NovelToon NovelToon

Hot Intruder

Episode 1

GRACE

"Okay. Ingat ka lagi diyan" sambit ko sa kabilang linya dahil tumawag ang kapatid ko...May sarili na kase siyang condo,yung mga parents naman namin nasa ibang bansa.

Napapailing na tumayo ako mula sa gilid ng aking kama at nagtungo sa banyo para maligo.

A/N; 27 anyos na si Grace Liezelth Xalorva, isa siyang top selling property consultant sa isang kilalang real estate company ang star realty.

Nasa third year collage pa lamang siya noon ng himukin siya ng isa niyang kaklase na magpart times sa pagbebenta ng properties. Magaling siya sa sales talk. May kadaldalan kasi siya,plus she was pretty, charming,and sexy. Hindi naging my mahirap sa kanya ang trabahong iyon.

Nursing ang natapos niyang kurso pero ng sumemplang siya sa board examination, nawalan na siya ng ganang mag-review uli at sumabak sa pagsusulit kaya nagtuloy-tuloy na lamang siya sa pagbebenta, hanggang sa tuluyan na niyang kinalimutan ang pangarap niyang maging nurse at makapagtrabaho sa ibang bansa.

Maayos ang kita niya  kaya naman may sarili na siyang condo, may sarili na rin siyang kotse. Masasabi nating wala pa siyang problema sa buhay sa ngayon. Financially secured na siya. Ang kulang na lamang ay isang lalaking mamahalin niya at mamahalin siya.

Hindi siya nawawalan ng mga manliligaw ang kaso ay may pagkapihikan siya pagdating sa mga lalaki, kumbaga mapili siya sa mga lalaki kaya ngayon ay single pa rin siya.

Nagsasabon ako ng bigla kong narinig ang pagtunog ng aking cellphone sa silid pero ipinagpatuloy ko lang ang ginagawa ko ngunit ayaw magpaawat ng aking caller...Inis kong pinihit ang shower at binanlawan na ang sarili ko, lumabas ako ng banyo at saka sinagot ang tawag

"Grace" tinig ni Dhana bakas sa kanyang boses na umiiyak siya kaya medyo nakaramdam ako ng kaba

"Dha, what's wrong?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya... Best friend for life ko siya at kaklase ko din siya sa kolehiyo. Tulad ko,hindi rin ito nakapasa sa board exam kaya nagdesisyon kami na magco-concentrate na lang kami sa pagbebenta ng properties.

"Nakipaghiwalay na si Leo sa akin." Humahagulgol na sagot niya sa'kin.

"What?" Gulat na tanong ko sa kanya

"Gusto ko ng mamatay, Grace!"

"Nakuuuu naman Dhana! Nababaliw ka na ba? Teka, nasaan ka ba? Natapos na ba yung tripping sa isang kliyente mo?" tanong ko uli dito

"Tapos na. Pagkagaling ko ng tripping ay dumeretso ako sa apartment ni Leo pero malamig na ang pakikitungo niya sa akin.....Tapos ayun,sabi niya sa'kin palayain ko na raw siya. Grace! Anong gagawin ko? Mamamatay ako kapag wala si Leo sa buhay ko!" mahabang paliwanag nito sa akin. Tumikhim muna ako bago ako magsalita ulit

"Nasaan ka ba ngayon?" tanong ko ulit dahil hindi niya sinagot kanina

"Andito sa bahay" humihikbing sagot niya

"Mabuti pa ay pupuntahan kita sa bahay niyo mamaya pagkatapos ng meeting ko sa isa kong kliyente. Okay ba 'yon sayo?"dagdag ko pa

" Sige. Thank you Grace"

" Relax ka lang diyan, abalahin mo muna ang sarili mo. Manood ka na lang muna kaya diyan ng TV o magbake ka ng cake para may dessert tayo mamayang gabi?"pagpapagaan ko sa kalooban niya

" I will try." sagot niya

Matapos ang maikling pakikipag-usap ko sa kanya ay napapailing ako na bumalik sa banyo para ipagpatuloy ang paliligo

Hindi na ako nagtaka kung bakit nakipaghiwalay si Leo sa best friend ko..... From the start kase ay hindi na ako boto sa Leo na 'yon. Mabigat ang loob ko sa kanya noon pa man.... Papano ba kase kilala ito sa pagiging babaero niya, kahit nga sa distinct relative nito ay pinapatulan niya noon...... Isang fitness instructor si Leo, at dahil gwapo at maganda ang pangangatawan nito ay lapitin siya ng mga babae.

A few months ago, natuklasan ni Dha na nakikipag-date si Leo sa isa sa mga estudyante nito sa gym. Pero matigas ang pagtanggi niya tungkol doon, at dahil bulag sa pagmamahal ang best friend ko ay napaniwala ito ng mokong na si Leo.

Pero last week ay kami na mismo ni Dhana ang nakahuli sa pambababae ni Leo. Nasa mall kami ng makasalubong namin sila sa escalator, nakaakbay na si Leo sa babaeng kanyang kasama....... Nagsisisigaw sa loob ng mall ang bruha kong kaibigan at muntik pang masabunutan ni Dhana ang babae ni Leo kung hindi ko pa ito kinaladkad palayo sa kanilang dalawa....Nilisan namin agad ang mall dahil ayokong mapaaway ang gaga kong kaibigan doon.

Hindi na kinibo ni Dhana si Leo... Ni sa tawag o text ay ini-ignore na niya ito, akala ko noon at totohanin na niya ang paglimot kay Leo ngunit marupok eh! Hindi pala niya kayang tiisin si Leo at pinuntahan pa nito sa kanyang apartment.

Haayyyy....Kaya nga mapili talaga ako pagdating sa mga lalaki eh! Ayoko ng sobrang gwapo dahil mas malamang na paglaruan lang nun ang feelings mo..Basta ang importante sa'kin ay mahal ko ang lalaki... 'yong tipong minu-minuto ay kinikilig ako kapag kasama siya! Iyong tipong hindi kompleto ang araw ko kapag hindi ko narinig ang boses niya.

Ang tanong: kailan kaya siya darating sa buhay ko.

2:40 pm na kaya nataranta ako na lalabas ng aking unit.... Gosshhh Goodluck na lamang kung hindi ako abutin ng traffic sa kalsada.... Patungo ako ngayon sa elevator ng makita ko itong pasara na.

"Hey! Wait!" Sigaw ko.... Nakahinga ako ng maluwang dahil bumukas uli ito.. Ang sakay nito ay ang gwapong neighbor ko sa katabi lang ng unit ko.

"Thank you!" Nakangiting sambit ko, tumango lang ito at tinuon na ang attention sa binabasang libro.

Almost two months pa lamang ng tumira siya katabi ng unit ko.... Bihira ko lang siyang nakikita kase parang lagi siyang busy sa anumang business ang meron siya.

I admit na may crush ako sa kanya the first time i laid eyes on him.... Sa pagkakaalam ko mga 29 years old na siya.!!!! Clean-shaven, maputi ang kutis, maganda ang pangangatawan, at may cleft chin pa... Superman na superman ang dating nito, pero mukha siyang snob tskkk! Tila hindi ito marunong ngumiti.

"Ehem baka matunaw ako niyan" nagulat ako sa sinabi niya, huli na ng mapagtanto kong kanina ko pa pala siya tinititigan.

"Ahhh ehhhh sorry hehehehe" nahihiyang sambit ko sa kanya.

Lumapag ang elevator sa ground floor at nauna ng lumabas si crushiieeee! Hmmppp!! Some gentleman! But despite that, crush ko pa rin siya... Magpapacute nga ako dito hahaahah grrrrrr! Ako na ang unang magpapakilala sa kanya.... Omggggg ngayon ko lang gagawin ito.

Natapos ang meeting ko sa isang businessman, sumakay na ako sa aking kotse patungo sa bahay nina Dhana..... Nakaabang na ito sa kanilang gate at namumugto pa rin ang mga mata niya.

"Oh, kamusta na ang puso mo?" Mapang-asar na tanong ko sa kanya... Umiyak uli siya, sabay yakap sa akin.

"Ang sakit sakit Grace!" Humahagulgol na sagot niya sa tanong ko.

" Tara na muna sa loob at baka marinig ka pa ng mga kapitbahay mo na umiiyak, lalong nakakahiya"natatawang sabi ko sa kanya

Mag-isa lang si Dhana sa kanilang bahay dahil parehong nagtratrabaho ang mga parents niya sa ibang bansa

"Mabuti pa ay ako na ang magtitimpla ng juice natin," pagbobolontaryo ko. "Relax ka lang diyan" dagdag ko pa dito.

Hindi ako bisita sa bahay nila kase madalas na tambayan namin dito noong nasa collage pa lang kami. Nagpre-prepare din ako ng chicken sandwich ngayon para sa aming dalawa...Pagkadating ko sa kinaroroonan niya ay nag-emote agad ang bruha.

"Tama ka Grace, mas maganda pa kung walang boyfriend para hindi ka masaktan....Ang sakit sakit ng ginawa ni Leo sa'kin." Patuloy pa rin siya sa pag-iyak! Naaawa na ako sa kanya dahil lagi na lang siyang sinasaktan ni Leo.

"Para namang hindi ka sanay sa mga lalaki," sambit ko..." Ganyan na ganyan din ang sinabi mo sa akin noong naghiwalay kayo ng dati mong jowa diba? Si Louie! Sabi mo end of the world na 'yon sa 'yo, sabi mo ayaw mo ng mabuhay... Naalala mo ba 'yon? Kumanta ka pa nga ng HOW DO I LIVE sa videoke sa kanto...Mga ganoong drama mo hahahahaha!! Pero ngayon buhay ka pa din....Pagkalipas lang ng isang buwan nakalimutan mo na siya at naaalala mo yung mga kagagahan mo noon sa kakahabol mo sa kanya, nandidiri ka at nababaduyan sa sarili mo! Ganyan din ang mangyayari sa break-up niyo ni Leo.... Hindi magtatagal ay makakalimutan mo rin siya. Besides, hindi siya karapat-dapat iyakan. He's a player! Next time, kilatisin mo muna ang lalaking magpapakita ng interes sayo bago mo patulan, okay? Para hindi ka na ulit masaktan, nasasanay ka na eh" mahabang sambit ko sa bruha kong kaibigan na ngayon ay medyo kumalma na.

Episode 2

GRACE

"Kung magpayo ka naman parang expert ka sa pag-ibig ah!" pagmamaktol na sambit niya.

" Nagbabasa kaya ako ng *******" pamimilosopo ko pero totoo namang addict ako sa ******* eh!  "Hay! nagawa mo pa akong kutyain... Iligo mo lang yan Dha, tignan mo para kang bruha ang gulo-gulo ng buhok mo gosssshhhh!"Natatawang sambit ko sa kanya.

" Hindi Grace, iba itong nangyari sa amin ni Leo... Imagine, two years na rin naman kaming mag-on at ni minsan hindi siya nagloko sa akin... Ngayon lang!"malungkot na saad niya

Tinapik ko ang aking noo dahil sa kanyang sinabi..."Ano pa nga ba? Hmmmp! Bahala ka na nga." Iniba ko na ang usapan namin. " Nagbake ka ba ng cake para sa atin?" tanong ko

" Oo meron na,nasa ref." Ani 'ya

"Good! Ehh anong ulam natin mamaya?" dagdag ko

"Ikaw na lang ang magluto,ubos na ang energy ko"nakayukong sagot niya sa'kin.

" Oo na,Tara na sa kusina para makapagsimula na ako sa pagluluto" tsaka na kami pumunta sa kitchen.

KELVIN

"Oh! My super handsome grandson" masiglang sambit ni mommy sa anak ko...Oo may anak ako ngunit hindi maganda ang kinalabasan ng pagsasama namin ng kanyang mommy.

"Oh shhhhh!! I'm your grandmother Louie, I'm your Lola okay?"

" Naninibago pa siya sayo Mom, ibigay mo na lang muna kay Rian," sambit ko, ang tinutukoy kong Rian ay ang Yaya ng anak ko..."Kailangan na rin muna niyang matulog dahil sa mahabang biyahe"dagdag ko pa.

" Tama si Kelvin darling,"sulpot ni dad

" Okay"tipid na sagot ni mom kay daddy.

"Rian, iakyat mo na muna si Louie sa taas..Nakaready na ang room niya doon" utos ko...Binuhat na ni Rian si Louie at nagsimula ng maglakad patungo sa ikalawang palapag ng aming bahay at nagtungo naman kami ni dad sa living room.

"Anong sabi ng mga magulang ni Arlene sayo?" tanong nito sa'kin

" Wala naman dad, sinabi lang nila sa akin na huwag ko daw papabayaan si Louie...Masakit din para sa kanila na malayo ang apo nila and well, masakit din para sa kanila na ganoon ang kinalabasan ng pagsasama namin ni Arlene....Galit sila kay Arlene dahil sa ginawa niya, lalo pa at hindi sila boto sa lalaking sinamahan niya" mabahang paliwanag ko kay dad

Bumuntong hininga ito " Anong sinabi nila sa annulment case ninyo ni Arlene?" dagdag na tanong niya

Huminga muna ako ng malalim saka muling sumagot..." Masakit din para sa kanila, pero alam naman nila na 'yon ang nararapat....I have to start my new life dad at hindi ko 'yon magagawa kung nakatali lang ako sa nakaraan namin ni Arlene."sagot ko kaya naman tinapik lang niya ang aking balikat.

"Tama ka diyan anak, pero tingin mo ready ka na ba talaga kapag naibaba ang desisyon ng annulment case ninyo?" Tanong ulit niya

" Of course dad, may dalawang taon na rin akong naghihintay roon...Gusto kong magkaroon ng tuldok ang relasyon namin,at kung talagang Mahal niya'yong lalaking sinamahan niya ay mabuti na rin na ma annual na ang kasal namin para mapakasalan na rin niya 'yong pinili niya kung sakali." Saad ko

" You sound as if parang hindi ka bitter sa nangyari" natatawang sambit niya

" Nagpakatatag lang ako dad....Mahal na Mahal ko si Arlene noon at hindi ko in-expect na magagawa niya sa akin 'yon, considering na halos apat na buwan pa lamang si Louie noon....Ang pagkakamali ko lang ay pinakasalan ko ang babaeng immature ang pag-iisip! Well,don't want to dwell on the past dad, kung nagloko siya then so be it! Nariyan naman si Louie at kahit papano naman dad ipinagpapasalamat ko na pumayag siya na kunin ko ang anak namin"

Kahit na medyo busy ako sa trabaho ay nabibigyan ko pa rin ng atensiyon ang aking anak na si Louie.

Kung noon ay eight o'clock pa lang ng umaga ay nasa opisina na ako,ngayon ay ten o'clock na ako nagre-report ng sa ganon ay nabibigyan ko ng oras si Louie bago ako pumasok sa trabaho.

Tuwing luch time ay hindi na din ako sa opisina kumakain...Umuuwi ako sa bahay para makasalo at makita ko ang aking anak.....Sa hapon naman ay sa halip na five o'clock ako uuwi, inaagahan ko na ng isang oras ang pag-uwi.

"Ipapasyal ko si Louie sa mga kamag-anak natin sa this weekend mom" sambit ko kay mom habang kumakain kami ngayon

" Ehhh sasama din ako anak" sagot niya, kung sasama si mom baka sasama din si dad.

"Owkey mom, pwede tayong mag-overnight doon, tapos babalik tayo dito ng Sunday ng hapon para masulit naman natin ang pamamasyal kung sa ganon hindi tayo maboring dito"natatawang sambit ko, totoo naman kase eh..napaka boring dito tsk!

" Owkey, para din malibang ang baby boy natin, marami naman siyang mga pinsan doon na pwede niyang makalaro"ngiting sambit niya sa akin habang ngumunguya ng pagkain

Natigilan kami sa pagkukwentuhan ng biglang tumunog ang phone ko kaya agad ko itong dinampot at sinagot ang caller

"Si mama?" Tsk! Hindi man lang naghello ang kambal ko bago ito nagtanong!

Oo may kakambal ako at siya si JHON KEVERIN FUENTAVELLA at ako naman si KELVIN JOHN FUENTAVELLA oh diba parang walang pinagkaiba hahahahaha!

"Hi Tol" mapang-asar na sagot ko sa kabilang linya pero hindi man lang nito sinagot ang pagbati ko sa kanya ng hi...sungit sungit tsk! Masungit din naman ako kaso mas masungit ang kakambal ko grrrr!

"Nandito sa tabi ko si mom, kamusta ka na pala diyan?" Tanong ko pero hindi man lang ulit pinansin yung tanong ko kainis naman.

"Ibigay mo kay mom ang cellphone mo at kakausapin ko siya,hindi ko kase siya matawagan nakapatay ata yung phone niya"

Napabuntong hininga muna ako bago ko ipasa kay mom ang phone ko, sanay na kase ako na ganoon ang trato ng kambal ko sa akin.

"Okay" maikli at cold na sagot ko dito

Habang kausap ni mom ang kambal ko ay nakontento na lamang akong makinig sa mga isinasagot ni mom sa kabilang linya.

Sa tuwing ako ang nakakasagot sa tawag ng kakambal ko ay hindi ako kinakausap nito, just say kinakausap niya ako kaso hindi maganda ang trato niya o pananalita niya sa'kin...Noon pa lamang ay malayo na ang loob ng kakambal ko sa akin dahil naging girlfriend niya noon si Arlene.

Umuwi ito ng lasing na lasing sa isang gabi ng bigla na lamang niya akong pinagsusuntok sa mukha habang minu-mura niya ako sa mga malulutong na salita....Dahil hindi ko na kinaya ang mga sakit ay ipinagtanggol ko ang aking sarili dahilan para tuluyan na kaming magkasakitan.

"Uuwi ka rito sa Friday anak? Sure ka? Akala ko ba busy ka sa trabaho mo? May problema ka ba anak? Magsabi ka lang sa amin"nag-alalang sambit ni ma'am sa kabilang linya kaya napatitig ako sa kanya na bakas sa aking mukha ang pagkakaba at pag-aalala dahil sa mga binibitawang salita ni mom.

Ano na naman kaya ang problema ng kambal ko this time? A few months ago kase napaaway na naman siya sa isang bar.

"Nakuuu naman anak" usal ni mom sa kabilang linya "Bakit ba kase umiinom kayo? Tapos hindi niyo naman pala kaya? 'yong laging sinasabi ng dad niyo sayo na huwag kang masyadong magpapakalasing .....Tama lang na umuwi kana muna dito, mahirap na!" Nag-aalalang saad ni mom dito.

Episode 3

KELVIN

Napapailing ako na tumayo mula sa pagkakaupo ko at nagtungo papunta sa kusina para kumuha ng tubig

Tiyak na napatrouble na naman si Kerevin. Sa aming magkapatid si Kerevin ang matatawag na "evil" tsaka ako ang matatawag na "good twin" heheheh kaya hindi ko masisisi ang mga magulang ko lalo na si dad, kung medyo malayo ang loob nila kay Kerevin...May pagkapasaway kase ang kakambal ko kaya ganon.

Pagkabalik ko sa sala ay tapos ng makipag-usap kay Kerevin si mom...umupo ulit ako sa kanyang tabi

"Ano naman daw ang problema niya mom?" Tanong ko sa kanya

Bumuntong hininga ito bago tuluyang nagsalita ulit "Hmmm! Problema niya na naman ang pagkakatrouble niya sa bar na pinuntahan nila ng mga kaibigan niya three nights ago...Nagkarambulan daw sila ng nakursunadahan ni Kerevin ang isa sa mga costumer, umiral na naman ang pagiging basagulero ng kakambal mo kaya binasag daw nito ang nguso ng kalaban niya" napapailing na sagot niya

" Nakasuhan nga raw siya pati na din ang mga kasamahan niya, ayaw daw magpaareglo nong nakalaban nila kase bugbog sarado siya...Gusto daw niyang tirahin ang kapatid mo....Nakatanggap daw siya ng ilang tawag sa unknown number at pinagbantaan daw ang buhay niya! Mabuti naman at naisipan niyang umuwi muna dito para sa kaligtasan niya at gusto din daw niyang iwasan yung Valerie dahil nakukulitan na siya sa babaeng 'yon....Nagulat daw siya kung paano nalaman non kung saan siya nakatira, ayaw daw naman niyang bastusin at palayasin ng ganon ganon na lamang."mahabang paliwanag ni mom, tsk! Malademonyo talaga ugali nung kapatid ko.

Saglit lang nakarelasyon ng kakambal ko si Valerie kaya hindi pa niya nakikita ang dalaga, basta ang alam lang niya ay isa itong businesswoman.

"Bakit ba naman kase hindi matigil yan pagtambay-tambay niya sa mga bar kasama ang mga basagulerong kaibigan niya?! Ilang beses ko na siyang pinangaralan pero sadyang matigas talaga ang ulo niya! Ni hindi man lng siya nagtitino sa mga nangyayari sa kanya!" Galit na sambit ni dad

" Dad, hindi mo naman masisisi si Kerevin...Binata eh" mahinang sambit ko sakto lang para marinig nila.

" Hindi ka naman ganyan noong binata ka eh! Sadyang pasaway at mahirap mapagbago ang kapatid mong 'yan! Mabuti na lang na iwan na niya ang trabaho niya doon at umuwi na dito para dito na siya manirahan ng permanente at matulungan ka din niya sa pamamalakad sa business natin" sagot ni mom sa usapan.

" Iyan ang dapat mong sabihin sa kanya pagdating niya dito mom" mahinang tinig na sambit ko dito

" Gagawin at sasabihin ko talaga 'yan!"

_______Two days passed pilit kong kinokontak ang kakambal kong si Kerevin para sana kumustahin siya pero wala itong reply sa mga text ko o di sinasagot ang mga tawag ko, laging naka-off ang kanyang cellphone....Nag-email na ako pero Wala akong natanggap na reply!

"Sabi niya bukas na siya bibyahe papunta dito!" Naiinis na saad ni dad "Bakit hindi man lang siya tumawag o nagtext ulit?!"

" Ewan ko nga dad, Kung galit siya sa'kin pwede naman siyang magtext sayo o kay mom diba?"sambit ko.

Nag-aalala na naman si mom sa kanya! Hindi man lang kase nagtetext.. masyadong mataas ang pride.

"Mom, pwede ba huwag kang mag-isip ng kung ano-ano? Tatawag din yun mom, huwag ka ng mag-alala diyan" pagpapakalma ko sa kanya, bakas sa mukha ni dad ang pagkairita at galit

" Kailangan ko na atang turuan ng leksiyon ang batang 'yan! Sawang-sawa na ako sa mga inaasal niya!" Ani nito

_____Friday na ngayon ngunit wala pa rin tawag ang kakambal ko...nag-aalala na si mom sa mga inaasta niya! Hanggang ngayon ay naka-off pa rin ang kanyang phone

Ngunit kahit ganon ay hindi pa rin kami nawalan ng pag- asa baka kase nasa biyahe na si Kerevin,baka mamayang gabi andito na siya sa bahay.

Kahit medyo masama ang pakiramdam ko dahil sa walang tigil na pag-ubo at medyo may sinat pa ako, Hindi pa rin ako tumigil sa pagkontak sa aking kakambal....Kung nag-aalala ang mga parents namin ay mas nag-aalala ako para sa kapatid ko, kahit na hindi maganda ang pakikitungo niya sa akin ay hindi ko maipagkakaila na nag-aalala ako

"Matulog kana Kelvin" sambit ni mom "Magpahinga kana para maging maayos na ang pakiramdam mo bukas" dagdag pa niya, tumango na lamang ako tsaka nagtungo sa silid ng aking anak na si Louie.

Download NovelToon APP on App Store and Google Play

novel PDF download
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play