Jasper PoV
Magandang umaga sa inyo.
(Walang maganda sa umaga)
Scratch that!
Ito na naman tayo papasok sa bagong school nakakasawa ng magpalipat palipat
(Kung sawa ka na aba baguhin mo na sarili mo puro ka kasi pala away ang hanap mo ke-babaeng tao)
Grabe ka naman!
Don't mind it. Anyway, nandito ako ngayon sa school para kunin ang schedule ko pati na rin section ko. Pinuntahan ko ang principals office. Kumatok ako saka ako pinapasok.
"Good morning sir" bati ko.
(Ang plastik mo teh!)
"Please sit Ms. Mariano" wika niya.
Naupo naman ako.
"Ahmm nandito po ako para sana kunin yung schedule ko po at kung saan po akong section" wika ko.
"Base on your card your section will be Section E which is last section ang here is your schedule too." Wika niya.
Kinuha ko ang schedule ko pati na rin yung room kung saan ang room number ng section E.
Nakarating ako sa second floor ng high school sa building B. Grabe ang pinaglumaan na puro vandalism ang nakikita ko at yung ibang room sira sira na ang upuan pati bintana basag basag na rin. Pinagpatuloy ko lang ang paglalakad ng makarating ako sa tapat ng pinto.
"Here you are Ms. Mariano kanina pa kita inaantay" sabi niya
"Sorry sir na late ng gising" kibit balikat kong sagot.
"Boys enough of you. Please enter Ms. Mariano"
Pagpasok ko unti lang sila parang nasa 15 lang ang student tapos puro lalaki pa! Wala talaga akong maaninag na babae sa section na toh!
"Ahh sir section E po ba talaga to?" Tanong ko.
"Yes section E ito Ms. Mariano"
"Eh bakit puro lalake?"
"Wag ka ng magtanong!" Sabat nung lalaki na nakaupo sa likod at may kinakain pang bubble gum.
"Wala ka ng pake dun" mataray na sabi ko.
Napa "ohh" naman ang mga kaklase niyang lalake
"Enough of that. Kindly introduce yourself"
"My name is Jasper Jane Mariano "Jasper" na lang for short." Sabi ko sabay upo sa harap kasi nasa likuran silang lahat.
Hay...ako lang babae sa section E nakakahiya!
The End...🤭