CHAPTER 5

Ininda ang sakit na naupo ako sa aking upuan.

Ramdam mo pa din ang tingin nila sakin.

Muling tumikhim si Prof at nagsulat sa pisara. Mukhang nasa 25 lang si Prof gwapo din siya ay misteso.

Aweyy Naman! Di man Lang nagpakilala pero based sa sched ko Science first subject ko so siguro science teacher sya. Nasa kanya na din ang tingin nung mga tukmol pero yung iba naman ay may kanya-kanyang mundo.

"Ouch." Mahina kong daing dahil sa biglang kumirot ang likod ko. Wala namang nakarinig sakin dahil ako lang mag isa dito sa likod pero napansin kong napabaling sa akin Yung bandang nasa unahan ko.

Inirapan ko nalang siya, as if naman mabait sya eh.

Maya-maya Lang ay tinawag ako ni Prof.

"Miss Jessi—"

"Namarih nalang po Sir masyado akong maganda pag Jessica." Pagpuputol ko sa kanya.

Napaubo naman siya, rinig ko din ang kunwaring pagsusuka ng mga nasa paligid ko. "O-okay, so what's the Matter?". Tanong ni Sir.

Napakunot noo naman ako.

"What's the Matter?" Ulit ko sa tanong niya.

"Yes, Miss Namarih what's the Matter." Nagtataka niyang saad.

Mahina naman akong tumikhim.

"Wala naman po Sir medyo masakit lang yung likod ko dahil may bumagsak na bagay sakin kanina, except for that Wala na naman po. Salamat sa concern Sir. " Nakangiti kong saad sabay upo ulit sa upuan ko.

Nagtaka naman ako ng biglang humalakhak ng napakalakas ang lalaking nasa harapan ko na bumaling sakin kanina. Napangiwi ako edi siya na masaya.

Kita ko din ang mapangutyang tingin ng iba sakin at panliliit may iba ding natatawa at pagtingin ko kay Sir nakatulala lang siya.

Bigla namang tumigil sa paghahalakhak ang lalaki at pasimpleng tumayo.

"Let me. Matter is anything the has mass and occupies space." Sabi niya ng natatawa at bumalik sa pagkakaupo.

Napakurap kurap naman ako ng may marealize ako. Bahagya ko pang tinakpan ang bibig ko.

"Very Good Mr. Dejas," Maya-mayang puna ni Sir ng makarecover. Dejas palang name nung lalaking sumagot kanina. Nakaramdam naman ako ng hiya. Matter pala Yun eh sa science.

"And you Miss Namarih I'm asking about "what is matter in science" not about you." Kalaunang saad ni Sir sa akin.

"Ehh malay ko Sir dapat kasi po ganito "What is Matter" hindi "What's the matter" ganun Sir." Pagtatanggol ko sa sarili ko.

Napailing na lamang siya at muling humarap sa pisara para muling magsulat.

"Tsk, kung kay Thea yun easy peasy lang." Rinig kong saad nung isa. Napairap naman ako.

It's not my false—i mean fault.

Matalino kaya ako lalo na sa Math. Hmp.

Hindi ko nalang sila pinansin dahil masakit talaga ang likod ko. Pagkauwing pagkauwi ko mamaya sasabihin ko kina Dad na ayaw ko dito.

Inilibot ko ang tingin ko at nakita kong nakatingin sakin yung lalaking sinabihan ako ng p*ste kanina.

Inirapan ko naman siya at humarap na sa pisara.

Bahala sila dyan.

Habang nagsusulat ako sa notes ko dahil may pinakopya si Sir ay parang ayaw ko nalang din magsulat paano ba naman Kasi ako lang ata ang matino dito. Napasimangot ako hindi naman sila nagsusulat ng sinabi ni Sir.

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download MangaToon APP on App Store and Google Play