THE PLAY
"Class, magkakaroon ng school play sa foundation week natin. Sa first week ‘yan ng february at III-A ang na-assign sa play." Anunsiyo ng class adviser namin. Nagkatinginan naman kaming magkaka-classmate pero walang nagsalita. Expected kasi na III-A ang in-charge sa play every year.
"It would be a short stage play. Gagawin natin itong parang "Marimar" with a twist dahil si Marimar ang kontrabida with a little musical."
What the?! Marimar talaga??? Ipinaalala pa talaga.
Si Honey daw ang bida at si Mark ang partner niya.
Hmp! Honey na naman??? Ang ganda niya sobra!!!
Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip nang magtinginan ang lahat sa akin. Patay! Hindi ako nakikinig. Pinapagalitan na ba ako ng adviser namin nang hindi ko namamalayan? Blangko akong napatingin sa lahat.
"Oh ano Elaijen? Ikaw na lang ang kontrabidang si Marimar?" tanong ni Ma'am.
Whattdaa! Ako kontrabida? Ako si Marimar? Nang-iinis ba talaga ang tadhana? Huminga ako nang malalim. Ewan ko ba pero tumango ako. Medyo mataray daw kasi itsura ko kaya bagay sa role ko.
On the other hand, naisip ko din. Ito na siguro ang last shot para ipaalam kay Andrei na ako nga si Marimar and after that hahayaan ko nang lumipad ang feelings ko para sa kanya. Halos tatlong taon ko ring inaalagaan siya sa puso ko habang tanaw mula sa malayo.
***
School Play
Kinakabahan ako. Hindi ko naman ito first time sa stage dahil madalas kaming mag-present since section A kami, pero iba ito!
Ako si Marimar at natanaw ko sa front row si Andrei kasama ang mga ka-teammates niya.
", ba’t ka nakasimangot?" tanong ni Mark. Tinusok na naman ang pisngi ko.
"Nag-iinternalize lang!" palusot ko. Umakbay siya sa akin saka bumulong.
"Mas bagay sa ‘yo ang maging bida!" saad niya sabay alis at pumunta na ng stage dahil start
nan g first scene nila. Naiwan akong naguguluhan sa pahayag niya. Bola ba ‘yon o pinapagaan lang talaga ang nararamdaman ko?
***
Nasa confrontation scene na kami ni Honey kung saan ipapakuha ko sa pamamagitan ng bibig niya ang kuwintas sa putikan.
"Hindi ako magnanakaw, Marimar. Kahit kailan wala akong ninakaw at ang kuwintas na ‘yan hindi ko alam kung paanong napunta sa gamit ko," pagsusumamo niya habang nagingilid ang luha. I smirked. Parte iyon ng scene pero ramdam na ramdam kong apihin siya.
"Wala kang ninakaw?" puno ng emosyon kong tugon. Hindi siya sumagot ayon sa script.
"Simula ng araw na inagaw mo siya, tinanggalan mo na rin ako ng karapatang lumigaya!" asik ko. Nag-init ang pisngi ko at mga mata. Si Mark ang tinutukoy sa eksena pero si Andrei ang nasa isip ko. Tumingin ako kay Andrei na naka-concentrate sa palabas namin.
Napansin kong mukhang nagpapanic ang mga kabarkada ko kaya ibinalik ko kay Honey ang tingin ko.
"Siya ang lahat sa akin! Pero nang dahil sa ‘yo… Ako si Marimar..." sumulyap ako kay Andrei. Nakatingin lang din siya ng seryoso sakin. Nakita kong napatayo sina Charm at Anne.
"Ako! Si Marimar na tinitingala ng lahat ay nalugmok sa lupa!" Inihagis ko sa putik ang kwintas
"Ngunit papalampasin ko ang ginawa mong ito kung pupulutin mo sa pamamagitan ng bibig mo ang kuwintas na ‘yan para maranasan mo kung paanong humalik sa lupa!" Nag-aapoy ang damdaming bitaw ko sa mga salita.
Unti-unting umupo si Honey na umaakto ayon sa eksena. Habang nakaupo, sinampal ko siya ng malakas.
"Para ‘yan sa pang-aagaw mo sa taong minahal ko ng halos tatlong taon!" Sumulyap ako kay Andrei.
Nakatulala ang lahat.
Pumasok sa eksena si Mark at niyakap si Honey.
"Hayaan mo na kaming maging masaya pakiusap," sambit ni Mark. Hindi ko
alam ngunit parang si Andrei ang naririnig kong nagsasabi no’n. Unti-unti akong napaupo at napaiyak. Binuhos ko na lahat ang iyak ko.
Tumayo ang mga tao at nagpalakpakan.
Humihikbi pa rin ako habang pinapakilala ang cast. Naramdaman kong tinapik ako sa balikat ni Mark na katabi ko lang. Pinilit ko na lang ngumiti. Yuyuko sana ako nang bigla akong hilahin ni Mark at niyakap. Yumakap na lang din ako. Pinunasan niya ang luhang namamalisbis sa pisngi ko. Gumaan ulit ang pakiramdam ko.
Binati kami ng lahat sa ginawa naming pagtatanghal. Ang real daw ng iyak ko. Kung alam lang nila at ni Andrei ang totoo.
Ipinangako sa sarili ko n, ‘yon na ang una't huli kong iyak para sa unang lalaking minahal ko.
JS PROM
Two weeks after the play JS Prom na. Sa school social Hall ang venue. Ayoko sanang mag-attend kaso mapilit ang mga barkada ko. Kaya heto mag-isa akong nakaupo sa table namin habang sila nagrarock ‘n roll sa dancefloor. Rock ang tugtog kaya ayokong sumayaw.
Maya-maya'y nagpalit ang music. "Kung Ako ba Siya" by Khalil Ramos
Kainis ‘yong kanta! Tagos s puso ang lyrics. Kung ako kaya si Honey, mamahalin kaya ako ni Andrei? Napailing ako at pilit iwinaglit ang nasa isip.
Magcho-chorus na nang tumambad sa harap ko si Mark at sinabayan ‘yong kanta sabay lahad ng kamay niya.
Kung ako ba siya? Mamahalin mo?
Ano ba ang meron siya? Na wala ako?
Napalundag ang puso ko! Unti-unti kong iniabot ang kamay ko. Napapunta kami sa gitna ng dancefloor habang nakatitig sa isa't isa.
Hawak niya ang baywang ko habang ako nama'y nakahawak sa balikat niya. Sobrang lapit namin, feeling ko hindi ako makahinga. Inilapit niya ang bibig sa tainga ko at itinuloy ang pagkanta.
Napangiti ako. Ipinikit ko na lang ang mga mata ko at sumandal sa balikat niya. Hanggang natapos ang kanta. Pagmulat ng mga mata ko, nagulat ako nang makita si Andrei na nakatitig sa akin. Nakatayo siya sa mismong likuran ni Mark.
Sandali kaming nagkatitigan subalit unti-unti siyang nag-step back at umalis na nang tuluyan sa hall. Naguguluhan ako sa nangyayari kaya lang hinila na rin ako ni Mark palabas ng hall. Nakasunod lang ako sa kanya habang hawak niya ang kamay ko.
Nakarating kami sa baseball field at umupo sa damuhan ng magkatabi. Nagpapakiramdaman.
Hinawakan niya ang ulo ko at inihilig sa balikat niya. Sumunod na lang din ako. Ewan ko ba feeling ko nawala lahat ng problema ko habang nakasandal sa balikat niya. I feel safe and peaceful...
"Ganda ‘no?" saad ni Mark habang
nakatingala sa langit.
"Yeah, right!" I smiled looking at the skies.
"Minsan dahil naa-amaze tayo sa nakikita sa taas hindi natin napapansin na kumikinang din pala ang katabi natin na parang stars." Maemosyon niyang saad. Naramdaman kong dumampi ang labi niya sa buhok ko. Hindi ko maarok ang gusto niyang sabihin. Naramdaman kong bumibilis ang tibok ng puso ko.
Tumingin ako sa mukha niya. Nakatanaw siya sa malayo. Guwapo talaga siya. Sa totoo lang kumpara kay Andrei mas lamang siya. Mas nauna ko lang kasing nagustuhan si Andrei. Isa pa, friends lang kami ni Mark.
"Eljay, kung meron kang parte ng katawan na ibibigay kay Andrei ano ‘yon?" tanong niya matapos ang ilang saglit na katahimikan.
"Huh?!" Naguluhan ako bigla. Bakit naman kaya niya naitanong?
Natawa siya ng mahina kaya mas lalong nangunot ang noo ko.
"Siyempre puso mo ‘di ba?" Sinagot niya ang sariling tanong. Nahihiwagaan talaga ako kung ano ang gusto niyang sabihin kaya nanahimik na lang ako. Maya-maya nagsalita ulit siya.
"Kung ako ang magbibigay kay Andrei, ibibigay ko ang mata ko kasama ang puso ko.... Para makita niya at maramdaman kung gaano ka kaespesyal..."
Nag-angat ako ng paningin. Nakatitig siya ng mataman sa akin. Bumilis ang tibok ng puso sa nakaamba nitong sasabihin.
"Maganda ka, Eljay at ang personality mo ay madaling mahalin… You are amazing! And I love you!” diretso nitong pahayag. Nagulumihan ako. Nag-jojoke ba siya?
"Ha? Eh si Allene?" agad kong tanong. Mukha namang seryoso. Pano naman kasi never pumasok sa isip ko na magkakagusto siya sa akin. He is too much for me. Hindi siya bagay sakin.
"It was always you... There was never Allene or anyone since Second Year tayo..."
Ewan ko pero napamaang ako... He looked so serious... Ano bang dapat kong sabihin? O gawin?
I just looked at him.
MARK'S REAL LOVE
Mark's POV
JS Prom
Tanaw ko siya mula sa table namin.
Hanggang tanaw na lang ba talaga ako?
Maliban sa personality niya wala namang striking sa kanya.
She's plain and simple at kung hindi mo siya kakau
...13 coins to read this episode Unlock episodes without asking...
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Comments