I’m so excited to go to school. New life, new friends and new environment. Ngayon I consider myself adult kasi nakagraduate na din ako sa pagiging high school.
Nag decide akong matulog ng maaga pero di ko nagawa sa sobrang excited ko hindi ako nakatulog ng maayos.
“Jess, anak gising na!!! male-late ka na sa school pag di ka pa bumangon dyan” sigaw ni mama ang gumising sa akin. 6:00 AM na at 7:00AM ang start ng klase ko. Napabalikwas ako sa kama at nagmadali ng kumilos.
Hooooooh! Ayos hindi ako na late akala ko first day of school late agada ko. Naniniwala pa naman ako sa kasabihan na first impressions
last. Medyo nakakapanibago kasi nasanay ako na 60 kaming students sa loob ng
isang classroom. You know public school be like. Ngayon siguro nasa 20-30
student lang kami.
Ganito pala sa college pag first day of school walang katapusang pagpapakilala ng sarili. Wag ka! may professor pa kami na pinakanta
kami isa-isa. Syempre di talaga mawawala ang bully sa isang classroom. First day pa lang kumulo agad ang dugo ko sa lalaki na ‘to.
“Hello! I’m Kenneth Martinez. You can call me Ken.” Pakilala ng “BULLY”. “Alam ko!” masungit na sagot ko. Malamang alam ko na pangalan nya ilang beses ba naman kaming nagpakilala kanina sa klase. Take note di pa kami close
pero kung asarin nya ako kanina wagas.
“Miss masungit ka pala” pangisi ngising sabi ni Ken. Aba talagang di ako titigilan ng mokong na to. Apat na taon ang titiisin kong kasama sya sa klase maliban na lang syempre kung mag transfer ako or sya ang lumipat ng school.
"How was the first day of school?" tanong ni Mama pagkauwi ko sa bahay.
Masaya naman ang first day of school ko may isang lalaki lang talaga ang nang iinis sa akin. Kwento ko kay Mama. Baka naman crush ka non kaya nagpapapansin sayo. Eeew! Mama naman. Kung sya lang mas okay na wala na
lang magka crush sa akin.
Bakit ano ba itsura ng admirer mo? MA….! Hahaha ano nga itsura nyang kaklase mo? Matangkad, moreno, matangos ang ilong, mapungay ang mata at maganda ngumiti. Oh sa description mo mukhang gwapo si admirer ha. Ma, naman… pati ba naman ikaw bubulihin mo din ako.
Ano bang asar ginawa nya sayo at parang sagad sagad ang inis mo sa admirer mo? Ma, Ken po name nya di po admirer. Grabe kinikilabutan po ako pag sinasabi mo po na admirer ko sya.
Ganon kasi ang style ng mga lalaki pag may gusto sila sa mga babae. Naku sa akin di uubra ang ganong style. Lalo ko lang syang di
magugustuhan kung aasarin nya ako ng aasarin.
Mabalik ako sa tanong ko ano ba kasing inasar nya sayo? Kasi ma kanina habang nagpapakilala ako sa klase sumisigaw sya ng “Hoooooh! Galingan mo Ms. White lady” tapos yung pinakanta kami nung isa naming prof. sumigaw sya ng “Wow! Songer naman pala.” Nagtawanan po tuloy mga kaklase namin.
Nakakainis napaka papansin. Parang kulang sa aruga.
Pag kauwi ko ng bahay galing sa school nadatnan ko si mama na umiiyak. Ma, bakit ka po umiiyak? Unang beses ko syang makitang umiiyak ng ganon. Masayahin kasi si mama at sobrang positibong tao.
Niyakap nya ako ng mahigpit.
“Anak lagi mong tatandaan na kahit anong mangyari mahal na mahal ka naming ng papa mo.” Ma, ano po bang
nangyayari? Bakas ang pag aalala sa tinig ko.
Ang papa mo… natuklasan ko na may iba na syang pamilya sa ibang bansa. Kaya pala hindi na sya umuuwi kahit natatapos na ang kontrata nya yun pala ay may iba na syang pamilya.
Natulala ako at di nakapag salita. Bumuhos na lang ang luha sa mga mata ko. Galit ako kay Papa. Galit ako sa kanya kasi sinaktan nya si mama at di nya pinahalagahan ang pamilya naming.
“Anak, alam kong magagalit ka sa papa mo dahil sa ginawa nya pero hindi dapat. Lagi mong tatandaan na kahit anong mangyari sya pa din ang tatay mo. Masakit, nakakapanglumo hindi ko alam kung pano magsisimula ulit pero
kailangan natin magpatuloy sa buhay.” Niyakap ko ng mahigpit si mama. “Ma, pangako di po kita iiwan. Lagi lang akong nandito para sayo. Mahal na mahal po kita.
Pagkatapos ng paguusap namin ni Mama ay umakyat ako sa kwarto para makapag isip at iproseso sa utak ko lahat ng pangyayari . Di ko napigilan ang sarili ko na hindi mag message kay papa. Gusto kong malaman kung anong maling nagawa namin para gawin nya ito sa amin ni mama. gusto kong malaman ang reason bakit nya kami ipinagpalit sa iba. Hindi nya ba kami mahal kaya nya ginawa sa amin ito?
Pa, Bakit? Bakit mo po kami sinaktan ng ganito?Anong nagawa naming masama ni mama? Pumunta ka po dyan sa ibang bansa para mabigyan kami ng magandang buhay ni mama pero ito po ba yung magandang buhay na yon? Magandang buhay po bang matatawag ang pagkawasak ng pamilya natin? Kung may nagawa po kaming masama sana po nagsabi po kayo para naayos po natin yung problema. Kung may pagkukulang po kami bilang anak at asawa sana po nagsabi kayo para nakapag adjust po kami. Hindi yung ganito na akala namin okay pa ang pamilya natin yun pala sira na.
Sabi ni mama wag daw po akong magalit sayo pero sa totoo lang po hindi ko alam kung paano hindi magalit dahil sa ginawa mo.
Anak, patawarin mo ako. Hindi ko gustong masira ang pamilya natin. Nadala ako sa sobrang kalungkutan at pangungulila sa inyo. Alam ko na hindi sapat na rason ito para pagtakpan ang pagkakamaling nagawa ko sa inyo ng mama mo pero sana dumating ang panahon na mapatawad mo ako.
Binasa ko ang sagot ni papa sa message ko. Hindi ako kuntento sa paliwanag nya. Hindi namin deserve ni Mama na masaktan ng ganito. Bakit sya lang ba ang nalungkot? Sya lang ba ang nangulila? Kami din naman ni mama nangulila sa kanya. Ang sama sama nya!
Sa kakaiyak di ko na namanlayan na nakatulog na pala ako.
Ginising ako ni mama para kumaen ng hapunan. Bakas sa mga mata nya ang sobrang kalungkutan pero pilit syang ngumingiti para ipakita sa akin na okay lang sya.
Hanga ako sa katatagan na ipinapakita ni mama. Alam ko na sobrang sakit para sa kanya ang ginawa ni papa. Nakita ko kung gaano nya kamahal si papa at kung gaano nya tinitiis na hindi ito makasama para mabigyan
lang ako ng magandang kinabukasan.
Sana masamang panaginip lang lahat ng ito. Sana pag gising ko bukas maayos na ulit ang lahat. Sana buo pa din ang pamilya ko at hindi totoong niloko at ipinagpalit kami ni papa.
Kinabukasan gumising ako na mabigat ang pakiramdam. Ganito
pala ang madepress. Ang saklap dahil nauna kong maranasan ang heart break kesa
sa mainlove. Life must go on. Hindi dapat mamuhay sa kalungkutan kaya kahit
hindi maganda ang pakiramdam ko pilit pa din akong bumangon para pumasok sa
school.
Pag baba ko ay nakahanda na ang almusal. Nakangiti akong
binati ni mama. Good morning anak. Halika at sabayan mo na akong mag almusal.
Sa totoo lang wala akong gana kumaen pero syempre pinilit ko
pa ding kumaen dahil ayaw kong mag alala si mama sa akin. Ayaw ko din
makadagdag pa ko sa mga pasanin nya. Alam kong mas masakit at mas mabigat ang
pangyayaring ito para sa kanya.
Maaga akong pumasok. One hour pa ang hihintayin ko bago
magsimula ang unang subject naming. Tumambay muna ako sa mini garden ng school
para mag muni-muni. Hindi ko namalayan ang paglapit ni Ken sa akin. Nagulat na
lamang ako ng bigla syang nag salita. “Miss sungit ang aga mo pumasok ha.”
Naku Ken! Wag mo kong inisin ngayon at baka di na ako
makapag pasensya sayo. Di ko na control ang pag patak ng luha ko. Parang may
sariling buhay ang mga mata ko na bigla na lamang umiyak pagkakita kay Ken.
Sorry! Wag ka na umiyak di ko naming gusting pikunin ka at
paiyakin. Sabay abot ng panyo para punasan ang luha ko. Gusto ko lang naman
makipag kaibigan.
Hindi naman ikaw ang dahilan ng pag iyak ko. Sagot ko sa
kanya habang di mapigilan ang pag hikbi.
Kung hindi mo mamasamain pwede ko bang malaman yung dahilan
bakit ka umiyak ng ganyan?
Kinuwento ko kay Ken ang buong pangyayari. Hindi ko alam
kung anong nangyari pero sa mga oras na yon gumaan ang loob ko at nabawasan
kahit papano ang sakit na nararamdaman ko. First time kong tumingin kay Ken ng
hindi ako naiinis. Okay din naman pala syang kausap.
Nag kwento din sya ng tungkol sa buhay nya. Eleven years old
pa lang sya ng mamatay ang tatay nya dahil sa isang aksidente. Tatlo silang
magkakapatid at sya ang panganay. Mahirap lang sila at ang nanay nya ay
namamasukan bilang kasambahay. Para makapag aral nag woworking student sya. Nag
susumikap syang makapag tapos para maiahon ang pamilya nya sa kahirapan at
tumigil na sa pagkakatulong ang nanay nya.
Sa mga oras na yon nakaramdam ako ng pag hanga sa kanya. Akala ko isa lang syang bully na walang alam gawin kundi mang asar. Matalino naman sya sa klase namin pero di ko inasahan na ganito pala ang pinagdadaanan nya sa buhay. Nakakatuwang marinig na nangangarap sya hindi lang para sa kanyang sarili kundi para din sa kanyang nanay at mga kapatid.
Lumipas ang ilang buwan at lalo kaming nagging malapit na
magkaibigan ni Ken. Madalas kaming magkwentuhan at madalas din nya akong patawanin.
Ramdam ko yung effort nya na pasayahin ako para mawala na yung lungkot na dulot
ng pang iiwan sa amin ni papa.
Mapag biro talaga ang tadhana. Pero thankful ako na naging
kaibigan ko sya. Kaibigan na napagsasabihan ko ng mga nararamdaman ko. Kaibigan
na handing dumamay sa anumang sitwasyon ng buhay ko at ganon din naman ako sa kanya.
Download MangaToon APP on App Store and Google Play