JENLISA : Escaping Us | Taglish

JENLISA : Escaping Us | Taglish

Last Night Dilemma

----

Jennie's POV:

"Jennie, gising". Naghahalucinate lang ba ako o talagang ginigising ako ni Jisoo. Hindi muna ako kumibo. Ang bigat pa ng mga mata ko e. Gusto ko pang matulog.

"Ano ba Jennie Kim gumising ka" Inalog nya ulit ako pero this time mas malakas at nararamdaman kong nayayamot na sya.

"Ano ba yun? Inaantok pa ako e". Gumulong ako palayo kay Jisoo na nakapwesto sa kaliwang side ko sabay takip ng kumot.

"You're all over the news. . . may nakakita sainyo ni Kai kagabi ".

"Anoo!?" Napabalikwas ako ng upo at agad kong hinarap si Jisoo. Inabot nya saakin ang phone na hawak nya.

I was reading the article when i saw na may attached photo din pala. I gasped. It was really us, last night.

"Alam na ba ng lahat?. " Nagpapanic na ako. Wala akong pakialam sa iba.. iisang tao lang ang concern ko. " Alam na ba ni Lisa??"

"Hindi pa.. tulog pa sya until now. Kami palang ni Chaeyoung ang nakakakita." Nakikita kong worried din si Jisoo.

Hinawi ko ang kumot at bumaba ako ng kama. "Saan ka pupunta?? " habol saakin ni Jisoo.

"I need to explain to her, personally. " Dapat ako muna ang mauna bago nya makita ang article.

"Kay Lisa lang talaga?? Pano kami? " she looked puzzle. Tumayo din ito at hinawakan ang kamay ko. "Tara puntahan natin sila."

"Is Chae with her?" tanong ko habang naglalakad kami palapit sa kwarto nila.

"Yes to make sure na wala syang malalaman muna. . ".

Dahan dahang pinihit ni Jisoo ang knob ng pinto kasabay ng maingat naming pagpasok.

Si Chaeyoung agad ang nakita namin. She was sitting right next to Lisa who is laying facedown. Sumenyas sya saamin na wag kaming maingay.

"Tulog pa din?? " halos wala nang boses na tanong ni Jisoo. Mukha namang tulog pa ito. Nakatayo kami malapit sa paanan ng kama nila.

Nagkibit balikat lang ito. Nakahinga ako ng maluwag. Out of all people sakanya lang ako mahihirapang mag'explain. Pero bakit nga ba??

I moved over to Lisa's side. I quietly switch on her bedside lamp to look for her phone. Nagulat ako ng makita kong naka'on ang screen nito habang nakapatong dito ang kamay nya. I looked closely and froze. We we're late. She already saw it.

Yayakapin ko na sya ng bigla kong marinig ang hikbi nya. Gano katagal na kaya syang umiiyak.? Napakahina lang ng hikbi nya pero ramdam ko na pigil na pigil nya ito at ayaw nyang ipadinig.

"Jennie, nasa sala ang manager mo. Labas na muna tayo". Bulong ni Jisoo. Hinawakan nya ang balikat ko at inalalayan ako sa pagtayo. "Chae ikaw na muna bahala jan a."

Nag'thumbs up naman ito. Naglakad na kami palabas ng kwarto ni Jisoo. Hindi ko pa naman nasasarado ng tuluyan ang pinto ng marinig ko ang boses ni Lisa..

.

"Chaeyoung!!" sabay hagulhol nito.

It hurts me.

----

Chaeyoung's POV

Limang minuto nang nakasampa si Lisa saakin habang umiiyak. Patuloy ko lang na hinihimas ang likod nya. Ayaw kong magtanong. Ayaw ko na ding dagdagan ang nararamdaman nya.

.

"Chaeyoung??". Bigla itong tumigil sa pagiyak. "Mali ba ang masaktan ako? Mali ba na umiyak ako??

"Hindi. Mas mali kong hindi ka iiyak at idedeny mo sa sarili mo na hindi ka nasasaktan." Umayos ito ng upo at hinarap ako. Ganto naman talaga si Lisa, parang bata. Kapag nagsimula na syang umiyak matatagalan syang patahanin. "Bakit ka ba nasasaktan?"

Bakit ko nga ba tinatanong? I know deep inside na gusto ni Lisa si Jennie romantically. Hindi lang nya siguro narerealize dahil masyado kaming close. Pero ako, halata ko yun.

She's a kissing monster. Alam namin yun. Pero the way Lisa kisses Jennie iba yun. There were times they almost kissed on the lips. We'll it almost happened to us also but with Jennie the intensity is on a different level.

"Chaeyoung. . " She cuddle on my side. Nahihirapan ata syang iexplain ang nararamdaman nya. "Hindi ko alam ang rason pero nasasaktan ako. . .Jennie is dating someone. ."

Naramdaman kong nabasa ang manggas ng damit ko. Umiiyak ulit sya. Hikbi at paputol putol na hinga ang naririnig ko. "Just cry Lisa. Let it out. "

She cried. She's crying like her heart was broken for the first time. It took a while but suddenly she stopped.

She took a deep breath. "As long as Kai is making her happy.." Umayos sya ng upo at hinarap nya ako. Bumuntong-hininga muna sya. .".. I'll be happy for her". Then she smiled.

It was a sad defeated smile. A deceiving smile. Out of all her smiles it was my least favorite. It was her saying, ..

"It's okay ". She just read my mind. I moved to hugged her. "Thank you Chaeyoung.. " I just found myself crying too.

---

Jisoo's POV:

Lumabas muna ang manager ni Jennie pagkatapos nitong makatanggap ng tawag galing kay Big Boss. Kaya may oras pa kami para makaisip ng sasabihin sakanya.

Tahimik lang si Jennie na nakaupo sa tabi ko. Kanina pa sya hindi nagsasalita. Pagkatapos nyang marinig ang sigaw ni Lisa kanina nagsimula na syang mag'space out.

I touched her chin. It was wet. Hindi ko man lang napansin na knina pa pala sya umiiyak. Masyado akong nagfocus sa iyak ni Lisa kanina na dinig na dinig ko dito sa kinauupuan ko, hindi ko namamalayang nagpipigil na pala itong katabi ko.

She grabbed my hand. She squeeze it softly. " Kung gusto mong umiyak-- "

And that's it. Kumawala na nga sakanya ang mga luha na kanina pa nya pinipigil. Pinatong nya ang mga mata nya sa kamay ko. Dama ko ang pagaagos ng mga luha nya. She's in pain, deep pain.

Katulad ni Lisa, Jennie is a crybaby. Iyak lang sya ng iyak hindi nga lng nya pinapahalata. She always cry in silence.

Pero iba ang iyak nya ngaun.

She's crying like she betrayed someone, like she cheated.

Naguguluhan tuloy ako kung ano ba sa dalawa ang iniiyakan nya; yung nalaman na ng lahat ang tungkol saknila ni Kai o yung nalaman ni Lisa ang balita.

But i guess mas concern si Jennie sa huli.

We've been living together for almost 6 year now and we're like sisters. We are her outlet whenever she misses her family.

Alam na alam na namin na Lisa was the clingy one. She can cuddle, hugged and we even let her playful kisses slide everytime na maglalambing sya.

Pero Iba yata ang kaso nilang dalawa. I always find it weird pero hindi ko nalang pinapansin although alam kong yun din ang iniisip ni Chae.

"The company will handle the situation now don't worry. " Nakalapit na pala si Manager Kim saamin. " In the meantime tatawagin ko muna yung dalawa para makapagbriefing tayo ng mga dapat nating gawin."

Natigilan si Jennie sa pagiyak nang malamang makakaharap na nya si Lisa. Mabilis nyang inayos ang gulo nyang buhok at umayos ng upo.

"Jisoo-ssi". She looked at me sabay nagfinger heart. "I'll be fine". I know she's not.

Ayaw lang nyang makita sya ni Lisa sa ganung sitwasyon.

"I'll fix myself first." Tumayo ito at tinungo na ang banyo.

+++++++++

Episodes

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download MangaToon APP on App Store and Google Play