Where The Sun Awaits

Where The Sun Awaits

Kabanata 1

Hello! This is the first story that I'll ever be writing. Also, English is not my first language, so I am sorry for the grammatical errors you'll encounter throughout the story. This is based on my own hopelessly romantic thoughts. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. This will be a Taglish (Tagalog/English) story. I'm excited about how this new journey of mine will turn out! Hopefully, you'll enjoy reading it.

All rights reseed. This book or any portion thereof may not be reproduced or used in any manner whatsoever without the express written permission of the author.

Thank you!!

...****************...

...Shae...

Waking up, taking a shower, brushing teeth, skin care, make up, wearing school uniforms. Back to school nanaman tayo, but this time hindi na ako isang junior high student. I'm in senior high na, 'di ko ba alam kung magiging masaya ako o hindi, same lang naman kasi ginagawa ko noon hanggang ngayon

Nasa trycicle ako ngayon at pagkababa ko palang ay sumalubong saakin ang tugtog ng banda ng school, kasama na ang mga student councils na namimigay ng bookmarks with motivational quotes, bongga naman nagyon, samantalang last year wala namang ganap nung first day of school. Dumiretso na ako sa may pathway at huminto para i-text yung friends ko.

...musketeeres🤺🤺...

...6:54am...

ivykoket🎀: papunta palang aq guys!!

elli👎🏻: bilisan mo na.

mamamia🤨: si Shae palang nakita ko pumasok kanina, galaw galaw guys

^^^sheyaput🫰🏻: sabi daw 6:30am dapat nasa school na, mag s-seven na huy^^^

^^^seen at 7am^^^

Ang kapal talaga, ni i-last chat ba naman ako. Ivy, Ellise, and Mia, classmate ko sila mula nung grade 7 ako hanggang mag grade 10, we were in a special program in junior high kaya throughout our junior high same lang mga classmates namin. Ilang minutong lumipas ay nakita ko na si Ellise papasok nang gate, binigyan din sya ng bookmark at tumingin sa paligid na para bang may hinahanap

"Ellise!" sigaw ko sakanya sabay pag kaway ng kamay para makita nya ako. Lumingon sya saakin at kumaway pabalik habang lumalakad papunta saakin.

"Is Ivy here, na? Kanina pa sya nag sabing papunta na, pero parang wala pa sya." Ellise asks, "Ikaw palang yung nakita ko beh, baka natraffic lang papunta rito yun, first day of school pa naman." sagot ko sakanya. "Sabagay, na-traffic din kami teh, sobrang dami nga nung mga trycicle sa labas."

"Guys!" lumingon kami at nakita naman namin si Mia na tumatakbo pamunta saamin. Isa si Mia sa student councils kaya kanina pa sya nandito nag a-assist sa mga teachers and students na dumadating. "Oh, Mia, ako napapagod sayo beh, kanina kapa kakalakad dito sa campus." sagot ko sakanya. "Sinabi mo pa, ano pa ginagawa nyo dito?"

"Hinihinitay pa namin si Ivy, kanina pa nga kami dito, asan na ba yung bruha na yon." Ellise said, "Eh? Hinihintay na rin kayo ni Ivy dun sa classrooom nyo kanina pa." Mia replied. Aba, pag ka sira ulo din naman neto ni Ivy, kanina pa daw nandon pero hindi man lang kami hinanap o chinat man lang?

"Sige na nga, pupuntahan na naman sya, ikaw Mia, hindi ka pa ba sasama saamin?" I asked. "Hindi pa teh, dami pang aasikasuhin dito, tsaka may flag ceremony pa mamaya kaya ilagay nyo na yan mga bag nyo sa classroom nyo" "Sige, mamaya nalang beh" Papunta na kami ni Ellise sa room namin.

Bigla ko naman nakita yung tatlong classmate namin last year and ang plot twist pa is makakasama ulit namin sila ni Ellise sa iisang room. Our school has GAS A and B, STEM, and TVL course, and syempre nasa GAS A ako, buong buhay ko undecided parin ako kung anong gusto kong maging pag laki Habang si Ivy and Mia naman ay nasa GAS B, pareho lang din naman tinuturo pero ang sabi kasi namin dapat classmate parin dapat kami ngayon, pero parang ayaw ata ni tadhana

Pagkarating namin ni Ellise sa room ay hindi pa ito naka bukas, kaya sumilip muna kami sa may bintana at nag plano kung saan kami uupo pareho Marami din naman kaming kakilala na iba naming classmate pero nakakahiya kasi di naman namin sila close. Dumating na yung adviser namin at binuksan na yung pinto at dirediretso naman kami ni Ellise pumunta sa ika-tatlong row ng upuan, malapit sa may bintana sa kanan, katabi naman namin yung kaninang tatlong magkakaibigan at nag kamustahan narin.

"Hello, good morning sainyong lahat, mag siupuan na muna po ang lahat." Umupo naman kaming lahat at hinintay kung anong sunod na sasabihin ni ma'am. "So, today is the first day of school, it's already 7:15, mag f-flag ceremony na po and I want everyone to be there, two lines po dapat, one for the boys and one for the girls."Okay po, ma'am." sagot naman ng iba kong classmates at nag sitayuan na para pumunta sa school ground para sa flag ceremony.

Habang nasa line kami, linapitan ako ni Ellise at bumulong "Teh, si Theo nasa likod." sabay tingin saakin at tinaasan ako ng kilay, para bang inaasar ako. Sabay naman ng pag lingon ko ay nakita ko syang naka civilian and nakatingin sa unahan, parang naiinip na sya kasi kanina pa ata nakatayo and hindi pa nag s-start yung flag. Theo Palacio, pogi, matangkad, marunong mag gitara, and mag electric guitar. Crush ko sya noong grade 10 kami, valentines noon at may ganap sa School Pavillion. I was in our room and nacurious ako kasi tili ng tili yung mga babae sa pavillion. Nakita ko sya, hawak ang isang electric guitar, tinutugtog nila yung kanta ng IV of Spades na Mundo.

Sobrang naaakit ako sakanya, his voice was so deep habang kumakanta sya. Para bang nalove at first sight ako. Joke lang naman, syempre happy crush lang, study first habang ina-admire sya from a far.

Simula noon lagi ko na syang nakikita sa campus and lagi rin akong inaasar ng mga kaibigan ko sakanya. 'Di ko nga alam kung hanggang ngayon crush ko parin sya, syempre nag bakasyon ng 2 months nung pagkatapos ng school year, diba. Hindi ko sya nakita nun at nabulok lang ako sa kwarto buong bakasyon

Seeing him again for the first time, para bang nabuhayan ulit ako kasi palagi ko na ulit syang makikita. "Theo." bulong ko sa sarili. Ano nanaman ba kaya ang magiging journey ko this senior year, I can't wait.

p.s. Let's keep it short, muna. I'll be updating again every saturdays. See you!!

Episodes
Episodes

Updated 1 Episodes

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download MangaToon APP on App Store and Google Play