NovelToon NovelToon

Bakit Pagdating Sa'yo Natotorpe Ako?

Episode 1

"Call me, okay?"

   

Napipilitang tumango na lang si Chester upang matapos na ang usapan nila ng kanyang latest fling. Wala siyang dapat na ikabahala dahil malinaw naman dito ang real score sa pagitan nila. Iyon nga lang, gusto pa nitong ulitin ang nangyari sa kanila. Pero wala siyang balak gawin iyon.

   

Tumayo na ito pag katapos siyang halikan. Umayos siya ng upo at tiningnan ang babaeng naroon sa harap ng salamin at nag-aayos. Malalim na ang gabi at uuwi na ito sa bahay nito. Naroon sila sa condo unit niya nang mga oras na iyon.

Lihim na lamang siyang napailing nang maalala niyang hindi na niya matandaan kung ano ang pangalan ng babae. Noong isang araw lang niya ito nakilala sa Jagger. She was so game she was the one who invited him to make out.

Sino ba siya para tumanggi? The woman was hot ang gorgeous. Iyong typical na babaeng nakakasama niya. Matangkad, long-legged, makinis, at higit sa lahat malinis.

"I'll go ahead."

Napatingin siya sa babae na noon ay tapos nang magbihis. Tumango siya.

"Call me," ulit nito sa sinabi nito kanina. Ngayon ay na ito tipong nakikiusap; parang nag-uutos na.

"Sure, baby." Nakangiting wikw niya.

Lumabas na ito at naiwan siyang mag-isa roon sa kuwarto niya.

Ipinikit niya ang mga mata. Sa sobrang pagod, dahil kanina ay nag karoon sila ng dalawang TV guesting. Ang isa ay sa isang talk show at ang isa ay sa isang variet show kung saan binigyan ang banda nila ng double platinum award para sa album nilang Exploded Hype Unleashed. It was overwhelming, to think na iyon ang unang album nila ngunit grabe ang suportang ipinapakita ng mga tao sa kanila.

Ngayon naman ay pinaghahandaan na nila ang kanilang first major concert. Everything was just perfect. Masaya siya sa nangyayari sa career nila at masaya siya sa mga kaibigan niya—kahit pakiramdam niya ay napag-iiwanan na siya sa aspetong pag-ibig.

Napangiti si Chester. Ikakasal na si Alex, ganoon din sina Jun at Andy. Mukhang siya na lang ang matitirang single sa grupo nila. Nalulungkot siya, siyempre, lalo na at naiinggit siya ng mga kaibigan niya kung gaano kaganda kapag may tunay ka nang mamahalin at papakasalan.

Pero ano ang magagawa niya? Sa talagang hindi pa niya nakikita ang babarng para sa kanya. Sa ngayon ay nakokontento muna siya sa mga babaeng dumarating at umaalis sa buhay niya. Okay na iyon sa kanya. Wala rin naman siyang mararamdamang espesyal sa mga ito.

As far as he could remember, the last time he fell in love wad when he was in college. Hindi na iyon nasundan. Ngayon twenty-six years old na siya tila lalong umiilap ang pag-ibig sa kanya.

He wasn't worried, thought. Alam niyang kusang darating iyon. Hindi rin siya atat na mag asawa duh. Bakla lang ampeg. Mas pabor siya kung pa easy-easy lang ang buhay niya, lalo na ngayong nag sisimula na nila maabot ang pangarap nilang mag kakaibigan para sa kanilang banda. What more could he ask for?

Well, meybe a woman that could satisfy him— emotionally. And a woman that would make his heart beat like crazy.

Napailing si Chester. Iyon na yata ang epekto ng mga pinagsasabi sa kanya ng mga kaibigan niya. Ipinikit na niya ang mga mata, maaga pa ang ensayo nila bukas.

Episode 2

"Saan ka na naman galing?"

   Napabuntong-hininga si Yuna nang marinig ang tinig ng kanyang itay. Abg akala niya ay tulog na ito. Dahan-dahan niyang isinara ang pinto at lumapit dito upabg magmano.

"Nag-ensayo lang po kami sa gym." Nakayukong sagot niya.

   Napailing ito. "Sayaw na naman? Hindi kana ba talaga matatapos diyan sa pagsasayaw mo?"

   Nakayuko pa rin siya at hindi na sinagot ang itay niya. Lalong lang hahaba ang sermon nito kung sasagot siya.

   “Hindi kita pinagtapos ng kolehiyo para sa pagsasayaw mo. Bakit hindi ka mag hanap ng matinong trabaho? 'Wag mong sayangin ang oras mo sa pinaggagawa mo.”

   Nakagat na lamang niya ang ibabang labi niya upang hindi na siya makapagsalita. Wala rung saysay kung sasagot siya at mag dadahilan dahil hindi rin naman niya maiintindihan ng kanyang ama.

   Tumayo na ito at pumasok sa kuwarto. Saka pa lamang sya nakahinga.

   Pumasok na rin siya sa kuwarto niya at nagbihis.

   Nahahapong umupo siya sa kama. Palaging ganoon ang sinasabi ng kanyang ama. Wala na itong nakikitang maganda sa pagsasayaw niya.

   Bakit ba hindi nito maintindihan na masaya siya sa ginagawa niya? Sinaeabi naman niya rito na maghahanap din siya ng trabaho.

   Nagtapos siya ng Accounting noong nakaraang taok ngunit hindi pa niya gustong magtrabaho. Mas nag-e-enjoy siyang sumayaw. Hindi rin niya nakakalimutan na may responsibilidad siyang dapat harapin sa pamilya nila. Hindi rin niya masisisi ang kanyang ama kung bakit ayaw na ayaw nito sa pagsasayaw niya. Isa rin kasing mananayaw ang kanyang ina. Iniwan sila nito ng tatay niya noong sampung taong gulang siya dahil mas pinili nitong magtrabaho sa isang teatro na nakabase sa Amerika. Mula noon ay wala na silang balita tungkol dito. Marahil ay wala na talaga itong pakialam sa kanila. Siyempre, nagalit siya sa kanyang ina dahil sa naging desisyon nito. Ngunit nawala na iyon habang lumalaki na siya. Hindi rin kasi siya ang klaseng tao na nagkikimkim ng galit. Kahit ano pa ang ginawa nito, ina pa rin niya ito.

   Ngayon ay may pangalawang pamilya na ang itay niya. Muli itong nag-asawa noong kinse anyos na siyw. Isang mananahi ang naging asawa nito at nagkaroon ang mga ito ng dalawang anak na lalaki. Anim na taong gulang ang panganay na anak ng itay niya sa pangalawang asawa nito at limang taon naman ang bunso. Malapit siya sa mga kapatid niya ngunit hindi sa inw ng mga ito.

   Masama kasi ang ugali ng madrasta niya at mabigat ang dugo nito sa kanya. Madalas siyang paringgan nito na kesyo pinagtapos na nga siya ng kolehiyo ay wala pa rin siyang maitulong sa mga ito. Hindi iyon totoo. May iniaabot din naman siya sa mga ito mula sa pagsasayaw niya. Kapag may piyesta ay madalas na kinukuha ang grupo nila upang sumayaw. Minsan ay sumasali siya sa mga dance contest kasama ang isang malapit na kaibigan niya.

   Noong nag-aaral pa siya, hindi siya madalas na nanghihingi ng pera sa itay niya. Ayaw niyang makarinig ng mga patutsada mula sa asawa nito. Hindi rin sila mayaman upang umasa lang siya sa mga ito. Driver ng delivery truck ang trabaho ng ama niya.

   Humuhugot siya ng hininga bago nag simulang mag dasal. Pagkatapos niyon ay humiga na siya at pumikit. Dahil sa pagod ay madali siyang nakatulog.

Episode 3

"Ang daya mo talaga, bro. Mag aasawa ka na talaga?" Napapailing tanong ni Chester sa kaibigan at kabanda niyang si Andy. Naroon sila sa studio nila at hinihintay ang mga kaibigan nila at si Sir Larry dahil may meeting sila para sa kanilang first concert.

  "Bro, hindi ko na papakawalan si Emma. Niyaya ko na siyang magpakasal, and she said 'yes," nakangiting wika nito.

  "Hindi naman maitatago sa aura mo na umoo siya sa'yo." Natatawang wika niya.

  Napatingin siya sa kanyang cellphine nang mag-ring yon. Nag excuse muna siya sa kaibigan niya upang sagutin 'yon. Ang mommy niya ang tumatawag.

 

  "Hello, Mom?"

  "Hijo, congratulations sa album ninyo." Mababakas ang kasiyahan sa tinig ng kanyang ina.

 

  Napangiti sya "Thanks, Mom."

  "Pati ang daddy mo at mga kapatid mo ay masayang masaya. We know you've dreamed of this."

"Sabihin mo sa kanila na salamat, ‘My. And, guess what? Magkakaroon na kami ng first major concert," nakangiting balita ko.

  "Really? Oh, God, we're so happy for you and your friends, hijo."

  Patuloy na nag salita ito kung gaano ito kasaya sa mga na-achieve ng banda nila. Hanggang sa mag paalam ito ay hindi pa rin maalis ang ngiti sa mga labi niya. Alam niyang masayang-masaya ito para sa kanya. Todo-suporta talaga sa kanya ang pamilya niya mula pa nang nagdesisyon siyang sumali sa Exploded Hype kahit sa umpisa nag dadalawang isip siya roon. Ngunit laking pasasalamat niya nang sabihin ng mga magulang niya na walang problema sa mga ito kung magbabanda siya.

  Bilang kapalit, tumutulong din siya sa pamamalakad ng negosyo ng pamilya nila, kasama ng nakatatandang kapatid niya. Tatlong mall ang pag-aari ng pamilya nila na nakakalat sa buong Luzon.

  Pagbalik niya ng studio ay naroon na sina Jun at Alex kasama ang kanya-kanyang fiencee ng mga ito. Katulad ng inaasahan niya, siya na naman ang naging sentro ng tuksuhan. Ngumiti lang siya at sinabing mas maligaya siya ngayon sa buhay niya—at iyon naman talaga ang totoo.

AUTHORS NOTE:

T_T Kapagod mag isip kung ano ba dapat ang isusunod ko : (

"Yuna, hinahanap ka ng kaibigan mo!" malakas na wika ng asawa ng itay niya. Nasa likod-bahay siya at nag lalaba.

Mabilis na pinunasan niya ang mga kamay at pumasok sa loob.

Sila lang ng madrasta niya ang nasa bahay nang araw na iyon. Nasa trabaho ang kanyang itay at ang dalawang kapatid naman niya ay nakikipaglaro sa kapitbahay.

Nadaanan ni Yuna sa kusina ang madrasta niya.

"Baka yayain ka na naman niyang mag-ensayo sa walang kuwentang pagsasayaw at hindi kana na naman makatulong dito sa bahay," wika nito.

Hindi na lamang siya sumagot at nagtungo na sa labas. Napailing na lamang siya. Ni hindi man lamang nito pinatuloy sa loob si Trina.

"Halika, pasok ka muna," Yaya niya sa kaibigan niya.

"Naku, 'wag na," tanggi nito. "Baka lalong mag sungit ang dragon sa loob."

Bahagya na lamang siyang natawa sa sinabi nito. "May kailangan ka ba?"

"May audition sa susunod na araw sa recording studio ng Exploded Hype. Kailangan nila ng backup dancers para sa concert nila. Mag audition tayo."

Napaisip siya. Ang Exploded Hype ay ang sikat na banda ngayon sa bansa. Para sa kanya na nangangarap ng isang trabaho na gusto niyw, isa iyong napakagandang oportunidad. Wala sigurong masama kung susubukan niyang mag-audition diba nga teh? Ang problema lang ay baka hindi pumayag ang itay niya.

Ah, bahala na.

"Sige," wika ni Trina

Nang gabing iyon, nag-ensayo siya kung ano ang sasabihin niya sa kanyang ama. Siyempre, kailangan niyang maging maingat sa pagkumbinsi rito.

Hindi niya napigilan ang mapasimangot nang makita niyang nasa sala rin ang kanyang madrasta kasama ang itay niyw. Nasa kuwarto na ang mga kapatid niya at natutulog.

"Puwede ko po ba kayong makausap, 'Tay?" Tanong niya nang makalapit siya sa mga ito.

Tumango ito.

Nakita niyang umismid ang madrasta niya habang nakatutok ang paningin nito sa telebisyon. Sa palagay niya ay may ideya na ito kung ano ang sasabihin niya sa kanyang ama.

Umupo siya. "May audition po kasi sa susunod na araw para ea kukuning dancers sa isang concert. Gusto ko po sanang subukan," aniya sa kanyang ama.

Napatingin ito sa kanya. "Sayaw na naman?"

Tumango siya. "Eh, mag-o-audition lang naman po ako. At kung sakaling matanggap ako, last na po 'to, Itay. Hindi n'yo na ako makikitang nagsasayaw. Mag hahanap na po ako ng trabaho pagkatapos nito."

Puno ng pagsusumamo ng boses niya. Kusa na lang iyong lumabas sa bibig niya para makumbinsi niya nang mabuti ang ama. Siguro pagkatapos niyon ay maghahanap na siya ng trabahong gusto ng ama.

Hindi ito nag salita.

"Sige na naman, 'Tay. Last na ho talaga."

"Naku, hindi ka naman makakapasa riyan sa sinasabi mong audition kaya mabuti pa ay 'wag kana lang sumali at atupagin mo na lamang ang pag hahanap ng trabaho na may magandang sahod at nang makatulong ka naman dito," lintanya ng madrasta niya.

Hindi na lamang niya pinansin ang deretsahang pagmamaldita nito sa kanya.

"Hilda..." Anang ama niya. Kapag ganoon ang madrasta niya ay sinasaway ito ng kanyang ama. Iyon nga lang, minsan ay hindi talaga napipigil ang bunganga ng babae.

"Tay, sige na naman." Pamimilit niya.

Bumuntong-hininga ito. "Papayag ako sa gusto mo, pero tuparin mo ang sinabi mo na huli na 'yan"

Napangiti siya sa narinig.

"Naku, salamat po, Itay. 'Wag po kayong mag-alala, tutuparin ko po ang pangako ko."

Download NovelToon APP on App Store and Google Play

novel PDF download
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play