Chasing Runaway Bride

Chasing Runaway Bride

chasing runaway bride

“V*rg*n ka pa, hindi ba?” tanong ng isang babae. May sinis*ps*p itong lollipop habang naghihintay ng isasagot ni Zariah. Hindi sumagot si Zariah. “Nako! Paniguradong mataas ang ibi-bid sa ‘yo ng mga taong nasa labas kung v*rg*n ka pa. Bukod sa maganda ka, kapag nalaman nila na b*rhen ka pa, magkakandarapa ang lahat makuha ka lang.”

Sa katunayan niyan, she’s no longer a v*rg*n! Matagal niya nang isinuko ang pagkab*b*e niya sa isang lalaking gustong-gusto niya. Ganoon man, kinailangan niya pa rin itong iwanan.

Hindi kumibo si Zari, iniisip na walang kwenta ang perang makukuha niya kung dignidad naman niya ang kapalit.

Pinaghanda na siya dahil siya na ang susunod. Siya ang huling babaeng lalabas at ang sabi pa sa kanya ay siya raw talaga ang hinihintay. Sarkastiko naman siyang ngumiti dahil hindi naman siya natutuwa sa kung gaano siya binibigyang importansya ngayon dito.

Huminga nang malalim si Zariah. Nilulunok ang lahat ng emosyong nararamdaman niya. Kung gusto niyang makaraos sa lahat ng ito, kailangan niyang mamanhid.

Nang tawagin ang palayaw niya ay lumabas na siya. Ang mga lalaking naroroon ay habol tingin sa kanya na para bang handa nang maglatag ng kahit magkanong halaga para lamang makuha siya at makasama kahit sa loob lamang ng ilang araw.

Hindi niya pa rin matanggap na naririto siya ngayon, tila isang bagay o property na ibebenta sa halagang naaayon para sa kanya. Gusto niyang masuka at mandiri sa mga taong gumagawa ng ganito.

Hindi makapag-focus si Zari. Ni hindi niya mailibot ang kanyang mga mata dahil nakatuon lamang ang kanyang titig sa sahig. Ang tanging narinig niya na lamang ay nang sabihin ng aucti0neer na sa isang milyon magsisimula ang b!dding.

Zari scoffed. Dinig na dinig niya kanina na nagsisimula sa mababang presyo muna bago tumaas pero sa kanya ay sobrang taas kaagad ng halaga. Ganoon siguro kahayok ang mga ito sa mga babaeng b*rhen o akala nila ay b*rhen pa at hindi pa nahahawakan ng kahit na sinong lalaki.

May nagtaas ng kanyang numero. Bahagyang napasilip doon si Zari at napairap siya nang makita niya ang isang tumatakbong senador na naririto at nagbi-bid para sa kanya.

Her makeup is too thick to even recognize her. Alam niya na hindi siya makikilala ng kahit na sino kung sakali mang may kakilala siyang biglang sumulpot sa event na ito.

“1.5 million,” sabi ng lalaki.

Pataas nang pataas ang bid para kay Zari. Nawalan na siya ng pakealam. Hinihintay niya na lamang kung sino ang mananalo sa kalokohang ito.

“Going once, going twice—yes, number 100!” sabi ng auctioneer.

As of now, ang pinakamalaking bid kay Zari ay nasa sampung milyon na. Isang matandang negosyante ang may pinakamataas na bid para sa kanya at nang makita niya kung paano siya titigan nito ay kinikilabutan siya. Parang bigla siyang napadasal at nagkaroon ng pakealam na sana hindi siya roon mapunta.

“50 million pesos!”

Nanlaki ang mga mata ni Zari sa narinig. Napatingin siya roon sa lalaking nagsabi nito. Naka-pormal na kasuotan ito ngunit hindi siya iyong tipo na parang may-ari ng malaking kompanya.

“Sold!”

Hanggang matapos ang aucti0n ay wala sa sarili si Zari. Hindi pa rin siya makapaniwala na may gagastos ng 50 million para lang makuha siya at makasama ng ilang araw.

Pinasakay siya sa isang magarang sasakyan at mukhang patungo sila sa isang malaking hotel.

Panay ang pagsulyap niya sa lalaki. Tahimik lamang ito at panay ang pakikipag-usap sa telepono. Nagtataka pa siya bakit ganoon kalaki ang ginastos na pera para sa kanya ganoong parang wala namang interes ito sa kanya.

Nang makarating sila sa isang sikat na hotel ay kaagad siyang iginaya sa elevator. Sa pinakamataas na floor sila nagtungo.

Tumigil ang mga kasama niya nang makaharap sila sa isang suite. Tiningnan niya ang lalaki, inaasahang na sasama siya sa loob ngunit matapos siyang pagbuksan ng pinto ay hindi na ito gumalaw sa kinatatayuan.

“Hindi ka ba sasama sa loob?” Nangangapa si Zari sa bawat salitang bibitawan niya.

Kaagad na sumagot ang lalaki. “No, Miss. Inutusan lamang po akong um-attend ng aucti0n. Hindi po ako ang nagmamay-ari sa inyo. My boss is waiting inside this suite, pumasok na po kayo.”

At iyon na nga ang ginawa ni Zariah. Pumasok siya sa loob ng silid at naglakad patungo sa sala nito. Gusto niya pa sanang purihin ang bawat sulok ng suite ngunit naaalala niya ang sadya niya rito.

Kung ano-ano na naman ang pumapasok sa isipan niya, lalo na sa kung anong klaseng tao ang nanalo sa aucti0n.

Nang makarating siya sa may sala ay nakita niya ang isang lalaking nakatayo sa harapan ng malaking bintana. Ang isang kamay nito ay nasa bulsa at ang isa naman ay may hawak na baso ng alak. Tumikhim siya upang makuha ang atensyon ng lalaki.

Dahan-dahang humarap ang lalaki sa kanya at halos lumuwa ang mga mata ni Zariah nang makita kung sino iyon. Ang lalaking pilit niyang tinatakasan at ang lalaking pinagbigyan niya ng buong pagkab*b*e niya. Ang lalaking itanggi man niya’y mahal na mahal niya.

“A-Azriel!” Nakaramdam ng pagkataranta si Zari nang makita at makilala niya ang lalaki.

Mabilis na inubos ni Azriel ang kanyang iniinom na alak bago lumapit kay Zariah. Kaagad namang umatras si Zari nang mahablot ni Azriel ang kanyang kamay.

“You’re running away again?” malamig na sambit ni Azriel sa kanya. Para namang nanliit si Zariah sa paninitig ng lalaki. Kitang-kita rito ang panlilisik ng kanyang mga mata.

“Bitiwan mo ako, Azriel! Bakit ka ba naririto? Ikaw ang nanalo sa aucti0n?!” giit ni Zariah. Hindi matanggap na nakikita niyang muli ang binata. Tumaas lamang ang kilay nito at hindi sumagot. “What the h3ll?! Bakit ka gumastos ng limangpung milyon para sa akin?! Alam ko na mayaman kayo pero kung waldasin mo ang pera ninyo ay parang napupulot lamang iyon, ah—”

Kaagad naputol ang sinasabi ni Zari nang hawakan ni Azriel ang kanyang baywang at hapitin ito papalapit sa kanya. Umigting ang panga ng binata at mat*lim pa ring tinitigan si Zari.

“I am claiming what’s mine, Zari. I am here to get my runaway bride.”

Episodes
Episodes

Updated 1 Episodes

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play