"MUM"
"Darling Happy Birthday!" sabi ni Mum at niyakap ako.
"Happy Birthday Andrea" sabi naman ni Tita.
"Thank You Tita"
"By the way later ibibigay ko sayo ang aking gift"
"Thanks Tita" sabi ko at ngumiti naman ito at bumaling kay Claish kapagkuwan ay tinanong ang pangalan niya si Mum naman ang sumagot pagkatapos ay nagpaalam muna ako saglit sa kanila sinama ko na rin si Claish nakita naman ako kaagad ni Dad kaya naipakilala na rin ako sa mga business partner niya.
Umupo muna kami ni Claish sa bar counter at umorder na rin ng drinks. Maya maya ay nakita namin si Clay at Rap na mukag hinahanap kami itinaas ko naman ang aking kamay para makita nila kami. Nagkwentuhan pa kami at ibinigay nila kaagad ang mga regalo nila sa akin.
"Thank You Claish"
"Thanks Rap"
"Yung sakin later pa ha. Hindi ko macontact" aniya at busy sa kanyang cell phone.
Lumipas ang ilang minuto ay nagsimula na ang program. Tinawag naman ako ni Dad para tumaas sa maliit na entablado dito.
"Good Evening everyone! Thank you for attending my birthday and I would like to say thank you to my Mum and Dad for giving me this kind of birthday celebration. I hope you enjoy the party. Thank You!" I said to them pumalakpak naman ang mga ito sa sinabi ko may naririnig naman akong bumabati sa akin ngumingiti na lamang ako bilang tugon.
Bumaba na ako sa maliit na entabladong iyon at nag simula naman ang isang malimuyos na musika at halos lahat ay nagsasayaw na sa bulwagan muli akong bumaalik sa table namin nakita ko naman si Claish.
"Bakit ikaw lang ang nandito asan yung dalawa?"
"Hay alam mo naman iyong dalawa naghahanap na naman iyon" sabi niya.
Natapos na ang pagsasayaw itinigil muna ito saglit dahil pagkain na ang kasunod nito. Nasa iisa na kaming lamesa si Tita Lara, Mum at Dad habang ang katabi ko naman ay si Claish katabi naman ni Claish ay Rap at si Clay naman ang katabi nito sa kabila. Isa isa ng lumapit sa amin ang mga waiter and waitress napansin ko naman sina Clay at Rap mukang sinisilihan ang mga pang upo at inilalagay ang kanilang maikling buhok sa gilid habang tumitingin sa mga nagseserve na waiter sa amin.
Ilang minuto pa ay dumating na si Luke.
"Sorry Mom, Tita Sharlane, Tito Alexander. I'm late" aniya at umupo na sa bakanteng upuan katabi ni Tita Lara.
"It's okay hijo" sabi naman ni Mum sa kanya.
"Where's your Father?" tanong naman ni Tita.
"He's busy Mom he said may kailangan siyang tapusin pero may ibinigay syang gift for Andrea" sabi niya at tumingin sa akin.
"Happy Birthday Andrea" aniya kapagkuwan ay itinagilid nito ang kanyang ulo at tiningnan si Claish.
"Thanks" sabi ko sa kanya na hindi parin inaalis ang mga tingin nito sa kaibigan ko mukang na mumukaan niya ito. Tumingin ako kay Luke napatingin naman ito sa akin itinaas ko naman ang isa kong kilay para ipaalam sa kanya na 'wag ang kaibigan ko' pero nginisihan niyang ako.
Huh! Hindi ka din naman nito mapapansin dahil babaero ka.
Tiningnan ko naman si Claish na mukang hindi mapakali sa inuupuan niya at bahagya pa itong naka tungo hinawakan ko naman ito sa braso.
"Are you okay Claish?" sabi ko sa kanya at tumingin naman ito sa akin halata sa mukha nito na kinakabahan tumanho naman ito. Tahimik lamang kaming kumakain habang sina Mum at Tita Lara naman ay nagkwekwentuhan patapos na din naman kami ng magsalita si Claish na pupunta lamang ito ng Comfort Room tinanong din ito ni Tita Lara at Mummy dahil halata sa mukha nito ang pagkaputla sasamahan ko na sana siya ay tumanggi ito kaya hindi n ako nagpumulit pa tumungo na ito sa Comfort Room habang ako ay itinuloy ko na lamang ang pagkain ko.
Ano kayang nangyari don?
Maya maya pa ay tumayo na din si Luke nag excuse din itong may pupuntahan lamang. Paminsan minsan ay isinasali ako nila Rap at Clay sa kanilang pinagkwekwentuhan. Ilang minuto pa ay nagpaalam sina Tita Lara at Mummy na aalis muna sila dahil may kakausapin silang mga kakilala nila ganon din si Dad kaya kami na lang tatlo ang natira dito sa table.
"Andrea!" medyo pasigaw na sabi ni Clay habang hawak nito ang cell phone niya.
"Dumating na pala iyong ipakikilala ko sayo" sabi niya at lumapit sa akin at inayos ang buhok ko "Dapat mas lalo kang maganda pag nakita mo sya paniguradong magugustuhan mo iyon. Isa syang Vet Doctor kilala ko sya dahil ito din yung Doctor ng aso ng aking kapatid kaya kilalang kilala ko ito. Mabait iyon Andrea kaya wag mong sungitan. Okay?" pagpapaliwanag niya sa akin habang tinitingnan ang ayos ko.
"Clay are you sure ipakikilala mo talaga ako?"
"Oo gaga mabait iyon ano kaba? And he's single ready to mingle" maarte niyang sagot umirap na lamang ako.
"Fine. But if I find him boring aalis ako"
"Boring huh? Sige tingnan natin. Pumunta kana sa veranda nandon na siya naghihintay. Go girl!. Itaas mo ang ating bandera!" aniya at inilagay pa ang isa niyang kamay sa baba niya na ibig sabihin ay ang kagandahan. Napailing na lamang ako sa kanila dahil nakisali na rin si Rap.
I don't know but sa tuwing papalapit ako sa may veranda ay kinakabahan ako.
Huminga ako ng malalim at tumingo na doon. Nakatalikod ito sa akin at tumitingin sa kung saan.
Kinalaro ko muna ang aking boses bago magsalita "Ahmm. Hello you are the-" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil humarap na ito sa akin ganon na lang gulat ko ng si Napkin - Boy ang nandito.
Sya?
Meow
Saka ko lang napansin ang karga nito. Isang pusa?
Hindi ako nakapagsalita ng humarap ito mukang natanggal ata ang dila ko. Nagulat din ito pagkakita sa akin.
Ngumisi ito "You again?. So ikaw pala ang sinasabi sa akin ni Clay"
"Kapag sineswerte ka nga naman"
"What did you say?" tanong ko sa kanya dahil hindi ko naintindihan.
"Nothing. By the way happy birthday" aniya at ibinigay sa akin ang isang puting pusa tinanggap ko naman ito kinarga ko naman ito at nag isang meow naman ito.
"That's my gift, Clay said you love animal and I think you like cat"
"Thank You wala pa akong alagang pusa. I have dog Ophie is her name" tumango naman ito.
"She like you" ani nito habang tinitingnan ang pusang karga ko hinipo hipo ko naman ang ulo nito na mukang nagugustuhan niya dahil ikinikiskis nito ang kanyang ulo sa aking kamay natuwa naman ako dahil don.
"She?"
"Yes. Inampon ko siya wala naman na sigurong may ari niyan. Nakita ko siya sa daan umuulan noon at basang basa sya at may malaki syang sugat sa kanyang paa tinulungan ko sya at dinala sa clinic. She's smart and good listener"
Nakita ko naman ang sugat niya sa may paa at medyo naghihilom na ito mabalahibo ito at mataba kulay puti ito.
"What is her name?"
"Hindi ako mahilig magbigay ng pangalan sa mga hayop. Kaya ikaw na lang ang magbigay sa kanya ng pangalan"
"Shasta" sabi ko habang nakatingin pa rin sa pusa.
"Shasta? Pretty name. Bakit naman iyon?"
"Shasta meaning Precious Water. Diba sabi mo nakita mo ito sa ulanan. That's why I call her Shasta" tumango naman ito sa sinabi ko.
"Let's go outside. Garden?" tumango naman ako sa sinabi niya habang karga karga ko pa rin si Shasta. Lumabas na kami ng veranda ng makita ko si Clay na mukang hihimatayin na sa pagkakaupo habang katabi si Claish ngumiti naman ako sa kanila. Panay ang sabi ko ng 'Thank You' sa mga nakakasalubong namin dahil sa binabati ako paminsan ay binibigyan nila ako ng regalo halos hindi na ito mahawakan dahil karga ko si Shasta.
"Ako na" kuha niya sa lahat ng ibinigay sa akin na regalo.
"Thank You" sabi ko sa kanya.
Nandito na kami sa may upuan sa garden walang tao dito kaya tahimik.
"So you're a Veterinarian Doctor?"
"Yes"
"What's your name?"
I heard him chuckled "My bad I forgot to say that"
Tumawa ako sa kanya.
"I'm Jaz"
"Just Jaz?"
"Why? Complete Name ba dapat?" tumawa naman ako dahil sa sinabi niya.
"I'm Jaz Gregore a Vet Doctor, 4 years in my profession. I'm 26 years old now I have one sibling, I am the youngest and my older sister is an OB - GYN Doctor. My height is 175 cm, my weight is-"
"That's okay you don't have to say all your information. Pangalan lang okay na" ani ko sa kanya habang hinahaplos si Shasta sa ulo mukang tulog na ito dahil ramdam ko ang malalim nitong paghinga.
"How about you, your name is Andrea right?. Tell me about yourself"
"Muka naman ako nitong magkakaroon ng interview sa work" ani ko "I'm Andrea Viana Zanses and I'm 22 now I'm the only child of Mr. and Mrs. Zanses I like animals, dog, cat and rabbit. I'm Third Year College taking Business Administration. That's all, Thank you?" biro ko sa kanya ngumiti naman ako sa sinabi ko tumingin naman ako sa kanya at nakatitig ito sa akin kumunot naman ang aking noo mukang natulala na ito. Ikinumpas ko naman ang aking kamay at bumalik naman ito galing sa pagkakatulala.
"Sorry"
"So Vet Doctor kana man diba? Okay lang bang sayo ko na lang ipacheck si Ophie? Pag may time ako ay kukunin ko sya sa amin. Hindi ko kasi sya dinadala sa condo dahil walang mag aalaga sa kanya doon kaya si Mum na muna ang nag aalaga sa kanya"
"Walang problema. Ang bata mo pa pala ano?" tumingin naman ako sa kanya.
"Bata? Apat na taon lang naman ang tanda mo sa akin"
"Pero wala pa akong nagiging kaibigan o nakikipagkilala na mas bata sa akin"
"Bakit mas gusto mo ba iyong lagpas 30 na?"
"Huh? Hindi naman"
"You want women with experience?"
"What? Of course not. Saan mo naman iyan nalaman?"
"I hear that to my male classmates. They always talk about women with experience to se-"
"Stop that Andrea" sabi nito sa seryosong boses.
"Why? Kinukwento ko lang naman-"
"And you comfortable talking that topic sa mga bago mong kakilala?"
"Why? Anong masama doon?"
"Ganan kaba mag entertain ng mga manliligaw mo?"
"Hindi ako nag eentertain ng boys"
"So anong tingin mo dito?. Sa akin?" aniya at itinuro ang sarili.
"Why? Nililigawan mo ba ako?" tanong ko sa kaniya mukang nagulat naman ito.
"No but-"
"Hindi mo ako nililigawan kaya walang reason kung bakit dapat hindi ko iyon sabihin"
"Pero hindi pa rin iyon dapat sabihin lalo at lalaki ako at babae ka"
"You know you look like my older brother. Mukang kapatid mo akong babae na may ginawang kasalanan kaya pinagsasabihan"
"This girl..."
"Huh may sinasabi ka?" tanong ko sa kanya ang hilig niyang bumulong bulong na parang bubuyog.
"Nothing" aniya bigla namang tumunog ang aking cell phone kaya kinuha ko ito sa dala kong Giorgio Armani clutch bag at binuksan ito.
𝑪𝒍𝒂𝒊𝒔𝒉𝒕𝒉𝒆𝒑𝒂𝒍
𝐖𝐡𝐞𝐫𝐞 𝐚𝐫𝐞 𝐲𝐨𝐮?
Text niya kaya saglit ko naman itong nireplayan.
𝐌𝐞
𝐈'𝐦 𝐡𝐞𝐫𝐞 𝐨𝐮𝐭𝐬𝐢𝐝𝐞 𝐭𝐡𝐞 𝐛𝐚𝐫. 𝐈𝐧 𝐭𝐡𝐞 𝐠𝐚𝐫𝐝𝐞𝐧.
Nang maisend ko na ito ay hindi na siya ang replay.
"Sino iyon?" tanong niya na hinihipo na rin ang ulo ni Shasta na nasa kandungan ko.
"My bestfriend Claish. Tinanong lang ako kung nasaan ako"
"She's tired kaya nakatulog ka agad siya"
Tumingin naman ako kay Shasta ng may naalala ako. Tumingin naman ulit ako sa kanya.
"By the way sa girlfriend mo ba iyong binili mong napkin sa store nung una tayong nagkita?" tanong ko sa kanya bigla naman itong tumungo a tumingin sa damo.
"Fuck"
Hindi ko naman ito masyadong naintindihan dahil pabulong na naman niyang sinabi.
Tumingin ito sa akin "No it's my sister inutusan nya lang akong bumili para daw sa kaibigan nya break time ko non at nasa duty pa sya" tumango naman ako sa sinabi niya.
So he's free. I'm happy to know that he's single.
"You know you're cute while reading every single detail sa hawak mong napkin lalo na nung tinanong mo ako sa with wings and withou-"
"Hey stop!. Nahihiya na nga ako non" sabi niya napatawa naman ako dahil sa sinabi niya.
"Yeah obvious naman dahil namumula ang tainga mo" tumatawa pa rin ako tumingin naman ako sya sa akin at tumitig nakita ko naman ang pagkamangha sa kanyang mukha.
"Why?"
Umiling ito "Wala naman"
"Hindi ka pa ba nagkakaroon ng boyfriend?" na bigla naman ako sa tanong niya.
"Meron noong High School ako pero secret relationship yung naging set up namin dahil sobrang strict ni Dad.
"Kahit ngayon din ba strict ang Dad mo?"
"Oo. Hindi niya ako pinapayagang mag entertain ng boys. Kaya mas pinili kong dito tayo para hindi gaanong mapansin"
Kita ko naman ang pag ngiti nito "Of course magiging strikto talaga iyon dahil sobrang ganda mo"
"Pardon?"
"Sabi ko magiging strikto talaga iyon dahil nag iisa ka nilang anak"
"Siguro ganon nga"
Meow
"Hi baby" ani ko at isiniksik naman ng Shasta ang kanyang ulo sa aking tiyan kaya mas niyakap ko pa ito.
"Hi Shasta ang swerte mo naman"
"Paanong maswerte?"
"Dahil may mag aalaga na sa kanya"
"My problem is hindi ko siya maisasama sa condo dahil hindi ko naman ito maalagan at mababantayan kapag sa bahay naman baka malungkot lang sya doon"
"Kung ganon ay pwedeng sa akin muna sya para maalagaan"
"Oo sayo muna sya bibisitahin ko na lang siya kapag awas ko na sa school. Nga pala saan ang clinic mo?"
"Medyo malayo dito, kapag may time ka text mo na lang ako para masundo kita" aniya.
"Kung ganon anong number mo?" hindi nito sinagot ang tanong ko kinuha niya ang kanyang cell phone at may tinype doon. Bigla namang tumunog ang cell phone ko kaya tiningnan ko ito.
"That's my number save it"
"Paano mo nakuha ang number ko?"
"Clay" simple niyang sabi.
"Andrea!"
Lumingon naman agad ako sa pinangalingan ng sumigaw nakita ko si Clay na tumatakbo at palapit ito sa amin.
"Andrea" aniya at tumigil muna para huminga bago nagsalitang muling.
"What happened?"
"May....may kaguluhang nagaganap sa taas"
"Ha?!"
"Si Luke at Clark. Nagsuntukan sila. Ayon mas na puruhan si Clark at napahiga pa nga sa isang lamesa doon sa taas ayon nasira ang isang lamesa sa lakas ng tulak ni Luke" pagpapaliwanag ni Clay. Ibinigay ko muna kay Jaz si Shasta nagising ulit ito. Tumingin naman ako kay Jaz.
"Pupunta muna ako sa taas sasama kaba?"
"I'm okay here. Pumunta ka muna sa taas"
Tumango ako "Okay babalik ako. Bye for now baby Shasta at hinalikan ko naman ito.
Meow
Napatawa naman ako dahil nagreact ito. Umalis na kami ni Clay at pumasok na ng elevator ng tumunog ito hudyat na nandito na kami sa third floor kita ko naman agad sila nandoon sina Tita Lara na inaawat si Luke, si Mum at Dad naman ay nandoon din habang si Claish ay nakatayo halata dito ba nagulat din sya sa nangyari agad ko naman itong pinuntahan.
"Claish are you okay?" tanong ko tumango naman ito.
Umalis na si Luke at sinundan naman ito ni Tita Lara habang si Clark naman ay inalalayan ng mga waiter na makatayo.
May hinihintay na daw na mag aasist kay Clark para ipunta sa hospital dahil malakas daw ang pagkakahiga nito kanina. Habang hinihintay namin ay nag paalam muna akong lalabas lang. Umuwi na sina Mum at Dad dahil inaantok na si Mum nagpaalam naman ako sa kanila.
"Jaz!" tumingin naman ito sa direksyon ko medyo nagulat pa ito naranig ko din na kinakausap niya si Shasta.
"Anong nangyari?"
"Yung pinsan ko may nasuntok kailangan naming ipunta sa hospital siguro uuwi na rin kami pagkatapos. Kaya umuwi kana rin maybe next time na lang tayo magkita. Bye my baby Shasta"
"Okay. Ingat kayo" ani naman niya. Pinapunta ko naman ang mga pinapunta ditong katulong ni Mum at ipinadala ko ang aking mga nakuhang regalo kanina.
Pagkatapos kong magpaalam kay Jaz at Shasta ay bumalik ulit ako. Pumunta na kaming hospital para macheck kung okay lang si Clark pagkatapos ay isa isa na kaming umuwi si Clark na ang naghatid sa amin sa condo. Humingi na din ako ng tawad ka sa ginawa ng pinsan kong si Luke ng makapasok na kami ng condo ay umupo muna ako.
"Tabi tayo matulog Claish"
"Sige magbibihis lang ako"
"Okay"
Ako naman ay ganon din ang ginawa naglinis muna ako ng katawan at nag bihis pagkalabas ko ay saktong pagpasok ni Claish nakapangpadyama ito na may print na bugs bunny ang paborito niyang cartoon character. Nag blower muna ako ng matuyo ang buhok ay tumabi na ako kay Claish sinanday ko naman ang isa kong paa sa hita niya at niyakap ito sa likod pero hindi ito nareklamo.
"Good Night Claish"
"Good Night Andrea"
Pipikit ko na sana ang aking mata ng tumunog ang aking cell phone kaya kinuha ko ito sa katabi ng lamp shade at binuksan ito. Si Jaz. Hindi ko pa pala ito nalalagyan ng pangalan. Kaya agad ko itong nilagyan.
𝐌𝐫. 𝐍𝐚𝐩𝐤𝐢𝐧𝐁𝐨𝐲
Natawa naman ako sa inilagay ko. Binasa ko na ang text nito na nakapagpangiti sa akin.
𝐌𝐫. 𝐍𝐚𝐩𝐤𝐢𝐧𝐁𝐨𝐲
𝐆𝐨𝐨𝐝 𝐍𝐢𝐠𝐡𝐭 𝐀𝐧𝐝𝐫𝐞𝐚. 𝐈'𝐦 𝐡𝐚𝐩𝐩𝐲 𝐛𝐞𝐜𝐚𝐮𝐬𝐞 𝐈 𝐦𝐞𝐭 𝐲𝐨𝐮 𝐚𝐠𝐚𝐢𝐧. 𝐒𝐞𝐞 𝐲𝐨𝐮 𝐧𝐞𝐱𝐭 𝐭𝐢𝐦𝐞.
babygummie_
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Updated 21 Episodes
Comments