KINABUKASAN #Tagalog Story #Family Story #Future Of The Family Relay #Short Story
First and Last chapter
Isang araw may mag asawa na nakatira sa area 39 na sina Jonathan at Sian Sanchez, meron silang limang anak na sina Jean, Sam, Abby, at ang Bunsong kambal na sina Mary at Marie
Jean
Ma! Pa! Alis na po kami
Nag mano kay inay at itay ang tatlong mag-kakapatid na sina jean, abby at sam
Mama
Osige mag-iingat kayo ha
Papa
Sabay kayong umuwi ha
Tumango lamang ang tatlo at sabay umalis
Isang mambabalot lamang ang Padre De Pamilya ng Sanchez
Masaya ang kanilang pamilya kahit hindi ganoon kasagana sa pera pero puno naman ng ligaya.
Ngunit nag bago ang lahat dahil sa isang hindi inaasahang pangyayari
Papa
Mahal maglalako muna ako ng balot
Mama
Osya Sige mahal mag-iingat ka ha
Hinalikan ni Jonathan sa noo ang kanyang asawa at umalis na
Papa
Balot!! Balott!! Bili na kayo ng balot!!
Masayang naglalako ng balot si Jonathan At sa hindi inaasahang pangyayari ito ay nasagasaan ng humaharurot na sasakyan
Unknown
Hala!! Si Jonathan ba yan?
Pag katapos nyang masigurado na si Jonathan iyon ay agad syang tumakbo sa bahay nila Sian
Unknown
Sian! Sian!! yung asawa mo
Unknown
Yung asawa mo nasa kalye nasagasaan
Hindi na sumagot at hindi nag-aatubiling tumakbo kung saan naroon ang kanyang asawa
Pag-kakita ni Sian sa asawa, agad itong naghina at napaluhod sa kalsada, hindi nya alam kung anong gagawin kaya ito ay humagulgol na lamang sa iyak
Mama
Ano!! Hindi ba kayo tatawag ng tulong??? Titignan nyo lang kami dito??
Si leah, ang isang babaeng napadaan at tumawag ng Ambulansya
Pagkalipas ng isang sandali, dumating na ang ambulansya at ang mga nurse na sina Zenn, Miya at Claire para ma assist si Jonathan papuntang ostpital
Dr.
*Nag check ng papeles at hinarap si Sian*
Dr.
May bali po ang kanyang leeg at hindi na po gumagana ang utak ni Sir Jonathan, misis pasensya na po pero ideneklarang dead on arrival na si sir Jonathan, malala po ang kanyang mga natamo at hindi na po ito umabot sa ospital, alam ko ho na mabigat ito sa inyo
Dr.
*Sabay tapik sa abaga ni sian at umalis*
Gumuho ang mundo ni Sian matapos marinig ang sinabi ng Doctor, hindi nya alam kung paano nya ito sasabihin sa mga anak
Matamlay na umuwi sa bahay si Sian, at nang makita nya ang mga anak ay agad syang humagulgol ng iyak sa harap ng mga ito
Mama
Kasalanan nyo 'to!! Dahil sa inyo namatay ang tatay nyo!
Agad namang humagulgol ang magkakapatid nung nalaman nila ang sinapit ng ama
Pagkalipas ng ilang bwan naging lasinggero ang kanilang ina at nakahanap ng bagong lalaki na isang lasinggero din sa kanilang kanto
Vince
Hal, wala ka bang balak na ipa-alam na natin 'to sa mga anak mo?
Mama
Mahal, alam mo namang kakamatay palang nang Ama nila eh
Vince
Ayaw ko ng ganito Sian. Palagi nalang tayong nagtatago sa mga anak mo. Hindi ko kaya sa konsensya ko
Narinig at nakita nina Abby at Sam ang lahat ng pangyayari
Abby
Ma? Anong ibig sabihin nito?
Mama
A-anak, magpapaliwanag si mama
Abby
Anong sabi mo ma? Magpapaliwanag? Tsk. Hindi na ma. Hindi mo na kailangang ipaliwanag ang mga pangyayari kasi nakita na namin!
Mama
Abby, anak, balak naman talaga naming sabihin sa inyo kaso iniisip ko lang yung nararamdaman niyo. Alam kong hindi pa naghihilom ang sugat sa inyong puso kaya't napagpasyahan ko na 'wag muna. Ilihim na muna
Abby
Alam mong hindi pa humihilom ang sugat dito
Tinuro ang kanyang sariling puso
Abby
Pero bakit? Bakit mo dinadagdagan? Alam mo namang hindi pa kami nakakamove-on sa pagkamatay ni papa tapos eto ngayon? May lalaki kana agad?! Anong klase kang asawa ma?! Gano'n lang ba kadali para sayo na kalimutan si papa?
May namumuong luha sa mata
Mama
Anak, makinig sa sasabihin ni mama ha. Ma—
Abby
Ano ma? Sasabihin mong mahal mo sya? Yang Vince na yan! Ha?!
Hinila ang braso ni Abby.)
Vince
Ahh, Abby, Sam, pasensya na kayo at napaglihim namin sa inyo yung totoo pero wala naman talaga kaming balak na hindi sabihin sa inyo to eh.
Abby
Wow! Ang galing! Kaya naman ho pala napaibig agad si mama sa inyo eh kasi napakarespetado mo
Abby
Pero tingnan natin kung hanggang saan yang pagiging respetado mo
Tumalikod at agad na umalis
Sam
Ahh tito Vince, pasensya na po kayo kay ate ha. Sadyang ganoon lang talaga po sya
Umalis si Sian at umuwi sa bahay
Mama
Asan yung dalawa mong ate?
Sam
'Di ko po alam. Pero sina kambal po andon sa gilid naglalaro
Dumating sina Jean at Abby.
Jean
Sure ka ba dyan Abby?
Abby
Oo te. Sure na sure ako. Tsaka grabe nga yung inis ko eh nang malaman ko na sila
Paglingon nila sa kanilang harapan, sila ay napatigil sa pagsasalita
Abby
(Dinaanan lang ang inay at dumiretso sa kambal.)
Sam
Ma, te, sa kambal lang po muna ako makikibonding. (at agad na umalis.)
Jean
Ano yung sinabi ni Abby sakin ma? Totoo ba yun?
Mama
Oo anak. Totoo yun. (Yumuko dahil nahihiya.)
Jean
Ma naman eh. Ba't ka pumili ka agad? wala na ba talaga si Papa sa puso mo?
Mama
Pasensya anak. Mabuti kasi syang tao eh. Mapagmahal.
Jean
Eh ayon naman pala eh. Mapagmah pala kaya agad napaibig. ( Tumingin kay Abby at tinaasan ang tuno ng boses para iparinig sa kanya.)
Abby
(Tiningnan si Jean ng masama.)
Jean
Ah basta ma. Kasi sabi mong rmapagmahal yung si manong Vince; este, tito Vince, welcome na po sya sa pamilya.
Mama
Pero 'nak, hindi ko pa nasasabi sa kambal
Jean
'Wag ka nang mag-alala ma. Ako na bahala dyan. (Kinindatan ang inay at lumakad patungo sa kambal.)
—Pagkalipas ng tatlong araw, pinatira ni Sian si Vince sa bahay nila
Mama
Oh mahal, andito ka na ngayon sa pamamahay ko, magpakabuti ka ha. Ipakita mo sa mga anak ko na hindi ako nagkamali sa pagpili sa iyo.
Vince
Naman mahal! Syempre! (Nagpapalakas ng dating.)
(Ipinasok nila ang mga gamit sa loob ng bahay.)
Mama
Kambal, andito na tito vince niyo
(Agad na sinalubong si Vince at nagmano.) Hi po tito! Welcome to our house po!
Vince
Aba! Ang kukulit naman ng kambal. (Sabay pindot sa ilong ng dalawa.)
Mama
Oh, simula ngayon, dito na titira si tito vince niyo
Talaga ma? Yeheeey! (Naeexcite nilang sabi.)
—Lumipas ang ilang buwan ay maayos naman ang ipinapakita ni Vince na ugali sa pamilya Sanchez. Ngunit ito ay nag-iba sa——
Mama
Hal, aalis na muna ako ha. Mamamalengke. Ikaw na muna magbantay sa mga bata
Vince
Osige mahal, walang problema. (Pumunta kay Sian para baonan ng yakap.)
—Natutulog ang limang magkapatid sa higaan ngunit ginising ni Vince ang apat maliban kay Jean at sinabing
Vince
Oh mga bata, pumunta na kayo sa banyo at maligo dahil may lakad tayo ngayon
(Agad agad na nagsitayuan at nag-uunahan papuntang banyo.)
—Si Jean na nalamang ang natitirang nakahiga sa kama at minamasdan ito ni Vince mula ulo hanggang paa.
(Dahan dahang lumapit si Vince sa natutulog na si Jean at inipit ang buhok ni Jean sa kanyang tainga.)
Vince
Napakaganda mo talagang bata ka. Kahit kailan, hindi ka nakakasawang pagtitigan. (Bulong niya kay Jean na natutulog.)
Jean
(Naistorbo sa sa pagtulog dahil sa boses ni Vince.)
Vince
(Dahan dahang lumayo mula kay Jean.)
Jean
(Bumalik sa pagkatulog na mahimbing.)
Vince
(Bumalik sa dating pwesto kung saan saan sya ay malapit kay Jean.)
Jean
(Nakagising dahil sa unti-unting pag<touch> ng kaniyang balat ni Vince)
Jean
Tito?! (Agarang bumangon at natatakot.)
Jean
(Tumakbo papunta sa kaniyang ina. Sabay sabing MA hababg umiiyak.)
Vince
M-mahal, mali ang iniisip mo. Maling mali
Jean
Ma, hindi. Pang ilang beses na niya tong ginawa sakin. (Habang umiiyak.)
Vince
Jean, para na kitang anak tas gagawin ko yun sayo? Ano ako, baliw?
Jean
Oo. Baliw ka! Ilang beses mo na akong pagtangkahang gahasain Vince! Sa tuwing naliligo ako sumisilip ka!
Vince
Mahal, wag kang maniwala dyan. Gusto lang niya akong siraan para maghiwalay tayo.
Mama
Totoo ba yun anak? Naninira ka? (Sinabi kay Jean
Jean
Ma, maniwala ka sakin. Totoo po yun lahat.
(Dumating ang kambal.)
Tito, tara na po?
(Napalingon ang ina at nagtataka.)
Mama
Ha? A-anong sinasabi niyo mga anak? Tsaka asan sina ate Abby at ate Sam niyo?
Jean
Kita mo ma? Ginising niya sila para pagsamantalahan ako. Para walang abala sa plano niya!
Ate? What's happening? (tanong ng kambal kay Jean.)
Vince
Mahal, wag kang maniwala. Alam mo namang hindi ko yun magagawa sa mga batang to
Abby
Anong hindi Vince? ilang beses mo nang pinagtangkahan yung ate ko tas i-dedeny mo pa?!
Sam
Wag ka nang magmaang-maangan dyan Vince! Sabihin mk na ang totoo!
Mama
Oh Abby,Sam; san kayo nanggaling?
Sam
Nagpaiwan po kami. Nagtago kami sa likod ng pintuan.
Abby
At nagmamasid lamang po kami sa mga ginagawa niya.
Jean
Abby! Sam! (Tumakbo patungi sa kanila at niyakap ang mga ito.)
Vince
Sian, mahal, hindi yan totoo. Maniwala ka. Ilang taon mo na akong kilala at kilalang kilala mo ako keysa sa mga anak mo. Kaya pakiusap, ako ang pakinggan mo
Mama
(Natulala at naalala lahat ng mabuting gawa ni Vince) O-oo mahal, naniniwala na ako sayo
Abby
Ha?! Ma, kahit ngayon lang maniwala ka naman
Mama
Anak, hindi totoo yung nakita niyo. Hindi sya ganoong tao.
Jean
Pero ma, nagsasabi kami ng totoo sa'yo.
Sam
Ma, please naman oh. Maniwala ka samin. (Pagmamakaawa nito.)
Mama
(Umiiling dahil hindi talaga.) Hindi. Hindi. Hindi yon magagawa ng tito Vince niyo.
Jean
Ma, kahit anak mo na yung nakataya hindi ka parin ba susugal?
Mama
Jean, mas alam ko ang tito Vince niyo keysa sa inyo. Baka marahil ay namis-understand niyo lamang ang kaniyang galaw
Abby
Dyan. Dyan ka magaling!
Jean
Sa pagtatanggol sa walang kwentang mahal mo! (Singit ni Jean.)
Sam
Ate Jean, ate Abby, tama na. Nasasaktan na si Inay
Lumabas ng bahay sina Jean at Abby at sumunod naman si Sam
Mery/Maria: Ma? Bakit po kayo nag-aaway
Mama
Wala anak. Tampuhan lang yon
—Pagkatapos ng pangyayari, nagpalipas ng gabi sina Jean, Abby, at Sam sa kanilang tiyahin na si Roxanne
Naglayas ang tatlo at tumungo sa bahay ng kanilang tiya na si Roxane, Agatha at Samantha
Nang makarating ang magkakapatid sa kanilang tiya ay agad silang pinag-linis,
Abby at Sam: ate nagugutom na kami (pagmamakaawang sambit ng dalawa
Jean
Sige hahanap ako ng makakain dito lang kayo (lumapit kay tiya Roxane) tiya gutom na po yung mga kapatid ko may makakain ho ba kayo rito?
Unknown
Aba! At sino ka bang bata ka kung makahingi ng pagkain!? Bakit!? Tapos na ba yung pinapalinis ko sa inyo??
Jean
(yumuko) ahh h-hindi pa po ( nauutal na sumagot) pero malapit na po tiya, tiya gutom na po talaga yung mga kapatid ko kahit kanin nlang ho kahit wala na pong ulan okay lang po sa'min tyaka 10 na po ng gabi wala pa po kaming hapunan ( pag-mamakaawang sabi)
Unknown
Osya kumuha kayo ng dalawang sandok ng kanin, at wag na wag kayong kukuha ng ulam pag kayo kumuha, lagot kayo sa'kin
- tumango lamang si Jean at dumeretso na sa kusina. Nakita nyang may adobo sa kaldero, hindi nya napigilan ang takam at kumuha sya ng isang hiwa
-dahan-dahang naglakad si Jean papunta sa pwesto kung saan naroon ang mga kapatid
Jean
Bilis kain ( mahinang nagsalita) ubusin nyo wag kayong mag tira baka matagalan na naman bago tayo maka kain
-Gutom na gutom si jean pero mas minabuti nyang pakainin ang mga kapatid keysa sa sarili, mas gusto nyang busog ang mga ito kahit sya ay nanghihina na sa gutom
Ngunit sa hindi inaasahan, nakita ni tiya Roxane ang mga buto sa kanilang pinag-kainan
Unknown
Sinong kumain nito!? ( Pasigaw na tanong, sabay tingin sa mag-kakapatid)
Jean
A-ako ho tiya gutom na po kasi ako di ko po napigilan (takot na sagot) ako lang po mag isa ang kumain ng ulam
Unknown
(tinulak si Jean sa sahig kaya't napaupo ito) diba sabi ko sa'yong bata ka na 'wag ninyong galawin ang ulam!? (Sinampal ng malakas si jean at sinipa ito na parang aso)
Jean
'wag po tiya, 'wag po hindi na po mauulit tiya, wag po ( sigaw ni jean habang sinusubukang iwasan ang sipa ng tiya)
Akmang lalapit si Tiya Roxane sa dalawang bata na nakaupo sa gilid at umiiyak dahil sa pinag-gagawa ni tiya kay Jean ngunit hinawakan ito ni Jean sa paa at pinakausapang 'wag saktan ang mga kapatid, hindi na sana magpa-papigil si Tiya Roxane ng biglang may kumatok sa pinto ito ay ang kanyang mga pinsan na si Agatha at Samantha, kaya't umalis na lamang si tiya Roxane at hinayaang umiyak ang magkakapatid na Sanchez
Jean
(agad na tumayo at niyakap ang mga kapatid tyaka pinatahan ang mga ito sa pag iyak) shh okay lang ang ate, alam nyo naman kung gaano ako ka strong diba? Strong ang ate wag kayong umiyak mga mahal ko, kahit anong mangyari hinding hindi kayo iiwan ni ate ha? Tahan na ha? ( pag-papatahan sa mga kapatid habang pinipigilan ang luha)
Ginawa ni jean ang lahat, pinasok ang mga part time jobs tulad ng dishwasher sa karenderya at labor sa mga fish ports, ginawa nya ang lahat para sa kanyang mga kapatid at para may baon sila sa skwelahan dahil hindi sila binibigyan ng mga tiya
Sinikap ang lahat, binabalewala ang pinag-sasabi ng mga tao, tiniis ang gutom, nilawakan ang isip at pagmamahal
Lumipas ang Ilang taon at ito na nga!
Si Jean ay isa nang Abogada, Si abby ay isa ay Doctora at si Sam ay Isa na ring pulis nakapag patayo na ng dalawang palapag na bahay ang tatlo kahit wala pa itong mga nobyo
Nagkita ang mag ina na sina sian, jean, abby, sam, mary at marie sa isang parke kung saan nagkausap ang lahat
Mama
Mga anak?? Jean? Abby? Sam?
-biglang natahimik ang lahat
( Nag yakapan sina Jean, Sam at ang kambal, habang si abby ay hindi umimik at umalis papalayo)
Jean
Abby! Saan ka pupunta?
( Walang tigil ang paglalakad ni abby papalayo)
Jean
Ma ito po address namin ( sabay bigay ng isang card kung saan nakalagay ang adress ng mga ito)
Tyaka umalis na ang dalawa
Akauwi na sina Sam at jean kasama sina Glaiz at
Lexy. Pumunta sa kanya-kanyang kwarto ang dalawang magkapatid habang sina Glaize at Lexy na kaibigan ni Abby ay hinahanap sya ng mga ito. nakita nila si abby na humahagulgol ng iyak sa sulok ng Terris
Unknown
Abby? (Sabay hawak sa likod nito) anong nangyare? Ba't ka umiiyak?
Unknown
Pwede mo kaming pagsabihan sa mga problema mo
Niyakap ng dalawa si abby upang gumaan ang loob nito.
Unknown
Kailangan nating magpatawad dahil iyon ay utos ng Diyos, wag nating palakihin ang galit bagkos isipin natin na ang lahat ng tao ay may pagkakataong mag bago
Biglang dumating si Jean at Sam para sabihin kay abby na patawarin na ang kanilang Ina dahil sila ay nakapagpatawad na
Abby
Talaga? Totoo? Napatawad nyo na sila mama?? Weh? Pano nyo nakayang kalimutan ang lahat? Paano nyo nakayang harapin ang isang tao na naging rason kung bakit tayo nag hirap at kung bakit naranasan natin na maging aso? hindi ganon kasimple para sa'kin 'yon ambigat, ambigat-bigat, para akong pinapatay ng dahan dahan nung nakita ko yung pagmumukha nya, ate anhirap sobrang hirap
( sabi nya at pinagpatuloy ang paghagulgol)
(Niyakap ng apat si abby at pinakalma ito sa pag iyak)
Unknown
Alam naming hindi mag tatagal mapapatawad mo na si tita
Unknown
Oo abby tyaka wag mong kalimutan na sya parin ang taong nagluwal sa iyo. Sa inyo. sya rin ang dahilan kung bakit narito kayo ngayon.
Sam
Isa na tayong mga propesyonal hindi na tayo mahihiyang harapin ang mga tao kahit sina tiya Roxane hindi na tayo matatakot kasi meron na tayong ibubuga diba ate jean?
Tumango lamang si jean at tinapik si abby sabay sabing " hihintayin namin ni Sam ang araw kung san handa kanang magpatawad" sabay mahinahong umalis
-napag-planuhan ni Sian na bisitahin ang tatlo sa kanilang bahay, at pag dating nya doon-
Mama
Wow ito ba yung napatayo ng mga anak ko?
( Tanong nya habang pinagmamasdan ang bahay)
Nakakamangha!
Kambal: Oo nga mama eh anganda tara na po
(Tumango lamang si Sian at kumatok sa pinto ng nasabing bahay)
Jean
(kumatok sa kwarto ni Abby)
Abby
(binuksan) oh bakit ate may kailangan ka?
Jean
Andyan sina mama at ang kambal sa sala, labas ka dalii ( nakangiti nitong sabi)
( Hindi alam ni abby kung ano ang kanyang nararamdam, magkahalong takot at sabik, ngunit bakit ganon? Saan na yung galit?)
Nang lumabas na si abby ay bigla itong sinalubong ng mahigpit na yakap ni sian
Mama
Anak ko! paborito kong maldita ( naluluhang sambit habang niyayakap ang kanyang pangalawang anak)
Hindi alam ni abby kung anong nangyayare pero niyakap nya ang inay na para bang wala nang bukas
Abby
Kay tagal ko nang hinahanap hanap ang yakap mo inay antagal kong hinintay na maramdam ulit ang init ng bisig mo, inay sobra akong nangungulila sa'yo (sabay hagulgol)
(Pagkatapos magkapatawaran ng dalawa ay kumain sila ng magkakasama)
Abby
Ay ma saan na po si tito Vince?
Mama
Ay si Vince ba anak? Wa na yun pinakulong ko na, nagtutulak pala ng droga eh
Jean
Buti nalang kasi kung andito yon, lagot sya kay Sam
Jean
Ma, Abogada na ho ako
Hindi makapaniwala si Sian sa sinabi ng tatlo Akmang iiyak na ito nang
Jean
Oops bawal umiyak, nasa harapan tayo ng pagkain
Jean
Kolehiyala na pala 'tong kambal ah 'wag na kayong mag alala ma, kami na po bahala sa pag-aaral nila
Abby
Oo ma tyaka dito na din kayo tumira ayoko na po maghiwalay ulit tayo
Sam
Tyaka ma 'wag na kayong mag trabaho relax nalag ho kayo rito kami na po bahala sa gastusin
Mama
Answerte ko sa sa inyo ah, salamat ho aming dakilang diyos, binigyan mo ako ng magaganda't mababait at masisipag sa mga anak
Mama
Oo nga mga anak, saan na ba yung mga nobyo nyo?
Abby
Hala tubig ( sabay tawa)
Jean
Ma naman wala pa sa plano namin na magka nobyo
Mama
Eh? Antatanda nyo na, gusto ko nang magka-apo, hindi na ako tatagal sa mundo matanda na ako
Jean
Ma 'wag mong sabihin yan, anlakas mo po kaya, tyaka apo po? Balang araw bibigyan din ho tayo ni God ng blessings na dadagdag sa pamilya mag hintay lang po tayo
MASAYANG NAG-UUSAP ANG MAG PAMILYA
Unknown
Objection your honor (Jeans speech, and defense about rape cases)
Jean
Case solve, Vince Navarro- rapist, GUILTY
Ngumiti sa tagumpay si Attorney Jean Sanchez matapos mapanalo ang kaso
Lumapit ang pamilya nito sa kanya at niyakap sya
Mama
Congratulations anak proud ang mama sa'yo
(Nag-yakapan ang lahat)
Comments
Cristan Dela Cruz
pogi mo
2024-04-03
0
Cristan Dela Cruz
ok po
2024-04-03
0