DAYDREAM
COPYWRITE
The moral right of the author has been asserted. All rights reserved. This story is published subject to the condition that it shall not be reproduced or retransmitted in whole or in part, in any manner, without the written consent of the copyright holder, and any infringement of this is a violation of copyright law.
~ —— •~°•°~• —— ~
"When reality and daydreams coexist,
can you still tell which is which?"
This is a story that narrates love, not only one sidedly but with two possibilities.
A sad ending where the characters learned a lesson that can be used in life through tears, pain, grief, and hopelessness.
A happy ending that the characters deserved after long years of waiting and emptiness.
What will be the ending? As a reader, which ending do you prefer?
Join me as we unfold each chapters that holds a meaningful story.
~ —— •~°•°~• —— ~
"
TRINA lunch break na, gusto mo bang sumabay saamin?" Mula sa screen ng monitor ay napa-tingin ako sa aking katrabaho na si Maine.
Ngumiti ako ng bahagya sa kanya, "Salamat pero hindi na, mauna na kayo."
"Sure ka?" Paniniguro nito na tinanguan ko lang bilang tugon. "Sige kung ganun, maunan na kami sayo." Aniya at saka nagsimulang maglakad paalis kasama ang iba pa naming katrabaho.
Napabuntong-hininga na lamang ako at bumalik sa ginagawa ko. Kailangan ko pang ipasa ang manuscript na ito mamayang alas dos.
Ako si Trina Montero, 24 taong gulang at kasalukuyan nagtatrabaho sa isang sikat na publisher company dito sa manila.
Ewan ko ba pero ito na ang pinili kong trabaho. Simula kasi sa pagkabata ay mahiling na ako sa pagbabasa at pagsusulat, at idagdag pa na nagustuhan ko rin ang working environment ng ganitong uri ng trabaho. Yung tipong nasa loob lang ako ng isang air-conditioned na opisina at walang ibang gagawin kung hindi ang humarap at kumalikot ng computer.
Easy life.
-- • ~°•°~ • --
PABAGSAK akong humiga sa kama. Hindi ko na talaga alam kung bakit ko naisip dati na madali ang ganitong trabaho.
Although pansamantala lang naman ito dahil pag-ne-negosyo naman talaga ang pangarap ko dati pa bukod sa pagiging chef. Itong trabaho ko ngayon ay stepping stone ko lang kumbaga para maabot ang pangarap ko.
Pero, easy life my a*$. Ilang oras akong naka-upo at nananakit na ang puwetan at likod ko dahil dito. Pakiramdam ko rin ay malapit ng manlabo ang mata ko dahil sa computer ang lakung kaharap ko. Yung mga daliri ko naman ay parang magkaka-musckle na ata sa kaka-encode ko ng mga manuscripts. Idagdag pa ang mga pagkakataon na malilioasan ako ng gutom dahil may hinahabol akong due, at pagkatapos naman nun ay kakailanganin ko pa rin mag over time dahil may nakatambak na naman akong panibagong workloads.
Kung hindi ko lang talaga kailangan ng pera para mabuhay at makakain ng mga gusto ko, edi sana ay chill lang ako ngayon bilang isang dakilang tambay.
Hinipan ko ang buhok na naka-harang sa mukha ko bago ko ipinatong ang kamay sa nuo at pumikit. Lumalalim na naman ang gabi at kailangan ko ng matulog dahil maaga pa ang trabaho ko bukas.
Nanatili lang ako sa ganuong posisyon hanggang sa unti-unting bumigat lalo ang talukap ng naka-pikit ko ng mata tanda ng antok. Hindi nga nagtagal ay tuluyan na anong tinangay nito at nawalan ng malay.
-- • ~°•°~ • --
SA HINDI ko alam na dahilan ay mas maaga akong nagising ngayong araw. Alas-siete pa ang pasok ko sa trabaho pero 5 o'clock pa lamang ay nakabihis na ako at handa nang umalis.
Dahil masyado pa namang maaga ay nag-decide ako ako na mag-stay na muna sa café na nasa tabi lang ng building ng kumpanya na pinagtatrabahuhan ko.
"One Americano please." Ilang minuto lang akong nag-antay bago ko nakuha ang order ko.
Halos wala pang masyadong customers itong café kaya buwelo akong pumili ng mauupuan ko. Medyo may kalakihan rin ang café na ito. Cozy ang atmosphere at malakas maka sosyal ang mga glass wall na makikita sa halos lahat na parte o haligi ng café.
Naglakad ako at piniling maupo sa bandang gilid (left corner) malapit sa glass wall. Tahimik lang akong sumimsim sa kape ko habang naka-tingin sa labas. Siguro dahil na rin sa ambiance ng lugar kaya kahit paano ay relaxed ako at dahil rin dito ay hindi ko na naiwasan na maglakbay ang utak ko sa kung saan.
-- • ~°•°~ • --
8 years ago...
NAGISING ako sa tunog ng alarm ng phone ko. Agad ko yun pinatay at muling nagtalukbong ng kumot.
Inaantok pa ako.
Pinilit ko ulit ang mata ko, pero ni hindi pa man lumalalim ang tulog ko ay tumunog na naman ang alarm ng phone ko. Agad kong kinapa ang phone ko at saka pinatay ang alarm sa ikalawang pagkakataon.
Time Check: 05:30 am
Nag-inat ako ng katawan at bumangon. Ganito palagi ang eksena sa buhay ko tuwing may pasok. Kahit gaanong antok o katamaran ang nararamdaman ko ay pinipilit ko pa rin bumangon para pumasok sa eskwela.
Araw-araw at kailangang sariling sikap na gumising ng maaga lalo't wala naman akong kasama na maaaring gumising at umasikaso sa akin. Mag-isa kasi ako dito sa Bicol habang sila mama ay naninirahan sa Manila.
Don't get me wrong, maayos ang relasyon ko sa pamilya ko. Nagkataon lang na nagpabaya ako sa pag-aaral dati kaya ini-uwi ako rito. Nung gusto naman na akong kuhanin ni Mama dahil bumalik na ako sa dating sigla at pagpupursigi sa pag-aaral ay ako naman ang pumili na manatili dito. Sawa na kasi ako sa toxic na learning environment ng Manila. Masyadong crowded, talamak ang bullying, at sobra-sobra ang kompetisyon sa academics.
Mabuti na nga lang at iginalang at sinuportahan ni Mama ang desisyon ko. Pinatayuan pa ako nito ng sarili kong kwarto/tirahan sa kapitbahay lang ng Tito ko na nagsilbing guardian ko rito sa probinsya.
Dala-dala ang tuwalya at iba pang toiletries ay lumabas ako ng kwarto ko para maligo. Maaga pa naman at Buti nalang wala pang gumagamit ng poso. Yung mga pinsan ko naman kasi ay kagigising pa rin lang at kumakain pa ng almusal o umiinom ng kape. Nauna na akong mag-ayos sa kanila dahil nasanay na rin naman akong huwag ng mag-almusal at diretso ligo nalang matapos kong mahimasmasan pagkagising.
Mabilis lang naman akong maligo kaya halos kinse minutes lang ay tapos na ako. Nag-ayos lang rin ako at nagbihis ng uniform para magmukha akong presentable. Sakto namang pumatak sa 6:30 am ang oras ng matapos akong mag-ayos at handa ng umalis at pumasok sa school.
"Aalis na po ako!" Sigaw ko lang na paalam kila Tito gaya ng nakasanayan bago ako umalis.
Medyo malayo rin ang nilalakad ko mula sa bahay patungo sa school, dumadaan pa rin kasi ako sa riles matapos lumabas sa medyo makahoy na lugar na kinatitirikan ng bahay namin. Matapos naman dumaan sa riles ay mahaba-habang lakaran pa sa kalsada ang gagawin ko.
Tahimik ko lang na tinahak ang daan patungo sa paaralan ko. May ilang kapwa ko ring estudyante ang madaanan at nakasabay ko sa paglalakad.
Matapos nga ang kinse hanggang bente minutos na lakaran ay nakapasok na ako sa gate ng school.
"Magandang umaga po." Bati ko sa guard na tinanguan lamang nito.
Dumiretso lang ako ng lakad at mula sa malayo ay nakita ko kung paanong ngumiti at kumawat ang mga kaklase ko ng makita ako.
"Good morning Pres."
"Good morning Ate."
"Hi Rina."
Ngumiti lang ako ng bahagya sa mga kaklase ko at bumati rin pabalik, "Good morning."
Hindi ko rin alam pero ramdam ko ang respeto ng karamihan sa mga kaklase ko sa akin. Siguro dahil sa kahit papaano ay may utak naman ako? Mula ng lumipat ako rito last year at naging suki na ako ng mga academic competitions.
Pero mas dumami yata ang nakakakilala sa akin dahil marami na akong nasira tungkol sa pagtatapon nila ng basura sa likod ng classroom ng section ko nung grade 8. Paano ay ako ang presidente ng klase kaya ako ang taga bantay.
Tumigil ako dati ng dalawang taon sa pag-aaral kaya mas ahead ang edad ko sa mga classmate ko, idagdag pa na parati akong nagiging presidente ng klase kaya para na nila akong nagiging ate. Ewan ko ba, napaka-layo nito sa gusto ko sanang tahimik kong pag -aaral dito sa probinsya.
Yung tipong super normal student lang ako. Wala masyadong kaibigan, no responsibilities, practically invisible. Although, I don't really dislike how things are at this point.
"May assignment ba?" tanong ko kay Hannah, isa sa mga malapit na kaibigan ko dito sa San Agustin National High School.
Si Hannah Santos ay isa sa mga masasabing kakumpetensya ko sa pagiging Top 1 sa acads sa buong grade level namin. Pero dahil hindi naman kami mga immature na super competitive ay naging magkaibigan pa rin kami. Kadalasan nga ay nagtutulungan pa kami sa acads at minsan ay nagkokopyahan pa. Ang pinaka-tatak niya naman ay ang sobrang kahinginan niya. Lahat ata ng gagawin niya ay napakahinhin kung titingnan.
"Wala naman. Pero may quiz ngayon, nakapag-review ka ba?" Napakamot ako sa ulo at bahagya ko pang sinabunutan ang sarili ko. Pano ko nalimutan na may quiz ngayon? Geez.
"Beh, limot ko nga na may quiz pala." Natatawa na lang na ani ko at sumabay na rin lang sa kanya na mag review.
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Comments