Chapter 4

Nanginginig ang mga kamay habang binabasa ni Aldrin ang mga nakasulat.

Hindi iyon sulat kundi diary ng nanay niya na sa tingin niya dahil sa kalumaan kaya nagka watak watak na.

Ayon sa nabasa niya.

Kababata ng nanay niya si Teresa at kagaya niya at ni Theo sabay ang mga ito lumaki at nag aral kahit anak ito ng mayordoma ng pamilya nila ni Teresa. Boyfriend ng nanay niya dati si Alfred , na siyang daddy ni Theo bago pa nagpakasal ito at si Teresa dahil sa arrange marriage ng pamilya nito.

Hindi alam ni Teresa na lihim na nagpatuloy ang relasyon nito at ng nanay niya , hanggang sa nabuntis ang nanay niya sa kanya. At doon nalaman ni Teresa ang katotohanan.

Noong una galit na galit si Teresa sa nanay niya at pinalayas ito. Ngunit bago pa man siya maipanganak na diagnosed ang nanay niya na my Stage 4 Cancer.

Dahil sa nangingibabaw ang pag kakaibigan ng mga ito. Pinabalik at tinulungan ito ni Teresa para sana sa pag papa chemotherapy pero ang kapalit noon ay ang pag papalaglag sa kanya. Ngunit pinili ng nanay niya na mabuhay siya kisa sa mag chemotherapy ito na walang ka siguraduhan kung madudugtungan pa ba ang buhay nito.

Hindi mapigilan ni Aldrin ang hindi maluha sa nabasa.

Panay ang punas niya ng luha na ipinag patuloy ang pag babasa.

Para maitago ang katotohanan sa tunay pagkatao niya. At para na din maka iwas sa eskandalo ng pamilya ni Teresa. Pinalabas na nagka relasyon ang ina niya at si Arturo na personal driver ni Teresa na siyang kinakalihan niyang ama.

Gulong gulo naman ai Aldrin sa nabasa.

Bakit ngayon lang niya nalaman ang katotohanan.

Ni minsan hindi sumagi sa isipan niya na hindi siya anak ng tatay Arturo niya dahil ramdam niya ang pag aalaga nito sa kanya.

"Kapa pala hindi ko man lang nakita na my picture si nanay at tatay dati." aniya ng maalala na wala nga pala picture ang mga ito na magkasama.

Napasandal siya sa upuan at ipinikit ang mga mata.

"The boys knew it and they are waiting for your action" flashback sa isipan niya na sabi ni Teresa sa asawa nito.

Napatiim ang bagang niya at naningkit ang mga mata sa galit.

Pakiramdam niya pinag kaisahan siya ng lahat, dahil tanging siya lang ang hindi nakaka alam sa katutuhanan.

Sa bahay naman nila ni Ella, panay ang basa niya sa notice na galing sa bangko. Nag lelekramo na din ang mga empleyado na hindi nasahuran dahil sa kawalan ng funds na naubos ng ina niya.

Ngayon nalaman niyang ginawang collateral ang bahay nila dahil sa pagkatalo nito sa sugal.

Hindi niya mapigilan ang hindi magwala sa nangyari. Mag iisang buwan pa lang na wala na ang ama niya, pero malaking dagok kaagad ang ginawa ng ina niya.

"Mom how could you do these?" sigaw niya dito sabay pakita ng bank account ng companya nila na barya barya na lang ang laman.

" I didn't know na matalo ako, kung nanalo lang sana ako mabawi ko na kaagad ang mga natalo ko nakaraan." sigaw din nito sa kanya.

" Mom! " aniya na humagolhol ng iyak dito.

"You knew how important this company to dad, why?" tanong niya dito.

Hindi ito sumagot sa kanya, pero umiwas ng tingin.

Naikuyom niya ang kamay para pigilan ang sarili ka hindi makasabi ng hindi maganda dito. Saka tinalikuran ito.

Gagamitin na lang niya muna ang emergency funds nila para mapasahod sa mga empleyado nila.

Pero pag maubos na ito,hindi na niya alam kung anu ang gagawin.

Pilit na nagpapakatatag si Ella sa sitwasyon niya.

Kahit kanino na siyang lumapit para mahingi-an ng tolong, ngunit ni isa walang handang tumulong sa kanila.

"Ganun talaga siguro ang buhay, andyan sila sa oras na meron ka. Pero pag walang wala ka na bugla naman silang nawawala" aniya sa isipan habang bagsak ang balikat na pabalik na siya sa kotse niya.

Tiningnan niya ang sarili sa bintana ng kotse nita. Naka ayos nga siya pero biglang tumanda naman naman ang mukha niya. Hindi niya ma intindihan ang mukha, maga ang mata at malalaki ang eyebag.

Napabuntong hininga siya na pumasok sa kotse niya. Nag drive siya pero hindi pauwi ng bahay nila. Kundi paunta sa isang bar.

"Kung nagagawa ni Mommy na magsaya bakit ako hindi pwede?" aniya sa isipan.

Hot

Comments

Lady☜☆☞Boss

Lady☜☆☞Boss

Now i remember from i dated my boss,Meron doon sa isang chapter na dinala ni Theo si Kira sa isang tree,sabi niya doon nag propose ang daddy niya sa mommy niyo.It turns out he was lying, kaya siguro nag hiwalay sila ni Kira after that hahaha.

But Teresa is a good friend, hindi niya pinabayaan ang anak ng kaibigan niya.
Kahit na naging maldita siya dati ky Kira.

2021-07-23

0

See all

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play