Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o magagalit sa taong kaharap ko ngayon.
Pero isa lang ang alam kong nararamdaman ko. Iyon ay ang pananabik sa puso ko. Pananabik na makilala ang aking anak. Na aking nakalimutan ng matagal na panahon dahil sa kagagawan ng isang taong huwad na nasa aking harapan ngayon.
Walang tigil ang pag buhos ng kaniyang luha habang binibigkas ang mga salitang gusto kong marinig mula sa kaniya.
" I'm so sorry, Cami. H-hindi ko sinadyang itago ang katotohanan sa'yo. " hikbi niya habang nakayuko.
Kinuyom ko ang kamao ko at pinigilan ang sariling maluha.
" Alam niya ba? Alam ba ng tatay niya? " tanong ko.
Hindi siya sumagot. Bagkus ay humagulgol siya lalo.
" Tinatanong kita! Alam niya ba ang tungkol sa panloloko mo sa kaniya?! Sa anak ko na naging anak mo?! Sa pamilya niya?! Sa akin?! " halos pasigaw na tanong ko.
" H-hindi.. Hindi.." umiiyak pa rin na sabi niya.
Halos maluha na ako sa galit ko.
All this time, I thought I am the mistress. I thought I'm having an affair with her husband.
And It turns out... that I... I am the one who's supposed to be his wife... Because... we have a child..
" Mommy! " dahan dahan akong lumingon sa pinanggalingan ng mala anghel na boses na iyon. Ganoon din siya.
Lumambot ang puso ko. Ang kaninang galit na nararamdaman ko ay napalitan ng tuwa.
Makita ko lamang ang napaka guwapong mukha ng aking 'anak' ay mabubura ang lahat ng lungkot na aking nararamdaman.
" Cami! Are you okay? " sumunod siya sa batang palapit sa akin.
Nilingon ko ang babaeng kaharap ko at nagpupunas ito ng luha niya bago ito nag angat ng tingin sa mag-amang kararating lang.
How? How could she do this to me? How could she do this to us?
Her family accused me of having an affair with her husband. And Yes, I almost admitted it in front of their whole family. That I am the mistress. That I am having an affair with him.
But...No... I won't... Dahil kung mahal ko talaga siya... Ipaglalaban ko siya... Ipaglalaban ko ang karapatan ko sa kaniya...
Dahil ngayon... Wala na akong dapat ikatakot pa... Dahil simula't sapul, ako na ang legal na asawa. Ako ang ina ng kaniyang anak. Ako ang kaniyang tunay na minamahal.
Sa korte nga nanalo ako, Ngayon pa kayang basang sisiw lang ang kalaban ko?
Hmm.
For my son and for my family...
I will destroy them.. Like how they destroy me...
Is this what you called The Affair?
The real mother of their son loving that hotty Attorney?
Hmm?
The Affair
Mag-iisang taon na kaming kasal ni Ram. Kasalukuyan na rin kaming nagpapatayo ng aming bahay at sa tingin ko'y isang taon na lang ay matatapos na iyon.
Kasama ko ngayon ang aking pinsan na si Vina dahil gusto niya raw bisitahin ang aming bahay.
" Kapag natapos na itong bahay, kukunin kita tapos dito ka na titira. " magiliw na sabi ko sa kaniya.
Nakangiti lamang itong tumango tango sa akin at pumasok sa ginagawang bahay. Umakyat ito sa hagdan.
" Vina! Dahan dahan sa pag akyat! " sabi ko dito dahil tumakbo ito paakyat.
Three storey itong pinapagawa naming bahay at gusto ko ring mayroon kaming rooftop.
Ang lupang pinagpatayuan namin nito ay regalo daw ng mga magulang ni Ram.
Dito lamang ito sa malapit sa bahay nila. Halos limang dipa lamang yata ang layo ng pinapatayong bahay namin sa bahay nila.
Palibhasa, ayaw nilang malayo ang anak nila sa kanila.
Noong sinabi kong baka madestino ako sa Maynila, baka doon na kami manirahan at doon na lamang magpatayo ng bahay. Aba, kaagad inoffer na iregalo na lang daw nila itong lupa sa likod ng bahay nila.
Hindi na ako naka tanggi pa. Mag isa pa rin kasi akong kumakayod. Ayaw ko namang gamitin ang pera ng mga magulang ko. Si Ram kasi ay nag a-apply pa rin bilang nurse.
Sinundan ko si Vina sa second floor at nadatnan siyang nakatanaw sa tanawin ng malaking probinsiya namin.
" Hmmm. Parang ang lalim yata ng iniisip mo ah? " ani ko nang makalapit ako sa kaniya . Tumayo ako sa tabi nito.
Narinig ko ang mabigat na buntong hininga niya.
" Ate, I know I don't have the rights to question you this." sabi nito sa malumanay na boses at tsaka lumingon sa akin. " Are you still happy with Kuya Ram?" that question of her caught me off guard.
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.
Lalo na nang dumapo ang tingin niya sa kanang bahagi ng braso kong may pasa.
Kaagad ko itong tinakpan.
" Of course, Vina. I love your Kuya Ram. " sabi ko tsaka siya nginitian at tsaka inayos ang kaniyang buhok na nililipad ng hangin.
Then she hugged me...tight. And the next thing I know, she's sobbing.
" W-what's wrong, Vina? Hmm? " I asked her calmly. Trying my best not to cry.
" Please, ate. I don't like someone hurting you. Even if that's Kuya Ram. Please, ate. " hagulgol niya.
I understand her. Sabi ni mama, na trauma raw siya sa aksidenteng nangyari sa akin. I'd been in a coma for six months.
At hindi daw siya pumasok sa school noong mga panahong iyon. Sa America ako pinagamot. At dahil mayroon namang pag aari ang pamilya namin roon especially Vina, doon kami nanatili.
Hindi daw niya kinayang tingnan ang natamo kong sugat. At higit sa lahat, ang ikinalulungkot ko, namin, ay ang nawala kong anak.
Iyon ang sabi niya sa akin ng magising ako.
She doesn't want me hurt. She feels like I have a baby inside my womb and she's afraid that I'll lose it again.
And same as me, I don't want her to be hurt. That's why I'm trying my best para ilihim sa kaniya ang pag aaway namin ni Ram.
" No. Hinding hindi niya ako sasaktan. " kumbinsi ko sa kaniya at tsaka yinakap ng mahigpit pabalik.
It's almost a week passed already since Vina visited at our place.
Naroon siya ngayon sa bahay nila lola. Si mama kasi ay nasa ibang bayan pa. At ang isa ko lang pinsan din ang kasama ni Vina roon.
It's Saturday, at narito ako ngayon sa isang University kung saan ako nagtuturo ng Accounting.
Pauwi na ako nang mapansin ko ang isang pamilyar na lalaki sa akin, pero hindi ko naman siya kilala.
Nakatitig ito sa akin like he's longing for something I don't know.
Binaliwala ko siya at nagdire-diretso lang ako sa paglalakad hanggang sa makalabas ako ng University.
Tinawagan ko si Ram para sana sunduin ako. Pero naka off naman ang phone nito.
Sakto namang may pumaradang sasakyan sa harap ko and It's my workmate.
" Ma'am! Sakay na, idaan na kita sa bahay niyo. " aloo nito sa akin.
" Huh? Ok lang ba sa'yo? Hindi ko kasi ma kontak ang asawa ko e. " nakangiwing sabi ko.
" Hay naku ma'am. Opo. Ang magdidilim na po mamaya kaya sumakay na kayo at idadaan na lang kita sa bahay niyo. " nakangiting aniya.
" Sige. Salamat ha? Pasensya ka na at naabala pa kita. " sabi ko rito at tsaka siya nginitian bago sumakay sa front seat.
" Walang anuman ma'am. At tsaka parang hindi naman po tayo magkakilala. " nakangiting aniya.
Madilim na nga nang makarating kami sa bahay nila Ram.
" Salamat, Fred! " sabi ko at tsaka nakangiting kumaway sa kaniya.
" Always Welcome ma'am! " sabi niya at tsaka ako nginitian pabalik bago pinausad ang kaniyang sasakyan.
At pagpasok ko pa lamang ng bahay, si Ram kaagad ang bumungad sa akin. At sa hitsura niya ngayon at tila galit na galit siya.
" Sino iyon?! " pasigaw na tanong niya.
" Ka trabaho ko. Sumabay lang ako sa kaniya kasi hindi kita makontak kanina. " sabi ko at dumiretso sa kwarto namin.
" Ka trabaho mo? O kalaguyo mo?! " pang bibintang nito sa akin.
" What the hell?! Kalaguyo? Anong tingin mo sa akin? Walang pinag aralan? May pamilya iyong tao and so as me. Why would I ruin someone's family? Huh? " inis na sabi ko sa kaniya.
I was about to face our closet to change my clothes when he furiously ripped off my dress.
" Ram! Ano ba?! " pigil ko rito. But it seems that he's really mad.
" What do you think you are to wear those kinds of clothes?! Ano?! Nagpapaligaw ka sa trabaho mo?! Nagpapaganda ka ba doon?! " galit na tanong nito sa akin.
" Ano?! Hanggang kailan mo ba ako pagbibintangan na may karelasyon akong iba?! Huh?! You know what?! Pagod na ako! I am really tired understanding your fucking nonsense jealousy! Mag hiwalay na lang tayo!"
Then he salapped me. Ang pinakamasakit na sampal na natamo ko sa kaniya.
I faced him. I faced him with a fake smile crepted on my lips.
" That's the cue. " mahinang saad ko at tumakbo palabas. Hinablot ang bag na hawak ko kanina. Wearing my ripped clothes., lumabas ako ng bahay at pumara ng tricycle.
Mabuti na lang at kakilala ko iyon.
" Manong, sa bahay lang nila lola. " sabi ko rito bago sumakay. Pinausad niya naman ang tricy na walang sinasabi.
Pasalamat din ako at wala ngayon dito si Vina dahil naroon ito kay mama.
Pag tapak ko sa loob ng bahay namin, doon na bumuhos ang luha ko.
" Cami?! Oh my god! What happened?! " that's Ate Acel.
" Ate, pagod na ako. " sabi ko rito at tsaka siya yinakap.
" Ayaw ko nang maglihim kay Vina sa pananakit sa akin ni Ram. I am really tired of Ram. Ayaw ko na sa kaniya. Sobra sobra na siya. I don't wanna be a punching bag. I don't wanna beat by him anymore. " sabi ko dito.
" He did that? He ripped off your clothes?! " tanong niya tsaka niya ako hinarap.
" He's always accusing me that I have an affair. Kaya daw ako nagsusuot ng mga magaganda at sexy'ng damit. Pagkauwi ko kanina, nagkasagotan kami tungkol doon. Then when I told him na maghiwalay na lang kami, s-sinampal niya ako. At iyon ang pinakamasakit na sampal na natamo ko sa kaniya. " sabi ko sa kaniya bago yumuko.
" What? Pinakamasakit? So you're saying na sinasampal ka ng lalaking iyon parati and that's the most painful slap you ever feel from him?! " pasigaw na tanong niya.
I slowly nodded.
" Bullshit, Cami! Ano?! Binubugbog ka ba niya?! Kaya ba umiiyak si Vina noong nanggaling siya sa inyo kasi may nakita siyang pasa mo?! " pagalit pang sigaw niya ulit.
" Cami, alam mo namang ayaw nong bata na makita kang may galos o pasa man lang! Why didn't you tell me na sinasaktan ka ng punyetang asawa mo?! "
" B-because I am married to him and we want to build a family in the future. "
" Cami, I shouldn't be scolding you right now. But seeing you like this? Your clothes are ripped for **** sake. It pissing me off. " bagaman malamyos ang boses ni ate Acel, ramdam mo talaga ang galit sa kaniya.
" I'm sorry, ate. I will file for an annulment. " mahinang sabi ko.
" Ate, Gusto ko lang sunduin ang asawa ko kaya ako narito. " rinig kong pakiusap ni Ram nang pababa ako ng hagdan.
Itinulog ko na lamang ang sakit at sama ng loob ko kagabi.
" Asawa?! Asawa pa ba ang tingin mo sa kapatid ko?! " nangangalaiting sigaw ni ate kay Ram.
" Ate, patawarin niyo sana ako. Hindi ko po sinasadya ang lahat ng nangyari kagabi. " halos nagsusumamo si Ram sa harap ng ate ko.
" Hindi sinasadya?! Kagabi?! E kung-"
Bago pa matuloy ni ate ang sasabihin niya ay inunahan ko na siya.
" Ate.." nag angat silang dalawa ng tingin sa akin.
I am wearing my pajamas. At wala ka talagang makikitang balat ko kundi ang mga daliri lamang ng aking kamay at paa. Nakalugay rin ang aking buhok at natatakpan ang kalahati ng aking mukha kung saan sinampal ako ni Ram kagabi.
" Let me talk to him. " I said.
For the last time....
Sa sandaling iyon ay iniwan kami ni ate Acel sa sala. Masama pa nitong binalingan si Ram bago siya bumaling sa akin. Like she's begging to me na huwag na akong magpadala sa mga paiyak iyak ni Ram.
Nang tuluyan nang mawala sa paningin ko si ate at nagtungo ito sa silid niya sa taas, doon na ako bumaling kay Ram.
" Hon, please come home... " mahinang sabi niya habang titig na titig sa akin.
Mapakla akong tumawa at tsaka tumingin ng deretso sa kaniya.
" Ayaw ko na, Ram. You're not just hurting me physically.. You're hurting me emotionally too. " I said between my sobs.
" Pagod na ako. Pagod na pagod na ako and I can't handle your attitude anymore. "
" W-what do you mean hon? " He asked.
" Let's end it here. "
" What?! " Pasigaw na tanong niya.
" At akala mo papayag ako?! " Then he grabbed my hand and pulled me closer to him. The next thing he do, he gripped my jaw tightly.
" B-bitawan mo a-ako. " Saad ko rito. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa aking panga and it hurts so bad.
" Hindi. Hindi tayo maghihiwalay. Hindi ako papayag na makipaghiwalay ka sa akin at mapunta sa ibang lalaki. " Mariing sabi niya.
" L-let me go! " Buong pwersa kong tinanggal ang pagkakahawak niya sa akin at lumayo sa kaniya.
Pero nang makalayo na ako sa kaniya ay pinulot niya ang isang babasaging vase na nasa tabi niya at binato iyon sa akin.
Pumikit ako sa sandaling iyon at napaupo ngunit wala akong naramdaman na sakit. Kundi isang malamyos na yakap mula sa isang pamilyar na tao. At tsaka ko lamang narinig ang pagkabasag ng vase sa sahig.
" Vina! " nag mulat ako ng tingin nang marinig ang pangalan ng aking pinsan.
Bumigat ang katawan ni Vina na nakayakap sa akin at ramdam ko ang bigat at bagal ng paghinga niya nang isandal nito ang ulo sa aking balikat at lumupaypay ang kaniyang kamay sa sahig kung saan ako nakaupo.
Nanginginig kong binalingan si Vina at ganoon na lamang ang pag awang ng aking labi nang makitang dumadaloy ang dugo likod ng ulo nito pababasa kaniyang batok.
Her blood is all over the back of her white dress shirt!
Nanlamig ako sa nakita ko. Napuno ng galit ang dibdib ko lalo na nang marinig ko ang salitang binigkas ng aking pinsan.
" I-I'm so s-sorry, a-ate. " nanghihinang aniya bago pinikit ang mga mata.
" Vina! No, please! " sigaw ko at pilit na niyugyog siya sa balikat.
Bumaling ang tingin ko kay Ram na nakatulala sa amin ngayon.
His stare is full of regrets but no... Hindi ko ito palalampasin...
Ang saktan ko ay okay pa pero ang madamay ang pinsan ko, kahit kamatayan haharapin ko.
Ate Acel immediately approached us and they called an ambulance.
Mabilis akong tumayo at mabilis na lumapit kay Ram at paulit ulit siyang sinampal.
Halos sumakit ang palad ko sa kakasampal sa kaniya at kulang na lang patayin ko siya.
Hanggang sa dumating ang mga pulis at dinakip siya.
" Tandaan mo 'to, Ram. Hinding hindi ko ito palalampasin at sisiguradohin kong mabubulok ka sa kulungan. " mariing sabi ko sa kaniya.
I can't feel any other emotions but only anger. Anger towards him. Anger towards my self.
Nagmamaneho ako patungong hospital nang maka tanggap ako ng tawag mula kay ate Acel.
My hands trembled when I remember what I told her earlier before I went to the police station para ilahad ang pangyayari.
I told her to call me kapag may masamang nangyari.
" H-hello, ate? "
" C-cami... H-hindi daw kaya ng mga doctor-"
" What?! Then tell them to do their best! " pasigaw kong sabi.
I can't! I can't lose her!
" They already did. Pero sabi nila-"
Bullshit! Hindi ko na siya pinatapos at binaba na ang tawag.
Bullshit!
Pinaharurot ko ang sasakyan ko patungong hospital.
Goodness! Napakalayo ng Police Station na pinuntahan ko sa Hospital na pinagdalhan kay Vina!
Nang makarating ako sa hospital ay kaagad akong nagtatakbo patungo sa nurse station.
" Miss, Lorhea Vina Villegaz please? " kinakabahang tanong ko dito.
" Wait ma'am.... Oh, wala na po ang pasiyenteng Villegaz ma'am, na-"
Hindi ko na ulit pinatapos pa ang nurse at nagtungo sa sasakyan ko.
Shit!
Then I saw ate Acel's text messages on my phone.
The Affair
After 2 years....
Mag se-send na sana ako ng report kay ma'am Noemi nang makatanggap na naman ako ng bagong email kay ate Acel.
Bakit na naman 'to nag email sa akin? She should be working right now.
Nasa California ngayon si ate Acel at siya ang kasalukuyang nagmamanage ng kompanya nila Vina.
Speaking of Vina. Miss ko na siya. Miss na miss ko na ang pinsan kong iyon.
Hindi na rin ako pumupunta sa bahay na pinangyarihan ng insidenteng iyon. Dahil habang pabalik balik ako roon ay pabalik balik rin ang sakit na aking nararamdaman. Kailan ma'y hindi ko malilimutan ang mga pangyayaring iyon. Ilang buwan akong nawala sa aking sarili dahil sa pangyayaring iyon. Hindi ako lumabas ng bahay dahil ayokong makita ang lugar kung saan nangyari ang lahat ng iyon.
Pero nang makapag desisyon ako at hindi ko na talaga kaya ang sakit, umalis ako ng bahay.
Kumuha ako ng isang apartment. Na reshuffle din kami sa trabaho at nagkataong dito ako sa Maynila na destino.
Awtomatikong umangat ang gilig ng labi ko nang makita ang sinend sa akin ni ate sa email ko.
It's a picture of their ticket.
Pabalik na sila ng Pilipinas.
I immediately finished my work for that day bago ako umuwi ng apartment. Sinend ko lahat ng kakailanganin kong isend kay ma'am Noemi bago ako umuwi.
Nag file din ako ng leave dahil may roon din akong okasyon na pupuntahan.
Binyag ng anak ni Karenina sa makalawa at isa ako sa kinuha niyang ninang.
Ang babaeng iyon talaga. Alam na nasa malayo ako e kinuha pa talaga akong ninang.
Ewan ko ba at naging kaibigan ko pa iyon. Basta na lang magaan ang loob ko sa kaniya and there's a feeling inside me na I already know her. Kaya ayun, naging magkaibigan kami nung gaga.
Pinsan niya rin ang humawak sa kaso ni Vina. Sa kaso namin.
Well, hindi ko pa siya nakikita pero parang gusto ko siyang makita.
Ewan. I'm not curious just because he's an 'attorney' but I am curious, because I can sense that he's a good man.
Hindi ko siya lalandiin kung iyang ang iniisip ninyo.
Balita ko, may pamilya na siya at wala akong balak makipag relasyon sa taong may pamilya.
Wow? Then why am I thinking this way?
Okay. Let's not talk about that thing.
Na cu-curios lang ako kasi parang he really wants Ram to rot in jail.
Nang marinig ko kasi silang mag usap ni ate Acel over the phone, halatang seryoso at galit siya.
Well. Malamang, lawyer iyan. What do you expect? Galit iyan sa mga taong kriminal at walang puso.
Oh my god! It's been two years at gusto ko nang kalimutan iyon!
The case is already over, I heard at nasintensiyahan yata siya ng habang buhay na pagkakakulong.
Nakamit na namin ang hustisya, the thought of mine but my heart says it's not yet over.
Ang masagwang apelido niya ay nakakapit pa rin sa pangalan ko.
Cami Villegaz-Fuentabella
Nang makarating ako sa apartment, kaagad kong hinubad ang lahat ng aking suot at dumiretso sa aking banyo para maglinis saglit ng katawan.
Nag order ako ng pagkain sa food panda kaya naman habang naghihintay ako ay maglilinis muna ako ng katawan.
After ko maglinis ng katawan ay nagsuot na lamang ako ng pantulog at roba bago nagtungo sa living room.
Saktong pag upo ko ay ang pagkarinig ko ng katok mula sa pintuan ko.
Nagtungo ako roon at pinagbuksan iyon.
It's my foodpanda delivery!!!
Nang makuha ko na iyon ay kaagad akong nagpasalamat kay mamang nag deliver at tsaka sinara ang pinto. Matapos iyon ay nag tungo ako sa dining room ko at inihanda ang pagkain ko.
Wow! My favorite of all! Hihihi
It is Sinigang na Salmon and Pork sisig.
Mabuti na lang talaga at pag mamay-ari nila Abie ang Lokal Restaurant na iyon. They have the best ever sisig. Ang sarap lahat ng luto nila.
Nasa kalagitnaan ako ng pagnguya sa masarap kong pagkain nang maka tanggap na naman ako ng tawag.
It's Karenina.
" Yes, hello? What can I do for you my dear friend? " I asked her and continued eating.
" Gaga. Baka makalimutan mo lang ang binyag ng anak ko. " sabi naman niya. Luh? Galit ba siya?
" Oh c'mon Karenina. Hindi naman ako magfa-file ng leave ko kung nakalimutan ko, hindi ba? " sarkastikong saad ko sa kaniya.
" Hihi.. Edi ikaw na! Pero isama mo iyong magandang alaga mo ha? " saad naman niya na animo'y kinikilig pa.
" Tss. Oo na! " sabi ko na lamang at binaba ang tawag.
Umaatake na naman ang pagiging kupido ng Kareninang iyon.
Matapos akong kumain ay niligpit ko na lamang lahat ng ginamit ko at nilinis iyon.
Bago ako natulog ay nag email muna ako kay ate Acel. I can't contact her right now dahil alam kong nasa eroplano pa ang mga iyon.
To:acelvflores@yahoo.com
Hey, sis. Call me immediately kapag nakalapag na kayo. Ako na lang ang susundo sa inyo. Wuvyu.
Inaantok pa ako nang marinig ko ang malakas na pag ring ng phone ko.
Ano ba yan! Inaantok pa nga ako e!
Without looking who's the caller is, I answered it.
" Akala ko ba susunduin mo kami? And what took you so long to pick up the phone? " si ate Acel!
Bigla akong naalimpungatan at dali daling bumangon sa higaan at lumabas ng kwarto para kunin ang susi ng sasakyan.
" Why didn't you tell me na ganito kayo kaaga?! " pasigaw kong tanong sa cellphone.
" I sent you the tickets at nakita mo naman siguro kung anong oras ang boarding time namin? " Oh, I was just so excited and didn't see what time is their boarding time!
" Tss. Huwag ka na lang dumada diyan! I'm coming! Just wait for me! " I said and started the engine.
" Ok, lil sis. I love you. " malambing na aniya at siya na ang nag baba ng tawag.
Psh. I shouldn't have sent her an email and let them take a cab.
Palabas ako ng Camus Village nang matanaw ko na naman ang kulay matte na blue na Ford Ranger doon. Yeah. Lagi kong nakikita 'yan. I even memorized the plate number already.
I am not assuming but I think, ako ang sadya niya. I've always seen him outside the village and following my car everytime papasok ako ng work.
It's suspicious but I don't understand why I can't feel nervousness or anything else na kakaiba. Hindi ako natatakot. I just feel that I'm safe. I don't know.
" Siya nga pala. The lawyer called and he will re open the case. Which means, kailangan mo nang maki cooperate sa hearing. I know that it caused you trauma especially that Vina is involved and she got hurt. Ang sabi niya ay doble doble ang ipapatong na kaso sa kaniya..." she stopped talking.
Yeah. I refuse to attend the hearing years ago. Instead, sumunod ako sa California and I let ate Acel handle everything. Until Vina woke up and she can't remember her past anymore. Mabuti na lang at hindi niya ako nakalimutan. But there is always a time na may kinu kuwento siya noon sa akin and it seems that the name shes mentioning was a little bit familiar. But she also can't remember who they are.
" And... I do understand now kung bakit galit na galit iyong lawyer niyo. " the she smiled teasingly.
What the hell happened to this woman infront of me? Dis she just cracked her head while they are on the airplane?
Maybe I should ask her husband or my cousin.
" Hey, kuya. What happened to your wife? " I asked kuya Garred and glanced at my sister who's smiling like an idiot right now.
" I don't know. Simula nang maka usap niya iyong lawyer niyo kanina, ganiyan na siya makangiti. " ismid naman ni Kuya Garry.
Ay? Selos na yarn?
" Kuya, selos ka ba? Tsk. Huwag papatalo! Doctor ka naman e! " I cheered him up na may kasama pang tapik sa balikat.
Natawa na lamang ito at sumimsim sa kape niyang ipinagtimpla ng asawa niyang baliw.
Sa totoo lang, bakit naman pagseselosan iyon ni kuya Garred? I've never seen that lawyer before kaya hindi ko alam kung anong itsura niya. Only his name. Rasper Dela Rama na pinsan ni Karenina.
" Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig.." Kanta na naman ng ate kong baliw. Kanina pa iyan. Mula kaninang pag dating nila sa apartment ko hanggang ngayong pauwi kami ng probinsiya.
" Hon, can you just please shut your mouth for a while? " ayun. Nairita ang katabi.
" Why? What's wrong with my voice? Don't you love me anymore?" si Ate naman na nasa front seat.
" Tss. That's not what I mean. I love you, pero kanina ka pa hindi matahimik. Simula kaninang nakausap mo iyong lawyer na iyon. " luh. Hahaha. Iritado na si kuya talaga. Selos talaga siya? Hahaha.
My sister's lips lit up like she's amused to her husband.
" What? Nginiti ngiti mo diyan? " inis na tanong naman ni kuya Garred.
" Hmm? Doc? Nagseselos ka ba? " My sister asked teasingly at her husband.
Hindi nagsalita iyong isa at deretso lang ang tingin sa kalsada.
" Oh C'mon ate and kuya. Nakakasakit kayo sa mata. " Vina spoke and the bitterness in her voice got me.
" Yeah. Nakakasakit kayo sa mata. " Pang uulit ko naman.
At doon umayos ang dalawa sa harap. Natahimik ang baliw. Umayos ng upo ang driver at tinutok ang paningin sa daan.
And there. Silence. It makes me comfortable.
" Love, wake up. " I heard a voice of a man but I can't see his face. It's a little blurry.
His body figure is familiar too and it's like I already seen it somewhere.
Love? Why would he call me love?
I do not know him.
I don't have any boyfriends in my past.
My first love is Ram Fuentabella.
Ram is the only man I love before.
And Ram called me 'hon'....
" Love, wake up. You need to eat. Our baby's gonna be hungry so as you. " the man's voice again.
What baby?
Why am I pregnant?
Who's that man?
" Ate, wake up. I'm hungry. Nag luto si tita Mins ng favorite nating pinakbet. "
Minulat ko ang mata ko nang yugyugin ako sa balikat ni Vina. Naguguluhan ko siyang tiningnan at siya lamang ang nandito.
Akala ko ay may nakatabi lang kami habang nasa stop over pero wala.
Narito kami ngayon sa harap ng bahay ng aming lola.
" V-vina? Uhm, wala bang ibang kasama sa loob? Ginising ba ni Kuya Garred si ate Acel kanina? " I asked Vina and she just furrowed and stared at me confusedly before she answered.
" I don't know yet. Hindi pa ako pumasok sa loob because I was waking you up. And no. They're both awake the whole time. " She answered. Then her face expression became serious.
Then is that a dream?
But why would I dream about it?
I've never been in a relationship aside from Ram.
" Why ate? Is there something wrong? " She asked worriedly.
" Uhm, nothing. Nanaginip lang ako at hindi ko na maalala. " sabi ko sa kaniya at nag iwas ng tingin.
" Huh? E di...okay. " saad naman niya bago naiilang na bumaba ng sasakyan.
Inalalayan siya ng isang guard na bumaba ng sasakyan at ganoon rin ako.
Wow. After two years, nag improve na itong bahay. They already have their security guards.
Mabuti naman iyon at walang kampon ni satanas na pumapasok dito.
After eating our meal for dinner with lola and mama, dumiretso ako sa kwarto ko.
Being here in the province made me sick. I just don't feel safe. Parang laging may masamang mangyayari sa akin kapag nandito ako. That's why I'm not visiting here as often as I could.
Naalala ko ang nangyari sa pagitan namin ni Ram.
Kung sintensiyahan siya ng panghabangbuhay na pagkakakulong, paano na ang mga magulang niya at ang kapatid niyang inggrata?
And why would that lawyer will re open the case? Hindi pa ba sapat ang kinaso kay Ram?
Oh! I get it. Isa nga pala dapat ako sa Star witness including Vina. But duh! We're not in a good condition way back then!
Baka mahirap ko kay judge iyong martilyong hawak niya at mapukpok ko sa ulo ni Ram, mabaling pa sa akin ang sintensiya!
I am in the middle of spacing out when someone opened the door. It's my mom.
She seated beside me while I am laying on my bed.
" Anak, ano ang nangyari at bakit ganon? " bungad niya.
" What are you talking about ma? " I asked even I already know what she's talking about.
" Why did Ram did that to you? " She asked gently and caress my hair.
Ang luhang aking pilit pinipigilan ay nakawala matapos kong marinig ang tanong ng aking ina.
Reminiscing those hurtful memories? Really?
" I don't know too, mama. But the lawyer said he'll re-open the case and he will make Ram and his Family pay for their own mistake. I don't know them anymore. " I said and forced my self not to stutter.
I am silently crying. Because I don't want her to see me like this. I am strong. That was she knew.
May nakadagan na unan sa mukha ko at nakatagilid akong nakahiga paharap kay mama.
" Anak, sa mata ng tao. Sa mata ng diyos, mag asawa pa rin kayo. Huwag mong sabihin iyan. " saad niyang muli. Ngunit sa pagkakataong ito, hindi ko napigilang tumawa ng sarkastiko.
" I don't care about those people will say about me. If they want those Fuentabella, then they can have them! I don't need a family that is full of plasticity. You don't know what I've gone through mama. " saad ko sa kaniya at doon ko na binuhos ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan.
" A-anak... I I-I'm sorry. " she said while stuttering and she tried to reach my hand pero hinawi ko lang iyon at saka siya marahas na tinalikoran.
" Get out of my room, mom. " malamig na saad ko bago ako nagtalukbong ng comforter at humagulgol sa loob non.
Narinig ko na lamang ang pagbukas at pagsara ng pinto hudyat na umalis na ito.
After all those years. My mom's not by my side.
Hindi ako nagkimkim ng sama ng loob tungkol don.
Pero ang i open up niya ang tungkol kay Ram at ang kasal namin. Hindi ko magawang respetohin siya.
Because she's not respecting my decision. Hindi niya ako nirerespeto bilang anak niya.
And this is also the reason why I don't want to be here always.
Parang walang nangyaring malala kay Vina at sa akin.
Hindi ko alam kung ako ba ang anak niya o si Ram.
O di naman kaya ay baka ampon niya lang ako.
Download NovelToon APP on App Store and Google Play