PROLOGUE
"WHEN A SINGLE MOM MEET THE HOT CEO"
"POGI! KUYANG POGI! MAY JOWA KA NA BA?!", pagsisigaw ng aking anak habang nilalapitan ang isang binata.
Kakalabas lang nito sa mamahalin na kotse na animo'y mayaman ang tao.
"Michael, uuwi na tayo!", tawag ko sa bata.
Makulit kasi siya, kaya nababasa ko ang tumatakbo sa isipan nito.
But I was too late dahil tuluyan na s'yang nakahawak sa lalaki.
Patay! Mukhang masamang tao yata ang napagtripan niya.
"Kuya, m-may girlprend ka na po ba?", lakas-loob na tanong muli nito.
Tangina!
Nakakahiya!
"Ang bata-bata mo pa, alam mo na agad ang salitang 'yan?", natatawang turan ng binata.
Medyo gumaan ang loob ko dahil sa naging reaksyon niya.
"Hindi na po ako bata. Big boy na ako sabi ni mama.",
"--Kaya nga tinatanong po kita, kung may jowa ka na ba?", saad niya na tila mas matanda pa sa kausap.
Napasapo na lamang ako sa aking noo, dahil hindi ko alam kung paano ko siya pipigilan.
"Bakit ba gusto mong malaman?", curious na bigkas nito.
"Dahil kung wala po kayong girlfriend kuya, pwede niyo pong jowain si mama.",
"--Para magkaroon na ako ng papa.", diretsang sagot ni Michael.
Narinig ko ulit ang pagtawa ng lalaki, siguro nacucutan siya sa inaakto ng anak ko.
"-Single naman po si mama eh. Tsaka, mabait at masipag. 'Yon nga lang, tamad po s'ya mag-ayos.", pagpapatuloy na wika niya.
"Nasa'n ba ang mama mo?", he asked, kaya agad akong umiwas at tumalikod.
Pahamak din ang anak ko eh!
Baka isipin pa ng mokong na 'to, pinasunod ko ang bata.
"Ayon po siya! Ayon ang mama ko. Sexy po siyang babae, mabilbil nga lang.",
Ang daldal, potah!
"Halika kuya, ipapakilala kita sa kanya.", saad nito dahilan para kabahan ako.
"Mama, eto na po si kuyang pogi oh. Siya po ang gusto ko maging papa.", kalabit na sabi ni Michael.
Unti-unti akong napalingon at tinakpan ko pa ang aking mukha para hindi ako makilala ng lalaki.
Sobrang kahihiyan na kasi ang mga sinabi ng anak ko sa kanya.
Sa dulo ng aking mata, nakita ko na tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa at sabay tawa.
"Pftt. Pasensya na bata, pero hindi ko type ang mama mo.", sambit niya sa aking anak.
"Huh? Bakit naman po?",
"Gaya ng sinabi mo kanina, hindi siya nag-aayos.",
"--Kaya hindi ko pinangarap na magkaroon ng girlfriend na manang.", tanging turan nito at tinapik ang bata.
"So pa'no, it nice to meet you, bro. Ang gwapo mo, mabuti na lang, hindi ka nagmana sa mama mo.", huling saad ng binata at muling naglakad palayo.
Teka?
Manang?
Manang?
He called me 'Manang'?!
"Hoy, hindi ako manang ha! At higit sa lahat, maganda ako!", malakas kong bulyaw para marinig ito ng lalaki.
"Mama, 'wag ka ng sumigaw ohh. Tama naman si kuyang pogi eh, manang ka.", pagpapatigil ni Michael.
Shet!
Anak ko ba talaga siya?
Comments