Into The Woods (Tagalog)
I roam my eyes looking for a book hope to see that can hook my interest. I sigh deeply as i reached the end of library and still saw nothing.
Niligpit ko na ang gamit ko sa lamesa bago umalis, late na rin pala at kanina pa ang uwian kaya pala hindi pa umaalis ang librarian dahil nasa loob pa ako. Nagpaalam na rin ako sa tagabantay bago lumabas.
"Czarina nandito ka pa pala?"
"Yes miss I'm sorry galing po kasi ako sa library"
"Ok sige may kasabay ka ba sa pag-uwi?"
"Im fine Miss Dazan nag-cocommute po ako lagi mag-isa, ingat po kayo bye!" nagpaalam na ako sa adviser ko at nagpara ng tricycle para makauwi.
Pagdating ng bahay ay agad akong dumeretso sa kusina at naghanap ng pagkain, shems~ kaunti na lang pala stock ko rito, hindi pa ako nakakapag-groceries.
Nagpakulo ako ng tubig at kumuha na lang ng tinapay, as usual mag nonoodles uli ako. Wala akong kasama sa bahay at independent ako, tungkol naman sa allowance, si Papa ang nagpapadala lahat ng mga pangangailangan ko. Lagi syang busy at kung minsan si butler Fed na lang ang nakakausap ko sa telepono kung tatawag ako sa kaniya. Si Mama naman ay wala na, 14 years old ako noon ng pumanaw sya kaya nahirapan akong mag-adjust dahil bukod tanging si mama lang naman ang nag-aalaga sakin noon.
Am I introvert? I guess yes. Bihira lang akong makisalamuha sa iba, I don't have any friends and I'm not a person who loves outing. I don't like noises and I'm not a talkative person. Kaya tuwing walang pasok at kapag free time ko, nag-stay lang ako sa loob ng bahay. Isa sa nagbibigay ng peace of mind sakin ay ang pagbabasa. Yeah i love reading books, novels and mangas, it's kinda interesting because I like the way my imagination went wild. Isa sa mga gusto kong genre ay mystery na may pagka-thrilled. Minsan pa nga masyado akong nadadala sa mga nababasa ko like I'm one of those characters.
I wonder if it happens in real life? ano kaya feeling nun? Siguro nakaka-excite na nakakatakot at nakakakaba?
Nah~ alam kong walang totoo sa mga yan because they're only a fiction, gawa lang sila ng isip ng tao.
After maluto ng noodles ay kumain na ako.
(**Tomorrow**)
"Hmmm" nandito ako sa couch nakahiga habang nagbabasa.
\***RINGTONE**\*
Kinuha ko saglit ang cellphone at nakitang nagmessage pala si Papa.
***Hey my princess i can't transfer your allowance for now, I'll make it up to you tomorrow. Take care love you***~
Kumunot bigla ang noo ko at tinignan ang wallet, 900 na lang ang natitira sakin, kasya pa naman ito hanggang bukas.
Time check 11:00PM, nagbihis na ako at ready ng umalis. Humarap muna ako sa salamin tsaka inayos muli ang uniporme.
.
.
.
.
.
"He's the prince yet he don't know what to do about his charm? C'mon may kasama siyang avatar, mas malakas na sila compare sa mga elemental curse!" It's me, nadala na naman ako sa binabasa ko.
Napahinto ako ng makaramdam ng malamig na hangin, may bagyo ba? maaraw naman ah? Nagpatuloy ako sa paglalakad habang hinihimas ang braso.
Naramdaman ko uli ang malamig na hangin at napataas na ang balahibo ko, gosh! Tirik ang araw saan ba nanggagaling ang hangin na yun? Napalingon ako sa gilid at naestatwa sa kinatatayuan.
*Forbidden Forest*
(**AtengSenyora's Note: eto po ang itsura👇**)
![](contribute/fiction/5665521/markdown/21765679/1663240700868.jpg)
Sa tagal ko sa lugar na ito ngayon ko lang nabigyang pansin ang gubat dito. Halos lahat ng mga tao rito ay iniiwasang mapadaan sa gubat na ito kaya pinipili ng iba ang sumakay at magshortcut....
Napalunok ako habang tinititigan ang gubat na ma-puno at madilim sa bandang dulo, maraming sabi-sabi na mapanganib ang lugar na ito, ang sino mang pumasok ay hindi na muling makakabalik kaya nilagyan nila ng harang at karatula na nag sasabing
*DANGER*
*Forbidden forest*
Umalis na agad ako sa kinatatayuan at hindi na nilingon ang gubat. Lakad-takbo ang ginawa ko dahil gusto ko ng malagpasan ang nakakatakot na gubat na yun!
Napabuga ako ng hangin ng makarating sa school, ngayon ko lang uli naramdaman ang init dahil pinagpapawisan ako habang papasok sa gate ng Unibersidad. Saktong pag pasok ko sa room ay ang pagpasok din ng Professor namin sa unang subject, itinuon ko na lang ang pansin sa pakikinig habang malakas pa rin ang pintig ng aking puso.
\*\*\*
"Ahm Czarina eto nga pala yung notes na hiniram ko, maraming salamat" tumango na lang ako at tipid na ngumiti saka inabot ang notebook.
"May pupuntahan ka ba? Gusto ko sana magpasama sayo" sya na nakayuko, I don't know her name even though were classmates. Hindi kasi ako magaling sa pagkabisa ng pangalan.
"Mag grogrocery ako mamaya hehe"
"Great! Tara sa mall, sabay na lang tayo mamaya. " Wala akong nagawa kundi pumayag wala rin naman kasing problema sakin eh.
Pagkatapos ng klase ay dumeretso na kami sa mall. It's my first time na may nagpasama sakin at sinamahan ako.
"Tara unahin muna natin yung sayo, mag-grocery muna tayo" siya saka ako hinila sa braso
"How about you?"
"Mamaya na lang after mo makapamili" ngiting ngiti niyang sabi.
Bumili ako ng de lata, chips, fruits, vegetables, juice and frozen foods. Sinama ko na rin pati sabon at shampoo syempre yung kakasya lang sakin ang kinuha ko. Mahigit 800 rin pala lahat ang nagastos ko at 100 na lang natitira sakin, kaya pa hanggang bukas.
"Tara na?" Aya ko sabay kuha ng grocery bag
"Ah eh wala ka na bang ibang pupuntahan? Gusto mo mag-ikot ikot muna tayo?" Napakunot noo ako sa tanong niya
"Wala, namili lang ako para may stock. Akala ko ba magpapasama ka?" Nakataas kilay kong tanong
"Ahmm hehehe nahihiya kasi ako" nguso niya sabay yuko
"saan?"
"Makikipagmeet kasi ako ngayon sa isang tao, dito meeting place namin hehe"
"Nakilala mo lang sa facebook?" Taka kong tanong
"Oo actually kanina pa daw sya nandito sa mall, kaso nahihiya lang talaga ako at hindi ko alam ang gagawin kaya nagpasama ako sayo"
"Bakit hindi mo sinabi? Kanina pa pala sya nandito pinaghintay mo pa ng matagal?"
"Samahan mo na lang ako Czarina please? Nasa food court daw sya ngayon."
"Tss~ tara na" ngiwi kong sagot, hindi ko kasalanan kung ma-scam ka.
Pagdating namin sa food court ay chinat niya yung kameet up niya, mayamaya may dumating na lalaki sa harapan namin.
"Ahm hello sorry kung naghintay ka ng matagal, sinamahan ko lang yung friend kong mag-grocery" nahihiya niyang sabi
"No it's ok, inentertain ko rin naman sarili ko habang naghihintay" sabay ngiti nito ng ubod ng tamis.
Tila namula naman itong katabi ko sa kaharap niya, well gwapo naman sya matangkad, maayos ang buhok, maayos ang pananamit at maganda ang ngiti. So anong parte ko rito? Third wheel?
"Gusto niyo munang kumain? C'mon my treat"
"Nakakahiya naman Calli" yung kaklase kong namumula pa rin
"Sorry pero kailangan ko ng umuwi, marami pa kasi akong gagawin sa bahay." singit ko
"Ganun ba? Kumain na ba kayo?" Calli
"Sa bahay na lang ako kakain" dagdag ko pa
"Sige ok lang Calli, nagpasama lang naman ako sa kanya. Sensya na sa abala Czarina pero maraming salamat pa rin." Saad niya ng nakaharap sakin
"Sigurado ka ba sa kanya?" Hindi kasi ako nagtitiwala agad sa bagong kakilala pa lang.
"Oo magdidinner lang kami rito tapos uuwi na rin, salamat sa pag aalala" nakangiti niyang sabi
"Sige una na ako, take care bye!" Paalam ko sabay talikod, may concern pa rin naman ako kahit na hindi ako ganun palakaibigan.
\*\*\*
Pag kauwi ko sa bahay ay humilata ako sa couch habang iniikot ikot ko yung braso ko, wala naman akong mabigat na ginawa ngayon pero bakit ang bigat ng pakiramdam ko.
Pagkatapos ko kumain ay tsaka ako dumeretso ng kwarto at kinuha ang librong hindi ko pa tapos basahin.
.
.
.
.
.
*Cza*...
*ri*...
*na*...
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Comments