Olympians Academy

Olympians Academy

I | The Summoning

Professor
Professor
I'm very sorry Ms. Young but you are being expelled from the academy. . .
Abigail Young
Abigail Young
Po? Pano po yun?
Professor
Professor
Aside from having 58 consecutive lates, we have also noticed your constant sluggishness especially during class, and we can't tolerate that. . .
Abigail Young
Abigail Young
I-I apologize, Sir pero ito lang po ang school na maafford namin ng Tita ko at hindi ko po kayang ma-expelle. Please do give me a chance. . . promise. I won't be late or tardy anymore. . . just please. . . I need to graduate para makaahon po kami at para magkatrabaho ako. Please nama. . .
Professor
Professor
We're so sorry. Here's the letter. Give it to your Aunt. We can't do anything for this case so just pick up that letter and. . .
Professor
Professor
Go home. . .
Go home. . .
Go home. . . Cesia
Napanaginipan ko na naman ang nangyari noong nakaraang linggo, ang pinaka malubhang nangyari sa isang estudyante : ma-expell. Ang mas malala, hindi man lang nila ako binigyan ng pagkakataon para mabago ang naging desisyon nila.
Hinatak ko ang kumot para umabot ito sa aking leeg.
Abigail Young
Abigail Young
Sluggishness.
Sobrang bilis ng panahon at ngayon, wala na akong ibang iniisip kundi ang katanungang saan ba ako makakahanap ng bagong paaralan.
Hindi naman ako pwedeng huminto sa pag-aaral. Kung mangyayari man iyon, panigurado ng itatali ako nito ni Auntie sa ilalim ng puno ng mangga.
Pumasok sa isipan ko ang boses ng babae na huli kong narinig bago magising. May pangalan siyang binanggit na hindi ko gaanong maalala.
Ceysha? Cesae yata? Cecile?
Ces. . . ???
Huminto ako sa pag iisip saka napailing.
Wag na nga. Sumasakit lang yung ulo ko kaka alala sa pangalang iyon.
Auntie
Auntie
Abigail! Bumaba ka nga rito, bilis!
Napasimangot ako pagkatapos marinig ang boses na nagmumula sa ibaba. Nakapagtataka kung bakit sinisigawan niya ako nang ganito kaaga. Sa pagkakatanda ko, wala naman sigurong magtatangkang magakyat-bahay sa umaga.
Nilingon ko ang orasan na nakapatong sa mesa katabi ang aparador at napagtantong mali pala ako sa pag-estimate ng oras.
12:49 pm. . .
Sunod-sunod na ang mga araw na late akong nagigising. Okay lang naman sa'kin kung weekends kasi wala naman pasok. . . dati. Dahil ngayon, ano ba ang ikakaganda ng pakiramdam ko kung sa mga nakaraang araw, naging reminder na ang kapalpakan ko ang paggising sa tanghali.
Pagmulat ko pa lang ng aking mga mata, mabigat na damdamin ang palaging sumasalubong sa'kin. Hindi rin nakakatulong na wala akong ibang napapanaginipan kundi ang itsura ng dati kong principal na nakaupo sa office niya at inuutusan akong umuwi.
Auntie
Auntie
Abigail Young! Kapag hindi ka pumunta dito, bubuhusan talaga kita ng mainit na tubig!
Nakaramdam ako ng inis dulot ng sobrang ingay pero agad naman itong naglaho nang maalala kong wala akong karapatang magreklamo o hindi kaya'y sumagot sakaniya dahil ako itong may malaking atraso sakaniya.
Tumayo na ako at patakbong lumabas ng kwarto at saka bumaba para tingnan kung ano ang pinag-iingayan niya.
Nadatnan ko siyang nakaupo sa sofa at hinahasa ang papel na nasa kamay niya. Napadako rin ang aking tingin sa kahon na nasa harap niya. Kulay maroon ito at halos kasing-laki ang mesang pinapatungan nito.
Auntie
Auntie
Abigail. . .
Inangat niya ang kaniyang ulo at tingnan akong naluluha ang mga mata.
Auntie
Auntie
Ang saya-saya ko!
Napatitig lang ako sakaniya. Nalilito kasi ako kung bakit hindi kasiyahan ang nakikita ko sakaniyang mga mata kagaya ng sinabi niya.
Pero teka. Ano nga bang binasa niya?
Humakbang ako papalapit sakaniya para makiusisa.
Abigail Young
Abigail Young
Auntie, ano 'yan? Anong meron?
Sa laking gulat ko, bigla siyang tumalon sa kinatatayuan ko. 'Buti na lang at hindi ako natumba dahil kasunod niya akong niyakap.
Auntie
Auntie
'Di mo na kailangang maghanap ng bagong paaralan o 'di kaya magtrabaho.
Nagtaka ako. Tungkol ba 'yan sa binasa niya?
Bumitaw siya mula sa pagkayakap sa'kin.
Auntie
Auntie
Abby? Bingi ka ba?
Samantalang ako, hindi nakakibo.
Nagsisink-in pa kasi sa utak 'ko ang sinabi niya, kung paano nangyari 'yon. . . at bakit
Hindi matanggal ang tingin 'ko sakaniya dahil wala akong kamuang-muang sa pinagsasabi niya.
Ilang sandali lang at nabasa niya rin sa ekspresyon 'ko kaya inabot niya sa'kin ang papel. Tinanggap 'ko ito at binasa ang nakasulat sa papel na printed at formal ang pagkakaayos :
Olympus Academy
Olympus Academy
To Ms : Abigail Young
Olympus Academy
Olympus Academy
We have heard of your past issues with your last school and have also learned of your hard situation at home. That's why we would like to offer you an opportunity. . .
Olympus Academy
Olympus Academy
A chance to study inside our prestigious and very private school.
Olympus Academy
Olympus Academy
OLYMPUS ACADEMY.
Olympus Academy
Olympus Academy
WITH EVERYTHING FREE-OF-CHARGE!
Olympus Academy
Olympus Academy
Kindly refer to the second paper for more information about your enrollment. Thank you!
Huh. Prestigious and very private?
Free-of-charge? Lahat?
Humalakhak ako pagkatapos mabasa ang imbitasyon mula sa isang marangya at pribadong paaralan na all free-of-charge kuno.
Abigail Young
Abigail Young
Naku, Auntie, 'di kaya fraud lang 'to? School na free-of-charge lahat? Walang gano'n.
Natawa ako kasi unang-una, walang prestigious at private school na libre lahat. Pangalawa, nasa twenty first century na tayo ngayon. Alam 'kong uso na ang student loans at hindi ako ganoon katanga para mahulog sa scam na 'to.
Siguro nga libre lahat sa pagpasok 'ko, pero mas malaki naman ang posibilidad na tambak-tambak ang mga utang pagkatapos 'kong gumraduate.
Auntie
Auntie
Abby. . . ngayon ka lang makakakita ng "fraud school," na nagpadala ng box na school supplies, pati na rin tatlong set ng uniform. . .
Dahan-dahang nabura ang aking ngiti nang sabihin niya 'yon.
Napatingin ako sa kahon na tinutukoy niya. Pabalik-balik ang aking tingin sa kahon at sakaniya. Matagal-tagal rin siyang nakatitig sa'kin at hindi nagsasalita. Ibig sabihin. . .
Abigail Young
Abigail Young
Hin. . . hindi ka nagbibiro?
Umiling siya.
Lumapit ako sa kahon at binuksan ito. Bahagya akong napaatras nang bumungad sa'kin ang tatlong kahon na kulay ginto at bawat isa ay may printed label na nakalagay:
Uniform and necessities. . .
Notebooks and supplies. . .
Books and Enhancement Pads. . .
Nakita 'ko ang isang papel na nakatiklop at nakapatong sa gitna ng mga kahon. Nalaman 'kong may kasama pa itong brochure at map.
Gaano ba kayaman ang school na 'to?
Umupo ako saka binasa ang laman ng pangalawang sulat.
Olympus Academy
Olympus Academy
Ms. Young,
Olympus Academy
Olympus Academy
All you need to bring are clothes that you can wear for the school whole year and the box.
Olympus Academy
Olympus Academy
We also would like to let you know that we will be sending you a private car to fetch you 3 days from now. Please wear the prescribed uniform.
Kusang bumigat ang panga 'ko.
Car. . . ano?
A private car?
Hindi ako nakuntento kaya ilang beses 'ko ulit binasa ang sulat. Tinignan 'ko rin ng maigi ang crest ng Academy na nakaprinta sa ibaba. Kumikinang ang isang golden circle. Sa borders nito, pabalik-balik ang mga katagang: "Alis volat propriis,"
Alis volat propriis. . . may 'konting kaalaman ako tungkol sa ibang languages kaya alam 'kong Latin ito. 'Di 'ko nga lang alam kung ano ang exact translation.
Nakapaloob sa circle ang tila'y bulubundukin sa ilalim ng asul na kalangitan. Pero hindi lang 'yan dahil sa bandang itaas ng mga bundok, ay naroon ang isang pares ng puting pakpak.
Pagkatapos, binasa 'ko ang nasa pinakaibabang bahagi ng sulat. . .
Olympus Academy
Olympus Academy
If you accept our invitation please do sign here.
Agad agad?
Auntie
Auntie
Abby. . . alam mo ba, tinawagan nila ako kanina para siguraduhin 'yung pagdating mo.
Sobrang bilis lumingon ng ulo 'ko sa direksyon niya dahil napakahirap paniwalaan ang nangyayari sa'kin ngayon, lalong-lalo na ang sinabi niya.
Sa pagkakaintindi 'ko kasi, madali lang para sakaniya na maghiwalay kami at ipa-deport ako sa paaralang kakadiskubre 'ko pa lang.
Malay 'ko ba kung anong klaseng Academy 'yan at nangangailangan pa talaga ng pribadong sasakyan para makapunta diyan.
Abigail Young
Abigail Young
Auntie naman. . . sabi dito matagal akong maninirahan do'n tapos sobra pang unfamiliar ng school.
Abigail Young
Abigail Young
Hindi ka ba naw-weirduhan? Ang weird kaya. . .
Auntie
Auntie
Gusto 'ko lang kasing makasiguro na makakapag-aral ka ng maayos.
Bumagsak ang aking tingin sa sahig.
Kinakain na naman ako ng konsensya 'ko. Ako na siguro ang pinakamalaking disappointment kapag hindi 'ko susundin ang kagustuhan niyang makapag-aral ako ng maayos. Ang kapal na siguro ng mukha 'ko kung ire-reject 'ko pa ito pagkatapos ng nangyari.
Auntie
Auntie
Pag-isipan mo ng mabuti.
Inabot niya sa'kin ang isang ballpen saka tumayo.
Auntie
Auntie
Balik muna ako sa kusina.
Sumandal ako sa upuan at panandaliang pinikit ang aking mga mata.
Mukhang wala na akong magagawa. . .
Kasiyahan naman 'to ng nag-iisang pamilya na meron ako.
Inilagay 'ko ang papel sa ibabaw ng mesa at pinirmahan ito.
Abigail Young
Abigail Young
Aya'n. Okay na. Wala naman sigurong mawawala. . .
Biglang nagliyab ang dulo ng papel at mabilis na naglaho pagtapos kinain ng apoy ang kabuuan nito.
Nang magsink-in sa'kin ang nangyari, saka 'ko nabitawan ang ballpen.
Abigail Young
Abigail Young
Patay.
Episodes
Episodes

Updated 1 Episodes

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download MangaToon APP on App Store and Google Play