NovelToon NovelToon

REINCARNATED TWINS OF PURGATORY (TAGLISH)

PROLOGUE

Maaliwalas ang kalangitan sa buong Mundo da Fantasia. Nagkalat ang mga neutral fera (hayop) na panglupa, pangtubig, pang-apoy, at panghimpapawid na tila ba'y umaawit ang mga ito. Habang ginagawa naman ng mga Fantasian sa iba't ibang kaharian ang kanilang kanya-kanyang tungkulin at gawain na nakaatang sa kanila...

Nililinis ng mga Fantasian na nakatira sa Plane of Water ang tubig na pweding inumin, tubig sa karagatan, at masusing binabantayan ang Tears of Water Deus. Isa itong balon na sinasabing naglalaman ng luha ng Deus ng tubig na si Deus Mar Fluindo na kayang ipawalang bisa kahit na ang sumpa pa ng mga Dea at Deus(Diyos at Diyosa)...

Sa gawi naman ng Plane of Fire. Masusing binabantay ang Prisao dor sem fim (kulungan ng nga masasama) ng mga taga cinder waste, bahagi ng Plane of Fire upang maiwasan ang pagtakas ng mga bilanggo at pagtakas ng nga ito. Samantalang naghahanda naman ang reyna ng Reino do Fogo sa kanyang panganganak sa kanyang panganganay, sinabi kase ng kanilang Head healer na ngayon na ito manganganak at lalaki pa iluluwal nito.

Sa gawi naman ng Plane of Air. Kasalukuyang kinakausap ngayon ni Santos Esmeralda sa pamamagitan ng kanyang Bosom Fera (Familiar) na si Nemean (isang Pusang nakasakay sa libro ng propesiya) ang hari at reyna ng Estados de Brisa Onidos upang hingin sa mga ito ang pahintulot na magamit ang Sacred Cloud Tree. Isang puno na gawa sa ulap na nagsisilbing kagamitan upang magamit ng mga Fantasian ang TeleCom o Telepathy Communication. Gagamitin ito ni Santos Esmeralda sapagkat may inilabas na naman na propesiya ang mga Deus at Dea at ipinadaan ng mga ito ang propesiya sa panaginip ni Santos Esmeralda na kalaunan ay inilabas din naman sa libro ng propesiya kung saan nakatungtong ngayon si Nemean.

Samantalang sa Plane of Earth naman. Masayang nagtatrabaho sa sakahan at bukirin ang mga Fantasian dito. Ang Soberania das Terras kasi ang namamahala sa pagsusuplay ng pagkain, hilaw na materiyales at mga yamang panlupa ng buong Mundo da Fantasia, ngunit kasalukuyang nagangamba ang kanilang hari dahil sa binalita sa kanya ng kanyang punong tagapayo na kasalukuyang nasa Estados de Brisa Onidos para naghatid ng suplay ng pagkain at hilaw na materyales sa kaharian.

Habang ang Casa de luz naman ay nangangamba din dahil sinabihan sila ngayon ng kanilang ministro na nagkataong dumalaw ngayon sa Estados de Brisa Onidos. Sinabi sa kanila na may bagong propesiyang ilalahad ang Santos Esmeralda at humuhingi ngayon nang pahintulot na gamitin ang Sacred Cloud Tree upang maihayag ang propesiya sa buong Mundo da Fantasia.

Sa gawi naman ng Pais das Trevas. Nanginginig na sa takot ang hari at reyna dahil sa ulat na ibinalita sakanila ng kanilang tagapagmanman sa Estados de Brisa Onidos. Paikot-ikot na sa trono at nangangamba na sa maaring ilahad ng Santos ang hari, pinapakalma naman siya ng kanyang reyna.

...

"Eu sou Santos Esemarlda, cheia de comunicação ouça minha dobradinha e ela seguirá " Pagchant ni Santos Esmeralda gamit si Nemean ng Enchantment sa harap ng Sacred Cloud Tree.

[Translation: Ako si Santos Esemarlda, puno ng komunikasyon, makinig sa aking nais at sundin ito.]

Pagkatapos niyang magchant ay biglang dumilim ang kalangitan sa buong Mundo da Fantasia, kasama ng nakabinging kulog at nakakasilaw na kidlat, kasabay pa ang malakas na ulan, sunod na dumagundong sa buong Mundo da Fantasia ang boses ni Santos Esmeralda gamit si Nemean...

"Ako ito aking kapwa Fantasia, ako'y nagsasalita ngayon gamit ang Sacred Cloud Tree upang ihayag ang propesiyang ibinigay saakin ng mga Deus at Dea ng Mundo da Fantasia!" Dumadagungdong ang boses ni Santos Esmeralda sa buong katubigan, kalupaan, himpapawid, pinaka ilaliman, at naka tagong lugar ng Mundo da Fantasia at ilang saglit lang ay inihayag na niya ang propesiyang hinihintay ng lahat...

..."AS THE SOLIS KISS LUA, ITS...

...FORETELL TO BATTLE AIMS"...

..."OATH OF FALLEN WILL RISE AND BECAME THOUGH"...

..."THE LIFE AND DEATH HOLDER'S LIFE WILL CLAIM"...

..."AND CLIMATE WILL GO ROUGH"...

..."BLOOD CONTAMINATE THE WATER"...

..."DESPAIR WILL BE THE SMELL OF WIND"...

..."HARVESTRY OF LIFE WILL BE IN DESTROYER"...

..."UNKINDLED THE FLAME AND BREAK THE SINNERS BIN"...

..."DARKNESS WILL SUCKS THE LIGHTS"...

..."AFRAID NOT, THE CHILD OF PROPECY WILL UPHEAVE"...

..."ENRICH BY THE KNOWLEDGE OF ENLIGHTEN"...

..."BRING BACK THE FALLEN AND ALL WILL BE UNCLEAVE"...

Iyan ang propesiyang nagpagimbal sa lahat ng Fantasian sa buong Mundo da Fantasia...

....

CHAPTER 01

REFLECTION...

KAGURA'S P.O.V

"Mahal." Tawag sa akin ng isang napakagandang nilalang, nakasuot ito nang flower crown, green dress, at napaka ganda at nakakabighaning ngiti.

"A-Ako ba ang yong tinutukoy binibini?" Tanong ko sa kanya.

"Oo aking prinsipe ikaw na nga." Saad nya na ikinabigla ko.

"Mahal kay tagal kitang hinihintay." Saad nya sabay patakbong lumapit sa akin at niyakap ako, di ako maka-galaw sa mga oras na iyon dahil sa pagkabigla.

"H-Hindi kaba nagkakamali Miss?" Tanong ko na medyo kinakabahan.

"Bakit naman ako magkakamali, aking mahal?" Saad niya atsaka nya nilapit ang labi nya sa aking labi...

Palapit na siya...

Nang papalapit...

Nang papalapit...

Konting konti na lang ng biglang...

"Manuel Kagura Anastaciao! Bumangon ka na at ilang oras na lang ay late ka na sa pagpasok mo sa school! May performance ka pa ngayon 'di ba?!" Sigaw ng aking Alarm clock na si mama.

Potek sayang yun mahahalikan ko na ang prinsessa eh. Kahit kailan KJ itong mama ko. Nang tignan ko naman ang orasan 4:39 palang ng umaga, hays talaga naman ang mama ko. 6:30 am palang ang schedule ko para sa last rehearsal dahil gaya ng narinig niyo ay may performance pa ako ngayon, singerist kaya ang kuya niyo hahaha.

At dahil nga sa sigaw na iyon ay ka-agad akong pumasok sa banyo upang gawin ang aking morning routine.

Hello nga pala, I'm Manuel Kagura Anastacio. Kagu o Manuel for short, 19 yerrs old, 2nd year collage, Nursing student. Nagtataka siguro kayo kung bakit parang tunog pambabae ang second name ko ano? Well, kagagawan lang naman yan ng aking pinakamamahal na ina, dahil ayon sa kanya ang salitang Kagura ay nangangahulugan daw sa salitang japan na ang obig sabihin ay ENTERTAINING THE GODS. Napakabanal daw ng pangalan ko sabi ni mama, pero kahit na tunog pambabae ay gustong-gusto ko naman siya noh. Kase lakas maka-Japanese, mahilig akong manood at magbasa ng mga isekai anime o yung mga bida sa isang anume o manga na nareincarnate sa ibang mundo at naging sobrang lakas, actually inaabangan ko nga ang mga susunod na chapter ng that time I reincarnated as a slime. Rimuru-sensei!

By the way ang gumising pala kanina sa akin ay ang aking pinakamamahal ng mama na nagngangalang Yolanda Marquez Anastacio, isa syang Certifed public accountant ng SM Pampanga, single mom din siya at siya ay magisang nagpalaki saakin, pero di naman ako lumaki hahaha siyempre joke lang.

Siya nga pala, curious na siguro kayong malaman ang physical appearance ko noh? So ito nga, simple lang naman ang physical appearance ko dahil isa lang akong lalakeng Mataba, biniyayaan ng maraming pimple sa mukha man, cleavage part o sa likod ko man yan ay mayroong tigyawat haha, malabo ang aking mga mata kaya naka salamin ako, 5'6 ang hight ko kaya tinatawag akong gasul, tinatawag akong pangit dahil sa mga katangian kong yan idadag mo pa na lalamya-lamya ako kaya ang ending ay nabubully ako lagi sa school, ngunit masasabi kong fair parin ang Diyos dahil hindi man ako biniyayaan ng napakagandang itsura ay biniyayaan niya naman ako ng magandang boses at talino. Isa akong singer sa school at matalino syempre hahah sino paba ang magtataas ng ating sarling bangko kung hindi ang mismong sarli natin diba, sabi daw nila pangit ako, isa pa lalamya-lamya kase ako kaya medyo nabubuly ako sa school, buti nandon yung dalawa kong kaibigan na makikilala nyo maya-maya lang.

Alam niyo naiisip ko nga na bakit kaya ako nahing pangit? Eh maganda naman si mama at gwapo naman si papa, pero bakit ako ganito? Laging tanong ko sa aking sarili. Nang tanungin ko naman si mama kung ampon ako ang sagot nya lang ay, "Anak hindi ka ampon, tignan mo oh ayan nakikita mo yung baby na sumususo saakin? Ikaw yan anak." Saad ni mama sa akin lagi sabay labas ng picture habang pinapadede niya ako. Kaya nangangarap din ako na sana mareincanate rin ako tulad ng mga japanese isekai anime na pinaapnood at binabasa ko para naman medyo maiba itsura ko hahaha joke lang siyempre ayaw ko namang iwan di mama noh.

Pababa na ako sa hagdan para maka-upo na sa upuan sa hapag. Ayaw akong paalisin ng aking mama at gusto muna niyang kainin ko ang aking almusal dahil masama daw ang pumasok sa school na walang laman ang tyan...

"Ma naman bakit mo ako ginising eh mahahalikan na ako ng princessa sa panaginip ko eh. Napaka-KJ mo talaga kahit kailan." May halong pagbibirong saad ko sa kanya pero kita ko sa kanyang ekspresyon na hindi naman naging biro ang labas nonn yon sa kanya kaya naman kunot-noong tumingin siya sa akin at...

"Aray! Aray! Ma! Bitawan mo tenga ko!" Sigaw ko nang pingutin nya ang tenga ko...

"Hay nakong bata ka. Dapat nga na magpasalamat ka at ginising kita ng maaga, dahil kung hindi kita ginising ng maaga ay baka hindi kapa makapag perform sa school nyo tapos sabihin mo na naman Ako na "Ma bakit di mo ako ginising ng maaga." Pang gagaya nya sa aken na kinatawa ko naman.

"Ako pa masisisi 'di ba dahil sa pagpupuyat mo sa kakanood ng mga cartoons-cartoons na 'yan ano ka, bata?" Inis na turan ni mama sa akin na kinatawa ko ulit.

"Luh ma "anime" kaya 'yon hindi cartoons hahaha grabe ma pinapasakit mo ang tyan ko hahaha." Tawa ko habang hawak-hawak ang tiyan ko, grabe, ito ang pagkakaiba nila ah.

Difference between cartoon and anime...

Japanese animation, or anime, was first introduced in 1960. However, there is debate as to whether or not Anime should be considered a cartoon. Most westerners consider Anime to be another form of a cartoon.

Never the less, Japan does not want anime to be considered as a form of a cartoon. Japan is covered with Anime images, and they use Anime in everyday life. It is part of their culture. Anime is used in Japanese education, marketing strategies, magazines, movies, and books.

Anime are Japanese animated productions, and come in all formats, such as television series (such as Dragon Ball and Inuyasha, animated short films, and full-length feature films.)

A cartoon is a form of two-dimensional illustrated visual art. While the specific definition has changed over time, modern usage refers to a typically non-realistic or semi-realistic drawing or painting intended for satire, caricature, or humor. Ayan para di na kayo malito hahaha.

"Ay sya nga pala ma. Bukas na pala ang anniversary ng pagkamatay ni papa?" Tanong ko na nagpalungkot ng atmosphere naming dalawa, hays napaka-wrong timing nung tanong kong iyon ah.

"U-Uhm oo nga, kamuntikan ko nang makalimutan." Utal na sabi ni Mommy, alam ko namang pinipigilan nya ang kayang mga luha dahil hanggang ngayon hindi nya parin makalimutan ang pagkamatay ni papa sa araw ng kanilang kasal...

"Hays, ang sakit paring isipin na nawala sa atin ang papa mo sa araw pa ng aming kasal, grabe lang anak, akala namin ay nag-back out na siya kase ang tagal niyang dumating, nagmumura na nga ang lolo at lola mo sa loob ng simbahan dahil yun nga akala nila nag-back out siya pero nagulat na lang kami ng biglang ibinalita ng driver niya na nabunggo siya ng truck, hays wag nga muna nating alalahanin iyon." Pag-alala naman ni mama sa nakaraan, kita ko namang tumulo ang luha niya kaya tumayo ako at niyakap at hinagod-hagod ang likod niya.

"Nak alam ko na! Maaga kang lumabas ng school bukas ah, ipagpapaalam kita sa iyong guro ah," saad ni mama na pinagtaka ko, "bakit po ma?" Tanong ko naman. "Kase, alam mo na. Pupunta tayo sa puntod ng papa mo, katapos natin pumunta sa puntod ng papa mo at dasalan ito ay punta tayo sa paboritong lugar namin ni papa mo, kase sa 19 years kanang nabubuhay sa mundo eh hindi ko pa napapakita saiyo ang paboritong lugar namin ng papa mo." Saad ni Mama habang suot ang mapanlinlang na ngiti.

"Ah sge ma! Super excited na ako!" Maligalig na saad ko naman sakanya at sinuklian naman niya ng matamis na ngiti...

"Ma, alis na po ako at baka ma-late pa ako sa school. Alam mo naman may performance pa ako sa Flag Ceremony, sayang 'yon plus one direct to the card pa naman yon. Kaya sige na ma, una na po ako, muah." saad ko sabay halik sa pisngi nya at tumakbo na palabas.

...

Ilang oras pa ay nandito nako sa school at sakto lang ang oras ng pagdating ko dahil may oras pa ako para sa last rehearsal ng kakantahin ko, kaya naman pumunta ako sa likod ng stage kung saan makikita ang music room. Pumasok naman ako sa music room at doon ko nakita na ako na lang pala ang kulang sa banda, well di ko na ipapakilala ang mga ito dahil di ko naman sila kilala, first time ko nga lang kase silang makakasama ih dahil sinabihan lang ako ng mga teacher na makipag-colab sa kanila, kaya medyo nahihiya pa ako.

Maraming nagsasabe na kaboses ko daw si Antony Rosales, yung isang contestant ng the clash ng channel seven heheheh pero para sa akin ay unique ang boses ko, namana ko kaya kay papa ang napakagandang boses ko hehehe.

"One, two, one two." Bilang ng leader ng banda na indikasyon na dapat nang simulan ang pagtutug ng mga instrumento, ilang saglit pa ay sinimulan na ng drummer na mag-drum at sisimulan ko na din sanag kumanta nang biglang...

"Kagu mah~ pren!" Sabay na sigaw ng dalawa kong kaibigan sa school at childhood bestfriend ko rin na sina Zhey Wong at Mae Wong, kambal sila at anak ng boss ni mama, anak ng may-ari ng SM pampanga, nabuo ang pagkakaibigan namen dahil lagi akong sinasama ni mama sa kanyang trabaho, sa kadahilanang wala ng iba pang mag babantay saaken ng mamatay si Lola Feli, kapit-bahay namin na pinagiiwanan saakin ni mama sa tuwing aalis siya oara magtrabahao. Pumayag naman ang Boss nya at sinabing iwan muna ko sa opisina nya pag-oras ng trabaho ni mama, upang hindi sya maabala at may makalaro din ang kanyang mga anak na sinasama niya rin dahil ayaw daw nawawala sa paningin nito sila Zhey at Mae at doon nga kami nag kilala nila Zhey Wong ang pqnganay sa magkapatid, isa syang lalakeng may matipunong pangangatawan, moreno, matangkad at mayaman syempre, heartthrob sya sa school, varsity player din siya ng basketball, volleyball, at tenis pero may pagkatanga, kaya dito napatunayan na NO BODY'S PERFECT hehe pero uyy mabait yan lalo na si mae, my long time hidden babe hahaha.

Habang si Mae Wong naman ay tinuturing na bunso dahil sya ang last na lumabas sa kanilang dalawa, isa syang babaeng pinapantasya ng lahat, may balingkinitang pangangatawan, malaking pwet at boobs at higit sa lahat matalino pero may pagkatanga sa pagibig haha na may 20 exes at lahat ng yon ay nangaliwa, nag-cheat hehe para saakin lang talaga babe ko hehehe.

"Oh Zhey, Mae naparito kayo?" Gulat na tanong ko sa kambal.

"Wala-wala gusto ka lang sana naming sabihan ng goodluck at para rin mapakinggan ang boses mo habang nag-rerehears ka." Sagot naman ni Mae. Shit kinikilig naman ako.

"Oh bro simulan mo ng magrehears habang may thirty minutes ka pa haha." Paalala naman ni Zhey...

Sinimulan ko na ngang magrehears, siya nga pala ang kakantahin ko ay Reflection mula sa disney film na Mulan, ito ang pinakanta ng mga teacher sa akin dahil gusto naman daw nilang mapakinggan ito na lalaki naman daw ang kumakanta...

30 MINUTES PASS...

"At para naman po bigyan tayo ng inspiration nandito po si Manuel Kagura Anastacio ng 2B Nursing at ang bagong school band para maghandog ng isang napakagandang awitin na pinamagatang "Reflection" mula sa disney film na "Mulan" palakpakan po natin sila." pagpapakilala ng emcee saamin..

Nag simula na ang banda kaya hinanda ko na ang aking sarili...

Ilang oras ang lumipas ng matapos ko ng kantahin ang Reflection mula sa disney movie na Mulan ay nagpalakpakan ang mga tao ng matapos akong kumanta...

marami pang mga nag-perform bukod saakin merong sumayaw, bumigkas ng tula o spoken poetry, at meron ding kumanta tulad ko...

~FAST FORWARD...

Paglabas ng school maraming bumati saakin at nag compliment na "napakaganda ng boses mo, sana ganyan din ang mukha mo." Saad ng mga bully ko pero sanay nako kaya nginingitian ko na lang sila haha...

"Hoy Kagu brad sabay kana sa service namen at Ihahatid ka na namin sa bahay nyo." Alok ni Zhey na ikinabigla ko, hinihikayat niya akong sumakay na sa service van nila.

"Huwag na, maglalakad nalang ako tutal malapit lang ang bahay ko dito at para ma-exercise din ako kahit konti. Tignan mo tumataba na ko hahaha." Tangging saad ko sakanya sabay lakad...

"Kagu-" Pipilitin pa sana ko ni zhey ng mag salita si Mae...

"Oh sge next time na lang ah at wag ka nang tatangi ah, kapag tumanggi ka friendship over na tayo." pagbabanta ni mae, kaya naman napatingin ako sa gawi niya.

"Yes boss." Saad ko sabay saludong pansundalo at nagtuloy na sa paglalakad.

...

Kauwi sa bahay ay sakto namang hinahanda na ni mama ang hapunan kaya tumakbo ako sakanya upang mag mano at tumulong.

"Ma mano po. Ako na po dyan upo napo kayo." saad ko at kumain lang kami ng tahimik, ganito talaga si mama kapag nalalapit na ang Anniversary ng pagkamatay ni papa, sobrang tahimik niya.

Katapos naming kumain ay naghugas na ako ng mga pinagkainan, si mama naman ay pumunta sa sala para gawin ang paper works niya na inuuwi niya sa bahay, katapos kong maglinis ay hinalikan ko si mama sa pinsngi at nagpaalam na pupunta na sa kwarto upang magpahinga na...

Kapasok sa kwarto ay dumiretso ako sa banyo upang gawin ang aking night routines katapos ay sumampa sa kama upang magdasal sa diyos, humingi ng tawad sa mga kasalanang nagawa, nagpasalamat sa mga grasyang natanggap sa araw-araw, pinalangin na patawarin at iligtas ang mga kaluluwang nasa purgatoryo at humingi ng gabay upang matapos sa pag aaral...

Humiga na ko at unti-unting kinain ng kadiliman ang ang paningin dahil sa sobrang pagod...

...

"AS THE SOLIS KISS LUA, ITS

FORETELL TO BATTLE AIMS..."

"Patayin lahat ng makikitang Fantasian na nanalig sa mga Deus at Dea! Walang ititirang buhay, mapasanggol, bata, at matatanda!"....

"OATH OF FALLEN WILL RISE AND BECAME THOUGH..."

"Mahal na Haring Equinox, napalaya na po namin ang lahat ng bilanggo sa

Prisao de dor ser fim."...

"AHHH!"

...

CHAPTER 02

MAKE A WISH...

MANUEL KAGURA'S P.O.V

"AHHH!"

Napabangon ako ng daglian at saka ako sunod-sunod na nagbagsak ng hiningang malalalim dahil sa panaginip na iyon. Grabe. Ang saklap naman ng nangyayari doon. Natakot din ako roon sa haring gustong ipapatay ang mga ano? Fan-Fanta- hays bahala na huwag ko na lang ngang isipin.

Bumaba na ako sa aking kama at pumunta na sa banyo upang maligo. Pagkatapos ay bumaba na ako at pumunta sa lamesa para mag-almusal...

Nang makapunta na ako ay pansin ko namang wala na si mama, siguro ay maaga siyang pumasok sa trabaho niya para maaga rin siyang makapag-break. Kita ko namang may nakahain na pa lang kanin, tuyo, at gatas, kaya agad ko na itong nilantakan...

Katapos kong kumain ay nagmadali na akong tumakbo papuntang school...

...

Habang nag-rerecess kami kanina ay pinagpaalam at sinundo ako ni mama kaya naman ngayon aya naglalakad na kami ngayon sa Memorial Park ni mama papunta sa puntod ni papa dahil nga death and wedding anniversary nila ngayon ni mama, tulad ng laging nangyayari kapag dumadalaw si mama sa puntod ni papa, wala na namang kibo at anytime babagsak ang mga luhang kanyang pinipigilan hayss.

"Ma, may performance na naman pala ako sa darating na march at kapag daw nagalingan sa akin ang Dean and Judges baka ako raw po ang ipanglalaban sa Clash of Schools: Singing Competition, 'di ba ang saya ma?" Pag-iiba ko sa athmosphe namin.

"A-Ahm oo anak excited na nga ako, sana naman manalo ka," nakangiting turan ni mama pero mararamdaman mo ang bigat ng aura niya ngayon, " kung alam mo lang noong nabubuhay pa ang papa mo lagi syang sumasali sa singing contest at nanalo. Alam mo anak buti na lang at sakanya mo namana ang boses mo, kung sa akin baka naging isa ka naring palakang karag na ngumangawa sa tuwing umuulan hahaha." Mahihimigan ng lungkot na saad ni mama. Naging mali ata ang desisyon kong 'yon dahil kahit na may tonong pagbibiro ang mga salita ni mama, napansin kong tumulo na ang kanyang pinipigilang luha.

"Ma naman. Wala pa nga tayo sa puntod eh umiiyak kana." Naluhang saad ko, masakit kase na nakikita mong nasasaktan ang taong nagsilang at nag-aruga saiyo, pero kailangan kong magpakatatag upang may kapitan si mama.

Naglatag na ng picnic cloth si mama at nag-umpisa nang sindihan ang kandila sa puntod ni papa.

"Pa, nandito na kami ng anak mo, oh 'di ba ang laki na nya para na siyang balyena char hahaha, uy pero pa, napakagaling kumanta ng anak mo mana sa'yo, alam mo pa, buti nalang hindi nagmana sa akin ng boses ang anak mo dahil kung nagkataon pati ikaw magising kapag kumanta 'to." Tuluyan na ngang naiyak si mama. Kaya naman yinakap ko ito at hinagod-hagod ang kanyang likod.

"Hay, pa ang aga mo kaming iniwan," mangiyak-ngiyak na turan ni mama, " ang hirap tanggapin, a-ang ang sakit pa, sobrang sakit kaya minsan hi-hiniling ko na lang na-nasana hindi na lang muna tayo ikinasal," utal na turan ni mama kaya naman tinapal-tampal ko na lang ang kanyang balikat, "sana k-kasama ka pa namin. K-Kasalanan k-ko ito kung hindi sana kita p-pinilit magpakasal edi sana buhay kapa. Edi sana kasama ka pa namin." Iyak ni mama na nagpaiyak na din sa akin, ito na naman sya, pilit na sinisisi ang sarili sa pagkamatay ni papa, hays sana one day maka move on na sya para wala ng masasaktan, nasasaktan din kase ako kapag nakikitang umiiyak ang aking ina.

Nagkwentuhan pa kami ni mama ng matagal, napagkwentuhan pa nga namin kung paano ako noon napiyok. Nag-peperform kase ako para sa family day no'ng Grade 10 pa ako hahah kakatawa, sobra. Alam nyo bang imbis na mahiya rin si mommy eh todo tawa pa ito sa akin, syempre bilang performer ay show must go on lang haha, may explanation naman ako noh, may sipon ako that time dapat nga di ako mag peperform pinilit lang ako ni mama so si mama talaga may kasalanan joke hahaha.

Then, katapos namin sa puntod ni papa. Sinabihan ako ni mama na dadalhin niya raw ako sa paboritong lugar nila ni papa, imagine 19 years of existance ko sa mundo eh ngayon nya lang ako ipapasyal doon, tinde diba.

Kasalukuyan kami ngayon bumabyahe papuntang Minalin Pampanga dahil doon daw makikita ang simbahan na paborito nila ni papa at don din naganap ang kasal nila. Ah kaya pala ngayon lang ako ipapasyal ni mama sa lugar na ito dahil naalala nya parin yung nangyari sa kasal nila ni papa.

Nasa loob na kami ngayon ng simbahan, naglalakad kami papuntang ikatlong seat ng upuan ng simbahan ng biglang nagsalita si mama.

"Nak alam mo ba." Panimula ni mama...

"Ang saya ko noong araw na yun." Pag-tukoy ni mama sa araw ng kasal ni papa....

"Ang saya ko noon, humihingi pa nga ako ng gabay sa Diyos na sana ay gabayan kami sa pagbuo ng pamilya ng papa mo," pag-alala ni mama sa mga pangyayari na inayahan ko naman para ma-ibsan ang sama ng kanyang loob, "nang biglang ibinalita ng driver ng papa mo na nabunggo daw sya ng truck habang ginagawa ng papa mo ang kanyang sasakyan. Nawalan daw ng kontrol ang truck at sumalpok mismo sa sasakyang ginagawa ng papa mo at ng kanyang driver," saad niya pa at pinipigilan ni mama ang pagluha, "kasabay daw nakaladkad ang papa mo, swerte nga nung driver kase itinulak daw siya ng papa mo para makaiwas daw ang driver ng papa mo, pero ang papa mo naman ang namatay hays." Mapait na pag-alala nya kay papa at halatang pinipigilan na naman ang mga luha.

Nakaupo narin kami ngayon sa upuan na nasa harapan ng altar...

"Alam mo anak sa araw na yon sinisisi ko ang Diyos, dahil nga maaga nyang sa akin kinuha ang papa mo, pero nang malaman kong buntis ako at nasa sinapupunan kita ay nagsisi ako at napagtantong ang sarili ko dapat pala ang sisihin at hindi ang diyos, dahil kung hindi ko hiniling na maikasal na kami ng papa mo ay hindi sya mawawala sa atin." Hindi na nga napigilan ni mama ang mga luha nya at nag-unahan na sa pagtulo, kaya yumakap siya saakin at pinagaan ko naman ang loob nya.

At nang mahimasmasan sya ay nagpunas sya ng mga luha na bumasa sa mata at pisngi niya.

"Kaya din tayo pumunta dito para humingi ng kapatawaran sa Diyos at humingi ng gabay sakanya, tandaan mo anak, gaano man kabigat ang pinagdadaanan mo lagi ka lang kakapit kay God at isuko lahat sakanya ang problema." Saad ni mama sabaya bigay sa akin ng napakatamis na ngiti.

Lumuhod naman kami sa luhuran at nanalangin kami ng taimtim...

Ilang minuto ang lumipas ay tumayo na kami, pagkatapos naming manalangin ay lumakad papuntang likod ng simbahan si mama na pinagtaka ko, kaya naman sumunod na lang ako.

"Ma, saan tayo pupunta?" Tanong ko naman kay mama.

"Sa lugar kung saan hiniling kong pakasalan na ako ng papa mo." Saad naman ni mama kaya tumahimik na ako at sumunod na lang sakanya.

Ilang saglit pa ay napunta kami sa isang lugar kung saan makikita ang isang wishing well, na may rebulto ng isang rebulto ng isang babae na may piring ang mata, nay hawak na ispada sa kaliwang kamay at may hawak namang pangkilo sa kabila ang nasa gitna at may apat na hagdan ng fountain na bumubuga ng tubig, may mga isda din namang lumalangoy dito, I think goldfish ang mga ito pero nagtataka lang ako kung bakit gold fish tawag nila sa mga isdang ito, yung nabibiling tig sasampo tuwing may fiesta, eh kulay orange naman sila hehehe.

"Anak, alam mo ba na dito kami humihiling ng papa mo tuwing pumupunta kami dito, at himalang lahat ng hiling namin ay nag-kakatotoo, tulad nalang nang hilingin naming mag ka-anak kami at eto ka nga ngayon, at nang hilingin kong sana pakasalan na ko nang papa mo at kinabukasan ay bigla nalang nag-alok ng kasal si papa mo." Ngiting saad ni mommy saakin, ah kaya pala sabi niya kanina ay sana hindi niya nalang hiniling na pakasalan siya ni papa.

"kung pwede lang hilingin na sana mabuhay syang muli ay matagal ko na sanang ginawa ngunit isang kasalanan naman sa Diyos at sobrang selfish ko naman kung hilingin ko iyon." Lutang na sabi ni mama sabay pikit at sabay atsya ng barya.

"Anak oh, ikaw naman." Sabi ni mama sa akin sabay abot ng 5 pesos.

Pumikit naman ako at ini-atsya ko naman ang barya at humiling na sana makahanap na ng bagong mamahalin si Mommy para hindi na sya masaktan at maka-move on narin, at sinubukan ko ring hilingin na sana ma-reincarnate ako at mabigyan ako ng kahit mahinang kapangyarihan lang upang kahit papa-ano ay maging katulad ako ng mga napapanood ko sa isekai anime, wala namang masama kung hihiling ako ng imposibleng bagay diba?

Katapos nung mga pangyayaring iyon ay sumakay na kami sa jeep...

Ginabi na nakami ng uwe sa bahay dahil nga namalenggke pa kami ni Mommy katapos namin sa Minalin at ngayon nga ay kakatapos lang magluto ni mama kaya nag-hahanda na ako ng mga plato.

Habang kumakain ay biglang nagtanong si mama. "So anak ano nga palang hiniling mo kanina?" Usyosong tanong ni mama sa akin. "Wala ma secret hahaha." Saad ko na nagpa-pout kay mama, hays di talaga niya bagay mag-pout hahaha.

"Luh ma mukha kang kabayo di mo bagay mag-pout hahahaha." Pang-aasar ko sakanya, kaya ayun...

"Aray ma! Aray! Mapuputol mo na tenga ko! Aray ma!" Sigaw ko dahil sa sobrang sakit ng pagkakapingot nya sa aking tainga haha.

Nagtuloy-tuloy pa ang ang kwentuhan namin ni mama at nang matapos na kaming magkwentuhan ay ayun pumanik nako sa kwarto, then, as usual ginawa ko na ang mga night routine ko.

Nang makapanik na ako sa aking kama ay nagdasal na ako ng taimtim at humiga na katapos. Pinikit ko na ang aking mga mata, ngunit bigla kong naisip ang panaginip ko kahapon. Ano kayang nais iparating ng panaginip na iyon? Hays baka kaka-cellphone ko na 'to o kakanood ko ng anime. Hays, bahala na nga. At doon nga ay unti-unti ko ng ipinikit ang aking mga mata at natulog na...

...

"THE LIFE AND DEATH HOLDER'S LIFE WILL CLAIM..."

"Kali! Guia! Takbo!" ...

"AND CLIMATE WILL GO ROUGH..."

"Nagiging pula na ang kalangitan, kailangan na nating lumisan"...

"BLOOD CONTAMINATE THE WATER..."

"Protektahan ang Tears of Water Deus kahit anong mangyari!"...

"DESPAIR WILL BE THE SMELL OF WIND..."

"Bumaba na kayo sa lupa, pabagsak na ang Stados de brisa Onidos!"...

"HARVESTRY OF LIFE WILL BE IN DESTROYER..."

"Huwag hahayaang makatapak sa kaharian ng Soberania das Terras ang mga kawal ng Dark Continent! Protektahan ang ating lupain!"...

"UNKINDLED THE FLAME AND BREAK THE SINNERS BIN..."

"Pugutan ang Hari ng Reino do Fogo!"...

"DARKNESS WILL SUCKS THE LIGHTS..."

"Kami'y susmusuko sa iyo." Pagsuko ng isang Hari...

"H-HINDE!" Sigaw ko at dali-daling bumangon ako sa pagkakahiga. Sino ang mga iyon? Bakit may patayan? Sino si Kali at Guia? bakit ko sila napapanaginipan?

...

Download MangaToon APP on App Store and Google Play

novel PDF download
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download MangaToon APP on App Store and Google Play