meaning of adventure

malaking pagsisisi kung nakisali aku.. hindi ko naman po sadya.. pero laking pagsisisi talaga ang nasa akin...

pero kahit na ganun marami akung natutunan..

alam ku kung paanu humawak ng baril.. either short or long... kaya kung linisin kahit mag isa lang ako...

natutunan ku rin mag self defence... at natutu din akong mag observe sa plaligid sa mga tao. its like.. when theres a case your like investigating it by silent...

at pina ka importanteng natutunan ko ay ang magmasahe.. mga joints sa mga parte ng katawan natin...

hindi ko nga alam may advantage din ang pagsama ko sa kanila...

pero pinaka brutal ay yung mga nakikita mong sa murang edad hindi dapat makita..

kagaya lang nang pag galaw sa babae kapag nagustihan kahit na pinagpapasa pasahan nila... kaya maraming nga mas bata pa sa akin..

minsan.. naglalakad kami.. may kasama kami may malaking sugat sa paa niya.. may nurse kaming kasama pro wala siyang gamot kaya tinalian na lang niya ng damo at may nilagay siyang dahon. gamot daw ang tubig nun... kayat paika ika yung kasamahan namin.. naawa na kami ni ate alyas catherine pero wala kaming magawa..

its like im also hurting seeing him like that... lalo na at madaling araw yun.

nagalit ang leader namin bat daw ang bagal niya...

bumulong si ate catherine sa akin;

kawawa talaga.. ang tanga nang leader natin no inday, kita nga niyang nagpipilay sinabihan pang mabagal siya.. tskkk.

hayaan mu na ate, pero nakaka awa talaga sagot ku sa kanya..

hanggang sa naka ilang oras na kami sa paglalakad.. naiwan pala ung kasama naming pilay..

Hindi na namin alam kung tutulungan namin oh hindi. Hanggang sa ngalit na ung leadwr namin..

Anu ba! Tatanga tanga kasi. You walk like a h turtle! Sigaw niya sa kasamahan namin.

Kapag ikaw naiwan bahala ka sa buhay mu! Walang tutulung sa kanya! Dito patigasan ng katawan at palakasan ng loob. Pero walang lalabas na hindi namamatay. Dahil isa kan spy kung tatakas ka.. Naintindihan niyo? Pasigaw na sabi ulit ng leader namin..

Alam mu inday siya ang pinaka malupit na leader. Bulong ni ate catherine sa akin..

Nagulat lang ako at natakot.. Iniisip ko kung paanu ako aalis sa ganung klaseng buhay.

Halos ganun na lagi ang routine namine.. Lalakad sa gabi, pagsapit ng umaga maghahanap ng matutulugan. Hanggang sa umabot ng mahigit isang taon na nandun ako sa ganoong sitwasyon..

hanggang isang araw na my pulong kami. Kailangang my bumaba sa grupo namin at maghanap ng kasama at makakain.. Malapit lang kami sa isang barangay nun.. Siguro mga dalawang oras lalakarin yon.. Pinag uusapan namin kung sinu ang bababa kinagabihan para maghanap ng pagkain..

Naki usap ako kay ka george ung isang barkada ko para sumama sa kanila.. Alam nila ang sitwasyon ko at alam din nila na gustung gusto ku nang umalis don..

pumayag siya at naki usap sa leader na isama ako para daw masanay ako at alam ko ang gagawin sa susunod.. Buti nalang at pumayag ang malaupit naming leader.. daladala ko ang binigay nilang lumang caliber 45..

3 kami na bumaba kasi ang iba sa ibang barangay ang rota nila..

Habang nasa daan kami tinanung ko ung barkada ko kung anung gagawin para maka alis ako na hindi mahalata ng isang kasama namin...

Gumawa siya ng plano para sa aming dalawa... Hanggay sa nakaramting kami sa barangay Bekigan..

dun kami nagstay sa isang rice granary para hintayin ang umaga.. Kinaumagahan... Nagpalit kami ng damit at iniwan namin ung malalaking bag na dala namin.. Mga sling bag lang kung saan kasya ang 45 na baril ang dala dala namin...

Namasyal at nakitulong kami sa mga tao sa barangay na yun para may makuha kaming pagkain..

pagsapit ng gabi. Dun na namin sinimulan ang plano kung paano aku bababa sa poblacion na hindi malalaman ng isang kasama namin..

Laking tulong ang ginawa ni ka george para maka alis ako.. pasado alas dos na nang naka alis ako sa barangay Bekigan at iniwan ko ang dalawa kong kasamahan...

Episodes

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play