NASAAN KABA NUNG PANAHONG MAHAL PA KITA?
Isa akong babae na naghahangad ng pagmamahal kahit hindi ako kagandahan.
"Bakit ako ang pinili mo? Hindi naman ako maganda."
"Kailangan ba talagang maganda ang magustuhan ko?"
"Oo, sobrang dami ng may gusto sayo pero ako ang nagustuhan mo eh, simpleng babae lang naman ako."
"Maganda ka kaya"
Sambit n'ya habang pinisil ang cheeks ko.
"Aray!"
"Cute talaga ng baby pig ko."
"Aray namn hon,biro lang eh."
"Biro mo mukha mo! Bahala ka nga jan, pwee!"
Nainis ako sa kanya kaya 'di ko s'ya pinansin.
"Huy hon,sorry na sexy mo kaya."
Agad ko s'yang tinapunan ng masamang tingin.
Bigla n'ya akong hinalikan na s'ya ikinagulat ko.
"Ba't mo ginawa yun?"
Tanong ko sa kanya.
"Ayaw mo 'kong pansinin eh, bati na tayo hon."
"Oo na bati na tayo."
Ganito palagi ang eksena namin kapag nagkakatampo kami, kapag naiinis ako dahil tinutukso n'ya ako.
"Nash, ilang ba ang gusto mong anak?"
Tanong ko na s'ya namang ikina-tawa n'ya.
"Anong nakakatawa?"
Tanong ko sa kanya habang nakataas ang kilay.
"Bente."
Sabi n'ya tsaka tumawa.
"Kahit kailan talaga puro kalokohan nasa isip mo."
"Totoo ngaaaa, kahit ilang anak pa yan basta ikaw lang ang maging ina nila okay na sa'kin 'yun."
Namula ako sa sinabi n'ya.
"Oh? Bakit ka kinikilig?
"Hindi ako kinikilig no."
"Sus, namumula ka eh."
"Hindi kaya."
Araw-araw kaming nag aasaran ni nash.
"Trixie, Oo na alam kong gwapo ako."
"Ang kapal mo!"
"Titig ka ng titig sa akin eh."
"Oo na, ang pogi mo."
Mahinang sabi ko.
"Narinig ko 'yun ah, maganda ka din super ganda!"
Tumawa ako dahil hindi naman totoo yun.
Chubby ako,hindi kagandahan ang mukha ko.
Linggo ng hapon ng nagtext sa akin si Nash.
"Trixie magkita tayo ngayon."
"Bakit?, Hindi ako pwede ngayon kailangan ako dito sa bahay Kasi may sakit si papa."
"Kahit saglit lang, may importante akong sasabihin sa'yo."
Kinabahan ako pero hindi ko alam kung bakit, ano kaya ang sasabihin n'ya?
Nabuong tanong sa isip ko.
Dali-dali akong pumunta sa lugar kung saan kami nagkikita, sa park.
"Hon, namiss kita!"
Sabi ko tsaka niyakap s'ya ng mahigpit.
"Sorry Trixie,"
"Bakit? Bakit ka nag so-sorry?"
Nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Mag break na tayo, hindi payag sina mama at papa sa relasyon natin."
S
"Sakin din naman nash, pero hindi ako nakipag break kasi mahal Kita.
Pwede naman muna nating isekreto."
"May girlfriend na ako trixie."
"Huh? Nagbibiro ka lang nash diba?"
Tanong ko sa kanya at inaasahan kong oo ang magiging sagot n'ya.
"Hindi,hindi ako nagbibiro Trixie."
Parang gumuho ang mundo ko sa narinig.
"Akala ko ba mahal mo 'ko nash?"
Umiwas s'ya ng tingin.
"Aalis na ako, hinahanap na ako nila mama."
"Nash!"
Hinawakan ko ang kamay n'ya.
"Mahal na mahal Kita, hindi ko kaya na mawala ka."
Iwinakli n'ya ang kamay ko at tuluyang umalis.
Umuwi ako ng bahay ng iyak ng iyak.
Tumingin amo sa salamin at nalaman ko na ang sagot kung bakit ako iniwan ni nash, dahil ang taba ko na at ang pangit ko.
Humagolgol ako ng humagolgol hanggang sa mapagod ako kakaiyak.
Araw-araw ko s'yang iniiyakan.
___
Binago ko ang sarili ko, nag e-excercise na ako at nagpapaganda.
Natapos ko ang pag aaral ko at kasalukuyan akong naghahanap ng trabaho.
Nagring ang cellphone ko at agaran ko Itong sinagot.
"Hello, is this miss Trixie Versano?"
"Yes po,"
"Natanggap ka po sa Kompanya namin, pumunta ka nalang po dito sa opisina."
Napangiti ako dahil sa wakas may trabaho na ako.
Dali-dali akong nag ayos at umalis.
Kinakabahan ako na pumasok sa opisina.
Nagulat ako ng nabasa ang pangngalan_
"The ****? Si N-nash ang boss ko?"
Tumalikod na sana ako para umalis ng may biglang humawak sa kamay ko.
"Trixie,"
Nagulat ako sa pamilyar na boses, tumulo ang luha ko.
Mahal ko pa rin s'ya hanggang ngayon.
"Bitawan mo ako Nash!"
Hinila n'ya ako at niyakap.
Naramdaman ko na umiiyak s'ya.
Bakit Kaya s'ya umiiyak?
Dahil ba sa akin yun?
"Trixie, miss na miss na kita."
Kumalas ako sa pagkakayakap n'ya at sinabing_
"Tumigil ka nga Nash,andaming tao."
Hindi ko sana gusto na magtrabaho dito pero nahospital si mama kaya kailangan namin ng pera.
Naiinis na ako pag nandun ako sa Kompanya, palagi nalang may nagpapadala ng bulaklak na galing daw kay Nash pero hindi ko Ito pinapansin.
Pauwi na ako at naghahanap ng masasakyan.
"Sumakay kana sa akin, mag gagabi na."
Umiwas ako ng tingin, ayaw ko sumakay sa kanya, ayaw ko s'yang makasama.
Biglang bumuhos ang ulan at bumaba Ito sa sasakyan n'ya at may dalang payong.
Napilitan akong sumakay nalang sa kanya Kasi Parang magdidilim na din.
Hininto n'ya ang kotse at nagtaka ako.
"Trixie, give me one more chance."
"No more chance Nash, nasaktan mo na ako ng sobra."
Pinilit kong hindi maiyak.
"Sorry Trixie."
Hinawakan n'ya ang kamay ko at agad ko namn itong inalis.
"Mahal na mahal parin Kita Trixie."
"Tumigil ka Nash."
"Pls another chance Trixie, papatunayan ko sayong nagbago na ako."
"Ayaw ko na Nash, nakakasawa ng umiyak."
"Pls Trixie."
Niyakap n'ya ako at agad ko itong iwinakli.
"Bakit Nasaan ka'ba nung kailangan Kita?
Nasaan ka'ba nung iniwan mo ako para sa ibang babae?
Nasaan ka'ba nung iyak ako ng iyak pero wala ka?
Pagod na ako Nash,tama na."
Sambit ko at tumulo na ang luha ko.
"Wala ka na bang natitirang pagmamahal sa'kin Trixie?"
"Bakit? Nasaan ka'ba nung Mahal pa Kita?
Nasaan ka?! Sobrang sakit ng ginawa mo Nash."
Nakita ko itong umiyak ngunit hindi ko na Ito pinansin at nagmaneho na s'ya.
Download NovelToon APP on App Store and Google Play