BIPOLAR BILLIONAIRE SEÑORITO (SPG)
"Vianca S. Lee, 22 years old, single, licensed nurse, currently taking-up Master of Arts in Psychology. Perfect!" Saad ng babae matapos tignan ang credentials ko.
"Tatapatin na kita Ms. Lee. I need someone who can take care of my one and only son. And I think you're fit to this job. You badly needed the money as you said and I'm willing to help you if you'll help me too. I hope you'll consider my offer." Saad sa akin ni Donya Teodora Ricks. Isang mayaman na ginang mula sa elitistang pamilya. Siya ang asawa ni Don Ferdinand Ricks na kilala bilang pinakamayaman na negosyante sa Pilipinas. Mababait ang mga Ricks kung pagbabasehan ang mga sinasabi ng media at mga magazine na nagcocover sa kanilang pamilya.
Ngunit sabi nga nila ay ginawa daw na pantay-pantay ng diyos ang mga tao kaya kahit halos nasa kanila na ang lahat ay hindi pa rin sila nakaligtas sa mga problema. Lahat naman ng tao ay nakakaranas nito.
Narito kami ngayon sa isang restaurant upang pag-usapan ang inaalok nito sa akin na trabaho. Mag-aalaga lang daw ako sa kanyang anak at kikita pa ako ng malaki. Alam niyo kung sino raw ang anak nito na aalagaam ko? Walang iba kundi si Top Ricks.
Sikat ang anak nila bilang business tycoon. Sa edad na 25 years old ay isa na itong billionaire. Wala pa dito ang makukuha niyang mana sa kanyang daddy bilang isang only heir ng pamilya. At hindi makakapayag ang pamilyang ito na hindi gumaling ang anak nila dahil ito lang ang natatanging anak nila.
Four months ago ay nakaranas daw ng malaking depresyon ang kanilang Unico Hijo na si Top Ricks. Nagsimula daw ang lahat ng hindi sinipot ito ng babaeng dapat ay pakakasalan niya. Simula raw ng mangyari iyon ay naging aloof ang binata sa mga tao at hindi na lumalabas ng bahay. At dahil sa depresyon ay nagbago raw ito. Grabe nuh? Parang movie pala ang buhay ng anak nito.
Nahihirapan na ang mga magulang nito kung paano pakikiusapan ang binata na mag-move on at kalimutan na ang mga masasamang nangyari dito. Ngunit bigo sila na pakiusapan ito.
Balita ko rin ayon sa donya ay nagkaroon ng malaking pagbabago ang nangyari ditong kabiguan. Nagkaroon ng problema ito sa kanyang mentalidad dahil sa sobrang depresyon. Well, iba talaga kapag depresyon na ang tumama sa tao. Yung iba nga ay nagpapakamatay pa eh.
Ayon pa dito, walang nakakatiis na nurse sa binata. Lahat ng nag-aalaga dito ay sumusuko. Minsan kasi nananakit ito. Minsan naman daw ay mabait. Minsan naman daw ay nag-iisip bata ito. Base sa pagkukwento ng donya sa akin, baka nagsa-suffer ang anak nito sa isang mental illness dahil sa depresyon. Baka, may bipolar disorder ito. Shookt! Kung totoo ang hinala ko, makakaya ko kaya ang trabaho? Natatakot ako na baka ako ang saktan naman nito.
Pero bilang registered nurse at kasalukuyang nag-aaral bilang isang psychologist, tingin ng matanda ay bagay akong maging taga-pag alaga sa kanyang anak. Bukod sa malinis ang credentials ko.
Sa dinami-dami ng nurse sa bansa, bakit ako ang narito at nakikipag-usap ngayon sa matanda? Eh kasi kilala ng donya ang may ari ng hospital na pinagtatrabahuan ko at ako ang inirekomenda nito sa matanda kaya ako napunta sa sitwasyon nato ngayon.
Kung hindi lang din ako nangangailangan ng pera ngayon ay hindi ko tatanggapin ang inaalok nito. Pero kakapit muna ako sa patalim. Kasi naman ay baon na baon na ako sa utang. Four months delayed na ang renta namin sa boarding house. Hindi pa rin kami nakakabayad ng tubig at ilaw ngayon. Kailangan ko pang bayaran ang tuition ng bunso kong kapatid. May sakit pa si nanay at kailangan kong makabili ng gamot nito. Kailangan ko rin magbayad para sa aking second course. Isama pa ang panggastos namin sa pang araw-araw. At ang sweldo ko bilang nurse ay hindi sapat sa pangtustos sa lahat ng gastusin. Kaya kahit may inhibisyon ako sa trabaho parang naaakit akong tanggapin dahil malaki ang maitutulong naman ng trabaho na to sa aking pamilya.
Doble o triple pa sa sahod ko ang kikitain ko bilang isang nurse ng anak nito sabi ng donya. One hundred thousand a month. Iba pa ang ibibigay nito kapag nagustuhan nila ang trabaho ko. Tataasan pa raw niya ito. Pwede ko rin daw icash-advance ang sweldo ko kaya hindi na ako nag-inarte pa. Well, kahit sino naman na nangangailangan ng pera ay maaakit sa trabaho sa taas ng inaalok nitong sweldo.
Pero sa isang banda ay kinakabahan ako dahil kung ganito kataas ang bayad nila ay tiyak na hindi madali ang trabaho na papasukin ko. But I have no choice kundi ang makipagsapalaran. Para sa nanay at kapatid ko ay gagawin ko ito. Ako lang naman ang aasahan nila ngayon. Dahil matagal na kaming iniwan ni papa. Nag-asawa ito ng iba at pinabayaan kami ng magaling kong papa. Ako na ang nagpapakatatay sa bahay namin eh.
Kakayanin ko ang trabaho para sa kanila. Basta para sa pamilya ko walang inuurungan si Vianca Lee.
"Pumapayag na po ako sa inaalok niyong trabaho sa akin. Kailan po ako magsisimula." Payag ko sa sinabi ng donya.
"Bukas na bukas din ay pwede ka na magsimula hija. Ipapasundo kita sa driver ko upang maihatid kita sa mansyon ng anak ko." Sabi naman ng matanda sa akin. "Pero hija, gusto ko sanang gawin natin sekreto ang pagtatrabaho mo bilang nurse ng anak ko dahil alam mo naman na iniiwasan namin na makaalam ang media sa kondisyon ng anak ko." Pakiusap naman nito. Dahil sa mayaman sila at kilala sa bansa, baka nga naman pag piyestahan sila ng media pag nalaman nito ang kondisyon ng anak na si Top.
"Huwag po kayo mag-alala donya. Maaasahan niyo po ako." Magiliw na saad ko dito. Well, nakita ko na minsan ang binata sa isang magazine, inaamin ko na gwapo ito. Pero ewan ko lang kung sa picture lang ito may itsura.
"Basta tandaan mo every sunday ang regular check-up ng anak ko kay Dr. Nietes, kailangan andon ka rin. Sa madaling sabi, 24/7 ang trabaho mo hija. Kakayanin mo ba yun?" Paniniguro ng matandang donya. Well, kaya ko naman ang trabaho and besides nangako ang donya sa akin na siya na ang bahala sa problema ko.
Ipapacheck-up niya daw si nanay, babayaran ang tuition ng kapatid ko at pati ang bayarin ko sa renta, tubig at ilaw pati ang utang ko ay sagot niya na din daw. Kaya hindi na ako hihindi nito. Tuloy na tuloy na to.
Tungkol naman sa pag-aaral ko ulit ay mahihinto muna ako pero ayos lang dahil pag gumaling na ang aalagaan ko at makakaipon na ako ay tsaka ko na lamang ipagpapatuloy ito. Ang importante solve na ang problema ko sa ngayon.
"Kakayanin ko po donya." Sagot ko dito. Then, isang papel ang inabot nito sa akin. Nang mabasa ko ay isa itong kontrata.
"Ms. Lee, yan ay ang magiging patunay na tayo ay may pinagkasunduan. Hanggang two months lang ang trabaho mo at nakadepende sayo pag gusto mo ulit ng another two months pagkatapos. Ayoko kasi maobliga ka sa anak ko. Baka hindi mo kaya ang magiging trabaho mo kaya ganyan kaikli ang kontrata. Pero sa totoo lang kung matatagalan pa ang pag galing ng anak ko ay sana tumagal ka rin Ms. Lee dahil mahirap maghanap ng gustong mag-aalaga sa anak ko dahil sa kondisyon nito. " Paliwanag nito sa akin.
Nang mabasa ko na ang nasa loob niyon ay pumirma na ako sa nakalagay na pangalan ko sa kontrata. Ganoon din siya at sinaksihan ito ng kanyang abogado. Bahala na kung ano ang mangyayari sa akin doon. Isa lang ang nasa isip ko ngayon matutulungan ko na ang pamilya ko. Kahit medyo may alinlangan ako ay alam kong magagawa ko ang trabaho ko. Handa ako sa mga posibleng mangyayari.
KINABUKASAN...
Kasalukuyan na ako nakatayo sa loob ng condo ng aalagaan ko. Naipaliwanag naman sa akin ng malinaw ng donya ang lahat ng dapat kong gawin at tandaan. Sinabi niya din na kapag nagkaproblema ay tawagan siya agad dahil moody daw ang anak nito. Mag-isa lang raw ang anak sa loob ng mansyon na ito. Sa linggo lang pumupunta ang mga katulong nito para maglinis ng bahay at maglaba. Ayaw kasi ng binata na maraming tao sa mansyon niya. Ibig sabihin ako ang titingin dito buong araw.
"So dalawa lang kami ang maiiwan dito? Naku! Baka majombag ako dito ng walang kalaban-laban ah." Saad ko sa aking sarili.
Ang huling sinabi nito ang medyo nagpakabog ng huwisyo ko. Mag-ingat daw ako sa kanyang anak dahil minsan ay nananakit ito. Pero, buo na ang pasya ko. Ito lang ang tanging paraan na alam ko sa ngayon para masolusyonan ang problema ko. At sabi naman ng donya ay pwede ko agad iterminate ang kontrata pag di ko na kinaya ang magiging trabaho ko dito. Matapos ipaliwanag sa akin ng donya ay umalis na agad ito dahil may aasikasuhin daw itong importante sa kanilang negosyo.
Nilibot ko naman ang buong mansyon upang makita ang lalaking aalagaan ko. Pero kanina pa ako dito ay hindi ko makita ang lalaki kaya napagpasyahan ko na hanapin ito sa kwarto. Pagkabukas ko ng pinto ay isang lalaking nakatapis lang ng puting tuwalya ang aking nasilayan. Ito lang ang bumabalot sa kanyang mala adonis na pangangatawan. Nang pag masdan ko ang kanyang mukha ay napakagwapo nito. Hindi ko alam na parang artista pala ang aalagaan ko. Napakatangos ng ilong na bumagay sa kanya. Mga mata na kay pupungay. Kilay na makakapal at labi na mapupula. Sobrang natulala ako sa itsura nito.
"Sino ka?" Tanong ng binata sa akin. Ang tanong nito ang nagpabalik sa aking katinuan. Ang ganda ng boses nito. Infairness.
"Ako po ang bagong mag-aalaga sa inyo. I'm Vianca." Sagot ko sa kanya.
"Pinadala ka ba ni mama?" Tanong nito sa akin.
"Opo." Tipid na sagot ko rito. Ngumiti naman ito sa akin sabay lapit sa akin at yumakap na ikinabigla ko. Paano kasi may nararamdaman akong bumabanga sa may ibaba ng tiyan ko.
"Pwede ba kitang tawaging ate Vianca?" Tanong nito sa akin matapos humiwalay ng yakap ito.
"Ate? Eh mas matanda ito sa akin ah? He's 25 according to his mom and I am only 22." Bulong ko sa sarili ko.
"Sige na po please? Let me call you ate Vianca" Ngumuso ito sa akin na parang bata. Parang may napapansin ako sa lalaking to. Tama kaya ang hinala ko dito?
"Okay, pero tell me first if how old are you?" Dudang tanong ko dito. I need to confirm something
"I'm seven years old po." Sagot nito na nagpalaki ng mata ko.
End of Chapter 1.
---
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Comments