Isa kang high school student at sumasideline bilang writer sa isang site, hindi naman sikat. Sakto lang.
Teacher ang nanay at tatay, may isang pasaway ngunit maalalahaning kuya. Normal ang buhay. Hindi mayaman at hindi rin naman mahirap.
Ngunit anong gagawin mo kung isang araw pag gising mo, nagbago nalang ang lahat. Ang mga kaibigan mo sa paaralan ay hindi kana maalala teka, hindi, mali, more on, hindi sila ang mga kaibigan mo, kamukha lang. Maski ang mga magulang at kapatid mo'y nagbago ang ugali. . Teka, hindi, hindi sila ang mga magulang ko.
Ang malala pa, lahat ng karakter sa mga kwentong naisulat mo ay present sa lugar kung nasaan ka!
"Kuya!" Pagtawag ko sa kapatid ko ngunit hindi niya ako pinansin.
Naglakad lamang siya palabas ng bahay! Hindi ko mawari kung kaninong bahay ito dahil pag gising ko ay nasa isang magarbong kwarto na ako.
Pagbukas ko ng kulay rosas na pinto ay bumungad sa akin ang malamansiyong bahay, nahuli ng tingin ko si kuya na palabas ng bahay at nakasuot ng uniporme ngunit hindi naman iyon ang uniporme ng paaralan namin.
"Lucent, bakit hindi kapa nagbibihis? Malelate kana sa paaralan"
Napalingon ako sa may hallway dahil sa nagsalita. Nagulat ako dahil sa matandang babaeng nasa edad singkwenta na nabigla nalang sumulpot kung saan, kumunot ang noo ko dahil doon. Teka, sino siya?
"Lucent" pagtawag niyang muli sa pangalan ko at humakbang palapit sa akin.
Nang makalapit siya ay inilapat niya kaagad ang palad sa noo ko. Sa gulat ko ay hindi ako nakalagaw kaagad. Mas matangkad ako ng kaunti sakanya kaya malaya ko siyang natignan. Tinitigan ko siya sa mga mata, napansin niya ata iyon dahil bigla niyang ini angat ang paningin at ngumiti sa akin. Ibinaba niya ang kamay bago nagsalita.
"Maligo kana at magbihis, nakahanda na ang almusal. Malelate ka. Nauna na si Lucid dahil may gagawin pa daw siya sa paaralan. Pumasok narin ang mama at papa mo dahil may gagawin daw sila sa kompanya " paliwanag niya.
Teka, ano? Kelan pa kami nagkaroon ng kompanya. Tsaka ano? Si kuya Lucid? May gagawin sa paaralan. Teka, kelan pa? Eh ang tamad tamad non!
"Ahm. . Ano daw pong gagawin ni kuya Lucid sa paaralan?" Tanong ko nalang para mawala ng kaunti ang kaba. Teka, Lucent, hingang malalim. Anong nangyari sayo? Natulog ka lang at pag gising mo, nagbago na ang lahat. Hindi kaya, nacomatose ba ako o ano?
"Ano kaba? Alam mo naman kung gaano karesponsable iyong kapatid mo, may gagawin daw sila sa org. Ba yun?" Wika pa niya tsaka ako sinamahan bumalik sa sinasabi nilang kwarto ko.
Nalilito man ay naligo na lamang ako at nagbihis. Teka nga, kelan pa naging responsable si kuya?
Nagbago rin ang uniporme ko. Pagbaba ay bumungad sa akin ang magarbong sala at kusina. Nalilito man ay kumain nalang ako para makalabas na. Hindi ko pa rin alam kung ano talagang nangyayari.
Pakiramdam ko ay mababaliw ako, tinitigan ko ang mga larawan sa paligid lalo na ang mga nakalagay sa sala, oo, sila mama at pala nga ito kaya lang, hindi ko maalala kung kailan namin kinuha ang mga picture na ito, tsaka, bakit nakadamit ng ganito ang mama at papa ko? Pang opisina at napakaseryoso ng mga mukha nila.
Napa atras ako dahil doon. Dali dali akong naglakad palabas ng bahay at nakitang nasa ibang lugar ako. Doon ay pakiramdam ko'y maiiyak na ako.
"Kalma! Lucy. . " wika ko sa sarili habang kinakapa ang dibdib. Naiiyak ako. Pakiramdam ko ay nakapasok ako sa ibang mundo.
Luminga ako sa paligid at nakita ang mistulang maze na garden, may fountain iyon sa gitna at maraming bulaklak ang bawat halaman.
"Nananaginip lang ata ako" natatawang wika ko sa sarili tsaka kinurot ang braso.
"Aww" pag angal ko nang makaramdam ng kaunting kirot dahil doon.
"Miss Lucent! Tara na po"
Napalingon ako sa nagsalita at nakita ang isang kulay itim na kotse na mukhang mamahalin.
"Teka lang po, manong. . " wika ko dahil naguguluhan pa ako.
Tumango naman ang lalaki at tumayo lang sa tabi ng kotse.
"Lucent, ito ang bag mo" wika ng babae kanina..
Napatitig ako sakanya dahil doon.
"Ano yun?" Tanong pa niya, napansin ata niyang nakatitig ako sakanya.
Binali ko naman ang tingin ko at kinuha ang bag na ini aabot niya.
"Salamat po" mahinahong sagot ko ngunit nagtaka ako nang bumalandra ang gulat sa ekspresiyon sa mga mata niya na tila miiyak na.
Tumalikod na ako at naglakad palapit sa kotse. Pinagbuksan ako ng pinto ng lalaki kanina. Pumasok ako at naupo na ng maayos.
Hindi parin ako matatahimik dahil pagtingin sa paligid ay alam kong nasa ibang lugar ako.
Sa pagtataka ay hindi ko namalayang nakarating na pala ako sa paaralan.
And to my shock! Nasa Brampton High School ako.
Alam niyo iyong itsurang hindi na ako makahinga dahil sa hindi ako makapaniwala.
"****" bulong ko sa sarili lalo na noong natigil kami sa harap ng gate. Pinagbuksan ako ng driver kaya bumaba narin ako.
"Anong oras mo ako susunduin kuya?" Tanong na na lalong ikinagulat ng driver kaya kumunot ang noo ko.
"Ah. . Miss, 5 pm po natatapos ang klase niyo. 5 pm nandito na po ako" wika niya nang nakayuko.
Kahit nagtataka ay hinayaan ko na siyang umalis. Damn. Hindi ko alam kung nasaan ang classroom ko, in the middle of school year, mangyayari sa akin ang hindi totoong pangyayaring ito.
Unang una! Nasa loob ako ng librong isinulat ko, pero hindi ko alam kung nasaang panahon ako o kung nakakinong kwento ako napunta. Teka, totoo ba to? Nangyayari ba talaga to?
"Lucy!" Nakarinig ako ng mahinang sigaw galing kung saan kaya hindi ko nalang pinansin. Naglakad ako palapit sa guard house na nasa tabi lang ng gate.
"Lucy!!" Mas lalong lumakas ang sigaw. Natigil ako sa paglapit kay kuya guard na mistulang hinihintay din ang pagpasok ko sa guard house at paglapit ko sakanya.
Lumingon ako sa may gate at nakitang tumatakbo palapit sa akin ang papansin at pasaway kong kaklase sa National kung saan talaga ako nag aaral sa totoong buhay, teka. . Bakit siya nandito?
Lumingon ako sa may gate at nakitang tumatakbo palapit sa akin ang papansin at pasaway kong kaklase sa National kung saan talaga ako nag aaral sa totoong buhay, teka. . Bakit siya nandito?
Inirapan ko lamang siya at nagpatuloy na sa paglapit sa guard.
Nang dalawang hakbang na lamang ay nagulat ako dahil sa mga brasong pumulupot sa leeg ko.
"Ay pot---"
Natigil ako sa sasabihin ko dahil tinakpan niya ang bibig ko.
"Gawgow, bhithiwan mHokoW!(gago!bitiwan mo ako)" Sigaw ko habang nakatakip ang kamay niya sa bibig ko. Hinawakan ko ang mga braso niya gamit ang dalawa kong kamay at pilit tinanggal ang kamay niya sa bibig at leeg ko.
Nagtagumpay naman ako at tinanggal nga niya.
Ngunit ang kanang braso niya ay nanatili parin sa balikat ko kaya lumingon ako sakanya.
Nasa kaliwa ko siya at sobrang lapit niya sa akin. Walang wala ang height kong nasa 5'6 sa height niyang 6', mantakin niyo, nasa 17 palang kaming pareho at nasa grade 11 na, pero sobrang tangkad na niya. Nasa varsity panga siya sa amin eh. Pero teka, huwag mong sabihing hindi siya ang mokong na kakilala ko kundi kamukha lang na naman niya.
"Kilala mo ako?" Kunot noong tanong ko sakanya.
Nagulat naman ako nang bigla niyang idikit ang noo niya sa noo ko. Naduling pa ako dahil doon ngunit hindi ako gumalaw, ang dibdib ko ay hindi mapakali, napakalakas ng tibok nito at hindi ko maintindihan.
"Tanga, magkaklase kaya tayo. . Simula kinder. . "Malumanay at pasweet niyang wika. Pero teka, ano?
"Tanga!ako???" Pag angal ko tsaka siya itinulak.
Magkaklase din ba si Lucent at ang lalaking ito sa mundong ito?
Natigil ako sa pag iisip nang bigla niya akong hilain papunta kung saan.
Nang makarating kami sa tapat ng isang classroom ay nauna siyang pumasok. Doon ay hindi ko na siya pinansin, naglakad na rin ako papasok sa loob dahil nga magkaklase kami.
Pagtingin ko sa paligid ay hindi bago ang mga mukha? Sila parin ang mga kaklase ko sa National ngunit ibang iba ang mga ayos nila. Ang mga kikay kong kaklase doon ay kikay pa rin ngunit mas mukha silang sosyal dito. .
"Dawn" pagbanggit ko sa pangalan niya nang mapansin kong nakaupo siya sa upuang nasa likod at tabi ng bintana. Nakatitig lamang siya sa labas at hindi pinapansin ang mga kaklase naming nag iingay at nag uusap usap sa harapan niya.
Naglakad ako palapit sakanya at naupo sa upuang nasa tabi niya dahil bakante iyon. Ang mokong ay nasa harapang banda. . Aba? Matalino kaya siya sa mundong ito? I mean, matalino naman siya doon kaya nga lang, napakapasaway. . Hindi nakikinig sa klase at puro basketball nasa utak.
Umiling nalang ako nang makitang abala siya sa pakikipagkwentuhan sa isa ko pang lalaking kaklase na kaibigan niya rin sa totoong buhay. . Tsk, tama, wala ako sa totoong buhay. . Kailangan kong mag isip ng paraan kung paano ako magigising sa panaginip na to.
"Lucy, why are you sitting beside this nerd?" Tanong ng isa sa kikay kong kaklase na hindi ko naman kaibigan sa totoong buhay dahil pangit ang ugali.
Tumingala ako at nakitang napakakapal ng pulbo sa mukha niya, tila matatawa na ako ngunit pinigilan ko, dahil nga naman, hindi ako ang Lucy na kilala nila.
Umatras ako sa pagkakaupo at sumandal ng maigi sa upuan tsaka humalukipkip.
"Tapos?" Kunot noong tanong ko
"Sinabi ko na sayo diba? Kung sasama ka sa nerd na yan. . Hindi ka namin isasali sa grupo namin" mataray niyang wika sabay baling sa dalawang maaarte pa niyang kasama.
"Mmm hmmm" wika ko naman tsaka itinaas baba ang kilay.
Ngumisi pa ako dahil doon.
"Ahmm. . By the way, bago ka makapasok sa grupo namin. . Alam ko na kung anong kundisyon"she proudly said tsaka humalukipkip din.
Ngumiti lang ako at naghintay ng sasabihin niya.
"We'll use your yatch for my birthday" pautos niyang wika.
Natawa naman ako ng malakas dahil doon dahilan para magulat siya. Teka, Yate??? Ni hindi ko nga alam na may ganun pala kami. Naupo naman ako ng maayos dahil hindi ako matigil sa pagtawa. .
"No thanks" sagot ko nang mahanap ko ang pagkalma. .
"What??" Mataray niyang tanong.
"Sabi ko, NO THANKS" wika ko tsaka tumayo para tapatan siya sa pagtataray niya.
"Alam mo, kaysa sayangin mo ang oras mo sa pagpapaganda. . Magbasa ka kaya. . Mag aral ka ng mabuti" wika ko tsaka siya tinapik ng dalawang beses sa kanang balikat at naupo ulit.
Dahil sa sinabi kong iyon ay nagtawanan ang halos buong klase. .
Nilingon ko si Dawn at halatang hindi siya makapaniwala sa nangyayari.
Kumindat naman ako sakanya at ngumiti. Nahihiya naman siya tumango at ini iwas ulit ang tingi. Aba? Shy type kaba dito Dawn?
Sa totoong buhay, ikaw ang palaban eh.
"Hindi pa tayo tapos. . Humanda ka" pagbabanta naman ng maarteng babae.
"Nandito kapa?" Gulat kong tanong dahil nagulat ako nang magsalita siya. Akala ko kanina pa siya umalis ehh.
Dahil doon ay nagtawanan ulit sila, nainis na ata ng tuluyan ang tatlo kaya sabay sabay silang tumalikod at naglakad palayo sa akin.
Nagsibalikan naman lahat ng mga kaklase kong wala sa mga upuan nila sa mga pwesto nila dahil dumating ang mga SG officers.
May mga nagbubulungan sa harap dahil sa kilig. Nang makita ko naman ay wala namang iba kundi ang kapatid kong si Lucid at ang Vice President niya. . Teka, bakit pati siya ay nandito?
Lahat ba ng estudyante dito ay kamukha din ng mga estudyante ng National? Kung ganun, bakit Brampton ang pangalan ng paaralan na ito?
Pinaprank lang ba ako? Ano bang nangyayari.
"Lucent Coldwell Astor" pagtawag sa pangalan ko dahil nasa pangatlong bilang ako pag alphabetcally arranged.
"Here!" Wika ko at tatamad tamad na itinaas ang kamay.
"Lucent Coldwell Astor" pag uulit ng kuya ko.
Sa inis ay tumayo na ako.
"Present!" Mas malakas kong wika.
Napansin iyon ni kuya kaya tumitig siya sa banda ko. Nakipagtitigan din ako syempre. . Papatalo ba naman ako?
"Miss Astor. . Bakit nasa likuran ka?" Tanong niya na ikinakunot ng noo ko.
Nakakapanibago na ang seryoso ng itsura ng kuya ko. . Ibang iba sa nakasanayan ko.
"I am sorry, pres. . Kung pagbabasehan ang height, tama lang na nasa likod ako at may pagka farsighted ako" wika ko naman tsaka naupo din agad.
Umiling lang siya at nagtawag ulit ng attendance.
"Dawn Windsor"
"Present!"
Blah blah blah
"Cloud Murky Vesper"
"Present"
Napatingin ako sa lalaking mahangin dahil bigla siyang tumayo.
"Mr. Vesper. . Mag usap tayo after class" wika ni kuya.
Pangiti ngiti namang tumango ang loko bago umupo. May pagka siraulo ata talaga.
Nagpaalala ang bise presidente ng SG ng mga dapat gawin at hindi dapat gawin sa loob at labas ng classroom. Actually, araw araw daw nilang ginagawa ito para hindi makalimutan ng mga estudyante.
Ganito rin ang mga estudyante sa National.
Nang matapos ang klase ng umaga ay naglakad ako pahallway. . Sa dulo nito ay ang Brampton college. .
Naglalaro ang mga soccer team sa field. .
Teka, soccer team?
Hindi kaya. .
Download MangaToon APP on App Store and Google Play