakasama niya ng buong araw si Yuan, sa madaling salita tuwing birthday at pasko lang niya nagagawang mag-ayos ng maganda sa paligid nila.

"Pero kailangan mong mag-ingat Ms. Avinir kung sakaling may makita ka nga at magpakilala sayong kaibigan ni Master dahil gaya ng sabi ko hindi lahat ng mga 'yon ay mabait.. ang iba sa kanila may lihim na dahilan kung bakit gusto nila makita si Master." Nabakas niya ang pagiging seryoso sa tono ni Luirica kaya tumango na lang siya nun bilang sagot rito.

Pagkatapos niyang mananghalian ay sa mapunong parte naman siya sa gilid ng mansyon tumambay dala ang kanyang sketch pad, mga krayola at pangguhit.

Isa ito sa pampalipas oras niya. Mula sa pwesto niya natatanaw niya ang gate kung saan iilang beses pa lang siya sa nakakalabas at 'yun ay sa tuwing kasama si Luirica at Yuan para mamili ng mga bagong damit o ano pang kailangan dito sa bahay nila.

Takot kasi siyang lumabas ng mansyon sa kadahilanang pakiramdam niya na sa oras na umalis siya rito ay wala na siyang babalikan pa. Hindi niya maipaliwanag pero mas pipiliin niya na lang na makulong dito kasama ang tinatawag niyang pamilya kesa lumabas at makihalubilo sa iba.

Baka mamaya kasi ipamigay na lang siya kung kanino nito sa oras na may mga taong gustong kumupkop sa kanya at 'yun ang pinakaayaw niya. Lingid sa kaalaman ng mga kasama niya na nakakaisip siya ng ganitong bagay, akala kasi nila masyado lang siyang masunurin dahil mariing pinagbabawal ni Yuan na may nakakapasok na ibang tao sa mansyon nito.

Napag-alaman niya rin na hindi basta madaling mahanap ang tinitirahan nila kahit pa kita sa buong syudad itong mansyon nila, narinig kasi niya mula sa mga taong minsan nakasalamuha niya sa labas ang tungkol dito dahil usap-usapan pala ang mansyong ito kung saan sila nakatira, magkakanda ligaw-ligaw ka muna bago mo ito matunton.. para raw itong sinasadya lalo na pagmay gustong makakita ng malapitan dito kaya doon siya nakaramdam ng takot.

Paano kung bigla siyang mawala o kaya maligaw? Pa'no pala siya babalik? eh ni hindi niya nga sigurado kung hahanapin ba siya ni Yuan kung sakaling mawala nga siya rito at baka nga matuwa pa ito pagnagkataon.

Iniling-iling niya ang ulo niya dahil ayaw niyang mag-isip ng kahit anong negatibo, gusto niya palaging lang siyang masaya sa paningin ni Yuan dahil ang sabi nito sobrang panget niya kapag malungkot siya.

At madalas sabihin talaga ni Yuan na ayaw nito sa mga panget.

Makalipas ang ilang minuto..

Abala siya sa pagguguhit ng puno ng bigla siyang may napansing kahon sa may damuhan nila, pinulot niya ito at tiningnan ang kabuuan nito.

"Saan naman 'to galing?" Maayos at bagong-bago pa ito pero mukhang kailangan gamitan ng susi bago mo ito mabuksan.

Bumalik na lang siya sa pwesto niya at pinagpatuloy ang ginagawa niya hanggang sa maya-maya lang din ay narinig niyang tinatawag na siya ni Luirica kaya naman bitbit ang mga gamit niya kasama ng kahon na napulot niya ay lumakad na siya pabalik doon.

"Ms. Avinir gising na si Master pumunta ka na roon sa silid-aklatan ngayon." Sabi nito na ang ibig sabihin nun ay oras na ng klase niya kay Yuan.

Inilapag niya muna ang ibang gamit na dala niya matapos bitbit lang ang ginuhit niya ay pumanhik na siya sa taas kung saan naroon ang future husband niya!

"Tch. May humahabol ba sayo?" Salubong agad nito sa kanya na sa sobrang excited kasi niya napalakas 'yung pagbukas niya ng pinto roon.

Naabutan niya si Yuan malapit sa bintana na nagbabasa at sa gilid nito ready na ang blackboard at chalk para turuan siya.

"Hehehe! Namiss kasi kita agad eh, nga pala tingnan mo 'tong ginuhit ko.. Anong masasabi mo?" Bagot na kinuha nito iyon habang siya naman umupo na siya kung saan siya laging nakapwesto rito.

"Yeahโ€” maganda naman, maganda naman 'tong kabayong ginuhit mo." Walang kareak-reaksyong sabi nito sa gawa niya.

"Yuan! Hindi naman kabayo 'yan, Puno yan eh!" Sa sinabi niyang iyon ay bahagyang napataas na lang ang isang kilay nito at mukhang 'di kumbinsido sa iginuhit niya matapos ay ibinalik na rin iyon sa kanya.

"Fine. Puno na kung puno, mag-umpisa na tayo." Gustong-gusto niyang may moment silang dalawa ni Yuan pero hindi sa ganitong pagkakataon dahil ang sungit-sungit nito at seryoso sa pagtuturo. Mabuti na lang at napapagpasensiyahan siya nito dahil sa bagal niyang makaintindi rito.

Matapos ang klase nila ay maagang umalis si Yuan, I mean maggagabi pa lang ay nagpaalam ito na may pupuntahan ito, kalimitan kasi gabi na talaga ito kung umalis dito pero ngayon alas singko 'y medya pa lang ng hapon ay aalis na agad ito.

Wala talaga siyang ideya kung ano bang pinagkakaabalahan nito tuwing gabi. Ang tanging alam niya lang ay ayaw ni Yuan sa sikat ng araw dahil masyado raw masakit sa mata at nakakairita ang init dito at kapag tinatanong niya naman ito hindi siya nito sinasagot pero kahit papano alam niyang nakikipagkita ito sa babae.

๐•ฑ๐–”๐–š๐–— ๐–ž๐–Š๐–†๐–—๐–˜ ๐–†๐–Œ๐–”.. โชโช

(Continuation ng Flashback sa Chapter 1)

Nagising na lang siya na nasa loob na siya ng kanyang kwarto matapos napaupo na lang siya sa kama niya at gaya ng madalas niyang gawin tuwing nagigising siya sa umaga ay tulala muna siya bago kumilos pero dahil din do'n bumalik sa alaala niya 'yung nasaksihan niya rito kagabi.

"Yuan.." Biglang nanginig na lang ang mga kamay niya kaya naman pinagsiklop niya iyon na para bang pinipigilan niyang kumilos ito ng ganu'n.

"Marahil galit na galit sa akin si Yuan ngayon kasi sinuway ko siya.. Ba-baka palayasin niya ko.. Ayoko.. Ayoko po.. Promise magiging mabait na ko." Pagkausap niya sa sarili niya habang pinupunasan ang mga luha niyang patuloy lang sa pagpatak sa mata niya.

Isa-isang bumalik sa alaala niya 'yung mga bagay na ayaw ni Yuan na ginagawa niya, dala ng matinding takot sa nangyari kagabi naisip niyang baka this time iwanan na talaga siya ng mga ito kaya naman napagpasyahan niyang magiging masunurin na talaga siya.

Oo natakot siya sa nakita niyang itsura nito kagabi pero ang mas nangingibabaw sa kanya ay 'yung alam niyang galit na galit si Yuan nung mga oras na 'yun at kasama na dun 'yung panaginip niya na posible na ngang magkatotoo dahil sa pagiging pasaway niya.

Maya-maya lang din nun ay kinatok na siya ni Luirica at sinundo para mag-almusal siya, niyakap niya agad ito pagkakita niya rito atsaka mahigpit na kumapit sa kamay nito.

Hindi na nagsalita pa si Luirica tungkol sa nangyari kagabi sa kanila at umakto na lang ito ng parang walang nangyari kagabi.

Sa paglipas ng limang araw naging tahimik ang buong mansyon hindi na rin siya nag-iiwan ng bulaklak kay Yuan, ni halos 'di na nga sila nagkikita nito at nung minsan na maabutan siya nito na kumakain ay parang wala itong pakialam sa kanya na parang hindi ba siya nito nakikita.

"Galit pa rin siya sa akin.. Pa'no ba kami magbabati?" Tinupad niya talaga 'yung sinabi niya pero nagtataka siya... Bakit ganu'n? 'Di ba dapat magiging okay na lahat kasi nga 'di na siya gumagawa ng bagay na ayaw naman ni Yuan pero bakit parang mas lalong lumala pa ito at mukhang iniiwasan siya nito.

Hindi man kasi niya nahahawakan si Yuan, madalas man umaalis ito o kaya naman sinusungitan siya may oras pa rin ito sa kanya.. nagbobonding pa rin sila pero ngayon wala na talaga.

Kaya naman nag-isip siya ng pwedeng gawin dito para magkaayos sila.

.....

Sa sobrang pagtutok niya sa ginagawa niya hindi niya namalayang inabot na siya ng gabi. Oras na ng kanyang pagtulog pero pinilit niyang tapusin ang kwintas na bulaklak na pinaghirapan niya para ibigay kay Yuan.

Hindi na siya makapaghintay pa ng umaga kaya naman nais niya sanang hintayin ito at siya mismo ang mag-abot nito kay Yuan pero dahil nakita niya si Luirica na naghahanda ng sasakyan at mukhang may pupuntahan alam niya na agad kung saan ang lakad nito.

Paniguradong si Yuan ang pupuntahan niya! Pangsundo lang kasi kay Yuan ang gamit ng sasakyan na iyon kaya mabilis siyang kumilos kahit nakapantulog na siya atsaka palihim na sumakay sa likod ng sasakyan nito nang hindi namamalayan ni Luirica.

Hindi niya alam kung anong pumasok sa utak niya at ginawa niya iyon pero gusto niya talagang makita si Yuan ng oras na iyon, gusto niyang harapan na magsorry dito para magkabati na sila at bumalik na ulit sila sa dati.

Naramdaman niyang huminto na ang sasakyan pero hindi rin siya kaagad lumabas doon dahil hinintay niya munang makababa si Luirica. Nang alam niya ng siya na lang ang naroon sa sasakyan nito ay saka lang siya umalis sa pinagtataguan niya.

May kadiliman na ang buong lugar at puro mga patay sindi na ilaw lang sa bawat pinto ng mga gusali ang nakikita niya ngayon. May mga tunog din ng musika siyang naririnig mula sa mga iyon kaya huli na ng maisip niyang hindi niya nga pala alam kung saan sa mga iyon pumasok si Luirica.

Sinubukan niyang sumilip at lumapit sa mga establishimentong naroon pero ng makarating siya sa may bandang iskinita na tanging mataas na poste lang nagsisilbing ilaw doon ay bigla niyang nakitang lumabas si Yuan sa isa sa mga pintong iyon.

Yuan! Lalapit na sana siya rito ng may makita siyang babae na kasama pala nito.

Doon.. Nakita niyang isinandal ni Yuan sa pader ang babae iyon at sumubsob sa may leeg nito at ang sumunod na mga nangyari ay labis ng ikinagulat niyaโ€” masyadong na kasing naging agresibo ang kilos ng mga ito na sa hindi malamang dahilan ay kinilabutan si Avinir sa mga nasaksihan niya, nakaramdam siya ng takot, nang pandidiri? na hindi niya maintindihan.

(SPG 'yung scene na nakita niya... Really bad for her eyes! Shooot!)

This time nagawa niyang lumakad paalis doon na sa sobrang pagkashock niya ay muntikan pa siyang mahagip ng isang sasakyan bigla at dahil nga ro'n napaupo siya sa maduming parte ng kalsada rito pero ang mas ininda niya ay 'yung sugat na natamo niya sa magkabilang kamay niya dahil may mga basag na bote palang nandon at ang mas malala pa nasira 'yung kwintas na ginawa niya para kay Yuan.

Kinagat niya ang ibabang labi niya para pigilan ang paghikbi niya pero mas lalo lang siya nanghina ng makita niyang may mga dugo ng pumapatak sa mga kamay niya, at parang tinakasan siya ng lakas kaya muli nawalan na naman siya ng malay bigla.

.....

Nagising siya dahil nakaramdam siya ng lamig sa kwarto niya kaya kumuha siya ng unan sa tabi niya at niyakap ito ng mahigpit ngunit 'di na siya nakabalik pang muli sa pagtulog niya sa totoo lang masyado pa talagang maaga para bumangon siya.

Napaisip siya bigla kung ano nga ba ulit 'yung napanaginipan niya dahil 'di niya ito maalala. Pinipilit pa niya itong alalahanin pero ng nagsawa na siya ay naisipan niya na ring bumangon na.

Alam niyang sa oras na 'yun ay abala na si Luirica sa pagluluto ng almusal niya kaya naman naghanap na lang siya muna ng pagkakaabalahan niya at doon napansin niya 'yung kahon na napulot niya kahapon habang nagddrawing siya.

"May laman kaya 'to sa loob?" Sinubukan niya itong alug-alugin pero wala naman siyang naririnig na kahit ano rito.

"Tama!" Pumunta siya sa kusina saglit at doon palihim siyang kumuha ng maliit na kutsilyo, mabuti na lang at hindi siya nakita ni Luirica kundi paniguradong mapapagalitan siya nito.

"Hehehe.. Siguro naman ngayon mabubuksan na kita." Excited siyang malaman kung ano bang nasa loob ng kahon na 'yon.

Sinubukan niya muna ang ibang pamamaraan para mabuksan ito gaya ng maliit na alambre.. sinungkit-sungkit niya ito, ginamitan niya rin ito ng matinding lakas at panghuli ang maliit na kutsilyong kinuha niya.

"Ouch... " Dumaplis kasi bigla sa daliri niya 'yung kutsilyo nung pilit niya itong sinisiksik sa kahon at dahil dun nasugatan siya, hindi naman ganu'n kalakihan ang sugat niya pero may nalabas ng dugo mula rito.

"Patay.. Pa'no ba 'to? Ang chakit.." Pinilit niyang patigilan ang pagdurugo nito gamit ang pagsipsip dito at dahil nawala na ang focus niya sa kahon na 'yon lumabas na muna siya para maghanap ng pantapal doon sa sugat niya.

"Alam ko may bannid sa may sala eh."

Wala siyang kaalam-alam na may dugo na palang dumampi sa kahon na napulot niya na bigla na lang parang nalusaw o hinigop nun matapos ay kusang nalang umalog-alog ito.

POK! ๐ŸŽŠ

Mahinang pagsabog nito pero pagkabukas nun ay siya ring paglabas ng itim na usok mula rito at isang portal.

Di rin naglaon ay may lumabas na mula rito.

"Vuy dir thwi ร ldeju tvu va inti. (At last I finally get through his maze.) "

...โ•šโ•โ•โ•โ•โ–โ€ขเณ‹ยฐ๐Ÿ…ฃ๐Ÿ…‘๐Ÿ…’ยฐเณ‹โ€ขโ–โ•โ•โ•โ•โ•...

...แฏผ...

...โ–’โ–’โ–’โ–’โ–’โ–’โ–’โ–’โ–’โ–’โ–’โ–’โ–’โ–’โ–’โ–’โ–’โ–’โ–’โ–’โ–’...

Hindi pa tapos yung flashback.. Fufufu!

Ganern talaga~ ๐Ÿ˜Ž

Paunti unti lang talaga kerri ko dito kada chapter may ibang story pa kasi akong pinagkakaabalahan atleast may nadagdag naman.

ฮจับรœ may now proceed to the next chapter..

If merun na..

Episodes
Episodes

Updated 3 Episodes

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play