NovelToon NovelToon

Half Dog Half Human (Tagalog)

CHAPTER 1 (first meet)

Hello ako nga pala si Ash , 17 years old, matangos, matangkad, may mahabang eyelashes, kulay puti ang buhok, maputi ang kutis at clear skin pa, kulay ice blue ang aking mata

Hindi ko alam kung saan nanggaling ang lahi ko, sa tingin niyo maganda ba? At kung nagtataka kayo nasan apilyedo ko, hindi ko din alam

Ni hindi ko nga kilala mga kamaganak ko eh kahit isa lalo na magulang ko hindi ko man lang nakikita kasi ang aga nila umakyat sa langit, baby pako nun nung nawala na sila...

Ang nag-alaga nalang sakin ay yung pinagkakatiwalaan ng magulang ko si nanay Ellen namatay nadin ang asawa niya kasabay lang ng magulang ko

Hindi ko alam kung ano talaga nangyare sa kanila

At ngayung araw nato magisa nalang ako sa bahay namin, iniwan nadin ako ni nanay Ellen kahapon lang siya umalis sumunod na sa magulang ko at sa asawa niya, wala akong kaalam alam sa mga nangyayare sa kanila, tinawagan lang ako ng doctor, at pinapunta sa hospital at sinabi na

"i'm sorry miss, ginawa na namin ang lahat para mailigtas nanay mo, pagdating niya dito sa hospital naubusan na siya ng dugo"

Tuloy ang iyak ko sa sulok ng kwarto namin ni nanay Ellen yakap yakap ko yung picture niya hindi ko namalayan na maggagabi na pala

"malas ba talaga ako?, lahat ng mahal ko iniiwan ako" tanong ko sa sarili ko habang tuloy parin ang iyak ko at nakaub-ub

"hindi anak" napakinggan kong malambing na boses ng babae sa harapan ko, tiningnan ko ito at si nanay Ellen ang nakita ko

"nanay Ellen" sigaw ko sa kaniya sabay yakap

"bat moko iniwan" sabi ko sa kanya habang nahagulhol

Hinagod lang ni nanay Ellen ang aking buhok at nakangiti habang pinipigilan ang pagtulo ng luha niya

"kunin mo yung box sa ilalim ng katre anak, wag mong iwawala yun, at ibigay mo sa lola mo, bye anak" sabay kiss niya sa nuo ko at paunti unti na siyang nawawala mula paa hanggang ulo at dun na tumulo ang luha ni nanay

"TEKA LANG NANAY SINO LOLA KO, WAIT NANAY WAG KA MUNA UMALIS WAG MOKO IWAN HUHUHUHU" sigaw ko sabay iyak

"NAY" dun lang ako nagising sa pagsigaw ko

(a/n: 6 pm siya nakatulog at 7 am siya nagising)

Panaginip lang bayun? Bakit parang totoo

Huhuhuhu nanay miss na agad kita' sabay kiss ko sa picture niya

"Wait may naalala ako'' sabay punas ko ng luha, at nagsuot na ng damit

(a/n: abangan nalang po natin kung bakit walang suot si Ash pagnagigising siya dahil wala pa siya sa mood magkwento ngayun)

Tiningnan ko yung box sa ilalim ng katre at totoo nga may kahon nga dto, ibig sabihin totoong nagpakita nga sakin si nanay sabay hagulhol ko na naman

Umupo ako sa katre at kinuha ang kahon

Binuksan ko iyon at may nakita akong photo album, sulat at maliit na kahon

Binuklat ko yung photo album nakita ko mga picture ng tunay kong magulang nalaman ko ang itsura ng magulang ko dahil kinwento sakin ni nanay Ellen tsaka mommy at daddy daw ang tawag ko sa kanila

Si mommy ko black ang kulay ng buhok, blue ang kulay ng mata, matangos, matangkad din siya, kissable lips, maputi kasing kulay ng snow, long eyelashes

Si daddy ko white ang buhok, matangos din, matangkad din, sexy lips, at para siyang Korean celebrity

Dinescribe ko lang sila sa nakikita kong picture

May picture na kinissan ni daddy ang tiyan ni mommy habang ako yung nasa luob ng sinapupunan ni mommy

May picture na nagdedate sila sa restaurant

May picture sila na nangangarate

May picture sila habang nasa beach

May picture sila nung kinasal

May picture sila na nasa japan

May picture sila sa hospital kasama ako kung san ako inilabas

May picture ko nung mga isang buwan palang ako, ang cute ko pala nung baby pako

May picture din ng tuta

Madami pang picture iyon hindi ko nalang tinapos

Binasa ko naman yung sulat na nakita ko kanina

"Dear our baby Ash

Sorry kung maaga ka naming naiwan, gusto kong makita kita na lumaki ng personal pero hindi mangyayare but don't worry palagi ka naming babantayan at andito lang kami sa taas pinapanuod ka. Huwag mo ng alamin kung ano ang nangyare samin dahil mapapahamak ka lang sa gulo, at wag kang makulit sa nanay Ellen mo ha I LOVE YOU and I MISS YOU SO MUCH

hi baby ko ako to daddy mo mahal na mahal ka hihi patago ko lang tong sinulat sa mommy mo, gusto ko lang na malaman mo may kakayahan kadin na lumaban hindi naman kita pinipilit gusto ko lang ay protektahan mo sarili mo at mahal mo sa buhay, kung makikipaglaban ka support kita alam kong nag mana ka sa mommy mo hihihi at baby wag mong kalimutan isuot yung nasa maliit na kahon ha..sige hanggang dito na muna baka mahuli pako ng mommy mo...mabasa pa niya ito at baka mabugbog na naman ang gwapo kong mukha hihihi nakalimutan ko nga pala sabihin sayo malalaman mo apilyedo mo pag nakilala mona lola mo goodluck baby ko I LOVE YOU SO MUCH"

"Dear anak (galing to kay nanay Ellen)

Pag nakilala mona lola mo wag kang lalayo sa kaniya at magpapasaway ha, haha kilala kita I LOVE YOU ANAK"

Bakit kung sino pa yung sweet yun pa yung nawawala sabi ko sa isip ko

Sunod kong binuksan ay yung maliit na box ang nakalagay sa loob ay bracelet na may design na kulay pink na diamond

Isinuot ko naman ito at pakiramdam ko gumaan ang pakiramdam ko at parang lumakas ang energy ko galing sa kapangyarihan ko

Oo tama kayo ng nabasa may kapangyarihan nga ako at hindi ko pa nagagamit mula bata pa kasi sabi sakin ni nanay Ellen sakin wag ko daw muna gamitin kapag walang pahintulot niya

Hindi ko din alam kung anong klaseng kapangyarihan ang meron sakin, subukan ko kaya pero baka ibang dalaw na ang gawin ni nanay Ellen sakin eh hehe

"nanay Ellen ngayun lang po ito ha please" sabi ko kahit di ko alam kung pakinig niya o hindi, pumikit na ako at at ilalabas na ang kakayahn ko ng may biglang sumigaw sa labas ng bahay namin

"ASHHHHH, ok ka lang ba, may nararamdaman ka bang masakit, nagugutom kaba, bla bla bla bla bla" sunod sunod na tanong ng nagiisa kong kaibigan na si Pei Aquilyn, maputi naman siya, singkit, matalino, mabait, maalalahanin at siya lang yung nakakaalam ng sikreto ko bukod pa sa kapangyarihan ko later sasabihin ko sa inyo

"Pei huhuhuhu ok lang ako wag kana magalala" sabay yakap ko sa kaniya dahil nakapasok na siya sa kwarto namin ni nanay Ellen

"anong okay kajan ayan oh parang kinagat ka ng sampong ipis sa mata at pagang paga" tsaka siya kumawala ng yakap

"Dun ka muna samin tumira ayan oh pasira na kubo niyo at wala kapang kasama" sabi niya

"pagiisipan ko muna" malungkot kong sabi

"sigi pag napagisipan mona sabihin mo lang sakin hindi naman kita pinipilit eh hehe" sabi niya

"sigi salamat, uwi kana muna baka hanapin ka na ng magulang mo"

"sigi, unga pala nakalimutan ko ito oh pagakain" sabay abot niya ng baunan

"sigi salamat" sabay yakap ko sa kaniya

Lumabas na siya ng bahay at umupo nako sa may lamesang kahoy kung san kami nakain ni nanay

Binuksan ko yung pagkain

pang mayaman ang pagkakaayus ng pagkain at ang dami, magtitira ako ng panghapon hindi ko alam kung ano ang tawag sa pagkain nato first time ko lang to makita at matikman " hmmmmmm ang sarap" napaluha ako ng may naalala ako namimiss ko yung masarap na luto ni nanay

Totoo mahirap lang ako kubo ang bahay namin at maliit lang sikip ang luob pero puro gulay ang paligid namin kaya hindi ako mahihirapan mamuhay dito mag-isa, hindi din ako nag-aaral, napatigil ako sa pagaaral nung elementary, wala din akong cp or kahit ano at walang kuryente samin

Eto ang isa kopang secret nagiging Husky ako kapag lumulubog na ang araw, nagiging isang aso ako

Kapag umaga naman bumabalik anyo ko nagiging tao naman ako

At ang totoo din niyan si Pei lang ang kilala ko dito, hindi ko kilala magulang niya o kamaganak man lang, at malayo bahay niya sa amin at wala din akong kapitbahay dito, puro puno lang nakapalibot sa bahay namin ni nanay

Ang creepy diba pero sanay na ako

Dahil malapit na lumubog ang araw nagmamadali akong bumili ng bigas, malayo pa ang tindahan sa amin kaya itinakbo ko nalang

Malapit nako sa tindahan at may nabangga naman akong pader pagtingin ko lalaki pala

"s-sorry" kaba kong salita, hindi pa naman ako sanay makipagaway, pero ang cute niya crush ko siya first crush ko siya, wala aagaw sakin jan

"hey are you done staring at me?" cold niyang sabi

"ha?" hindi ko siya naiintindihan

"i said...." pagpuputol ko sa kaniya

"hakdog" at napatingin naman ako sa langit malapit na maggabi kaya kumaripas nako ng takbo papuntang tindahan

Oo hindi ako magaling makipagaway pero magaling ako sa pagiging suplada

Pagkalabas ko nandun parin yung lalaking nakabungguan ko kanina

"hey" pagtawag niya sakin

Hindi ko na siya pinansin at tumakbo nako ng mabilis dahil isang oras nalang magtratransform nako baka makita pako ng mga tao isipin pa nila na isa akong halimaw, yakap yakap ko yung bigas baka kasi matapon sayang yung perang inipon namin ni nanay Ellen

nararamdaman ko na ang pagtratransform ko, nagtago muna ako sa likod ng puno at ibinaba ang bigas para makasiguradong walang makakakita sakin, iniwan ko na yung damit ko bukas ko nalang babalikan

"woahh" gulat na sabi nung lalaki ay syete bat siya sumunod, kaya kumaripas ako ng takbo papalayo habang ang plastic ng bigas ay nakasabit sa bibig ko

"no no no no stop" sabi nung lalaki

...----------------...

CHAPTER 2 (dog lover)

Karl POV

Ehem hi I'm Karl Max Voxhon, 16 years old, black hair with bangs, white skin, clear skin, tall, pointed nose, brown eyes, kissable lips, childish sometimes cold...ehem ok that's enough

"Dad i already said i don't want to, how many times did I tell you this" inis kong sagot sa daddy kong magaling na kanina pako kinukulit

"son kailangan mo na talaga maghanap ng girlfriend mo" maamong sabi ni daddy

"mom oh si daddy" sabay yakap kay mommy

"wala na bang ibang paraan?" tanong ni mommy kay daddy

"wala na eh, tsaka ito ang wish ni mama na magkagirlfriend na agad ang apo niya" paliwanag ni daddy

"ahhh, just do it son wala tayong magagawa kapag grandma mo na ang nagdecision, ok?" sabi sakin ni mommy

"ihhhh bat hindi nlng si ate" pangungulit ko

Kinatusan naman ako ni mommy sa ulo

"ouch"

"you dummy, may asawa na ate mo, at hindi kana din makakatakas sa request ni lola mo ikaw yung favorite ng lola mo" sabi sakin ni mommy

"ok ok fine, magpapahangin lang ako sa labas" nakapout kong sabi sa kanila, just kidding maglalayas ako hmmp bahala kayo jan

Pagkalabas ko agad ng bahay pumunta nako sa parking lot at nagpaandar na ng kotse pupunta ako sa 7/11

Ipinark ko ang kotse ko at naglakad papuntang 7/11 at bigla akong may nabangga ng isang babae matangkad din siya cute siya gusto ko yung kulay ng buhok niya at mata but wag muna tayo magpahalata

"hey are you blind" napansin kong nakatitig siya sakin napangiti naman ako at baka nahulog na siya sakin don't worry I'll catch you

"are you done staring at me" sabi ko, at ayun bumalik na siguro yung kaluluwa niya sa katawan niya kanina pang walang galaw eh

"ha" she said, are you deaf ang cute mo pa naman

"i said..." pagputol niya sa sasabihin ko

"hakdog" napanganga naman ako dun sa sinabi niya and damn that woman tinakbuhan ako

Wait she said she want hotdog? Hahaha soon future wife

At bigla akong may naapakan na bracelet kulay pink at may design na diamond

"kay future wife ko ata ito ah" sabi ko sa isip ko

Ibibigay ko ito sa kaniya mamaya and then hihingin ko phone number niya

"ohh it's her" sabi ko sa sarili ko

"hey" sigaw ko at damn that woman again tinakbuhan na naman ako

Hinabul ko siya sinundan ko ng sinundan kung san siya papunta wait papuntang gubat ito ah

Maya maya ay bigla nalang nawala yung hinahabol ko at dun nako nakaramdam ng takot takot ako sa mumu huhuhuhu mommy daddy

Then i screamed like "whooaaa" that there's a dog pop out, out of nowhere

But that's not a normal dog it's a special dog it's a Husky

Nawala ang takot ko ng makita ko yung aso gusto ko siya yakapin dog lover pa naman ako

Kulay puti ang balahibo nung aso at mahahaba

Nung makita ako nung aso bigla nalang tumakbo hahayaan ko na sana siyang tumakbo pero nung makita ko yung bigas hinabol kona yun yung bitbit ni future wife ko

"no no no no stop" ako ang magiging superman ni future wike ko ngayun and then bibigyan niya ako ng love letter and yayain niya ako makipagdate sa kaniya

Stop daydreaming Max habulin mo na yung aso sabi ko sa sarili ko

*run

*run

*run

Hingal ako ng hingal ng may umagaw ng pansin ko may maliit na bahay dun

Hindi nako nagisip kung bahay bayan ng witch or haunted house

"hello" sabi ko para makisigurado kung may tao ba dto

Nagulat ako nung makita ko yung aso na nakatingin sakin at tahol lang ng tahol

Gusto ko talaga yakapin ang lambot ng balahibo oh, paaamuhin ko muna para bumait kapag dumating ang amo bibilhin ko ito sa kaniya

...----------------...

CHAPTER 3 ( bff's to the rescue)

Ash POV

"hoooo hoooo hooo sana naman hindi ako naabutan nung lalaki" sabi ko habang hingal na hingal sa kakatakbo at andto nadin ako sa bahay

"wait, nakita kaya ako nun magpalit anyo...sana naman hindi huhuhu" pag-aalala ko, sa tingin ko hindi naman madilim na eh

Inakyat ko ang plastic na upuan at inilagay ang bigas sa lamesa

Nahiga muna ako sa katre namin ni nanay Ellen na may latag na banig at biglang nagtaasan ang dalawa kong teynga ng may napakinggang boses

"hello" boses ng lalaki kaya bumangon ako kaagad at inabangan ko siya sa bukas na pinto

Nang pagpasok niya nagulat ako kung sino ang nakita ko, ano to...bat nakasunod parin siya sakin

"hoy kuyang pogi purket crush kita basta basta ka nalang papasok sa bahay ko, alis na baka ikaw pa yung magnanakaw ng puso ko joke baka nakawin mopa gamit ko rito" sabi ko

(in reality: woof woof woof wof wooooooof woof woof woof) yan po yung kaninang napapakinggan ni Karl Max na tahol

unga pala para akong baliw wala nga pala nakakaintindi sakin kapag naging aso nako sayang tuloy yung laway ko

Nagtaka naman ako kung bakit may pa star effect pa yung mata ni kuyang pogi at titig na titig sa akin

Nakooo po nanay kooo baka kainin nako ng buhay huwahhhhhhh

Maya maya ay bigla siyang nagsquat sa harap ko at dahan dahan niyang hinawakan ang aking leeg at kinamot ng dahan dahan

At eto namang isang paa ko sa huli ay kusang nagpapadyak, senyales na nagugustuhan ko yung ginagawa ni kuyang pogi

"wahhh...that's great, you like it" nabitin ako nung tumigil siya sa pagkamot ng leeg ko at tumayo siya, napansin kong naglilibot siya at tumitingin sa paligid

"ohh there it is, by the way where is your caretaker doggy" nasagot nasana kita kung naiintindihan mo lang ako at hindi doggy pangalan ko at teka lang bat mo hawak hawak ang bigas ko ha wahhh huhuhu bitawan mo yan

"hoyyy bitawan mo yan akin yan ihhh" huhuhu ano bayan ang bobo ko tahol nga lang pala napapakinggan niyan sakin

"hoy ano ginagawa mo dito, magnanakaw kano umalis ka rito at bitawan mo yang bigas nayan isusumbong kita sa pulis" buti nalang at dumating si Pei kung hindi mawawala sakin yang bigas ko nayan

"hey calm down" sabay baba naman niya ng bigas sa lamesa

"anong calm down calm down ka jan, anong kailangan mo rito at sino ka, subukan mo lang may kuhanin dito sa bahay ng kaibigan ko ipapakagat kita sa asong ligaw" pfttttt hahaha asong ligaw

"hey i said calm down, I'm only here because of the woman i meet earlier" pagpapaliwanag niya

"who and why?" sabi ko sa inyo matalino yang bff ko napa english nadin siya oh

"i don't know her name yet i only know is her appearance she have a white hair, blue eyes and tall, and because of that rice i think this dog stole it from her that's why I'm here to take that rice for her" sabi niya

At ako naman dito nanunuod lang sa kanila nakaupo nakain ng popcor— wait san pala nanggaling popcorn ko at muntik pakong mabilaukan sa sinabi niya

Napatingin naman sakin si Pei ng saglit

"ohh, i thought you're a thief" napahinga naman siya ng maluwag

"about her, dito siya nakatira at yang asong yan alaga niya yan tinuruan lang namin kung pano magdala wala lang siya ngayun dito may pinuntahan and i don't know where she is if you asked" pagsisinungaling niya, galing napamangha moko dun ah

"Gusto ko malaman pangalan niya" oopps nagsalita na naman ako, nakakalimutan ko ga palagi

"by the way who are you?" biglang tanong ni Pei, minsan nacucurious ako kay Pei kahit ang tagal na naming magkasama parang naiintindihan niya ako eh, di bale nanga lang

"I'm Karl Max Voxhon just call me Max, and you?" tanong niya, ang pogi din ng pangalan niya ha

"Pei Aquilyn and that dog is Ashim" sabay nagshakehands sila, ang daya nahawakan na niya kamay ni crush at ginawa mopa talagang maasim ang pangalan ko ha, bukas ka sakin humph

"ohh tha..that's weird haha" yan tuloy tinawanan ni crush huhuhu

"what about my future wi— i mean ang amo ni Ashim" huhuhu ang weird ng binigay mong pangalan sakin Pei bukas ka talaga sakin

"her name is Ash"

"surname?" tanong ni crush

"i don't know" kahit si Pei hindi din alam ang apilyedo ko

"ohh ok" napatingin naman sa relo si crush

"ooppss uwi na muna ako baka hinahanap nako samin, babalik ako bukas see you tomorrow" salamat naman at nakauwi na kala ko dito na siya tutulog eh

"Ash ang gwapo naman ng lalaking nakilala mo, bagay kayo" asusss cge lang bola pa bukas ka sakin di ka makakatakas

"magsasaing nako ha" ngayong wala na si nanay Ellen siya na ang nagiintindi sakin pag gabi

*FF*

"ok luto na, kainan na" pinagsandok niya din ako ng ulam at kanin

Sa ngayun tapos na kami kumain nagkwento muna sakin si Pei tungkol sa napagaralan niya sa school ganyan yan palagi parang tinuturuan na din niyan ako kahit hindi ako nagaaral

Pagkatapos ng kwentuhan humiga na kami sa higaan at etong si Pei yakap agad sa akin

"payakap lang sa balahibo mo" pinabayaan ko nalang siya kaya ayun ang lambing na agad ng tulog

Goodnight sabi ko sa isip ko at nakatulog nadin ako

Max POV

hindi ko pala mabibili sa amo yung aso sayang huhuhuhu gusto kopa naman yung asong yun

But no worries kay future wife ko naman pala iyon

"mommy, daddy, may girlfriend napo ako" sigaw ko kahit hindi pa kami ni Ash kuno hehehhe ang cute ng name bagay sa kulay ng mata niya

"really?, who's that lucky girl" tanong nmn ni mommy

"soon, ipapakilala kopo sa inyo hehehheeh" kinikilig kong sabi

"good to know" sabi ni daddy sabay gulo sa aking buhok

Someone's POV

"make sure that Ash is safe, ok? If not then ready for your life" utos ko sa aking alagad

"y-yess señorita" may takot sa boses nung lalaking kausap ko

"good" tsaka ko pinatay ang tawag

...----------------...

Download NovelToon APP on App Store and Google Play

novel PDF download
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play