LOVING THE LIE'S
"Nanay, Nanay, Nanay!"
"Nanay"!. Tawag ko sa mahal kong Ina, pero hindi sya sumasagot panigurado nakikipag chismisan nanaman. Haysss, napaka chismosa talaga na ultimo panty na bagong bili kailangan pang ipagmaigi.
VALENTINA LAURETAAAA!!
"Ano ba Kikay! Agang-aga hiyaw ka ng hiyaw. Yang bunganga mo dere deretsyo. Hindi kaba nahihiya kung makatawag kang Valentina akala mo ikaw nagluwal sakin..
"Ano nalang sasabihin ng mga taong makakarinig sayo?" Putol kona. Jusko sa araw-araw na ginawa ng Diyos e ganyan lang naman ang bukambibig nyan.
"Nay, Chill kalang apaka aga highblood mo"
"Panong hindi h-high blood-in sayo". Nanglalaking matang sabi nya.
"Ano bang ginawa ko?" Painosenteng tanong ko. Pinaawa kopa lalo ang mukha ko at pinahaba ang nguso pero sa luob ko tawang tawa nako. Alam ko kasing ayaw nyang tinatawag na Valentina samantalang ang palayaw nya Darna. Darna the chismosa hihi.
"Wag kang ngumunguso Kikay mukha kang tanga". Tamo apaka harsh parang hindi Ina.
"E Nay, wag mo nga pinapakelaman pag ngunguso ko natural kase yan sa pouty lips, tsaka may itatanong kasi ako kung anong ginagawa ng okra sa ilalim ng unan mo?" Sabay hugot ko ng okra sa bulsa ko. "Kaso bat mangitim ngitim na yung kalahating parte? Saka nung inamoy ko amoy lubak". Inosenteng tanong ko pero syempre dinako inosente duh! 19 nako alam ko kung anong nangyari sa kawawang okra.
Kaso ang magaling kong Ina imbes sagutin ako dahan-dahan naglalakad paalis akala siguro hindi ko sya nakikita. "Hoy Nay san ka pupunta aber?"
"Sa bayan may labada ako kila Pedring" Sabay labas ng bahay. Aba! Galing talaga ng matandang hukluban . Napatingin ako sa okrang hawak ko Lintak kadiri! Ililibing ko nalang siguro to kasama ng talong na ginamit ko kagabi.
Pero syempre bibisitahin ko muna ang mga anak ko at baka nagugutom na kawawa naman. Baka dikopa sila mapakinabangan.
"Mga anak, time to eat na. Come to mama"tawag ko sa mga kyut na kyut kong mga anak at hayon nanga po sila sunod sunod na. Pinagmasdan ko silang pantay pantay na naglalakad at aba tataray ng mga junakis ko nato kala mo hindi mga sakit sa ulo. "Hoy kayong apat hintayin nyo yung isang kapatid nyo" Pangaral ko sa apat na nauna na aba'y pano nakarinig at naka amoy lang ng lafang iniwan na nila si bunso mga gahaman pwe! "Kruukkk baby Come here" tawag ko sa bunso ko kaso taragis balak pa ata magpaligaw huhu. Huminto ba naman sa tapat ng mga pato!? Anak ng punyemas na kiti to malandi! Tinitigan ko yung nauna kong apat na anak na masyado ng busy sa pagtuka mga patay gutom. " Hoy krunkie, meron pa don isang mais sa paa ni Krinkie. Wag na wag kayo nagsasayang ng mais mahirap magbuksil" tawag ko sa pinakapanganay ko. Medyo nananabana nadin si Krinkie pwede na makasirola after 2 months.
"Kwak-kwak-kwak" "Putak" Napatingin ako sa Bunso kong maharot at ayon nakikipagtukaan na. "Kruuuk, Kinausap kolang yung mga kapatid mo sandali nakikipag landian kana agad?! Bata kapa anak. Dipanga humahaba mga bulbol mo sa katawan gaga ka." Sabi ko dito sabay pakita ng maliit na balahibo kaso ang gaga balak ata ako tukain at iaamba ang tuka. " Sige subukan moko tukain gagawin kong pinadapang pato yung bebe mo" "Putak" putek nato palaban. "Che! Pumunta kadon sa mga kapatid mo at kumain kana puputakin ko utak mo e maharot ka." Tumalikod nga ang gaga sabay tuktok ng tuka sa maisan.
"Kwak" tawag ko sa kalaguyo ng junakis ko at matalinong pato tinitigan ako " Layuan mo muna si Kruukk kasi bata pa sya pwede bayon? Magpadami ka muna ng bulbol sa katawan hani wala kapang mapapatuka sa anak ko kawawa naman sya" pakiusap ko sa pato kaso isa din bastos tinalikuran ako huhu. Mga kabataan ngayon dina nila iniisip mga magulang nilang nagpapalamon sa kanila.
"Hoy Rhexa Alexandria hindi kita pinag aral hanggang college para lang makipag usap sa pato"
"Ay pukemo Darna. Ano ba Nay! Bat ka nang gugulat? Saka bat ka andito kala koba may labada ka?!" Tong nanay ko bigla bigla nalang susulpot kala mo kabute. "Wala hindi natuloy dumating si pasing" Sabay kutkot sa daliri sa paa.
"Ano naman Nay" Tanong ko habang nagkukutkot nadin wala e inggetera ako pakielam nyo! " Gaga alam mo naman sitwasyon natin diba?"
Natahimik ako. Oo nga pala, Si aling Pasing ang asawa ni Pedring na kasintahan ni Nanay. At opo sa makatwid kabit ang nanay ko.
Hindi konga alam bat pinili ni nanay makipag relasyon sa may asawa na. Maganda naman sya, Hindi mataba hindi din payat kumbaga sakto lang. Hindi rin sya mukhang losyang kulang lang ng dalwang ngipin sa harapan. Sabi ko marami naman jan iba, Pero sabi nya kay Pedring lang daw tumibok ang puso nya.
Ang tatay ko naman bata palang ako nung huli ko syang makita hindi kona nga alam kung ano itsura nya. Pag tinatanong ko naman si nanay kung asan sya ang lagi lang nyang sagot " Humanap ng bagong Marimar" hindi konga maintindihan kung ano ibig sabihin nya sa bagong Marimar e Darna naman pangalan nya. Minsan naiisip kodin na tiradurin nalang si Nanay napaka pilosopo. Buti hindi pa sya naisipan ipamigay ni Lola nung bata pa sya. Kasi kung ako magiging magulang ni Nanay mas pipiliin ko nalang na iputok sya sa kumot. Pero charot lang! Kahit ganyan si Nanay Mahal na Mahal ko padin sya.
"Nay, tunay bang may pa meeting daw jan sa covered court? Narinig kolang kay aling Nenita kanina"
"Yun ang bali-balita. Angkan daw ng Selvania magpapamudmod ng grasya. Bakit pupunta ka?"tanong nya habang subo-subo ang daliri. Kadiri pinangkutkot nya yun ih.
Nakangiwi akong tinitigan sya "Oh! Bat ganyan mukha mo para kang nakakita ng maganda"Tanong pa nya. Diba sya naasiwa sa sarili nya? Lamog ka Valentina hmp!
"Oho! Pupunta ako sayang yong grasya" grasya na makita sya. "Sino naman kasama mo? Si tanya nanaman? Kikay lumayo-layo ka kay Tanya naaamoy ko sya"
"Ano ka Nay aso?" Takhang tanong ko gaga kasi bigla ba ko palayuin sa Best friend ko. At anong naaamoy? Si nanay talaga minsan iba tama sakanya ng okra.
"Saka mabait si Tanya Nay! tanda mo lagi sya nagbibigay ng bigas pag wala tayong makain?" Depensa ko, hindi lang kasi chismosa at kabit si Nanay Judgemental pa. "Basta Kikay binalaan na kita".
©Roseee
P.S
{The Story you are about to read is intended for readers age 18+ due to it's language. It may not be appropriate for all. Please read at your own disrection}.
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Comments