See You Again
(Leira's POV)
April 23 2025
Summer na naman..
Napakatagal ng panahon mula nang makita ko s'ya. It's been 10 years since I last saw him.
Naaalala pa kaya n'ya yung pangako namin sa isa't isa? Yung pangako na magkikita ulit kami sa dati naming tagpuan? Sa dati naming lugar na pinaglalaruan.
Sana.
Sana naaalala n'ya pa kasi ako kahit kailan hindi ko 'yun nakalimutan, kahit kailan hindi ko s'ya nakalimutan.
"Leira, ikaw na yung susunod na magpeperform. Prepare yourself." -sabi sa'kin ng manager ko.
namanina kong sagot sa kanya bago nagretouch ng make up ko.
Isa akong singer, hindi ko alam kung sikat akong matatawag dahil nagsisimula pa lang naman ang career ko. Nadiscover lang ako nang manager ko ngayon sa isang restobar kung saan ako sumasideline bilang isang singer sa gabi at cashier sa umaga.
"Leira, labas ka na!" -sigaw sa'kin ni Ate Cheng, yung manager ko.
Agad akong tumayo at nagmamadaling lumabas mula sa dressing room habang umuusal ng dasal para sa katagumpayan ng performance ko mamaya.
"Akyat ka kaagad sa stage pag tinawag na 'yung pangalan mo ha." -nakangiting sabi sa akin ni Ate Cheng habang inaayos ang gilid ng bahagyang nalukot kong damit.
"Opo Ate. Salamat po." -nakangiti kong sagot sa kanya.
"Wag kang kakabahan ah. This is your fourth time singing on stage kaya wala ka nang dapat ikabahala. The crowd loves you. Always remember that, okay?" -nakangiti pa ring sabi nito tsaka iniikot ako paharap sa lona/kurtina na tumatabing sa backstage.
"I will Ate. This is for my dream." -determinadong sabi ko sa kanya.
"Let's welcome on stage, the new born diva. MS.LEIRA VALDERRAMA!"
-narinig kong pag-aannounce ng Emcee na nasa stage din ng mga oras na 'yun.
Napangiti ako at nawala ang kaba sa dibdib ko nang makarinig ako ng masigabong palakpakan mula sa mga manonood kasabay nang walang tigil na pagche-cheer sa pangalan ko.
" Leira ! Leira ! Leira ! "
"We love you Leira!"
"Marry me Leira!"
"Sing for me Leira!"
Sinong mag-aakala na ang dating gusgusing bata na tulad ko ay hahangaan at iidolohin ng mga tao?
Pangarap ko lang 'to dati. Pangarap na akala ko ay hindi ko kakayaning abutin pero ngayon ay abot-kamay ko na.
Lumabas na ako mula sa backstage kung kaya naman lalong lumakas ang sigawan at palakpakan ng mga tao.
"It seems that Ms.Leira really captures the heart of her viewers." -nakangiting sabi ng Emcee bago iniabot sa'kin ang microphone.
"Thank you. Thank you very much!This is all because of you guys." -nakangiting sabi ko sa emcee at sa mga manunuod ko na patuloy pa ring sumisigaw at nagpapalakpakan.
"I will dedicate the song that I'm going to sing to my beloved fans and viewers and to my very special friend. I hope that he's watching and listening right now." -sabi ko na tumingin pa sa camera na umiikot sa stage para sa live telecasts nito sa TV all around the world. Ngumiti ako ulit bago nagsimulang kumanta.
It's been a long day,
without you my friend
and I'll tell you
all about it
when I see you again
we've come a long way
from where we began
and I'll tell you
all about it
When I see you again.
When I see you again.
Damn who knew
all the planes we flew
Good things we've been through
That I'd be standing right here
talking to you
'bout another path.
I know we loved to hit
the road and laugh
But something told me
that it wouldn't last
Had to switch up
look at things different
See the bigger picture
those were the days
hard work forever pays
Now I see you in a better place.
How could we not
talk about family
when family's all that we got
Everything I went through you
were standing there by my side.
And now you've been gonn
with me for the last ride
It's been a long day
without you my friend
And I'll tell you
all about it
when I see you again.
We've come a long way
from where we began
And I'll tell you all about it
When I see you again
When I see you again.
First you both
go out your way
And the vibe
is feeling strong
And what's small
turn to a friendship
A friendship turned
into a bond.
And that bond
will never be broken
And the love will
never get lost.
And when brotherhood
come first
Then the line will
never be crossed.
Established it on our own
when that line had to be drawn.
And that line is
what we reached.
So remember me
when I'm gone.
How could we not
talk about family
when family's all that we got.
Everything I went
through you
were standing there
by my side
And now you be gonn
with me for the last ride.
So let the light
guide your way.
Hold every memory as you go.
And every road you take
Will always lead you home.
Its been a long day
without you my friend
And I'll tell you
all about it
When I see you again.
We've come a long way
from where we began
and I'll tell you
all about it
When I see you again.
When I see you again.
When I see you again...
Natapos ko na ang kanta pero nananatili pa rin akong nakapikit. I want to feel the silence of this place.
I really hope that he is listening right now. Nakangiting naisip ko habang unti-unting dumidilat.
Masigabong palakpakan ang bumasag sa katahimikang ninanamnam ko kanina. Nakangiti akong kumaway at nagbow sa harap ng mga nagchecheer na audience.
"Oh my God! Amazing performance! right people?!" -tanong ng emcee sa mga manunuod.
"Yes!!!" -sabay-sabay naman nilang sigaw na lalong nagpalawak sa ngiti ko.
"I really can't believe na ikaw yung kumakanta Ms.Leira. I thought you're going to sing a love song but what amaze me the most is you singing a song with rap in it. It is incredibly shocking and amazing and you've really done well. Congratulations Ms.Leira for a job perfectly done." -nakangiting bati sa akin ng emcee bago ako kinamayan at inabutan ng bouquet of roses.
"Thank you po! All I can say is, I sang that song with all my heart in it. This is all for you guys." -tuwang tuwa ko namang sabi habang inaabot ang mga bulaklak tsaka muling kumaway sa mga manunuod bago lumabas patungong backstage.
"You did it Leira! I'm so proud of you!Hindi talaga ako nagkamali sa pagpili sa'yo." -tuwang-tuwa na sabi sakin ni Ate Cheng pagkatapos n'ya kong salubungin sa backstage.
"Thank you po. Salamat sa chance na ibinigay n'yo." -naiiyak kong sagot sa kanya.
"Shh...There's no need to cry, okay?marami pa tayong pagdadaanan bago natin marating ang tuktok, tsaka na tayo umiyak pag nandun na tayo." -natatawang sabi ng manager ko habang pinupunasan ang luhang nagsimula na palang tumulo mula sa mga mata ko.
"As a prize for this, I'll grant your request of a one week vacation in your province." -nakangiti pang pahabol nito na ikinatuwa ko nang sobra.
At last magkikita na din kami ng bestfriend ko.
"Thank you manager!" -ngiting ngiti kong sabi sa kanya.
"O s'ya sige, ihahatid na kita sa apartment mo para makapagsimula ka nang makapag-impake at para makapagpahinga ka pa kahit papano. Sigurado ka bang ayaw mo talagang ihatid kita sa probinsya n'yo?" -tanong ni Ate Cheng habang isa-isang inilalagay sa bag ang mga gamit ko sa dressing room.
"No need Ate. I can take care of myself." -nakangiti ko pa ring sagot sa kanya habang tumutulong na rin ako sa pagliligpit nang mga pinagbihisan ko.
**********
April 24 2025
"Leira mag-iingat ka doon ha. Bumalik ka kaagad." -paalala ni ate Cheng habang naghihintay kami sa bus na sasakyan ko pauwi sa probinsya.
Alas syete pa lang nang umaga at alas otso pa ang alis nang bus na patungo sa probinsya namin kaya naman nakaupo lang kami sa mga bench doon para sa mga pasahero.
"Opo, may importanteng bagay lang po akong aasikasuhin doon. Babalik agad ako pagkatapos. Salamat po Ate. Sasakay na po ako sa bus ha, baka maubusan pa po ako ng upuan eh. Ingatan n'yo rin po dito yung sarili n'yo ha." -pagpapaalam ko sa kanya tsaka ko isinuot ang shades ko at nagsuot ng baseball cap para sa disguise ko.
Habang bumabyahe ako ay nakikinig ako ng music sa ipad ko at hindi ko maiwasang hindi mapangiti nang tumugtog ang favorite song ko, kasabay ng bawat lyrics ng kanta ay muling binalikan ng isip ko ang nakaraan.
(Flashback)
Nandito na naman ako sa ilalim ng puno, nagpapalipas ng oras habang nakatingin sa malawak na karagatan. Mag-aalas dos na ng hapon pero hindi pa rin ako kumakain, ayokong umuwi kahit gutom na ako dahil siguradong papagalitan lang ako lalo ng tiyahin ko. Wala na naman kasi akong naiuwing pera mula sa pamumulot ng plastic at mga bote. Ayokong paluin n'ya ulit ako kaya ayos lang kahit malipasan ako nang gutom. Naramdaman ko ang muling pagkalam ng sikmura ko kaya hindi ko napigilang hindi umiyak.
"Lord, bakit mo po ba kinuha agad si nanay at tatay? Mag-isa na lang tuloy ako! Kawawa naman po ako Lord!" -umiiyak na sabi ko habang nakatingin sa langit.
"Hahaha!para kang tanga bata!"
Nagulat ako nang marinig ang boses na iyon kaya naman lalo akong naiyak dahil wala namang tao sa paligid ko.
"Lord sorry na po! Hindi na po ako magrereklamo! Promise! Magpapakabait na po ako! Wag n'yo na po ako takutin! Ayoko po ng mumu! huhu!" -sabi ko habang nakapikit na nagdadasal.
"Hahaha! Ayoko nga! Mumultuhin pa rin kita! Awooo! Awooo!"
Lalo akong naiyak dahil sa sinabi ng mumu. Atras ako ng atras kaya hindi ko na napansin na malapit na ko sa gilid ng dulo nang tulay.
"Ho-hoy bata! Wag kang umatras!" -nakita kong sigaw ng bata na lumabas mula sa likod ng puno pero huli na dahil naramdaman ko na ang mabilis na pagkahulog ng katawan ko sa tubig.
Wala akong ginawa kundi pumikit na lang. Ito na yata yung sagot ng Lord sa dasal ko. Dadalhin N'ya na siguro ako sa magulang ko.
Naramdaman ko ang paghila sa akin ng isang kamay paangat sa tubig. Gusto kong manlaban at sabihing 'wag na lang, ayoko na rin namang mabuhay pero hindi ko na kaya, nanghihina na ako dahil sa matinding gutom at pagod kaya naman hinayaan ko na lang ang kung sinumang tagapagligtas ko.
Nagising ako na nasa barangay clinic na ako. Nandoon si tita, akala ko ay magagalit s'ya sa akin pero ngiting-ngiti s'ya. Yun pala ay binayaran s'ya ng magulang ni Lorenz. Si Lorenz ang batang nanakot at nagligtas sa akin. Bakasyunista pala sila sa lugar namin.
Mula ng araw na may mangyari sa akin ay araw-araw akong dinadalaw ni Lorenz. Lagi n'ya kong inaayang maglaro na ikinagulat ko naman dahil hinahayaan akong sumama ni tita sa kanya. Napalagay ang loob ko sa kanya. Naranasan kong sumaya dahil sa kanya. Lagi n'yang pinapalakas ang loob ko at sinasabing balang araw matutupad ko din ang mga pangarap ko.
Napakasaya ko nang mga panahon na 'yun. Akala ko hindi na matatapos pero parang gumuho ang mundo ko nang sabihin nya sakin na aalis na sila at pupunta na sa ibang bansa. Ang sakit-sakit talaga nung nagpapaalam na s'ya sakin.
"Lei, sorry ha. Hindi ko kaagad nasabi. Ayoko kasing malungkot ka." -malungkot n'yang sabi sa akin nang puntahan n'ya ako ng umagang 'yun, araw ng alis nila.
"Galit ako sa'yo Renz! Iiwan mo din pala ako! Para kang si nanay at tatay! huhu." -umiiyak kong sumbat sa kanya.
"Wag ka ng umiyak Lei. Babalik naman ako eh! Pangako! Babalikan kita!" -naiiyak na ring sabi ni Lorenz sakin.
"Ta-talaga? Babalik ka? Magkikita tayo ulit?" -humihikbing tanong ko sa kanya.
"Oo naman! Babalik ako para sa'yo! Kailangan lang kasi talaga naming umalis eh pero babalik ako. Pangako 'yan!" -nakangiti n'ya ng sabi sakin.
"Sige papayag na kong umalis ka pero wag mo kong kakalimutan ah! Dapat tuparin mo yung pangako mo!" -sagot ko sa kanya habang pinapahiran ang luha sa mga mata ko.
"Opo! Hinding-hindi kita makakalimutan. Gusto ko magkita tayo after 10 years sa lugar din na'to. April 25 tayo unang nagkakilala diba? Ganung petsa din! Hihintayin kita!" -nakangiting sabi ulit ni Lorenz sakin.
"Oo Lorenz. Hihintayin kita dito. Hindi ako aalis hangga't hindi ka dumadating." -sabi ko naman na pilit s'yang nginingitian.
"Hindi Lei. Umalis ka dito at tuparin mo yung pangarap mo! Magaling kang kumanta diba? Gusto kong maging singer ka para pag nagkita na tayo, naabot na natin yung mga pangarap natin. Ipangako mo na aabutin mo yung pangarap mo dahil pag hindi, hindi na ako babalik. Sige ka! Hindi mo na ko makikita!" -nakangiting pananakot n'ya pa sakin.
"Ang daya mo naman eh! Sige na nga! Basta pag singer na ko dapat balik ka na ah." -nagsusumamong sabi ko sa kanya.
"Oo. Babalik ako pag natupad mo na yung pangarap mo. Kantahan mo naman ako para may maibaon naman ako sa pag-alis ko." -hiling n'ya sa akin.
Humilig ako sa balikat n'ya tsaka ko s'ya kinantahan ng paborito naming kanta.
Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako at paggising ko, wala na ang bestfriend ko. Umalis na sila nang hindi man lang ako nakapagpaalam sa kanya. Wala akong nagawa nun kundi umiyak lang nang umiyak. Wala na ang savior ko, wala nang magtatanggol sakin mula sa tiyahin ko.
Lumipas ang 5 taon na wala sya, wala kaming kahit anong komunikasyon. Pinilit kong magpakatatag at tumayo sa sarili kong mga paa hanggang sa lumuwas ako ng maynila para tuparin ang pangako ko sa bestfriend ko.
(End of Flashback)
Nandito na ako ngayon sa probinsya namin. Sa wakas, nandito na ulit ako. Inayos ko ang shades at cap na suot ko tsaka humakbang papasok sa looban ng eskinita papunta sa bahay ng tiyahin ko.
"Si Leira na ba yan? Artista na yan diba?" -rinig ko ang bulungan ng mga taong nakatambay sa labasan kaya naman mas binilisan ko pa ang paglalakad. Ayokong maging dahilan ng kaguluhan dito.
"Tao po? Tiya Lita nandyan po ba kayo? Si Leira po ito." -mahina kong sabi habang kumakatok.
"Sino ba 'yan? Aba'y gabi na eh, nambubulahaw pa!" -narinig kong naiinis na sabi ng tiyahin ko habang palapit s'ya sa pintuan.
"Tiyang, kumusta na po?" -nag-aalangan kong bungad sa kanya pagkabukas n'ya ng pinto.
Literal s'yang natulala nang makita ako kaya naman kinailangan ko pang iwagayway ang kamay ko sa harap ng mukha n'ya para matauhan s'ya.
"Ikaw nga ba 'yan Leira?" -gulat n'yang tanong nang mahimasmasan na s'ya.
"Ako nga po tiya." -nakangiti kong sabi tsaka s'ya niyakap.
"Diyos ko! Leira ikaw nga. Ikaw na bata ka, akala ko'y wala ka nang balak umuwi dito sa atin." -sabi ng tiya ko na nagsisimula na palang umiyak.
"Shh..Wag po kayong umiyak. Pasensya na po." -naiiyak ko na ring sabi.
Doon ko lang naisip na wala na ang lahat ng tampo at hinanakit sa puso ko. Afterall, s'ya pa rin ang nagpalaki at kahit papaano'y nagpaaral sa akin simula nang mawala ang mga magulang ko.
Nang gabing iyon ay nag-usap kami tungkol sa mga nangyari dati at nagkapatawaran na din kami. Nagsalo rin kami sa hapunan at pagkatapos ay nagpahinga na kami tutal naman ay gumagabi na rin.
Natulog ako nang may ngiti sa labi, sa wakas, bukas na ang pinakahihintay kong araw.
**********
April 25 2025
Kakasikat pa lang nang araw ay nagmamadali na akong bumangon mula sa aking higaan. Kailangang mauna ako sa aming tagpuan, siguradong masusurpresa s'ya dahil dati ay lagi akong nahuhuli dahil sa kabagalan kong kumilos. Ngiting-ngiti akong nagpaalam sa tiya ko na noo'y nagluluto ng agahan.
"Napakaaga pa ah, saan ba ang tungo mo?" -nagtatakang tanong nito sa akin.
"Sa palaruan at pahingahan ko po dati. May kikitain lang po ako." -abot tenga ang ngiti na sabi ko.
Napakunot ang noo ko nang nakita ko ang pangambang bumadha sa mukha n'ya.
"Ang sinasabi mo bang kikitain mo ay ang kababata mong bakasyunista dati?" -nag-aalalang tanong n'ya sa akin.
"Ah opo. Naaalala n'yo pa po pala si Lorenz." -nakangiti ko pa ring sabi.
"Oo naman. Maraming naitulong satin ang pamilya ng bata na 'yun. S'ya ang nagpagawa ng kalahati ng bahay na'to na nasira ng nakaraang bagyo." -hindi makatinging sabi n'ya sa akin.
"Talaga po? Umuwi po ba s'ya dati dito?" -nagtataka kong tanong.
"Oo, nung nakaraang buwan lang." -mahina n'yang sabi.
"Naku, kailangan ko na pong umalis tiya. Baka maunahan pa ko ni Lorenz sa tagpuan namin. Siguradong aasarin na naman ako nun." -natatawa kong sabi tsaka inayos ang mga gamit na dadalhin ko doon.
"Leira, mag-iingat ka sa pagpunta doon at wag mong kakalimutang nandito lang ang tiya para sa'yo." -malungkot n'yang sabi sakin bago tumalikod at ipinagpatuloy ang naantalang pagluluto.
Naguguluhan man ako sa sinabi ni tiya ay ipinagpatuloy ko pa rin ang paglabas ng bahay. Nangingibabaw sa akin ang kasabikang makita si Lorenz kaya naman ipinagwalang bahala ko lang ang sinasabi ni tiya. Mamaya ko na lang siguro ulit yun itatanong sa kanya.
Naiiyak ako habang palapit ako nang palapit sa special place namin ni Lorenz.
Naunahan n'ya na naman ako.
Malayo-layo pa lang ako ay natatanaw ko na ang isang munting kubong nakatayo sa tabi ng punong paborito naming pagpahingahan ni Lorenz at sa ibabaw ng bagong gawang tulay ay makikita ang isang malaking arko na may nakaengrave na,
WELCOME BACK LEIRA!
Nagmamadali akong umakyat sa tulay para makatawid agad sa kabila habang inililibot ko ang tingin ko sa paligid. Sobrang naiiyak ako dahil alam kong pinaghandaan n'ya talaga ang muli naming pagkikita makalipas ang maraming taon.
Sa wakas, nasa harapan na ako ng kubo at napatakip ako sa bibig ko nang makita ko ang iba't ibang larawan ko na nakasabit na parang dekorasyon sa iba't ibang parte nang kubo.
Larawan ko nung magkasama pa lang kami ni Lorenz nung mga bata pa kami. Picture ko na natutulog at tanda ko pa na kinuhanan 'to sa araw ng pag-alis nila patungong ibang bansa. Pero ang talagang ikinagulat ko ay ang mga larawan ko nung mga panahong wala na s'ya. Paano s'ya nagkaroon ng mga ganung picture?.
May picture din ako dito ng paluwas pa lang ako ng maynila, pictures nung nagsisimula na akong kumanta sa restobar, pictures nang una kong performance sa stage, pictures nang mga guestings ko sa dalawang magkaibang show at pati na picture ko while singing on stage nitong nakaraang araw lang bago ako umuwi dito sa probinsya.
Pinapasundan n'ya ba ako or should I say na binabantayan pa rin pala n'ya ko all this time.
Nung mga panahong akala ko ako na lang mag-isa, kasama ko pa rin pala s'ya.
Natatawa and naiiyak ako at the same time, he is really full of surprises.
"Lorenz! Tama na 'to! Lumabas ka na dyan! Oo na, nasurprise mo na ko!Napaiyak mo pa kaya sige na, labas ka na! I want to see you now." -nagpapahid ng luhang sabi ko.
Dinukot ko mula sa maliit kong pouch yung press powder ko para magretouch ng make-up ko. I want to look presentable in front of him kaya naman dali-dali kong inayos ang mukha ko.
"Lorenz?!" -tawag ko ulit sa kanya.
Inikot ko na ang buong kubo pero wala pa rin s'ya kaya naman naisipan kong ikutin naman ang labas ng kubo.
"Lorenz! Stop playing hide and seek, okay? Show your face to me." -I demandingly shouted while walking pero napatigil ako at natulala nang makita ko ang isang bagong gawang malaking lapida sa gilid ng punong pahingahan namin ni Lorenz.
Hindi ko alam kung saan ako kumuha nang lakas para ipagpatuloy ang paghakbang ko palapit sa lapida pero namalayan ko na lang na nakatayo na ako sa harap nito.
In loving memories of
Prince Lorenz Del Valle.
July 19 1998 - April 23 2025
Para akong nauupos na kandilang unti-unting bumagsak sa tabi nang lapida pagkatapos kong mabasa ang mga salitang iyon.
Is this a joke?
Anu bang nangyayari? Naguguluhan na'ko eh.
"Lorenz?! Lorenz hindi ako nagbibiro ah! Lumabas ka na dyan! Magagalit na ko sa'yo! Sige ka, hindi na ko magpapakita kahit kailan sa'yo kapag hindi ka pa lumabas dyan!" -namamaos ko nang sigaw sa paligid ko.
"Hindi 'to magandang joke ah! Ayoko ng biro mo!" -umiiyak kong sabi habang nakalupasay sa tabi ng lapida n'ya.
I don't care kahit hindi na ko mukhang presentable basta magpakita lang s'ya. Wala akong pakealam kahit pagtawanan n'ya ko basta magpakita lang s'ya. Kahit tawanan at takutin n'ya ako kagaya ng ginawa n'ya ng una kaming magkita noong mga bata pa kami. Ayos lang basta magpakita lang s'ya at sabihin n'ya saking joke lang ang lahat.
Napatingin ako sa tulay. Tandang-tanda ko pa yung nangyari noon, lumabas s'ya ng makita n'ya dating malalaglag ako sa tubig. Dahan-dahan akong tumayo at lumapit sa dulo ng tulay, baka sakali, kagaya ng dati..lumabas ulit s'ya at iligtas ako.
Kung ito lang yung paraan para makita ko s'ya ulit, gagawin ko.
Ipinikit ko nang mariin ang mga mata ko at inihanda ang sarili ko sa pagtalon pero bago ko pa naramdaman ang pagbagsak ng katawan ko sa tubig ay naramdaman ko ang paghawak sa braso ko at ang malakas na paghila sa akin palayo sa dulo ng tulay.
Nanatili akong nakapikit, ang lakas ng tibok ng puso ko.
Umaasa ako na sa pagdilat nang mga mata ko ay s'ya ang makikita ko pero laking dismaya ko nang ibang tao ang makita ko.
"Ku-kuya Giay? Kuya..si Leira po ako. Na-nasaan po si Lorenz?" -nagpipigil nang iyak kong tanong sa kanya.
"I'm sorry Leira, pero wala na si Lorenz. Iniwan n'ya na tayo." -malungkot na sabi ni Kuya Giay sakin.
"Kuya naman eh! Ayan nga yung mga ginawa n'ya para sakin oh! Nasaan ba kasi s'ya?!" -umiiyak nang sabi ko habang itinuturo ang kubo at ang arkong nasa tulay.
"Leira, sinubukan ka n'yang hintayin pero hindi na kinaya ng katawan n'ya. Mahal na mahal ka ng pinsan ko Leira. Tanggapin mo nang wala na s'ya." -malumanay na sabi sakin ni kuya habang iginigiya ako palapit sa kubo.
Pinaupo n'ya ko doon tsaka inabot sa akin ang isang sulat.
"This is his letter for you. Read it, I will wait for you outside." -sabi ni kuya bago tinapik ang balikat ko at tuluyang lumabas sa kubo.
Nanginginig ang mga kamay ko habang binubuksan ang sulat.
Unang salita pa lang na nabasa ko ay agad nang nahilam ng luha ang mga mata ko.
To my Dearest Leira,
Lei, kung binabasa mo ang sulat na ito ngayon,ibig sabihin lang ay hindi ko natupad ang pangako ko sa'yo.
Lei, sorry kung hindi na kita nahintay ah. Sorry kung pinaasa kita sa pangako ko pero Lei, kung alam mo lang kung gaano kita gustong makita at kahit sandali man lang ay makasama, pero wala eh, hindi ko na talaga kinaya kaya sana patawarin mo ako.
Alam mo ba nang una kitang makita sa punong ito habang umiiyak ka, naisip ko na, "mas mabigat kaya kaysa sa problema ko yung problema ng batang 'to? ang lakas kasi ng iyak n'ya eh."
Nung narinig ko na tinatanong mo ang Lord kung bakit kinuha n'ya agad ang parents mo dun ko narealize na oo nga, mas mabigat ang pinagdadaanan mo kasi kahit I know that I'm dying already, I still have my mom and dad with me kaya that time I've decided na I'll do everything to make you happy habang buhay pa 'ko.
Yes, alam kong malapit na akong mawala nang mga panahon na 'yun pero ang galing kong magtago 'no? Napasaya naman kita diba? Sana OO ang sagot mo kasi talagang masasaktan ako kapag HINDI.
Lei, I treasured every memories that we shared. Hinding-hindi ko ipagpapalit sa kahit na anumang bagay o kayamanan dito sa mundo ang mga sandaling kasama kitang tumawa at magsaya.
Kung maibabalik ko lang 'yung oras at panahon na nasayang ko..sana hindi na lang ako umalis noon. Sana hindi na lang kita iniwan at sana nakasama mo 'ko habang inaabot mo yung pangarap mo.
I'm very proud of you Leira!
Sabi ko na nga ba, you'll make it to the top. :)
Salamat sa pagbibigay sa akin ng pag-asa. Dahil sa'yo, nagkaroon ako ng lakas ng loob na labanan ang sakit ko. Natuto akong umasa na baka sakali, mabuhay pa ako at gumaling sa sakit ko, na baka sakali makasama pa kita nang mas matagal pero hindi ako pinalad eh.
Mahal na mahal kita Lei, alam kong mga bata pa tayo noon pero ramdam ko sa puso ko na totoong mahal talaga kita. Tinuruan mong mangarap at maging masaya ang puso ko. Wag mo sanang isipin na iniwan na kita, just like your parents, I'll guide you with them here in heaven.
Salamat sa pagtupad mo sa pangako mo. Salamat dahil hindi mo ako kinalimutan. Salamat sa paghihintay. Salamat sa lahat lahat.
Until we see each other again, my love and my beloved friend. I'll wait for you.
PS.
Kahit papaano, pinilit ko pa ring tuparin ang pangako ko.
Whenever you're sad just come back here. I'll listen to your stories just like the old days.
Welcome back my friend.
Welcome back Leira. :)
Yours Forever,
Lorenz
Ang sakit naman. All this time naghihintay pala s'ya sakin. Nahuli ako nang dating eh. Hindi ko naabutan yung taong dahilan kung bakit ko pilit na inaabot ang pangarap ko.
Umiyak lang ako nang umiyak sa harapan ng puntod n'ya while wishing na sana nakikita n'ya kung gaano ako nasasaktan sa pagkawala n'ya, silently hoping na maramdaman kong nasa tabi ko lang s'ya.
"Ang daya mo naman Lorenz eh, akala ko magkikita pa tayo, akala ko ba babalikan mo 'ko kapag natupad ko na yung pangarap ko?! Akala ko magkakasama na tayo after 10 years tapos mang-iiwan ka lang pala! Ang daya-daya mo eh, akala ko pagkatapos nang 10 taon pwede na kitang makasama nang mas matagal pero wala ka na eh, iniwan mo ko! Iniwan mo na naman ako!" -humahagulgol na sumbat ko sa harapan ng puntod n'ya.
Sobrang sakit sa pakiramdam na umasa ka ng sobra, nag-expect ka ng sobra at muli kang nagmahal at nagtiwala ng sobra pero wala na pala. Hindi mo na pala makakasama yung taong naging dahilan nang muling pagbangon mo.
"Lorenz paasa ka eh, paano na 'ko?!" -umiiyak ko pa ring tanong sa kanya.
"Leira tama na 'yan. Yan ang dahilan kung bakit ayaw ni Lorenz na malaman mo ang tungkol sa sakit n'ya. Ayaw ka n'yang makitang nahihirapan at nasasaktan nang dahil sa kanya." -mahinang sabi ng pinsan ni Lorenz na nasa likuran ko na pala.
"Kuya, galit ako kay Lorenz! Ang daya-daya n'ya kasi. Iniwan n'ya ko Kuya!" -nagsusumbong kong sabi dito habang patuloy pa rin sa pag-iyak.
"Shhh. Wag mong sabihin yan. Kahit kailan hindi ka n'ya iniwanan. Nakikita mo yang kubo na yan? S'ya ang nag design n'yan. Sigurado daw kasing matutuwa ka kapag nalaman mong nag-effort s'ya para sa'yo. Yung puntod n'ya na yan, ipinakiusap n'ya sa parents n'ya na dyan s'ya ilibing para pwede mo s'yang puntahan anytime. Lahat ng nangyayari sa'yo alam n'ya. Hindi ka n'ya iniwan Leira. Remember that." -nakangiting sabi ni Kuya Giay sakin habang nakatingin s'ya sa kubo.
"Bakit hindi man lang s'ya nakipagkita sakin kahit minsan Kuya?" -humihikbing tanong ko.
"Sandal ka muna sa balikat ko."
Napatingin ako sa kanya na ikinangiti n'ya naman tsaka s'ya na mismo ang naglagay ng ulo ko sa balikat n'ya.
"Pinasandal kita kasi binilin sakin yan ni Lorenz, sigurado daw na pag nalaman mo na kung anong nangyari sa kanya, iiyak ka nang iiyak at siguradong mapapagod ka kaya kakailanganin mo ng shoulders to lean and to cry on." -natatawang sabi n'ya na naging dahilan nang muling pagdaloy ng luha mula sa mga mata ko.
Kahit alam n'yang mawawala na s'ya ay ako pa rin ang inaalala n'ya. Nasasaktan at nahihirapan na s'ya pero ako pa rin ang inuuna n'ya.
"Ayaw n'yang makipagkita sa'yo kasi natatakot s'ya sa magiging reaksyon mo. Natatakot s'ya sa maaari mong gawin." -sabi ni Kuya na tumingin naman sa tulay.
"Tatanggapin ko s'ya kuya! Aalagaan ko s'ya! Hinding-hindi ko s'ya pababayaan!" -naiiyak ko na namang sabi.
Biglang tumawa si Kuya Giay pagkarinig nang sinabi ko kaya naiinis akong umalis sa pagkakasandal sa balikat nya at masamang tumingin sa kanya.
"Anong nakakatawa?! May nakakatawa ba ha?!" -may bahid ng galit ang boses kong tanong sa kanya.
"Wala Lei, wag kang magalit. Natatawa lang ako kasi tama pala ang predictions ni Renz. Ganyan nga daw ang sasabihin at gagawin mo kapag nakita mo s'ya at nalaman mo ang kalagayan n'ya." -nakangiting sagot n'ya sa akin.
"Talaga? Kung ganun pala, anong ikinatakot n'ya?!" -naguguluhan ko nang tanong.
"Natatakot s'yang talikuran mo ang lahat maging ang mga pangarap mo para lang sa kanya. Natatakot s'yang makita mo ang mga paghihirap na pinagdadaanan n'ya. Natatakot s'yang makita mo s'yang unti-unting nawawala. Natatakot s'ya na iwanan mo ang lahat ng meron ka ngayon para lang sa kanya kaya kahit anong pilit ang gawin at sabihin namin sa kanya, pinili n'ya pa rin na wag magpakita at ipaalam ang kalagayan n'ya sa'yo. Ganun ka n'ya kamahal Lei, ayaw n'yang makita kang nasasaktan at nahihirapan kaya tama na Lei, wag ka nang umiyak. Gusto ka n'yang maging masaya at maging matagumpay sa pagkamit ng mga pangarap mo kaya 'wag ka ng malungkot para maging masaya na s'ya sa langit. Matatahimik at magiging masaya lang s'ya kung makikita n'yang maligaya ka na rin kaya naman you should move forward. okay?" -teary eyed na sabi sa akin ni kuya.
Speechless lang ako pagkatapos kong marinig yun mula kay kuya.
Nakakapanghinayang.
Nakakapanghinayang na hindi ko man lang nasuklian ang pagmamahal ni Lorenz para sa akin. Napakasarap sigurong pakinggan ang mga salitang yun kung sa kanya mismo nanggaling.
******************
Sa loob nang isang linggong bakasyon ko ay minabuti kong tumira sa kubong ipinagawa ni Lorenz. Sinasamahan ako ni tiya sa gabi at umuuwi lang s'ya sa umaga. Dinadalaw din ako palagi ni Kuya Giay. Ikinukwento n'ya sa akin ang mga nangyari kay Lorenz habang hinahanapan nila ng lunas ang sakit n'ya sa ibang bansa. Ikinukwento n'ya rin sa akin kung gaano ako kamiss ni Lorenz, kung paano itong nag-aalala sa akin. Hindi ko akalain na sa loob pala ng sampung taon ay pinapasubaybayan n'ya ang mga pangyayari sa buhay ko. Nakakalungkot lang isipin na alam n'ya ang mga nangyayari sa akin pero wala akong kaalam- alam sa hirap na pinagdadaanan n'ya.
"Renz, aalis na ko mamaya. Tutuparin ko yung pangako ko sa'yo. Panoorin mo ko mula dyan sa langit ha. Panoorin mo kung paano kong aabutin ang mga pangarap natin, yung pangarap mo para sa akin. Aabutin ko yun at muli akong babalik dito. Ikukwento ko sa'yo lahat-lahat nang mangyayari sa akin habang tinatahak ko yung pinili nating daan. Hintayin mo ulit ako ah..pangako Renz, pangako babalikan kita. Salamat sa lahat bestfriend. Salamat sa pagtupad mo nang pangako mo. Salamat sa pagmamahal mo. Mahal na mahal din kita best, mahal, na mahal, na mahal." -umiiyak kong sabi habang nakaupo sa harap ng puntod n'ya.
Inayos ko na ang gitarang nasa tabi ko tsaka nagsimulang magstrum,
"I dedicate this song to my one and only bestfriend, yung bestfriend kong walang inisip kundi yung kapakanan ng bestfriend n'ya, yung bestfriend ko na sobra sobra kung magmahal to the point na kinalimutan n'ya na pati sarili n'ya. I love you best, this song will remain forever as OUR SONG."
It's been a long day,
Without you my friend
And I'll tell you
All about it
When I see you again.....
When I see you again.....
Ang kantang yun...
Hindi ako mapapagod na bumalik at paulit-ulit na kantahin yun sa kanya, sa bestfriend ko, sa first love ko..
Aalis akong muli pero babalik at babalik ako para tuparin ang pangako ko sa kanya.
Dumaan man ang mahabang panahon,alam kong muli kaming magkikita.
Hindi man ngayon pero darating ang panahon na mapupuntahan ko na s'ya sa lugar na kinalalagyan n'ya ngayon.
Sa tamang panahon best friend..
Paalam..
Until I
SEE YOU AGAIN...
★★★★★THE END★★★★★
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Comments