Gabi na nang makarating ang mag asawa sa ipinamanang bahay ng lolo ni Raiza sa kanya.
Sa Makati na sya lumaki at apat na beses pa lamang sya nakakapag bakasyon sa bahay na ito noon.
"Medyo eerie itong bahay pero balewala yon as long as kasama ko kayo" wika ni Kiko habang sinusuri ang sala.
Tumayo at bahagyang nag inat si Raiza. Napangiti habang hinihimas ang namumutok nyang tiyan at sinabi, "Dito na tayo sa Samar magsisimula ng panibagong buhay kasama ang magiging anak natin."
-----
Malakas ang kulog at ulan, nagising si Raiza na namamalipit sa sakit ng tiyan. "Hon! Manganganak na yata ako!"
Agad namang inalalayan ni Kiko ang asawa at isinakay sa sasakyan.
"May alam ka bang pinakamalapit na ospital dito sa Pagsanghan?" tanong ni Kiko.
Umiling si Raiza. Kinakapos ng hininga, "Sa Catarman lang ang alam kong pinakamalapit--" napasinghap sa paghilab ng tiyan.
Nasa daan na sila papuntang Catarman nang mapansin ni Kiko ang isang kalsada na may maliliwanag na street lights gaya nang sa Makati. Mas maganda rin ang pagkakasimyento ng kalsada rito. Sa tumbok ng dalawang kalsada ay isang matandang puno ng Acasia.
"Hon, saang bayan papunta 'to?" tanong nya subalit nataranta sya nang makitang nanghihina ang asawa. Iniliko nya rito ang minamanehong sasakyan.
Binagalan ni Kiko ang pagmamaneho nang makapasok sila sa isang bayan na may nagtataasang gusali, magagarang bahay at sasakyan.
Binuksan ang bintana at nagtanong sa ale. "Good evening, saan po ang pinakamalapit ditong ospital?"
Sa halip na sumagot, marahang lumingon sa kanya ang ale, maputla ang makinis nitong mukha at itinuro ang pangalawang kanto nang tuwid na tuwid ang braso. Napansin rin nya ang nakakakilabot na titig sa kanila ng mga nadaraanang tao.
Sa wakas ay narating nila ang ospital.
"BPH" napansin nyang nakasulat sa labas ng ospital.
Sinalubong sila ng doktor at ilang nurse na kapwa mga balot na balot ng white medical suit at agad na isinugod si Raiza sa delivery room.
Makalipas ang ilang oras, matiwasay na nakapagsilang si Raiza ng babaeng sanggol. Pinayagan syang pumasok at makita ang mag ina sa kwarto.
Sa labis na pagod, nakatulog si Kiko yakap ang kanyang mag ina. Subalit nagising s'ya na may yumuyugyog sa kanyang balikat.
"Buhay! Buhay sila!" sigaw ng mangangahoy sa mga kasama n'ya.
Takang taka si Kiko sa mga nangyari. Paanong nasa gitna sila ng damuhan at basang basa ang katawan samantalang nasa magandang ospital sila bago makatulog?
Ipinaliwanag ng mangangahoy na may narinig silang iyak ng sanggol nang makita silang mag asawa na natutulog katabi ang sanggol.
"Imposible! Nasa magarang bayan kami kagabi! Sa ospital kung saan nanganak ang misis ko! Sa BPH. BPH ang pangalan ng ospital!" pagpipilit nya.
Nagkatinginan ang mga mangangahoy at napailing. "Biringan Private Hospital. Yan marahil ang napuntahan nyo."
Bago sila umuwi, ipinaliwanag ng mangangahoy ang misteryo ng Biringan sa kanilang lugar.
Bago rin sila bumyahe paalis sa kakahuyan, malakas pa ang iyak ng sanggol. Subalit pagkauwi nila, nagunaw ang kanilang mundo nang makitang nangingitim na ang walang buhay nilang anak.
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Comments