Love At First Sight

Love At First Sight

First day of school

May nakilala kaba na akala mo siya na pero hindi pala? Ganun kase nangyare sa akin.
Kakatapos lang ng COVID-19 nang araw na 'yon. Nagkaroon ng new normal kaya pinayagan na ang face-to-face classes.
Trinansfer ako ng parents ko sa public school, lumalaki na kasi ang gastusin namin sa bahay. Di naman kami masyado mahirap sakto lang.
Nung sinabi nila na mag face to face classes na medyo kinabahan ako, di kase ako masyado lumalabas lalo na ng nagquarantine. Di ako sanay sa siyudad galing kase akong probinsya pero pagkatransfer ko dito sa Maynila naabutan kami ng Covid kaya naka kulong lang ako sa inuupahan namin.
Magkaiba kami ng nakababata kong kapatid ng schedule, pang batch 1 kaya nauna siyang pumasok kaysa sa akin.
Nung unang araw ko sa school chinat ko agad ang dati kong kaibigan sa private school, na late siya nag-enroll kaya dito sa public ang bagsak niya.
Ano ba naman kase 'to di man lang ako sinamahan ng ate ko... Hayts
Pagdating ko sa school na mangha ako kasi sobrang lawak at madami ang buildings. Hindi kagaya sa probinsya.
Di ko tuloy alam kung saan ako pupunta....
Kinapalan ko na mukha ko at nagtanong sa nakita kong dumadaan...
Kiara Matthias
Kiara Matthias
Excuse me miss... Saan building ng Grade 9 dito?
Random girl
Random girl
Sorry di ko rin alam Grade 8 po kase ako.
Yun lang maling tao pa, lalo pa tuloy akong nahiya...
Kiara Matthias
Kiara Matthias
Ay ganun ba sorry at salamat!.
Pagkatapos kong ipahiya sarili ko naglibot muna ako at may nakita akong mapa ng school. Kinunan ko ng litrato at sinundan.
Paakyat ako sa second floor no'n ng pagdating ko nand'on yung kaibigan ko
BFF sa Private school
BFF sa Private school
Oy! Ara sorry di kita machat mahina kasi signal ko, buti naman nahapan mo. Hahaha
Kiara Matthias
Kiara Matthias
Ok lang, ano pala section mo?
BFF sa Private school
BFF sa Private school
Section Juan, ikaw?
Kiara Matthias
Kiara Matthias
Ah, Section Gabriel ako pero di ko alam kung saan yun
Nagkwentuhan kami ng ilang minuto at umalis ako. Hinanap ko yung room ko.
Kiara Matthias
Kiara Matthias
Sige bye hanapin ko lang yung classroom namin. (Sabay alis)
After a few steps, sa wakas nahanap ko na. Kaso nakasara pa. May naghihintay din na classmates ko sa labas.
Kiara Matthias
Kiara Matthias
Grabe naman mag 7:40 na wala pa ring susi.
Medyo natagalan kami sa paghihintay pero ok lang naman para masayang yung oras at konting activities lang gagawin. Hahahaha wag kayo alam kong pati rin kayo.
Dumating na teacher namin...
Teacher
Teacher
Good morning class!
Teacher
Teacher
How's your day?
Kiara Matthias
Kiara Matthias
Good morning ma'am
Nakakakaba naman, nanginginig na kamay ko sa nerbyos. Baka mag- introduce yourself pa kami dito ako pa naman nasa unahan.
Naka-upo ako noon malapit sa pintuon para mahangin.
Teacher
Teacher
Ok class alam kong naninibago tayong lahat. Kaya let's introduce ourselves. So i am your adviser and also your english teacher. So magsisimula tayo sayo miss (sabay turo sa akin)
Sabi ko na eh...
Teacher
Teacher
and also remove your facemask when introducing yourself
Hayts lalo tuloy ako kinabahan di pa naman ako kagandahan. Nakakawala ng insecurities.
Pumanta na ako sa harapan at pagkaalis ko ng facemask ko may pangiti ngiti pa akong nalalaman, stay humble lang hahaha.
Kiara Matthias
Kiara Matthias
Hi everyone my name is Kiara Matthias 15 yrs old turning 16 actually, i love guitar, arts and crafts po. Nice to meet you all.
Pagkaupo ko sobrang nanginginig mga kamay ko, para akong hinabol ng multo sa gabi. Hayts grabeng nerbyos 'to.
>>>>>>>>>
Hot

Comments

Akira.ncore

Akira.ncore

Hi everyone this is a Filipino work sorry if it's not in English.

2024-05-01

2

See all
Episodes

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download MangaToon APP on App Store and Google Play