Chapter 2 Dark Room
Evie
"A-anong gingawa mo dito? Bawal ka dito" kinakabahang tanong ko. Pag nalaman ni mommy na may nakakita sakin ay papaluin nya ako at hindi papakainin tapos i lolock nya ako sa garahe katulad ng dati ng may nakakita sakin ng hindi sinasadyan.
May hawak syang pagkain.
"Bakit ka andto? Tsaka bakit ang dilim ng kwarto mo?, hindi kaba lalabas?" tanong nito at parang hindi natatakot sakin.
Hindi katulad ng ibang bata.
"Pwede bang, umalis kana tsaka pwede wala kang pag sabihan na may tao dito" bumaba ako sa kama ko tsaka hinawakan ang braso nya at hinila sya palapit sa pinto.
"Bakit naman? Tsaka gusto ko dito pramis hindi ako mag tatagal uubusin ko lang ito" sabi nya tsaka pakita ng platong andaming laman pinagmasdan ko naman sya mataba ang pisngi nya at katamtaman lang ang katawan.
"Hindi ka pwede dito. Kapag nakita ka ng mommy ni princess papagalitan ako tapos papaluin ako at ayoko matulog sa garahe" nakayukong ani ko.
Pero kinuha nya lang ang braso nya sakin at nag lakad sa maliit na lamesa sa kwarto ko at doon nilagay ang pag kaing hawak nya.
"Alam mo lagi kitang nakikita sa school lagi kang tahimik at lagi kang nasa dulo ng upuan hindi ka din gaanong sumasali sa kapag nag lalaro " pumapasok ako sa school nila princess dahil pinasok ako nila lola.
"umalis ka na please, wag ka nalang maingay na may tak dito" lumapit ako sa kanya. At hinawakan ang kamay nya.
Hinila ko sya para sumama papunta sa pinto pero pinigilan nya ako.
"Ayoko nga dito lang ako, Sasamahan kita dito. Kumain kana ba?" makulit sya at gusto nya ay ang gusto nya ang nasusunod.
Napa buntong hininga nalang ako tsaka umiling. Hindi sya mag papapigil at mukhang malalagot ako bukas lalo na kung mamalan nilang may nakahita sakin dito.
"Kaya pala ang payat mo ei" pangaasar nya binuntutan pa ng pagtawa nya. Pinatahimik ko sya dahil baka may makarinig sa kanya.
"Hindi ako payat, sadyang mataba kalang talaga kaya mukha akong payat" nakangusong sabi ko.
"hindi kaya, tara kumain ka para naman tumaba ka" ang dapat na ako ang manghila sa kanya palabas ay sya ang nang hila sakin palapit sa mesa.
"Kailangan maubos mo yan bawal mag tapon ng pagkain magagalit si papa god sige ka" pananakot nya pa sumunod nalang ako dahil halatang wala akong magagawa sa kakulitan nya.
Nang matapos kumain ay nag simula nanaman syang dumaldal.
" What's your name?" tanong nya.
Tinignan ko muna sya ng may pag aalinlangan bago sumagot mukha namang mapagkakatiwalaan sya...
Sana nga..
"Evie, ikaw ilang taon kana?" tanong ko sa kanya
"Seven, ikaw?" pinunasan nya pa ang labi kong hindi ko namalayang nay icing pala sa gilid.
"six, mas matanda kapa sakin ei dapat kuya ang itawag ko sayo" natatawang sabi ko.
"Hmm...dapat nga” sangayon niya at tumango tango oa “lagi kabang nandto?” hindi ko sya sinagot at nanatili akong naka tungo. “lagi ka bang mag isa?," tanong nya habang titig sakin. Tumango ako bilang sagot.
"Teka ano nga palang mo?" tanong ko pero bago pa sya maka sagot ay narinig ko ang sigaw ni princess.
“Why?, dapat lumabas ka madaming pagkain sa labas at masaya don” anito
“Kung masaya pala doon ay bakit ka narito kung ganon?” hindi ko maiwasang maiingit dahil naririnig ko ang tawanan at sigawan mula sa labas.
“Dahil naiinis ako kay princess lagi nalang syang nadikit sakin, naiinis ako sakanya” naka cross arm na sagot nya.
“Bakit naman?” tanong ko
“Kasi she always hug me and i hate it, she even said she wanted to marry me, but i refuse it, because i want to marry the girl i love like how daddy love my mom” dahil mas matangkad sya sakin ng konti ay yumuko pa sya at ngumiti sakin. “And i think i found her, pag laki ko pakakasalan kita” nagulat ako sa sinabi nya pero na guguluhan ako.
“Pakakasalan?, ano yun?” tanong ko dito.
“Yun ay mag sasama ang isang babae at lalaki sa iisang bahay tapos bubuo sila ng masayang pamilya” nagiting aniya nakaramdam ako ng tuwa ng marinig ang salitang masayang pamilya. “Gusto mo ba ng ganon?”
Tumingin pa muna ako muli sa kanya at tumango tango. “Pano yun? Pag laki mo baka hindi na tayo magkita, edi wala nang masayang pamilya” inosenteng aniko
“Bakit naman?” napaayos sya ng tayo at tumitig sakin.
“Kasi kukuhain nako ng lola ko at dadalhin ako sakanila ililipat din nya ako ng school, edi hindi na tayo mag kikita” sagot ko nakatingin sa paa ko.
“Edi hahanapin kita, pag laki ko basta ipangako mo ako lang ang pakakasalan mo” aniya.
“paano kung kasal kana nun?”
“Hindi yun kasi gusto ko ikaw ang pakakasalan ko” naglabas siya ng isang bagay mula sa bulsa ng pantalong nya at lumapit sakin yumakap sa likod ko at itinapat ang cellphone na tinatawag sa harap namin. “Smile” sinunod ko naman ang inutos nya kasamabay ng pag ilaw niyon.
Ilang beses pa nya ginawa yon at paulit ulit na sinasabi ang salitang pakasalan.
“Ano nga pala pangalan mo hindi mo naman sinabi sakin eh” akmang sasagot na sya ng biglang may sumigaw.
"Vinn!! Vin where are you?" dahil sa sigaw ni princess ay nag mamadali kong hinila sya patayo tsaka sumilip sa pinto mukhang nasa unang palapag palang si princess.
Tinignan ko ang batang lalaki.
"pakiusap wag mong sasabihin na may tao dito" nangungusap ang mga mata kong nakatingi sa itim na itim nyang mata.
Tumango sya at binuksan ko ang pinto tsaka sya hinila palabas pero hinawakan nya pako tsaka pinatingin sa mata nya.
"Vin! Where are you?! " dahil sa sigaw ni princesse ay patakbo akong bumalik sa kwarto ko.
Sana hindi nya sabihin...
Munting hiling ko. Kinabukasan ay hindi ako pinalo o kinulong ni mommy sa garahe.
Mukhang hindi nya sinabi. Napangiti ako sa na isip ko.
Sana may tao pang kagaya nya...
Sana magkita kami ulit.
Pero ng araw ding iyon ay kinuha na ko nila lola.
Paulit ulit ko ding tinanong sila lola kung ano ang ibigsabibin ng magpapakasal.
At sinagot ng ang nag papakasal ay ang mga taong nagmamahalan at gusto magkaroon at bumuo ng sariling pamilya.
To be continue...
Chapter 3 Amber Dobrev
AMBER
PAGMULAT ng mga mata ko ay sa bintana na agad ito natuon madilim na ang kalangitan.
nagugutom na ako...
Tatayo na sana na sya para bumangon at mag hanap ng pagkain ngunit bago pa sya maka bangon ay pumasok na ang batang kula lila ang mata at blonde na buhok.
“Gising kana, eto oh kain kana alam kp namang hindi kapa kumakain kasi natulog ka kaagad pag tapos mong umiyak” nakangiting saad nito.
Tinignan ko ang dala nya tray may kanina at ulam, tubig at, mansanas.
Inilagay nya ang hawak na tray sa lames malapit sa sofa.
Tsaka nag lakad palapit sa kama tinulungan nya akong alisin ang kumot at inalalayan pababa sa kama.
Nakatingin ako sa kamay nyang nakahawak sa sa kamay ko ng hilain nya ko palapit sa mesa kahit ang pag akyat sa upuan ay tinulungan nya ako.
Pang isahan lang ang dala nyang pag kain kaya naman nag angat ako ng tingin sa kanaya.
“Tapos nako kumain dinalhan nalang kita kasi akala ko tulog ka pa kaso sakto naman ang pag dating ko” nakangiting saad nito.
Kung dati ay sila nanay ang kasabay kong kumain ngayon ay wala nakong kasabay
Marahang hinaplos ni evie ang mukha ko nag angat ako ng tingin sa kanya.
“Sorry ahh, sasusunod kasabay mo na akong kakain, sa ngayon ikaw nalang muna ha, katatapos ko lang kasi ei tsaka naligo ako kanina.” muli nyang pinunasan ang luhang pumatak sa mga mata ko. “Wag kanang umiyak gusto mo maglaro tayo lag tapos mong kumain?, sasamahan kita. Sasabihan ko din si tito gerald kung pwede ay dito nalang ako tumuloy sa kwarto mo. Kung gusto mo kung hindi ay ayus lang naman”
“Gusto ko po, ayoko po na mag isa ako. Ate sasamahan mo po ako diba?” nakangiting tumango naman ito.
Kaya nakaramdam ko na medyo gumaan ang loob ko. Pag katapos kong kumain sinamahan nya akong maligo pero napatigil ako ng may nakita ako sa loob ng cr.
O_O
“Ate evie bakit po may swimming pool dito sa cr?” namamanghang tanong ko na nakaturo pa sa kulay puting malim at malaking plangganang babasagin.
Tinawana lang nya ako kaya napating ako sa kanya “Hindi yan swimming pool amber, ang tawag dyan ay bathtub. Dyan ka maliligo” nakaramdam ako ng excitement sa sinabi nya kaya naman dali dali kong hinubad ang aking sout.
Narinig ko pa syang natawa “Dahan dahan lang amber baka madulas ka hindi naman aalis yan dyan” hinawakan nyako para tulungang pumasok sa loob tsaka may inikot nagulat naman ako ng umulan sa uluhan ko kaya napatingala ako at nasa lubong ang tubig na nang gagaling sa shower, kung dati ang hos lamang ang aming ginagamit para parang naka shower ngayon ay totoong shower na.
“kung nandto sila nanay siguro ay matutuwa din sila sa shower nayan” ani ko at nakaramdam ng lungkot.
“Amber andito naman ako. Simula ngayon ako na ang pamilya mo at sila papa.” nagsimula syang kuskusin ang katawan ko.
Ilang saglit pa kaming nag laro sa cr kaya hindi maiwasang mabasa si ate evie.
Kahit sandali ay hindi ko naramdaman na wala sila nanay ngunit nang lumabas si evie ay nakaramdam ulit ako ng lungkot kaya nag simula nanamang uminit ang gilid ng mata ko tsaka mamasa ang mata ko.
Nagsimula nanaman akong umiyak habang naalala ang nangyari kagabi.
Nakayuko ako sa kama ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at nakita ko ng pumasok doon ang lalaking mukhang kasing edad lamang ni tatay.
Umupo sya sa gilid ng kama ko at saka marahang hinaplos ang ulo ko “Amber ihja, patawadin moko kung hindi ko nailigtas ang mga magulang mo” nag pakawala sya ng malalim na hininga.
Samantalang patuloy parin ang pagtulo ng luha ko sinubukan nyang punasan ito pero wala paring tigil ang luhang umaagos sa mga maga ko hanggang sa mapahikbi ako.
“Amber, I'm gerald lee kung gusto mo ay tawagin mokong tito, o kaya naman ay papa.” pagpalakilala nya sa sarili at sinundan ng malalim na buntonv hininga “Wag kang mag alala at hahanapin ko ang nanakit sa inyo, pangako yan” aniya at pinunasan muli ang aking luha.
Tumango naman ako at niyakap sya. “Gusto mo bang mahuli yung mga badguys?” tanong nito.
Paulit ulit naman akong tumango at sinubukang tumigil sa pag iyak at humihikbi hikbi parin.
“Sa oras na mahanap natin sila hindi natin alam kung maikukulong ba sila. Alam kong bata ka pa at hindi mo pa ako masyadong naiintindihan pero kasi...” tumigil sya at bumuntong hininga tsaka muling nag pa tuloy. “May mga taong nasisilaw ng pera kaya hindi naibibigay ang hustisya para sa mga kagaya mo” hinawakan nya ang mukha ko at tinignan ako sa mata at muling hinaplos ang aking mga buhok. “Sa ngayon amber nandto ka sa isang ahensya ng mga agent kagaya ng nasa tv kaso itong lugar nato ay walang ganong nakakaalam ng lugar nato. May mga bata din ang nandto ngunit ikaw ang pinakabata. Si evie naman ang sumunod. Iilan lamang kayo dito.” mahabang sabi niya na pilit ipinapaintindj saakin ang gusto nyang sabihin.
“Ang mga batang yon ay nag eensayo para matutong makipaglaban sa tamang paraan at tanging kung kailangan lang pwedeng gamit anv kanilang kaalaman.” pag papatuloy nya.
“gusto ko pong matuto” buntong hininga ang sagot nya sa sinabi ko.
“pero hindi pa sa ngayon. Doon ka muna maninirahan sa bahag ko kasama ang asawa ko malinaw ba. At kapag seven kana tsaka ka lang pwedeng magaral nun maliwanag ” pinisil nya ang ilong ko at tumingi muli sa mga mata ko. “At kapag anim na taon kana ay kailangan mong pumasok sa eskwelahan naiintindihan mo ba ako munting princessa” nakangiti nyang kinurot ang pisngi ko ay kiniliti ang tagiliran ko kaya naman natawa ako.
“Opo papa” natawang sagot ko.
Bigla namang bumukas ang pinto ng kwarto ko at pumasok si evie na may dalang unan.
“papa?, pwede po bang dito ako matulog?” inosenteng tanong nito.
Tumango tango pa si papa “Oo naman halika dito evie, sa ngayon ay samahan mo sya pero bukas ay aalis na si amber. At lilipat sa bahay namin.”
“Aalis po sya” malungkot na ani ni ate evie samantalang inosente akong nakatingin sa kanila.
“Paminsan minsan ay bibisitahin ka ni amber gusto mo ba yon evie?” nakangiting hinaplos nya din ang pisngi ni evie.
“Sige po” masiglang sagot ni evie.
“Matulog na kayo at anong oras na bawal ang mag pupuyat sa bata” inayos nya ang pag kakumot samin. “Goodnight” nakangiting sabi nito.
“goodnight po papa” sagot naming dalawa ni evie
Sinarado nito ang pinto at naramdaman ko pa ng lumubog ang kama at niyakap ako ni evie.
“Goodnight amber” humarap ako sa kanya at niyakap sya pabalik.
Madali akong nakatulog dahil sa pagiyak ko kanina at sa pag lalaro naming dalawa.
To be continue...
Chapter 4 Evie' Training
Amber
“Miguel Martim is proven Not guilty! ” anunsyo ng lalaking nakatayo sa gilid ng judge na tatlong beses pinukpok ang mantel.
Tatlong taon akong naghintay para makulong ang taong nagpahirap at pumatay sa mga magulang ko.
Ngunit hindi ko inaasahang ganito ang kalalabasan ng tatlong taong paghihintay ko ay parang bulang naglaho lahat.
Oo at pitong taong gulang palamang ako ngunit ng dahil sa nangyari tatlong taon ang nakalipas ay sinikap kong mas intindihin ang lahat sa murang edad.
Napayuko ako ng maramdaman ang luhang nagbabadya na tuluyang tumulo ng yumuko ako at nagsimulang humikbi.
Umiiyak parin ako ng makalabas sa loob ng silid na iyon na hindi ibinigay sakin ang hustisya narararapat para sa akin.
“Amber” lumuhod ito upang magpantay ang aming mukha. Hinawakan nya ang mukha ko pinatingin sa kanyang mga mata.
Bumuntong hiniga at naawang naka tingin sakin. Patuloy parin ang pag daloy ng luha sa aking mata maging ang aking paghikbi ay walang tigil. “Amber, anak tahana alam kong matagal kang naghintay pero ang mga katulad ng martim na iyon ay hindi madaling ilagay sa likod ng preso.” bumuntong hininga syang muli.
“Bakit po?, hindi po makatao ang ginawa nya sa nanay at tatay ko bakit po hindi sya nakulong?” walang tigil ang pagagos ng luha ko at ang aking paghikbi.
“Dahil ang may perang katulad ko ay kayang bilhin ang kahit na sino kahit ikaw ay kaya kong bilhin.” napatingin ako sa likod ko ng marinig ang pamilyar na tinig “ Wag mo nang subukan pang kalabanin ako dahil mapera ako at madami akong koneksyon kumpara sayong paslit lamang HAHAHAHA” Tumawa ito ng nakakaloko at umalis.
Ang mga mata ko ay nakatingin parin sa dinaanan nya at mas lalo akong naiyak hindi porket mayaman sya ay nararapat syang makalaya mula sa kasalanang ginawa nya.
“Amber, halika na hayaan mo at mapaparusahan din ang demonyong martim na iyan, hindi pa man sa ngayon ay sa tamang panahon.” sabi ni papa na nakaluhod parin sa harapan ko.
Pinanood ko syang tumayo at hawakan ang kamay ko't tulungang maka sakay sa kotse nito.
“Papa” tawag ko dito ng makapasok sya sa sasakyan “Gusto kong maparusahan sya sa ginawa nya kila nanay at tatay, papa tutulungan mo po ako diba?” umaasang tanong ko.
Bumaksak ang balikat ko ng bumuntong hiniga sya ngunit agad ding nakiwanagan ng tumango ito.
“Hindi ko alam kung magugustuhan ng nanay at tatay mo ito, paniguradong maski ang mama mo ay magagalit dito, pero gusto kong matuto kang lumaban para sa sarili mo at sa karapatan mo bilang tao” aniya
Tinahak namin ang daang pamilyar samin kaya nakaramdam ako ng saya makikita ko ulit si ate evie.
Nang tumigil ang sasakyan ay ibinaba ako ni papa at tunakbo kung saan ang kwarto ni ate evie para lang muling bumagsak ang balikat ko dahil wala ito doon.
“Wala si evie dyan halika at dadalhin kita sa kanya. Panoodin natin sya” napalingon ako nang biglanv nagsalita si papa.
At hinawakan ang kamay nyang naka lahad naglakad kami papunta sa field kung tawagin nila dito.
Nang makarating kami ay namamangha akong nakatingin sa nga batang mas matatanda pakin ng ilang taon na mayhawak na mahabang kahoy.
Natuon naman ang mata ko kay ate evie na may hawak ding mahabang kahoy na nakatutok sa apat na lalaking mukhang kasing tanda nya.
“Papa si ate evie baka masaktan sya oh” tinuro ko ang direksyon kung saan ko sya nakikita pero ngumiti lang sya sakin.
“Hindi nila masasaktan si evie” aniya
“Bakit po?, eh apat po silang lalaki samantalang mag isa lang po si ate” nagaalalang tugon ko.
“Dahil magaling sa pakikipaglaban si evie sya ang pinaka magaling sa kanila, panoodin mo sya” muli nyang tinanaw ang direksyon ni evie binalik ko din doon ang tingin ko.
Namangha ako ng mabilis na sinalag ni evie ang mga palo nila. Sinalag nya ang isa gamit ang kahoy at hinila ang mula sa pagkakahawak ng bata ang kahoy inihampas dito.
Ngayon ay dalawa ang hawak nyang kahoy. Pinigilan nya ng isang kahoy na hahampas sa ulo nya ng sanggain nya iyon at hinampas ang likod ng tuhod nito naging dahilan para matumba ito.
Mabilis nya ring nasalag ang kahon ng isang bata at isa pa at sinipa sa dibdib ang nasa harap nya. Tinulak nya ang dalawang batang natitira.
At hinampas ang isa sa likod ng tuhod ganondin ang ginawa nya sa isa pa. Pinapanood na sya ng iba pa at isa isang sumugod patuloy naman sya sa pagsalag at pagsalo sa mga hampas nito at pinapalo sa likod ng tuhod.
Nang tumigil sya ay habol nya ang kanyang hininga habang nakamaang na namamangha akong nakatingin sa kanya.
“Ang galing nya papa, gusto ko din pong matuto non papa” hawak ko ang laylayan ng damit ni papa habang nakatingala dito.
“Ilang taon ding nag ensayo si evie amber. At kung gusto mo talaga ay si evie na ang magtuturo sa iyo” nakangiting saad nito ginulo ang buhok ko.
“Thank you po papa!” magiliw na ani ko.
“Amber, papa ano pong ginagawa nyo dito?” hindi ko namalayang nakalapit na si ate evie.
“Evie simula ngayon ay dito na Titira si amber, hanggang sa matuto syang makipaglaban at bukod kay Ornand ay ikaw ang mag tuturo sa kanya maaasahan ba kita?” lumuhod si papa para mapantayan kami.
“Opo!” agarang sagot nito.
“uuwi muna ako at kukuhain ko ang damit mo” tumingin sya sakin at bumuntong hiniga “Simula ngayon ay ito na ang bago mong tahanan, dito ka lalaki at dito mahahasa ang kakayahan mo”
Tumango ako bilang sagot nag paalam ito na aalis kaya naman hinila nako ni evie sa pwesto nya kanina ipinahawak ang isang kahoh.
“Ang tawag dito ay arnis, gamit ito matututo ka ding gumamit ng espada, at sa pagsapit ng mo ng ika sampong taong ay tuturuan ka kung pano gumamit ng palaso, at pag sapit mo naman ng labing dalawang taon ay tuturuan ka kung paano umasinta gamit ang ibat ibang kalaseng baril.” itinaas nya ang hawak nyang arnis at itinaas ang akin gamit ito.
“Tuturuan ka ng basic self defense hanggang sa makayanan mo ang mahirap at makaya mong bumuo ng sarili mong galaw. Tuturuan ka ding humawak at gumamit ng patalim, pwesto!” hinampas nya ang arnis na hawak ko at bumuntonv hininga ng tumalsik iyon.
Pinulot nya iyon ay hinila ako sa isang nakatayong kahoy at pumwesto sa likod ko.
Pagkunaw ay hinawakan nya ang kamay kong may hawak na arnis at tinampas ang kahoy sumakit naman ang palad ko sa malakas nyang paghampas dito. Kaya nabitawan ko iyon.
“Aww”
“Sorry, amber hindi ko sinasadya masakit pa ba?” pumunta sya sa harapan ko at tinignan ang palad ko.
Umiling ako nag patuloy kami hanggang sa nasanay ako sa bigat at sa tamang pag hampas nito.
To be continue...
Download MangaToon APP on App Store and Google Play