Chapter 1: Valentines day
clink!...clock....clink...clock...
Alastres na, tulog na ang lahat ng kapitbahay pero ito ako nagkakanda ugaga kakagawa ng reseach para sa group namin. Tanging ilaw lang ng lamp ko ang bukas para mas madali akong makapag focus sa research
Buti nalang kahit papaano ay may mabubuting anghel akong kasama na sila Mia at Joana na sila na raw ang bahala sa iba
Dahil na lulugaw na ang utak ko sa kakakumpleto ng research namin ay Nag break muna ako ng 5 minutes, kinuha ko ang cellphone ko para gamitin ang ilaw nito dahil tinatamad na rin akong mag bukas ng ilaw sa baba dahil papatayin ko nanaman ulit ito kapag aakyat na ako.
Pumunta na ako sa kichen at binuksan ang ref para kumuha ng chocolate para maibsan ang antok ko at water, kumuha na rin ako ng peanuts pang patalino raw eh. Sabi nila...
Habang naglalakad ako papunta sa kwarto ko at sandaling nagtingin tingin sa social media bilang umagaw sa atensyon ko ang profile ni Lizel na may bagong myday kaya pinindot ko ito.
Napangiwi nalang ako nang makita ko ang apat na kagroupmates ko na nasa beach na kasama ni Lizel sa picture, kasama rin ang tita nila na bagong kasal.
Napangiwi nalang ako nang makita ko ang apat na kagroupmates ko na nasa beach na kasama ni Lizel sa picture, kasama rin ang tita nila na bagong kasal.
Rina
Tsah.... akalain mo yun... may pang beach pero walang pang ambag...
Umiiling iling na bulong ko sa sarili ko at tumuloy na ako sa kwarto ko para muling tapusin ang research na kailangan na mamayang tanghali
Joana
*closed mouth smile*
tapos na lahat 'yan
*Gives the reseach paper*
Joana
Mauna na pala ako may aayusin pa kasi akong mga requirements para sa volleyball, bye!
Tinanggap ko ang papel saka siya tuluyang paratakbong umalis para habulin ang mga requirements na sinasabi niya. Matapos ko naman makuha ang research na binigay ni Joana ay sinigurado kong kumpleto naman ito at maayos lahat
Habang naglalakad ako patungo sa office ni Miss. Saigon ay kitang kita mo na marami talaga silang ginastos para sa valentines dahil punong puno ng mga pulang puso at iba pang mga palamuti ang paligid at abalang abala ang mga officers sa pagdedekorasyon sa bawat classrooms
Bago ako kumatok sa pinto ay humugot muna ako ng malalim na hininga
Binuksan ko ang pinto at naabutan ko si Miss. Saigon na naka salamin at pinipirmahan ang mga research ng iba pang mga nagpasa
Rina
Good morning Miss. Saigon! Ito na po yung research namin
Nakangiti kong abot sa kan’ya a sumagot
Nakatayo lang ako doon at hinihintay ang feed back niya kung may dapat ba kaming baguhin
Miss. saigon
Everythingis good, but what happen to the other members? Every group has 7 members bakit tatlo lang kayo
Rina
Iyan po ang hindi ko maisasagot, dahil hindi ko rin po alam kung bakit wala silang ambag
Comments