Nakakainis talaga 'yung kutong lupa na 'yon. Recite pa siya nang recite! Halos magkasagutan na nga kami kasi lahat ng sinasagot ko sa teacher ay mali para sa kaniya. Kulang na lang mag debate kami.
"Mukhang may makakatapat ka na ngayon, Marou" sabi ni Nietta.
Nandito kami ngayon sa bahay nila. May group activity kasi sa MAPEH kaya naman magkakasama ulit kaming mag totropa.
"Asan si Rj?" tanong ko kay Junjun.
"Ewan, mamaya pa yata darating 'yun e" sagot niya sa'kin habang nakahawak ang isang kamay sa pader at 'yung isa naman niyang kamay sinusuklay ang buhok.
"Sina Paul?"
"Parating na raw."
"Kanina pa 'yang otw na 'yan ah? natapos ko na lang 'yung episode 1 ng itaewon class wala pa rin sila" reklamo ko.
8 ng umaga ang usapan e.
Hindi kami matatapos nang maaga nito kung babagal-bagal sila kumilos. Daig pa nila kaming mga babae sa bagal nila.
Ang nakakainis pa kagrupo rin namin si suplado slash kutong lupa!
Dapat kasi 12 ang members sa bawat grupo, eh 11 lang kaming mag totropa at sakto 12 na 'yung ibang groupo. Ayan tuloy, sa'min pa siya napunta.
"They're so tagal naman. I'm running out of patience." walang gana na sabi ni Thea habang nakahilata sa sofa.
Kinuha ko ang cellphone ko at nagchat na sa gc namin.
TURTLES
Maroupok: ANG TATAGAL NIYO NAMAN ANONG ORAS NA OH.
Pauly Miguel Villanueva added Kendmar Richer Gonzales to the group.
Kendmar: typing..
Kendmar: It's already 9:56 AM.
Maroupok: Pilosopo!
AntoNyeta: typing..
AntoNyeta: Chill ka lang gurl.
Paul: typing..
Paul: Malapit na kami. Sorry, Marou. May dala naman kaming hopia, your favorite.
Zha: typing..
Zha: Good, hopiang-hopia na kami na darating pa kayo.
Zha: Mga stupid turtles.
Binatawan ko na ang cellphone ko, ayaw ko makisali sa nalalapit nilang away 'no. Tyaka ayoko makausap 'yung kutong lupa na kendmar na 'yon. Ma-stress pa ako lalo.
"Thea, sa tingin mo ba seryoso sa'kin si Rj?" tanong ni Liya.
"I don't know. I'm not him." mabilis na sagot ni Thea.
Matagal na may something kay Rj at Liya, si Liya parang ayaw naman kay Rj. Mabait naman si Rj, maalaga, gentleman, mapang asar nga lang at higit sa lahat mukhang ML.
"Wag mo nga ako english-in, 'yung sa tingin mo lang?"
"Why? Do you have a plan na sagutin na siya?"
"Hmm. Nevermind. Wag mo na nga lang sagutin." tumayo si Liya para pumunta sa banyo.
Si Nietta nagluluto ng french fries. Si Thea, ayun nakahilata pa rin sa sofa. Si Junjun naman, nag eML. Si Zha, nanonood lang ng TV. Ako, nag iisip na kung ano ang ipepresent namin.
Bakit kasi acting pa ang nabunot ni kutong lupa. Malas talaga siya e.
Malas siya sa buhay ko!
Buti pa 'yung ibang dalawang grupo, sing 'yung isa tapos dance 'yung isa. Tapos sa'min napunta 'yung acting.
Nakakainis lang kasi, 'yung sa sing, mag cocover lang sila ng kanta. Tapos 'yung dance ganun din mag cocover lang din. Tapos etong bwiset na acting, gagawa pa ng script, tapos expected na 'yung tawa muna bago practice hanggang sa ma-perfect. Plus, oral 'to ipepresent.
"May naisip ka na ba?" tanong sa'kin ni Zha.
"Meron na."
"They are here." sabi ni Thea.
Isa-isa na nagsipasok ang mga boys namin, grabe pati sa pagpasok ang babagal pa rin kumilos.
"Oh, hopia mo." inabot sa'kin ni Paul 'yung isang plastik ng hopia.
"Let's start."
Bumilog muna kaming lahat atsaka nag usap usap. Brainstorming para sa gagawin namin.
Kahit naman may naisip na ako, gusto ko pa rin marinig ang suggestions nila.
"Kung gayahin na lang kaya natin 'yung mga patok na lines ng mga artista sa pelikula nila then dagdagan na lang natin ng unique lines na magagawa natin" suggest ni kutong lupa.
"Oo nga, Marou. Masasayang lang lalo ang oras natin kung gagawa pa tayo ng mahabang script." pag sang ayon ni Lou kay kutong lupa.
"E kung wala lang na-late edi sana walang nasayang na oras, diba." parinig ni Zha.
Wala talagang preno bibig niya kaya dami niya kaaway e.
"Zha, that's not good." saway ni Thea.
"I'm sorry, okay? It's my fault kung bakit na-late kaming lahat." sabi ni Xands.
Natahimik lang kaming lahat.
"Hindi nag alarm 'yung phone ko kaya na-late ako gumising. Nagising lang ako nung ginising ako ni yaya kasi pinuntahan pala ako nina Paul." kwento ni Xands.
Siya ang rich kid sa tropa, kaya nga may 'yaya' pa siyang binabanggit.
"I tried to borrow my brother's car para mapabilis kami sa pagpunta rito pero he didn't allow me to use it with these guys." sabi ni Xands.
Ewan ko ba kasi sa kuya niyang maarte, may issue sa tropa namin.
"Okay lang. Ang importante, buhay kayong nakarating dito." tinigil ko na ang pagkwento niya para makapag start na talaga kami.
Alas kwatro na ng hapon nung matapos kami.
Mas marami pa yata kaming tawa na nagawa kaysa sa practice. Sa friday pa naman performance nito kaya patawa-patawa muna kami.
Tapos sa mga susunod na araw mararamdaman ko na ang away na magaganap kapag puro tawa pa rin ang mangyayare.
"Uwi ka na?" nakangiting tanong sa'kin ni kutong lupa.
"Pake mo?" tinalikuran ko siya at tinulungan si Nietta magligpit ng kalat sa sala.
Nagulat naman ako nung bigla akong hinatak ni Nietta papunta sa kusina.
"Ano ka ba, huwag mo naman sungitan si pogi! swerte na nga 'yung nalapit sa'yo ayaw mo pa." bulong sa'kin ni Nietta.
"Anong swerte? Walang swerte dyan! Tyaka tigilan mo nga 'ko, kung gusto mo siya, iyo na!"
"Si Ken na naman pinag uusapan niyo"
Pareho kaming nagulat ni Nietta sa nagsalita.
Nakasandal si Rj sa sink habang nakakrus ang kamay sa harap ng dibdib niya.
Bigla naman dumating si Liya. Napaayos tuloy nang pagkakatayo si Rj.
"Marou, kanina pa kita hinahanap" sabi niya habang naglalakad papalapit sa'kin.
Nakita ko naman si Rj na napasimangot nung nilagpasan lang siya ni Liya.
"Bakit?"
"Pinapasabi ni Thea na hindi raw siya sasabay sa'yo pauwi. Pupunta pa kami sa walter e."
"Sama ako"
"Sure ka?" napatingin siya sa hand watch niya. "Baka pagalitan ka?"
"Nagpaalam naman ako na gagabihin ako."
"Sabay ka na lang kay Zha" comment ni Nietta.
"Magkaiba kami ng daan" sagot ko.
"Eh ayan oh! Kila Rj?" sabi ni Nietta sabay turo kay Rj na nananahimik na nakaupo na ngayon sa dining chair.
"Pareho lang daan namin ni Zha, lahat kaming lalake kasabay namin siya. Sama ka na rin sa'min pauwi, Marou? Kaso magiging tatlo ang sakay mo sa jeep pag sa'min ka sasabay." sabi ni Rj.
Sabagay, kapag sa'min ako dumaan, isang sakay lang ako. Pero pag sasabay ako sa kanila tatlong sakay. Pero pag sasama ako kila Liya, isang sakay lang din pero matatagalan pa rin ang uwi ko kasi mag wwalter pa.
"Sa'kin ka na lang sumabay." sabat ni kutong lupa.
"No, thanks. Sasama ako kila Liya."
"Edi sasama rin ako."
"What do you want ba?" nararamdaman kong nagtatakang nakatingin na sa'ming dalawa ngayon si Nietta, Liya at Rj.
"Ihahatid na nga kita sa inyo ayaw mo pa." sabi ni kutong lupa at aktong aalis na.
"Saan ba daan mo?"
"Kung saan ang daan mo." sagot niya saka siya tuluyang umalis sa kusina.
Napatingin ako kay Liya na nakatingin sa'kin. 'Yung tingin na nang aasar.
"Anong meron?" marahan akong siniko ni Liya.
"W-wala." sagot ko.
Wala naman talaga e, sadyang papansin lang si kutong lupa.
"Sabi ko sa'yo gurl e, grasya na 'yung nalapit sa'yo tinatanggihan mo pa. Nako, lalo kang mamalasin niyan, sige ka." umiiling iling na sabi ni Nietta.
Napailing na rin ako sa pinagsasabi niya. Tinulungan ko na ulit siya magligpit. Si Rj naman, ayun nagpapa-cute na kay Liya sa dining table.
Natapos na kami maglinis at ready na umuwi ang lahat.
"Sama ka talaga sa'min?" nagtatakang tanong sa'kin ni Thea.
Namewang ako sa tono ng boses niya.
"Bakit parang ayaw niyo?"
"Sa'kin ka na nga lang kasi sumama, atleast ako gusto kita kasama." nakangising sabi ni Ken.
"Yiiiiieeeee" asar nilang lahat.
Pa-fall ang kutong lupa.
Sige sabayan kita.
"Okay, gusto rin kita kasama e." sagot ko na ikinagulat niya. Nginitian ko pa siya para kunware true.
Hindi siya nakapagsalita agad. Nagulat na lang kami nung tumawa siya.
"HAHAHAHAHA naniwala ka naman sa'kin? Ayaw kita kasabay 'no. Asa ka." nakangising sabi niya.
Qaqo talaga! Nakakapangsisi na sinabayan ko trip niya!
"Ayokong may kasabay na panget, baka mamaya nyan isipin pa ng ibang tao na ginayuma mo 'ko" dagdag pa niya.
Nagtawanan naman ang mga walang hiya kong kaibigan. Imbis na ipagtanggol ako sa kutong lupa na'to, tinawanan pa ako.
Huhu daddy louis, where are u ba?
Pinalampas ko na lang 'yung sinabi niya, transferee naman siya e. Tuturuan ko na lang siya ng tamang asal kapag tumagal siya sa'min.
Kila Rj na lang ako sumama, kulit niya rin kase. Tahimik lang ako na naglalakad habang ang iingay nila sa daan.
Sino ba naman gaganahan makipagdaldalan kung malapit lang sa'yo 'yung kinabubwisitan mo.
Buti na lang nandito rin si Zha.
"Ba't ang tahimik mo?" tanong sa'kin ni Zha.
"Nakaka-ooffend kasi si Ken"
Napahinga ng malalim si Zha, nawindang naman ang buong pagkatao ko nung sumigaw siya.
"Hoy, transferee!" sigaw ni Zha habang nakalingon sa likuran namin.
Napahinto ang mga boys sa paglalakad.
"Bakit?" sagot ni kutong lupa.
"Lika nga dito!" iritadong sabi ni Zha.
Si Zha ang pinakamatapang at taga pagtanggol sa naaapi niyang tropa. Ang cool niya nga e, medyo boyish kasi siya.
Tinulak ni Zha si Ken papalit sa pwesto niya.
"Diyan ka!" sabi ni Zha. Nagulat naman ako sa ginawa niya!
Akala ko pagagalitan niya si kutong lupa, 'yun pala itatabi pa niya sa'kin!
"Huwag kang aalis diyan hangga't hindi ka nag sosorry kay Marou"
"Bakit? May ginawa ba akong mali?"
Nakatingin lang sa'kin si kutong lupa.
"Marami-rami na, mukha ngang gusto mo pa dagdagan e." sagot ko.
"Arte" bulong niya.
"Anong sabi mo?!" tumaas ang boses ko.
"Hey, bakit kayo nag aaway? Dito pa talaga sa daan?" saway sa'min ni Lou.
Hindi ko sila pinansin at nauna ako maglakad. Nauna akong sumakay ng jeep, 'di ko na sila hinintay sa inis sa kutong lupa na 'yon.
Pasalamat siya transferee siya, kung hindi baka natikpan niya na ang sampal ko.
Kinuha ko ang earphones ko at marahas kong sinaksak sa tenga ko. Gusto ko mag relax! Pero nabubwiset pa rin ako kay Ken!
Matiwasay akong nakauwi sa bahay, nagsayang pa ako ng pamasahe sa tatlong byahe na 'yan. Mas okay pala na umuwi na lang ako mag isa kaysa sa makasabay ang kutong lupa na 'yon! Nasayang na nga ang pera ko, nabwiset pa ako!
Saktong dinner na nung dumating ako. Hindi naman nagalit si mama kasi nagsabi ako sa kaniya kanina na baka gagabihin ako.
Minsan ayoko na umalis ng bahay para may kasama si mama dito. Wala man lang kasi akong kapatid, si papa naman 24/7 sa trabaho niya.
Kinuha ko ang phone ko para mag online. Napataas ang kilay ko nung may nag pop up na unfamiliar chat head.
Clinick ko agad 'yon at nakita kong accout pala ni kutong lupa 'to.
Kendmar is waving at you.
Yung profile picture niya na nasa chat head, top less siya tapos naka shades na akala mo naman ang taas ng araw tapos nakatingin sa malayo.
Feeling pogi.
Marou: what?
Kendmar: I'm sorry. ✌
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Updated 21 Episodes
Comments