NovelToon NovelToon

You'Re Still The One

PROLOGUE

SHINEITTHE's POV.

"Aray!" Mahinang sabi ko habang nakatitig ng masama sa lalaking pumatid sa akin. "Anong kasalanan ko sayo at ginawa mo sa'kin iyon?" Kalmadong tanong ko rito. Sanay na ako na kahit nakikipag-away ay nananatili parin akong kalmado.

"Gusto kong gawin eh, may magagawa ka ba?" Maangas na sagot ng lalaking nasa harapan ko ngayon.

Andami nang nakatingin sa amin, karamihan sa kanila ay nagbubulong- bulungan pa. May mga kasama pa siyang dalawang mga lalaki na sa tingin ko ay mga kaibigan niya.

"Ah ganon pala hah!" Maangas na sabi ko tsaka ko siya dinapuan ng malakas na suntok sa kanyang labi dahilan para magsigawan ang mga tao sa paligid namin, tila ba hindi sila makapaniwala sa aking ginawa. Ang iba naman ay pasimpleng natawa.

Heto ako nakatayo lang sa harapan ng lalaking tinutulungang patayoin ng mga kaibigan niya.

"Bakit mo yun ginawa? Nahihibang kana ba? Hindi mo ba ako kilala?" Galit na tanong nito sa akin. Parang gusto ko na lamang matawa dahil sa mukha niyang tila ba nangangamatis na dahil sa inis.

"Anong magagawa mo eh gusto kong gawin? Nagawa ko na eh may magagawa ka ba?" Pang-aasar ko. " Tsaka hindi kita gustong makilala. Ano ka sinuswerte para pag-aksayan ko ng oras at atensiyon?" Sabi ko, na talagang diniinan ang salitang oras at atensiyon.

Magsasalita pa sana siya ngunit nagsimula na akong maglakad paalis sa pwesto ko kanina.

Habang naglalakad ako ay madami paring mga mata ang nakatitig sa akin,siguro kung nakakamatay ang masamang titig ay kanina pa ako pumanaw.

Nagtungo ako sa library dahil alam kong nandoon ang isa kong kaibigan na si CRIZA ME VENDE. Siya ang pinakapandak sa aming magkakaibigan ngunit siya ang pinakamatakaw sa pagkain. Yung tipong kakatapos pa lamang niyang kumain eh gutom na naman siya. May maiksi siyang buhok, matangos na ilong, maputi, actually lahat naman kaming magkakaibigan ay mapuputi. Madaldal din siya pero medyo mataray din kagaya ko at higit sa lahat matalino siya.

"Andito ka pala, tara na sa cafeteria gutom na ako, baka andun na din yung dalawa" bungad niya agad sa akin. Oh diba? Kita niyo na puro pagkain nasa utak neto.

"Tara. Ako din gutom na, nagutom ako bigla dahil sa nangyari kanina" walang gana kong sambit. Siya naman itong napatigil at tumingin sa akin na tila ba nagtatanong.

"Sasabihin ko nalang mamaya sa cafeteria,tara na." Dagdag ko.

Andito na kami ngayon sa cafeteria at kasama na din namin ang dalawa pa naming mga kaibigan. So heto kami ngayon kinukulit nila akong sabihin kung ano bang nangyari kanina.

"Ano na Shineitthe? Curious ako kung ano bang nangyari kanina" saad ni Zeiana with matching nagpapacute ang mukha tsk.

"Oo na sasabihin ko na" Sabi ko. Inirapan ko muna sila bago ako magsimulang magkwento.

"Ganito kase yun, habang naglalakad ako kanina nakatingin ako sa hinahawakan kong ******* book tapos bigla nalang may isang lalaking pumatid sa akin. Sino ba naman ang hindi maiinis diba?" Kalmadong sabi ko.

Habang nag-uusap usap kami ay biglang may nagtapon ng tubig sa aking damit. Itinaas ko ang aking paningin at hindi nga ako nagkamali. Siya na naman, ang unggoy na nakaaway ko kanina.

"Ano bang problema mo?" Tanong ko habang pinupunasan ang damit kong nabasa.

" You! You are the problem!" Mataray na sagot niya sa aking sinabi.

" Huwag mo akong ma english english diyan dahil sayang lang din laway mo. Anong mapapala ng pag-english english mo kung hindi ko naman naiintindihan?" Sabi ko pero hindi totoo yan hah. Matalino kaya ako, sinabi ko lang yun para maasar siya.

"So inaamin mong bobo ka nga?" Tatawa-tawang saad nito.

Andaming nagsitigil sa pagkain at halatang nanonood sa amin.

"Pake mo kung bobo ako? Ikaw nga tanga tsaka pangit pero hindi ko pinagkalat." Kalmadong sagot ko. Bakas sa kanyang mukha ang pagkainis dahil sa sinabi ko.

"Ang lakas ng loob mong pagsabihan ako ng pangit without knowing na lahat ng mga babae dito may crush sa-" hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya at ako naman ang nagsalita.

"For your information hindi lahat. Dahil hindi naman kita gusto. Ampanget mo na nga lang, ampanget pa ng ugali mo nakakasuka." Sabi ko na dahilan para magtawanan ang mga tao dito sa loob ng cafeteria.

"Alam mo ikaw kanina pa ako napipikon sayo" akmang itatapon na niya ang spaghetti sa akin ng bigla siyang awatin ng isa sa mga kaibigan niya.

"Enough pre! Babae yan, huwag mo nang patulan." Sabi netong medyo gwapo din huh.

"Huwag ka ngang makialam Xavier." Sigaw ni unggoy.

"Alam natin pre na ikaw ang naunang nagsimula nito kaya siguro walang may gustong magpatalo sa inyo." Dagdag pa ng isa nilang kaibigan.

Walang nagawa si unggoy kundi ang tumalikod na at magsimulang maglakad. "Tsk! Talo haahahah" pabulong na saad ko. Lumingon pa siya muli sa akin bago nagpatuloy sa paglalakad.

Buti pa yung mga kaibigan niya kahit papano may mga puso, eh yung engot na yun kinulang nalang sa buntot para magmukhang unggoy. 

Hindi ko naman siya kilala pero ang lakas ng trip, at ako pa talaga ang napili niyang kalabanin. Bakit ba ganito na ang mga tao ngayon? Kahit wala kang ginagawang masama sa kanila eh ang sasama parin ng trato sayo.

"Are you okay?" Tanong ng mga kaibigan ko na halatang nag-alala.

" Okay lang, parang hindi naman kayo sanay sa mga nangyayari." Sabay upo sa aking upuan.

" Mauna na kayong kumain,punta lang ako sa CR para makapagpalit ng damit" sabi ko tsaka tuluyang nilisan ang cafeteria.

Thanks for reading...enjoy!)

CHAPTER 1

LAWRENZE POV.

Hindi ako makapaniwala na yung babaeng yun pa ang kinampihan ng mga kaibigan ko nakakainis.

"Bakit mo ba ginawa yun pre?"

"Oo nga pre wala namang kasalanan sayo yung tao" so ayun sinesermonan na naman ako ng mga mokong kala naman nila papakinggan ko sila tsk.

"Ano bang problema niyo kung gusto kong pagtripan yun? Teka nga type niyo ba yun?" Inis na tanong ko sa kanila.

" Hindi ah" sabay-sabay nilang sagot

Kung maka react naman sila kala mo may tinatago.

"Ano tara na? Baka mapagalitan tayo kapag nalate tayo sa klase, mala dragon pa naman yung professor natin." Tatawa-tawang sabi ni Alexander.

Naglakad na kami patungo sa aming silid, as usual madaming nakatingin sa amin pero wala akong pakialam sa kanila.

"Bakit late kayong tatlo?" Mataray na bungad ng bakla naming professor pero ako dere-deretso lang sa pag-upo.

"Sorry sir hindi na po mauulit" ani Xavier.

"You may take your seat! First day na first day late kayo." Galit na sambit nito.

Habang nasa kalagitnaan kami ng pagpapakilala sa aming sarili ay biglang may apat na babaeng bumungad. At mas lalo pa akong nainis ng makita ko ang isa sa kanila.

Napatayo ako sa kinauupuan ko "Don't Tell me kaklase namin ang isang yan" inis na sabi ko sabay turo sa babaeng panget na kaaway ko.

"May problema ka?" Maangas naman na tanong niya pabalik sa akin. Argh umiinit tuloy ulo ko. Talagang napakataray ng babaeng ito.

"Bakit ka ba nandito? Sinusundan mo ba ako?"

" At bakit naman kita susundan? Ano ka cellphone kong nawawala? Asa ka ampanget mo nam-" hindi niya natuloy ang sasabihin niya dahil umawat na ang professor namin.

"Enough! Magkakilala ba kayo at ganyan nalang kalaki ang galit niyo sa isa't-isa?" Galit na tanong nito.

" Ikaw nga hindi ko kilala pero ang lakas ng loob mo para sigawan ako." Sagot netong mataray na kaaway ko pero walang nagbago sa mukha niya, kalmado parin siya.

"What did you say Miss?" Professor namin

"Kayong tatlo pumasok na kayo at kayong dalawa umalis kayo sa klase ko ngayon din!" Utos nito pero hindi ko siya pinakinggan bagkus ay umupo ako.

"Lagot" bulong ng isa naming kaklase.

"Ako pinapaalis mo? Eh kung ikaw kaya paalisin ko dito sa school may magagawa ka ba?" Kalmadong tanong ko, napatahimik siya at halatang nagtataka kung bakit ko iyon sinabi.

"Hindi mo ata kilala kung sinong binabangga mo" dagdag ko pa rito.

" Hindi ka naman niya binabangga, ang layo mo sa kanya para mabangga ka niya." Singit ng babaeng kinaiinisan ko.

" Pwede ba huwag kang pasulpot-sulpot hindi naman ikaw ang kinakausap ko eh!" Inis na sigaw ko rito. Ni hindi man lang nagbago ang reaksiyon niya, nananatili parin ang mukha niyang kalmado.

"Enough Shineitthe, huwag mo nang patulan yan wala ka namang mapapala." Awat ng kaibigan niyang pandak.

" Sorry Mr. Colden but may i know you?" Ani professor.

Tumayo ako ng maayos at pasimpleng inayos ang suot bago magsalita.

"Let me introduce myself. I'm Lawrence Colden, the son of the owner of this school kaya kung ayaw mong ipatanggal kita umayos ka." Cold kong sabi.

" Owk-" hindi niya natuloy ang sasabihin niya ng bigla ulit magsalita itong nakakainis na babae.

"Excuse me, anak ka lang ng may-ari nitong school kaya ikaw ang umayos." Sambit niya habang nilalaro niya ang isang ballpen sa kanyang kamay. Dahil sa kanyang sinabi ay muli akong nainis. Tatayo na sana ako para harapin siya pero umawat muli ang aming professor pati na ang mga kaibigan ko.

"Introduce yourself one by one."

Madami nang natapos hanggang sa nakarating na kay Xavier ang pagpapakilala.

"Xavier Bentley, 17 years old. Treat me well and I'll treat you better. Ako lang naman ang pinakagwapo sa balat ng lupa." Pagpapakilala niya habang inaayos ang kanyang buhok. Napangiwi na lamang ako sa sinabi niya.

"Alexander Sebastian, ang pinakahot sa balat ng lupa na ni isa ay walang makakatalo. I'm also 17 years old kaya kayo girls kung manliligaw kayo siguraduhin niyong madami kayong chocolates na ibibigay sa akin." Mahanging sabi nito habang nakatingin sa mga kaklase naming mga babae. Pagkaupo niya ay binatukan ko siya.

"Aray pre! Anong problema mo at nambabatok ka?" Reklamo niya. Hindi na ako muling nagsalita pa at walang sabi-sabing tumayo at nagpakilala.

"Well, nagpakilala na ako sa inyo kanina. Ang dalawang mo'kong na ito sila lang naman ang mga alalay ko." Maangas na saad ko.

" What?"sabay nilang sabi na ang mga reaksiyon ay parang hindi makapaniwala sa sinabi ko. Gusto kong tumawa ng malakas dahil sa reaksiyon nilang dalawa ngunit nanatili akong kalmado.

"Criza Me Vende. Isang babaeng kayang magpatumba ng lalaki kung kinakailangan. So be nice to me if you want me to be nice with you too. I'm 16 years old ang pinaka bata sa aming magkakaibigan." Simpleng pagpapakilala nito, pagkatapos ay umupo na.

Heto na, si mataray na ang magpapakilala.

"Shineitthe Rezii Heñeza. Ayoko sa mga bully dahil hindi ako magdadalawang isip na kalabanin kayo. Oo isa lang akong babae ngunit kaya kong magpatumba ng lalaking walang modo. 17 taong gulang lamang ako ngunit kahit sino ka pa kung kinalaban mo ako hinding-hindi kita uurungan." Hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Shineitthe pala ang pangalan ng maangas na ito. Siya pa lamang ang naglakas loob na kalabanin ako. Ang nakakainis pa ay babaeng katulad niya ang kumalaban sa akin, madami na akong binully ngunit ang isang to ang kakaiba.

"Zeiana Santos, 17." Maiksing saad ng babaeng maputi na medyo matangkad pero mas matangkad si Shineitthe. I think siya ang pinakatahimik sa kanila.

Sunod naman na nagpakilala ang babaeng may mahabang buhok.

"Micx Larabee 17 years old. I don’t care what you think about me. I don’t think about you at all."

Madami pang nagpakilala at dahil sa tagal ng pagpapakilala namin ay natapos na ang klase na puro pagpapakilala lang ang nangyari. Wala man lang naituro ang baklang ito.

"Class dismissed." Nagtayuan na ang lahat habang nagliligpit ng kani-kanilang gamit.

Sa wakas natapos na naman ang araw ng klase.

Nakaisip ako ng kalokohan. Tumayo na si Shineitthe, pasimple din akong naglakad. Dahan dahan kong inilagay ang paa ko sa kanyang harapan upang sana mapatid siya ngunit dali-dali niya akong sinipa dahilan para bumagsak ako sa sahig.

"WAHAHAHA! PRE ANONG GINAGAWA MO? HAAHAHAHAH." Tawang tawang sabi ni Xavier. Bwisit!

Tumayo ako at hinarap si Shineitthe. Hinawakan ko ang damit niya na parang lalaki pero hindi man lang nagbago ang reaksiyon niya. Walang kung anong inis o takot na mababakas sa kanyang mukha.

"Talaga bang hindi mo ako titigilan?" Cold na tanong niya.

" Hind-" hindi ko nagawang tapusin ang sasabihin ko dahil bigla niya akong sinapak dahilan para mapaupo ulit ako.

"Sinimulan mo ako kaya ngayon ako ang tatapos." Ani Shineitthe, ngayon ay halatang galit na ang kanyang boses kaya napalunok ako. Para bang kinakabahan ako sa naging reaksiyon niya.

Akmang susuntukin pa sana niya ako ngunit pinigilan siya ng mga kaibigan niya. Tsaka sila umalis.

"Pre ok ka lang?"

"Hindi niyo ba napansin? Kakaiba ang babaeng iyon. Siya pa lamang ang naglakas loob na kalabanin ang isang Lawrence Colden." Ani alexander habang tinutulungan niya akong tumayo.

"Tara na. Punta tayo sa bar ngayon libre ko." Sabi ko sa kanila. Kita ko pang nagkatitigan ang dalawa pero hindi ko na sila pinansin bagkus ay naglakad na ako palayo sa kanila.

CHAPTER 2

SHINEITTHE's POV.

It's Saturday morning and i don't have class so i thought i'd just clean here at home. We have housemates but i still want to help. My parents are both busy with their jobs so i only see them once.

Kukunin ko na dapat yung walis ngunit biglang tumunog ang phone ko. Kinuha ko ito tsaka hindi na nag-aksaya ng oras para sagutin kung sino ito.

"Hello?" Bati ko.

"Si Criza to, bagong number ko ito." Ani criza.

" Oh! Bakit ka naman napatawag?" Takang tanong ko rito. Wala pang mga ilang segundo ay rinig ko na ang pag-iyak nito sa kabilang linya. "Anong nangyayari sayo? Bakit ka umiiyak?" Dagdag ko pa.

" Pwede ba ta-yong ma-g usap?" This question stuttered me. I blinked for a long time before answering.

"Sure! There's any problems?" Maikling sabi ko

"Owkey hintayin mo na lamang ako sa park, dun kita susunduin at pupunta tayo sa mall." Pagkasabi ko niyan ay pinatay kona ang phone ko.

Nagtungo na ako sa kusina para sabihin kay Aling Melinda na aalis ako. Pagkatapos kong makapagpaalam ay nagtungo na ako sa banyo para makaligo na at makapagbihis.

I only wore pants and an oversized t-shirt. Then I took my car key and went to the garage then i started operating my car.

Habang nagmamaneho ako ay sinasabayan ko ang tugtog na pinapatugtog ko. Naaalala ko tuloy nung panahong hindi pa busy ang mga magulang ko sa kanilang mga trabaho. Sa tuwing lumalabas kami ay sabay-sabay naming sinasabayan ang kantang pinapatugtog ko. Ang saya namin sa tuwing nagkakasama kami, ngunit ngayon ay hindi na. Lagi na silang busy sa business namin.

Andito na ako ngayon sa park at agad kong nakita si Criza dito na nakaupo. Kinukulikot niya ang kanyang cellphone at halatang hindi niya napansin ang pagdating ng aking sasakyan. Bumaba na ako at pasimpleng naglakad patungo sa kanya. Halatang malungkot ang mga mata niya dahil sa mga naiwang luha sa kanyang pisngi.

"Are you owkey?" She raised her head and looked at me as if she didn't think she was in front of me ..

"Bakit hindi ko man lang narinig ang sasakyan mo? Pasensiya na sa abala, hindi naman kase pwede yung dalawa kase busy sila." Mahabang paliwanag nito sa akin. Ngayon ko lang siya nakitang ganito kalungkot kase siya ang pinaka madaldal at masiyahin sa amin.

"Don't worry you're my friend and i can treat  the three of you like a siblings." Tsaka ako nagpakawala ng isang simpleng ngiti.

" Thanks Shineitthe..Ang ganda mo sa panlabas na anyo pero mas maganda at busilak ang iyong puso. Swerte naming tatlo sayo." Mangiyak iyak na sabi niya. Hinagod ko ang kanyang likod at nagtanong sa mga bagay na gusto niyang sabihin sa akin.

"Ano? Ganon na lang yun? For almost 2 years na ikaw ang girlfriend pero sa iba na pala ikakasal?! " Iritadang tanong ko. " At bakit ka naman pumayag na ganon ang mangyari?" Dagdag ko. Ngayon nagsimula nang magbagsakan ang mga luha niya sa kanyang mga mata.

"He cheated on me at mas ginusto niya yun. Siya ang nagloko. Ang saya sa pakiramdam na nagpapaka seryoso ako sa kanya pero ganon din pala ang sakit na babalik sa akin. Hindi sapat at tunay ang pagmamahal niya sa akin kaya niya ginawa 'yon." Umiiyak na sambit nito. "Sana hindi na lamang Niya ako niligawan kung balak niya pala akong lokohin at saktan. Sana hindi siya nagbigay ng motibo para mahulog ang loob ko sa kanya!" Parang ako pa ang sobrang nasasaktan dahil sa mga nalaman ko. Alam ko kung gaano kamahal ni Criza ang boyfriend niya. Ni isang beses ay hindi niya ito kinayang tiisin.

"Anong balak mo ngayon? Huwag kang umiyak dahil sa taong hindi deserving para sayo. Huwag mong ipakita na hindi mo kayang wala siya. Dapat maging masaya ka dahil kahit papano ay nawalan ka ng taong manloloko. Nawala na ang taong umaabuso sa pagmamahal mo. Be strong! Lagi kaming nanditong tatlo para sayo." Hinagod ko ang kanyang likod at ipinatong ko ang kanyang ulo sa aking balikat.

"Hihiwalayan ko siya dahil alam ko naman na hindi siya ang tamang tao para sa akin. Hindi ko deserve ang isang lalaking manloloko at higit pa sa lahat hindi ko kailangan ang lalaking hindi kayang pahalagahan ang pagmamahal ko." Ani criza habang luhaan parin ang kanyang mga mata.

"Tama yan, maging matatag ka at ipakita mong hindi ka apektado dahil kapag nakikita ka nilang umiiyak at nagmumukmok ay pagtatawanan ka nila. Ikaw ang magmumukhang kaawa-awa at talunan. Dapat ipakita mo na siya ang nagkamali dahil siya ang nawalan ng babaeng tapat at nagmamahal ng tunay sa kanya. Kapag niloko din siya ng taong pinili niya ay dun palang panalo kana." Mahabang sambit ko habang nakangiti.

" Tama na ang pag-iyak! Hindi ko dapat sinasayang ang mga luha ko sa maling tao." Kalmadong saad niya kasabay nun ang pagpunas niya sa kanyang mga luha.

"Be strong Mahal na Mahal ka namin."

"Thank you Shineitthe!" Ani Criza.

" Tara punta na lamang tayo sa mall para kahit papano mabawasan yang nararamdaman mo.  Mag-enjoy muna tayo." Alam ko kase na mahilig ito sa shopping shopping. Tumayo na kami at nagsimula nang  naglakad papunta sa sasakyan.

Paano kaya kapag ako ang nagkaroon ng love life? Baka ikamatay ko pa. Eh sa love life palang ng kaibigan ko stress na ako. Siguro mas owkey kung hindi ako magkakaroon ng boyfriend para hindi ko maranasan ang naranasan ni Criza.

I hope when I have a lover, I want the one who is sure that He will not fool me no matter what happens

Download MangaToon APP on App Store and Google Play

novel PDF download
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download MangaToon APP on App Store and Google Play