NovelToon NovelToon

Badgirl Meets The Badboy

Chapter 1

Chapter 1: First Meeting

Niella's POV

"KRIINNGG KRIINNGG"pangalawang tunog na ng alarm clock ko kaya napilitan na akong bumangon. Dumiretso na ako ng banyo at tsaka naligo. Pagkaligo ko lumabas na ako at nagbihis. Ang uniform namin ay simpleng blouse lang na may necktie at palda na 2 inches above the knee. Naka-base sa kulay ng necktie at palda kung anong year ka nag-aaral, red sa first year, green sa second year, yellow sa third year at black sa fourth year like me. Inayos ko na ang gamit ko nang makatanggap ako ng text galing kay Iah.

*From: Iah

Bilisan mo may orientation pa tayo sa mga transferee.

To: Iah

Sige. Papunta na ako*.

Pagka-reply ko ay bumaba na ako papuntang 1st floor. May tatlong palapag ang bahay namin, di ko nga alam kung matatawag pa itong bahay o mansyon na. Sa 1st floor ang kwarto ng mga maid.

Sa 2nd floor ang kwarto nina Mom at Dad at tatlong guest room samantalang sa 3rd floor ang kwarto ng kambal at tatlong guest room. Sa 4th floor ang kwarto ko at nina Ate at Kuya at isang guest room at may isa ding room para sa mga ginawa ko at alaga kong pusa. Habang na sa hagdan ay nakasalubong ko si Mom.

"Good morning mom" bati ko.

"Morning din 'nak, kain kana" sabi sa'kin ni mom. "Andun na sa dining room yung ate't kuya mo pati na yung kambal at Dad mo."

"Di na po. Sa kotse na lang ako kakain" sagot ko naman kay Mom

"Sige ingat ka ha" paalala ni Mom.

"Opo"

Pagkarating namin ni Mom sa dining room ay nandun na nga silang lahat at parang kami na lang ni Mom ang hinihintay. Kumuha na lang ako ng sandwich at itinago sa bag.

"Di ka na kakain 'sis" tanong ni Ate

"Di na 'te. Dun na lang ako kakain" sagot ko.

Hinalikan ko muna sa noo ang kambal at nagmano kay Mom at Dad.

"Ingat ka princess" Wika ni kuya na nagpatigil sa akin.

"Sabi ko naman na wag mo na akong tawagin na "princess" kuya eh" saway ko kay kuya but he just continued eating at ako naman ay pumunta ng labas.

"Pahatid sa school" utos ko sa driver namin na si Kuya Rex.

Si Kuya Rex ang family driver namin matagal na siyang namamasukan siguro simula pa nung tumira sina Mom at Dad sa bahay ay driver na siya.

Habang nasa loob ay kinain ko na ang sandwich na kinuha ko kanina.

By the way my name is Eriniella Heartlair, 17 years old, fourth year sa Tiera Allegra Academy na pagmamay-ari ng tita ko. Good girl noon pero badgirl na ngayon dahil sa panloloko ng ex ko na si Sebastian buti na lang at tinulungan ako ng mga anak ng ka business partner nina mom at dad. Si Mom naman ay isang fashion designer. Meron din siyang pagmamay-ari na modeling company. Mino-model dito lahat ng damit na ginagawa niya.

Pare-parehong kaming tatlo na badgirl and badboy. Si Kuya Ren ay namamahala na ng isang branch ng hotel namin at Boss ng isang Mafia Organization na Arcana Familia. Pero ang mafia na pinamumunuan ni Kuya ay katulong ng gobyerno na humuhuli sa mga kriminal. Si Ate naman ay 4th year college student na sa Billionaire's High puro mayayaman ang nag-aaral doon accountancy ang kinuhang course ni ate at isa syang agent.

Si dad ang may ari ng mga Heartlair Hotel dito sa pilipinas. Binigay nya ang isang hotel kay kuya para i-manage. Ayaw naman nina mom na maging tulad namin ang kambal. Si Rossy ay mas matanda kay Ricko ng limang minuto, they were 13 years old at magaling gumawa ng codes and ciphers. Sabi nila gusto daw nila maging detective paglaki kaya punong puno ang kwarto nila ng Sherlock Holmes books, Detective Conan comics at iba pa.

"Ma'am andito na po tayo." pukaw sa akin ni Kuya Rex kaya bumaba na ako at sakto din namang naubos ko na ang pagkain ko.

Habang naglalakad ay may mga bumabati sa akin. Bakit? Dahil ako ang Presidente ng Student Council dito sa school.

Dumiretso muna ako sa locker ko para ilagay ang iba kong gamit at dumiretso na papuntang private room. Habang naglalakad ay may pumatid sa akin. Ramdam ko na may mga estudyanteng nagulat dahil sa nangyari.

"Ms. President"

"My gosh transferee pa naman din tapos ganyan agad ang ginawa nila sa President."

"Patay sila sa President niyan"

Yan ang mga narinig kong bulungan.

"Oh, sorry. Here let me help you."sabi ng pumatid sa akin sabay abot ng kamay.

Inabot ko ang kamay niya pero hindi ko na pala dapat ginawa iyon dahil bigla niyang binitawan ang kamay ko.

"HAHAHAHAHAHAHA" rinig kong tawanan nila na mas lalong nagpalakas ng bulungan.

Nang tingnan ko sila ay hindi lang pala siya nag-iisa dahil may dumating pang tatlong bwiset. Badboys.

Lahat sila ay may mga ngisi sa labi maliban sa isa na mukhang seryoso. Pansin ko din ang isa. My cousin.

"Oh my gosh Niella. What happened to you." rinig kong tawag ni Iah kasama sina Vie at Kaye na palapit sa akin. Pagkalapit nila ay agad nila akong tinayo.

"Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong sa akin ni Vie at tumango naman ako bilang sagot at hinarap ang mga asungot na pumatid sa akin. Dumadami na din ang mga estudyanteng pumapalibot sa amin.

"New faces means new students" nakangising wika ko sa kanila "Pasalamat kayo at first day ngayon dahil kung hindi ay baka may nangyari nang masama sa inyo ngayon pa lang."

Umalis na kami sa lugar na iyon at dumiretso sa private room.

"So Kaye what's the news?" tanong ko pagkaupo.

May iniabot naman sa amin na folder si Vie.

"Yan ang mga natanggap na transferee" wika ni Vie.

Every year ay tumatanggap ang school ng mga 1,000 na transferees para pumalit sa mga grumaduate na estudyante pero kalahati lang sa kanila ang natatanggap.

"By the way gusto ko makilala kung sino ang mga pumatid sa akin kanina." utos ko sa kanila at tumango naman sila.

"Here's they're picture" wika ni Kaye at ipinakita sa amin ang isang picture.

Si Vie ang Secretary ng Student Council, habang si Iah ang Auditor at si Kaye naman ang isa sa mga miyembro ng Tierra Allegra Public Information Office. Habang binabasa ang mga pangalan ng nasa folder ay nagulat ako nang mabasa ang pamilyar na pangalan.

Shanaiah Loraine from Milled Stone Academy

"Looks like someone found me" bulong ko sa sarili na narinig pala ni Iah na katabi ko lang.

"Oo nga" wika niya at ipinakita sa akin ang folder na hawak niya.

Sebastian Kier Demir from Milled Stone Academy.

Tadhana nga naman.

"Found it" sabay sabay na wika ng tatlo at ibinigay sa akin ang mga folder na hawak nila.

Ezekiel Ken Recile from Milled Stone Academy

Denver Kyle Cezar from Milled Stone Academy

Lucas Fhalia from Milled Stone Academy

Xenon Bryan Santos from Milled Stone Academy

"Pare-pareho pa talaga sila ng school na pinanggalingan" komento ni Iah na nasa likod ko at nakikibasa din.

Ang totoo ay meron naman talagang opisina ang Studend Council kaya lang dahil hindi kami madalas magkasundo ng ibang miyembro ay humiwalay na lang kaming apat.

Natigil kami ng may kumatok sa pinto. Binuksan ito ni Vie at bumungad sa amin ang isang miyembro ng Tierra Allegra Executive Commitee.

"Nakahanda na po ang mga transferees sa gymnasium para sa orientation. Kayo na lang po ang hinihintay" wika nito sa amin kaya sumunod na kami sa kanya papunta ng gym.

Chapter 2

Chapter 2: Orientation

Niella's POV

Nang makarating kami sa gym ay madami nang transferees ang na andoon. Nakahiwalay ang mga transferee na first, second, third at fourth year.

Umakyat na din kami sa stage kung saan naka-upo na din ang Vice President, Treasurer, at ang dalawang miyembro ng Tierra Allegra PIO at ilang namumuno sa Tierra Allegra Executive Commitee. Kasama din nila ang Principal ng eskwelahan.

"Good Morning students. welcome to Tierra Allegra Academy." bati ng principal. "Let me introduce to you the members of our Student Council, Tierra Allegra PIO and Tierra Allegra Executive Commitee. Introduce yourselves please."

"I'm Eriniella Heratlair the President of Student Council" pakilala ko.

"Hello transferees. My name is Zera Camille Vainley your Vice President." nakangiting wika ni Camille.

"Hi everyone, I am Via Liviex your Secretary. So if you have any concerns just come and find me." wika nito at kuminfat pa. Kahit kailan talaga ginagamit niya ang charisma niya.

"Good morning students, I will be tour Treasurer for this year my name is Azico Faith Versoza"

"Hello everyone my name is Nikki Jazeiah Vertex. Ang taong nagmahal pero nasaktan din." pagpapakilala niya kaya naman napuno ng tawanan ang gym. Siya kasi ang laging humuhugot sa amin.

"God Morning students. I am Precious Rose Ocampo, your PIO representative"

"Bonjour students. In French that means Hi or Good Morning. I am Liah Kaye Miere one of the PIO representative." pakilala ni Kaye. Bagay sa kanya ang maging PIO dahil kaya niyang malaman kung totoo o hindi ang isang balita.

"Hello students. My name is Lila Light Requillo. Huwag kayong mag-alala dahil lahat ng ibabalita ko sa inyo ay hindi mga kasinungalingan."

Sumunod namang nagpakilala ang ilang miyembro ng Tierra Allegra ExeCom.

Tiningnan ako ng principal at alam ko na ang kahulugan noon. Ako naman ang pumalit sa pwesto niya. Kahit alam ko nandito ang taong pinaka ayokong makita ay tinatagan ko ang loob ko.

"Ngayon naman ay hahayaan ko ang Student Council President na i-orient kayo. And also wag kayong matakot sa kanya, she may be serious but she has a good heart. Mabait siya sa mabait at masama sa masama. So without further ado, your President."

"Muli, magandang umaga sa inyong lahat. Unang-una mraming salamat dahil sa pagpili ng eskwelahang ito. Huwag kayong mag-alala dahil sinisigurado naming Student Council pati na din ng ExeCom na magiging maganda ang pag-aaral ninyo dito." panimula ko. "First of all, let's discuss the rules. Like other school we also have detention but unlike them na kapag nakatatlovkang detention ay expelled kana, dito ay kapag naka limang detention ka expelled ka na."

"Dito wlang maya-mayaman. Pantay-pantay ang tingin. Kaya sa mga bully diyan ngayon pa lang ay binabalaan ko na kayo. Kung may nalaman kayong balita, huwag kayong mag-alinlangan na pumunta sa mga PIO natin." pagpapatuloy ko. "All of you get the folder under your chairs. Andyan ang mga rules and regulation na kailangan ninyong sundin. Pati na sa mga lalaki diyan ito ang pinaka importanteng rule. As we call it the GOLDEN RULE."

Nakangit kong tiningnan ang lahat na tila ba iniisip kung ano ang GOLDEN RULE.

"The GOLDEN RULE is all of you boys have to respect the girls. Hindi naman sa ibig sabihin nito ay mawawalan na ng karapatan ang mga lalaki na kausapin ang mga babae. Pwede naman kayong makipag-relasyon pero isa lang ang hinihiling ko sa inyo iyun ay ang respetuhin ninyo ang mga babae. That's all. Again good morning to you all. I hope you have a great day. Thank you."

Pagkatapos magsalita ay umupo na ako at napuno naman ng bulungan ang buong gym.

"Hindi na ako magtataka kung bakit siya ang President. Galing magsalita."

"Ang galing naman niya"

"Sana hanggang pag-graduate natin nandito pa din siya."

Pumalit naman sa akin ang Principal.

"Narinig niyo naman ang sinabi ng inyong Student Council President hindi ba. Just follow the rules and you won't get into detention. Maaari na kayong umalis at pumunta ng inyong mga klase. Huwag kayong mag-alala kung late na kayo sa mga klase niyo dahil maiintindihan naman iyun ng mga teacher ninyo." utos nito na agad namang sinunod ng mga estudyante.

"Nice one Niella. Once again you've did your job well." puri sa akin ng Principal.

"Salamat po Madame Principal." pasasalamat ko sa kanya.

"Halika na Niella at baka mahuli na tayo sa klase na tayo" aya ni Vie. Mahalaga talaga kay Vie ang pag-aaral.

"Sige po Madame Principal mauna na po kami." paalam ko na tinanguan naman niya.

Halos wala nang estudyante sa gym pero may tao na nakakuha ng atensyon ko. Shane and Seb.

Mukha namang napansin nina Vie ang tinitingnan konkaya hinila na nila ako palabas. Pero bago pa man ako tuluyang makalabas ay nahuli kong nakatingin sa akin ang pinsan kong si Kyle na mukhang nag-aalala.

"Are you ok?" nag-aalalang tanong ni Iah, siya talaga ang pinaka maalalahanin sa amin.

Tumango na lamang ako bilang sagot at naglakad na kami papuntang room. Pagdating namin ay naroon na ang teacher pero hindi nito alintana kung late kami o mga transferee dahil galing pa kami ng orientation maliban na lamang kung dati ka pang eatudyante dito.

Kumatok muna kami para maagaw ang pansin ng guro.

"Good morning ma'am. Sorry po late kami." paumanhin namin sa guro. Kahit alam nito na pumunta pa kami orientation ng mga transferee.

"Ayos lang hindi pa naman kami masyadong nakalalayo sa lesson. Maupo na kayo." wika nito sa amin kaya pumunta na kami sa aming upuan sa dulo.

Sana lang ay hindi ko kaklase yung pinsan ko pati na yung dalawang asungot. Nagpatuloy lang sa pag-discuss ang guro namin ngunit nahinto ito ng may kumatok ulit sa pinto.

Lahat ng atensyon namin ay napunta dito. Nagulat na lang ako ng makita ang pamilyar na mukha. Mukha namang nagulat din ang tatlo kong katabi kaya nakatinginan kami. Ang iba namang babae sa room ay mga kinilig dahil sa nakita.

"Transferee din ba kayo?" tanong ng guro sa kanila.

"Yes po mam" sabay-sabay nilang sagot.

Chapter 3

Chapter 3: Secret Garden

Niella's POV

"Pasok na kayo and introduce yourselves." wika ng guro namin kaya pumasok na silang anim. Kailangan ba talaga magkakasama sila. ARGGHH!

Naunang magsalita ang ex ko. "Hello I am Sebastian Kier Demir. Hope we all get along." Kasunod naman and girl friend niya. "Hello everyone my name is Shanaiah Loraine and Seb is my boyfriend" pakilala niya na tila ba may pinariringgan na obviously ako.

"Pag ako talaga hindi naka tiis masasabunutan ko yang babaeng yan." ring kong bulong in Vie name ikinatawa ko.

Sumunod naman na magpakilala ang apat na natitira na dahilan upang lalong lumakas ang tilian sa loob ng room. Nauna ang lalaki kanina na seryoso nang patidin nila ako.

"Ezekiel Ken Recile" maiksi niyang pakilala. Hindi lang seryoso kaunti pa magsalita.

"Hi everyone. I am Denver Kyle Cezar, cousin of the Student Council President" nanlaki mata ko sa huli niyang sinabi. Kailangan pa ba talaga sabihin iyun. Yabang talaga. Hindi pa din siya nagbabago.

Nakita ko na lang na nakatingin na sa akin lahat ng tao sa room. Bwisit kasi bakit kailangan pa niyang sabihin yun. Kainis!

Buti na lang at nagpakilala na ang sunod nilang kasama at nawala na sa akin ang mga matang nakatingin.

"Hey girls don't you worry makakasama niyo din ako. Lucas Fhalia" wika niya at kumindat pa kaya nagtilian and mga babae. Womanizer.

"Xenon Bryan Santos everyone" Sabine nito na may padila pa sa labi at kindat. Playboy.

"Thank you for that but before you seat I wanna ask you a question. Bakit ngayon lang kayo hindi ba dapat kanina pa kayo nandito, nandito na ang miyembro ng Supreme Council?" tanong in mam as kanila.

"Sorry po mam. Hindi po kasi namin alam kung nasaan yung building natin." paliwanag ni Kyle. Sila may ari ng school na ito tapos Hindi alarm kung nasan yung building namin. Gatling talaga magpalusot.

"Sige, maaari name kayong maupo" utos ni mam na agad naman nilang sinunod.

Naupo sa likod namin ang apat at sa harap naman namin sina Seb. Nagpatuloy lang sa pagdiscuss si mam.

"DISCUSS"

"DISCUSS"

"DISCUSS"

Nang mag-ring ang bell ay agad name naglabasan ang mga kaklase namin kasama na ang anim kaya bale naming apat na lang ang natira pati na din ang guro namin. Palabas na kami nang tawagin ako ni mam.

"Niella, sandali lang"

"Bakit po?" tanong ko.

"Alam ko na hindi talaga naligaw ang pinsan mo kanina pati na din ang mga kasama niya. Pwede bang pagsabihan mo siya" paliwanag niya. "Takot kasi ako na mawalan ng trabaho kaya kunwari naniwala na lang ako sa kanya."

"Sige po" sagot ko. Pagkatapos ay umalis na kaming apat at pumuntang private room.

Nang makarating kami ay napansin agad namin na nakabukas ang pinto. Wala pang nagtangkang pumasok diyan hanggang ngayon.

Nagkatinginan kaming apat na at tumango sa isa't isa. Kanya-kanya kaming kumuha ng panghampas.

Kinuha ko at ni Iah ang arnis na malapit sa pinto. Habang pinatunog naman nina Vie at Kaye ang mga daliri nila. Dahan dahan kaming pumasok at naghiwa-hiwalay. Pumunta ako sa maliit naming kwarto.

Nang mapansin kong naka-awang ang pinto ng kwarto ay mabilis akong tumakbo papasok dito. Nang mapansin kong may tao dito ay pinagha-hampas ito.

"Aray! Aray! Aray! Ano ba!" reklamo ng taong ito. Nang mabosesan ko ito ay tinigil ko ang paghampas dito.

"Kyle? What in the world are you doing here?!" tanong ko dito.

Sakto namang narinig ko ang mga yabag ng paa na papalapit sa amin.

"Anong nangyayari dito?" tanong nito. Nang makita kami ay mukhang alam na nito ang nangyari.

"Tito, anong ginagawa nila dito?" tanong ko dito dahil nakita ko sina Vie pati na din ang mga kaibigan in Kyle.

"Alam mo naman siguro diba na kaya lang namin binigay sa inyo ang kwartong ito dahil hindi kayo nagkakasundo ng---"

"Sige na po. Pwede na po mag-stay dito sila Kyle. Basta huwag lang silang mang-gugulo" pagputol ko kay Tito.

Natawa naman ito sa sagot ko. Ayoko kasing pinag-uusapan iyon. Nang maalala ko ang sinabi ng guro namin kanina ay agad ko itong sinabi kay Tito. A little revenge ba.

"Hayaan mo na. Pag pinakilala ko na siya bilang anak ko siguro ay titigil na siya." sabi ni Tito

"Kailan niyo po siya ipapakilala?" tanong ko dito pero ngumiti lang siya.

Nagpaalam na siya sa amin dahil may gagawin pa kami. Habang kami naman ay nag kanya kanya na ng upo at kumuha ng pagkain sa cabinet. Maya-maya lang ay may narinig na kaming katok.

Binuksan ko ito at bumungad sa akin si Tito. "May nakalimutan po ba kayo?"

"May family dinner nga pala tayo mamayang 7pm. Sa French Restaurant okay." sagot nito sa tanong ko.

"Sige po. Promise I won't forget it this time" nakangiti kong wika dito at natawa naman siya sa huli kong sinabi.

"Enjoy. Bye"

"Hindi na makakalimutan ha" pang-aasar sa akin ni Kaye pagpasok ko.

"Tsismosa ka talaga" wika ko dito.

Napabuntong hininga na lang ako nang mapansin ang kasama namin dito. Ang kalat bwisit.

Kukuha na ulit ako ng pagkain ng marinig ko ang sinabi ng isa.

"Hindi na ako magtataka kung bakit ka iniwan ng boyfriend mo. Pabago bago ugali mo. Kanina galit, seryoso, masaya tapos ngayon naman seryoso." reklamo nito.

Tiningnan ko naman siya mata sa mata.

"You're Ezekiel right? Well pasalamat ka talaga dahil first day ngayon dahil kung hindi baka dalawang beses ka nang na detention." galit kong sagot dito bago siya nilagpasan.

Narinig ko pang tinawag ako nina Vie pero hindi ko ito pinansin. His words. That exact words.

Narating ko na ang gusto kong puntahan. Ang aking Secret Garden. Tiningnan ko muna ang paligid bago binuksan ang pinto. Nang makapasok ako ay nilanghap ko ang sariwa nitong hangin.

Umupo ako sa swing na nakasabit doon at doon na nga tumulo ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan.

Ang sakit pa din pala akala ko nakalimutan ko na hindi pa pala. Ang mga sinabi niya yun na yun din ang sinabi sa akin ni Shane nang malaman ko ang totoo.

Download MangaToon APP on App Store and Google Play

novel PDF download
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download MangaToon APP on App Store and Google Play